webnovel

Treinta y Siete

Uno POV

I wake up lying on my bed. I can feel the pain from my right arm. It confirms that everything that happened that night is real.

I saw Sies beside my bed. He's looking at me as if he's disappointed.

"You're stupid, Uno." Bungad nito sa akin, "Why did you came back?"

Napabangon ako sa kama ko ngunit dahil masakit ang braso ay napasandal ako sa head board.

"Don't worry. Hindi ako mag tatagal dito para lang makulong ulit. Aalis na ako ngayon para iligtas si Haven kay Jino. Alam kong may masama silang gagawin kay Haven." Saad ko

Iiling iling ako tinignan ni Sies, "You're really stupid, Uno. You lose our safety pin. You lose Haven. Alam mo bang kung nasa atin si Haven ay walang mangyayaring masama sa atin? Kung hindi mo siya hinayaang makuha ay sana ayos ang lahat." Bumuntong hininga ito, "Isa si Haven sa pinakaimportanteng tao kay Jino, umaasa akong hindi siya masasaktan doon. Pero ikaw? Masasaktan ka talaga sa Chairman."

Kumunot agad ang noo ko dahil sa mga sinabi nito, "Haven is not a safety pin, Sies. She's my fianceé. Tyaka anong ibig mong sabihin na pinakaimportanteng tao kay Jino? Because Jino loves her? I don't trust him. Sa hilatya palang ng mukha noon ay alam kong may gagawin siyang masama kay Haven."

Nag kibit balikat ito tyaka kinuha ang isang folder at ibingay iyon sa akin. Hirap na hirap man sa braso ko ay kinuha ko parin iyon at binasa.

Adaption paper iyon ni Jino, Mona, Waquine at Mandy.

"Why do you have these? And what's the connection of all of these?" Lito parin na tanong ko

"Before you leave, you asked me to look into Jino's organization. They're all adopted. Paano nga kaya kung kinuha ni Jino si Haven para gamitin against you? Or us? Cinco said na gusto raw ng pinuno ng organisasyon nila na makita si Haven. What will you do now?" Saad ni Sies

Galit ang agad na namuo sa loob ko. The fact that hindi ko namalayan ang plano nila na iyon ang nag papainit ng ulo ko. I let my guard down kaya mabilis nilang nakuha si Haven.

Tatayo sana ako upang mag punta kay Jino pero pinigilan ako ni Sies.

"You can't leave the Castle. Butler Zed is here now. Binilinan siya ng Chairman na h'wag kang paalisin dito unless you are going to work." Saad ni Sies

Naihilamos ko ang kanang kamay ko sa mukha ko dahil sa inis. Kahit mag pumilit akong umalis sa kastilyong ito ay hindi ako makakalabas.

An idea suddenly pop up to my head.

"I need help from you and Tres. Help me to get her again." Pakiusap ko dito

Saglit pa itong natigilan at inilibot ang tingin sa kabuuan ko. Matapos gawin iyon ay kaagad itong napangisi.

"Haven is really not a joke. Seeing you plead to me gives me a goosebumps. I'll help you but I can't guarantee Tres. He's busy now dahil umatras ka sa kasal niyo ni Kanoepy, ginigipit ang kumpanya niya." Saad ni Sies

Mierda! Malamang ay magagalit sa akin si Tres. Mahihirapan akong makiusap sa kaniya.

I look into the folder that Sies gave me. I found something strange here.

"Their names are weird. Para silang inampon para sa organisyon. Bakit sila pumayag?" Takang saad ko

"You know what's more weird? I found that adoption papers on Chairman's office. As if pinag aaralan niya rin ang mga ito. Maybe because of what happened to Siete and Cuatro?" Saad ni Sies

Hindi nangingialam ang Chairman sa mga gawain namin kaya nakakapag taka kung siya mismo ang may hawak ng mga papel na ito. Kadalasan, ang mga ganitong impormasyon ay nasa akin o kay Dos.

Bakit sobrang interesado ang Chairman sa organisasyon na ito? Alam kong hindi ito patungkol lang kay Siete at Cuatro. Mas malalim pa ito.

Sies gave me another paper. This time, it is an autopsy. Mamá and Papá's autopsy report.

"He lied. They did not die on a car accident. They died because of a high degree of burn. Nasunog ang katawan nila, Uno. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit matagal ko nang pabagsakin ang Chairman. He kept on using us and locking us inside this f*cking Castle." Galit na sabi ni Sies

Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ito ang kinuwento niya sa amin noong pitong taong gulang palang ako. Ang sabi niya ay namatay ang mga magulang namin dahil car accident.

What are you hiding, Chairman?

"Any other information?" Tanong ko

Inilabas nito ang sobreng natanggap namin noong binigti si Siete. Mayroon ring isa pang itim na sobre ngunit mas matingkad ang kulay nito.

"This is the first letter that we received from Organización de Serpientes." Iniangat niya ang sobreng itim na hindi katingkaran ang pag ka-itim. Iniharap niya rin ang likod ng sobre, "Walang ahas. Ito naman ang huling liham na natanggap ko galing sa Organización de Serpientes. Matingkad ang kulay ng sobre at may ahas na pula sa likod."

Sinuri ko iyon at nakitang sobra ang pagkakaiba nila. Masyadong malabo kung iisiping nag iba ng estilo ang sobre nila. Hindi maari iyon dahil may sariling tatak ang bawat organisasyon.

Bigla ay bumalik sa isip ko ang sinabi ni Haven.

"Maaring may nag papanggap na Organización de Serpientes, Sies. Kailangan nating malaman kung sino iyon. Kung sila Jino ba o may iba pa. Dahil kung sila Jino iyong peke, mapapatay ko talaga siya kapag may ginawa siyang masama kay Haven." Saad ko

Tumango tango si Sies.

Hindi ko talaga inaasahan na kaya sila ganoon kalapit kay Haven ay dahil gusto nila itong makuha. Bawat minuto na wala si Haven sa tabi ko ay para akong mababaliw. Hindi ko alam kung anong naging lagay niya.

Sumagi sa isip ko ang nangyari nang araw bago mangyari ang lahat. Masaya lang kami at hindi namin inakalang magiging ganito. Nag punta pa kami sa simbahan para mag paschedule ng kasal. I even gave her the other pair of keychain that she threw on the beach on my birthday. I remember how she almost cried because she thought that I left it there.

Damn these organization. It keeps on messing my life. I will never be part of it again. I will end it sooner or later.

As Sies said, makakalabas lang ako kung babalik ako sa ospital ko. I did that para mabawasan ang galit ng Chairman sa akin. Ayaw kong umabot sa punto na lahat ng galaw ko ay lilimitahan niya. Ayos na sa akin ang may mga nakabantay lang na tauhan niya sa ospital ko.

I always use my burner phone to contact Sies and Tres. Madali lang itong itapon kung sakali at wala ring bakas.

From: Tres

I'm on my way, Uno.

From: Sies

Found something but I don't get it. Maybe you can decode it.

Matapos tignan ang nga mensahe nila ay kaagad kong binulsa ang burner phone ng patago. Alam kong may camera sa buong opisina ko kaya itinago ko rin iyon sa pamamagitan ng mga libro at dyaryo.

I signed the last paper and head out of my office. As expected, mayroong bantay sa labas ng opisina ko. Sinundan lang ako nito hanggang sa makarating ako sa lobby. Sakto at nakita ko si Dra. Alcantara.

"I have something to ask." Saad ko kay Dra. Alcantara

Inilakas ko iyon upang marinig rin ng tauhan ng Chairman. Mabuti at may kaunting respeto pa ito sa privacy kaya naman lumayo ito.

"Ano po iyon, Doc Uno?" Tanong nito

Pasimple kong tinignan ang kamay at batok nito dahil nakataas naman ang buhok nito. Sinusuri ko kung mayroon ba itong organisasyong kinabibilangan.

"Do you know Jino Sancrostobal?" Tanong ko

Tumango tango ito, "He's an intern here, Doc Uno. May problema ba sa kaniya?"

"Kailang siya huling pumasok?" Tanong ko

Bahagya itong napaisip, "Last seventeen days ago, Doc Uno. Actually, he already quit his job." Saad ni Dra. Alcantara

So he's been spying on us for fifteen days?

"Thank you." Saad ko at umalis na

Sumunod parin sa akin ang bantay ko. Pero dahil nalingat ito ay umikot ako papunta sa likod ng ospital kung saan nandoon ang kotse ni Tres. Lulan rin nito si Sies.

Nang makasakay ako ay kaagad na pinaandar ni Tres ang sasakyan niya. We decided to have a hideout na kami lang tatlo ang makakaalam. Other Syns are busy so we can't bother them.

Nang makarating sa hideout ay inilabas ni Sies ang folder. Isa iyong money transfer sa Organización de Serpientes twenty two years ago, the same year when our parents died.

Does this mean that they are in good relationship before? 1 billion is not a joke.

Itinuro ni Sies ang lugar ng lugar kung saan dapat may pirma. Nakita ko ang pirma ng Chairman pero wala ang pirma ng organisasyon na pinagpasahan nito.

1 Billion transfered to Organización de Serpientes.

"Uno, the whole transaction is weird. I did my research, hindi pa naitatatag ang Organización de Serpientes ng panahon na iyan. Naitatag lang ito taong 2005. If I do have 1 Billion, within the year of 1999 or 2000, I will build it immediately." Saad ni Sies

"The money that is use to build the Organización de Serpientes is from the King of Spain, Uno. Hindi sa organisasyon natin galing." Si Tres

Kumunot ang noo ko dahil doon.

"So you mean, nanakawan tayo? Saan ito napunta?" Tanong ko

Malalim na napaisip silang dalawa dahil doon.

"Teka. May naisip ako, pero sana ay hindi ito mag kakonekta." Saad ni Tres, "Coinsidence lang ba na 1 Billion rin ang utang ng magulang ni Haven? Hindi naman sila mag kakonekta 'di ba?"

Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako at pinag pawisan sa naisip.

Magulang niya ba ang nag nakaw sa organisasyon namin? Kaya ba ganoon nalang ang pag kakaalam ng Chairman kay Haven?

Chairman set a meeting before we met Haven. Nasabi niya sa aming lahat na may utang na 1 Billion ang magulang nito kaya ito mag tatrabaho sa kastilo.

"Goosebumps. If ever na mag kakonekta iyan, mag uumpisa na akong kwestyunin ang existence ni Haven. Alam ko ay wala na siyang magulang. Patay na iyon. Nasaan na napunta ang 1 Billion? Nasayang lang?" Saad ni Sies

May mali dito. Hindi ko lang mapunto kung ano pero alam kong may nali dito. Sinasabi ng utak ko na mag kakakonekta ang lahat. Mula sa pag kamatay ng magulang ko, sa perang nawala sa organisasyon, sa utang na binabayaran ni Haven, at sa money transfer na nasa harap ko.

"Tres, pupunta tayo sa Chairman. Ngayon na." Saad ko

Nag aalangan man ay sumunod nalang si Tres. Ginabi na kami ng biyahe papunta sa mansion ng Chairman. Nang makita ako ng matauhan ay kaagad silang nag bigay galang.

Nang makapasok sa opisina ng Chairman sa itaas ay nagulat ito. Matapos noon ay nag tatakang tingin naman ang ibinato sa akin.

"Hindi ko inaasahan ang presensya mo dito, Uno. Anong kailangan mo?" Pang uusisa ng Chairman

Inilapag ko sa harap nito ang money transfer paper. Kunot noo niya iyong tinignan.

"What is this?" Tanong ng Chairman

"Money transfer twenty two years ago, Chairman." Sagot ni Sies

Kunot noo niya iyong tinignan at binuksan ang laman ng folder. Nag salubong ang kilay nito marahil dahil sa pag tataka.

"I don't know about this. You knew that I hated this organizations since the day it is established. They're our competitor." Saad ng Chairman

"Are you lying? You signed it!" Inis na sabi ni Sies

Hinawakan ni Tres si Sies sa balikat upang kumalma ito. Pumunta rin si Tres sa unahan nito.

"Are you sure? This strange. It is your signature right?" Sunod sunod na tanong ni Tres

Sinuri ito ng Chairman. Kinuha pa niya ang kaniyang salamin at tyaka iyon pinakatitigan.

"Where did you get this?" Tanong ng Chairman

"Sa dati niyong kwarto sa Castillo." Sagot muli ni Sies

Noong buhay pa ang Papá ay doon ito nakatira dahil nga unico hijo lang ang tatay namin.

"Let me have this because I don't even remember signing this paper. You know that I only sign paper when it is really important. I often let you handle you all the papers." Saad ng Chairman, "Ito lang ba ang isinugod niyo dito? Hindi iyon ang nararamdaman ko."

Bumuntong hininga ako, "Si Haven." Paumpisa ko, doon palang ay nakita ko na ang galit sa mata niya, "Who's her parents? Bakit sila nag karoon ng utang na 1 Billion? Does that money transfer and her parents debt are connected?"

"I don't want to talk about it, Uno. Everything about that woman. She ruined your engagement with Kanoepy." Saad ng Chairman at halatang galit ito

Hindi ako nag patinag, "No. We will talk about this now. Desisyon ko ang hindi mag pakasal kay Kanoepy. Walang kasalanan si Haven. Now tell me, are they connected?"

Ngumisi ang Chairman. Marahil dahil sa pag sagot ko dito.

"Are you even prepared to marry that woman? How much do you know her? Do you know what kind of family she have?" Sunod sunod na tanong ng Chairman

Muli ay kinabahan ako. Sinasabi na ba niya na mag kakonekta ang mga ito? Paano?

"That's why I'm asking you this matter! To know her more! Imposibleng wala kang alam sa pamilya niya dahil nalaman mong siya na ang huling parte ng pamilya niya. Matagal niyo na siyang minamanmanan!" Sagot ko

Naramdaman ko ang pag kapit ni Tres sa balikat ko, pinapakalma ako.

"Fine. I will give you answers, Uno. Just make sure you know how to handle pain. This is fine to me. It is like hitting two birds with one stone. I will win you again, and you will let go of that good for nothing woman." Saad ng Chairman

Naikuyom ko ang kamao ko dahil lubos kong hindi nagustihan ang mga sinabi nito. Ngayon palang ay gusto ko nang wakasan ang buhay niya. Masayang masaya itong pinag lalaruan ang buhay naming lahat.

"Ilalabas ko ang lahat ng tanong sa utak niyo sa lalong madaling panahon, Uno. Kailangan ko lang hanapan ng kasagutan ang papel na ito." Saad ng Chairman at itinuro ang papel, "Tiyak akong mas gugustuhin niyong malaman ang lahat kapag kumpleto na ang ebidensya."

With those words, we knew something awaits on us.

Nang makauwi sa bahay ay naabutan kong nakaupo sa living room ang mga kapatid ko. Nag tataka pa ang mga ito dahil mag kakasama kaming tatlo.

"Hey. What are you all up to? You're working as team?" Sunod sunod na pang uusisa ni Cinco

Si Tres na mismo ang nag kwento dito. Ako naman ay nag tungo sa kwarto ko upang mag handa sana para matulong ngunit isang bagay ang nakapukaw ng atensyon ko. Sa balcony ay maroong nakatayong anino.

Dahan dahan kong kinuha ang baril sa drawer ko itinutok iyon doon gamit ang kanang kamay ko. Dahan dahan akong lumapit doon at hinawi na ang kurtina ngunit wala na iyon doon. Mabilis kong tinignan ang baba ngunit wala akong naabutan kung hindi akong sobreng itim na nasa paanan ko. Inilagay ko sa bewang ang baril na hawak ko at dinampot iyon. Mabilis ko rin itong binuksan dahil alam kong galing ito sa Organización de Serpientes. Mayroon ring pulang ahas na tatak ito kaya mas naging interesado ako sa laman.

Uno Syn,

We would like you to know that Haven is fine. She's doing well without you. And she will be forever fine without you at all. She will be back, but don't expect her to be the same. Things will be different when she return. Prepare yourself.

O.D.S

Kalakip ng mensaheng iyon ang litrato ni Haven. Mayroon itong hawak na notebook. Ang notebook na hinding hindi ko malilinutan.

Ang diary ni Heaven.

Why does she have that? We are not allowed to read that book. Did Haven steal it? For what?

Pakiramdam ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko. May alam na siya malamang sa malamang. Kaya niya nasabing baka dalawa ang Organización de Serpientes dahil sa mga isinulat ni Heaven doon.

Natatakot ako para kay Haven. Baka kaya ito kinuha ay dahil marami na itong alam sa aming mag kakapatid. Gusto ko nang malaman ang sagot sa money transfer na iyon upang makuha ko na si Haven sa kung saan mang impyerno ito nandoon ngayon.

Tanging itong litrato na muna ang panghahawakan ko. Maayos siya at walang anumang galos. Kasama niya si Mona. Kahit kabilang ito sa ibang organisasyon ay umaasa akong aalagan niya ito.

Lumipas ang isang linggo at wala paring nag bago. Patuloy lang na nag papadala ang Organización de Serpientes ng mga litrato ni Haven. Subukan ko mang puntahan ang kinaroroonan ni Haven ay hindi ko magagawa. Mamamatay ako sa oras na nilabag ko ang Chairman ngayon. Ubos na ang pasensya nito sa akin. Mas lalo kong hindi makikita si Haven kapag nag kataon. Dagdag pa doon, ngayon lang gumaling ang braso ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at naabutang papalabas na rin ang mga kapatid ko. Dati rati ay hindi sila ganito kung tumingin sa akin. May respeto ang tingin nila sa akin noon. Ngayon ay para bang napakababa ng tingin nila. Marahil dahil sa desisyon kong sumama kay Haven. Wala akong pinagsisisihan.

Nang makarating sa baba ay tumambad sa amin ang Chairman. Nakangiti ito na para bang noong buhay pa ang Papá. Iyong totoong ngiti at hindi insulto. Ang mas nakakapag taka dito ay sa akin ito nakatingin. Hindi ko itatanggi na mag kalapit na mag kalapit ang itsura namin ng Papá. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ako ang palagi nitong paboritong pag buntungan ng galit niya. Ngunit hindi niya rin ako kayang itaboy.

"Gusto kong sabayan kayo na mag almusal. Gusto ko rin na sabay sabay niyong malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng magulang niyo. Ayaw na ayaw kong naguguluhan kayo." Saad ng Chairman

Tahimik kaming lahat na sumunod dito. Alam ko sa sarili ko na may mali sa umagang ito ngunit nag sawalang bahala ako.

Bihira lang kung pumunta dito ang Chairman. Kung tutuusin, simula noong namatay ang Papá at Mamá ay hindi na ito nag lagi dito. Tinakasan niya ang memorya ng Papá habang kami naman ay ikinulong niya dito.

"Dito na ako titira ulit. Nais kong ako na mismo ang mag bantay sa inyong pito." Anunsyo ng Chairman sa kalagitnaan ng almusal

Naibuga ni Cinco ang kapeng iniinom nito sa gulat. Marahil dahil alam niyang ayaw dito ng Chairman.

"B-bakit?! Where fine here without you." Saad ni Cinco

Tumango tango ang Chairman, "Before, Cinco. But from what I've found out, hindi na kayo ligtas na kayo lang," sagot ng Chairman.

Ano na naman iyon?

"After a thirty years of being a butler, Zed decided to quit his work. He'll be flying to Spain soon to live his remaining days there." Saad ng Chairman

And why is it so sudden?! Something is not right here!

"Can you go straight to the point? Why did our parents died from a high degree burn? You lied. You said that they died on a car accident." Saad ni Sies

Naibaba ng Chairman ang kubyertos nito at tumingin ng diretso sa akin. Palibhasa ay nasa dulo rin ito ng mahabang mesa kaya naman sa akin ito diretsong nakatingin.

"Yes, I lied. Because you we're too young to know what really happened," paunang salita ng Chairman. "They died because of Haven's parents. They steal money from our organization and let your parents get killed inside that hang out house."

Lubos na nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinato ko sa Chairman.

"I did not signed the money transfer. It is Haven's parents who copied my signature. Your parents and Haven's parents used to be friends in college. Maybe they did that because they want a better life for their daughter." Tumawa ang Chairman at tumingin sa akin, "And now you want to live with her? Her parents is the reason why your Mamá and Papá are gone. I told you, Uno, you and Haven can't be together. I warned you all not to date her, you did not listened. Bare the concequences."

Mamá and Papá, is that true?

Inilabas ng Chairman ang litrato ng magulang ko kasama marahil ang magulang ni Haven.

"If only I had known that they will kill your parents, I should've killed them. But since they're dead, I let their daughter play the part. Fate is in my side, she's with our enemy's side. They can't use Haven against us." Saad ng Chairman

Nabingi na ang tenga ko dahil sa mga nalaman. Nabuhay muli ang galit na tinago ko sa loob ng twenty two years. Alam ko sa sarili kong papatayin ko ang pumatay sa magulang ko. Itinatak ko sa isip kong uubusin ko silang lahat hanggang sa wala nang matira sa pamilya niya.

Why does it need to be you, Haven?

Next chapter