40 Treinta y Ocho

Haven POV

The day after Haven has been captured…

Naimulat ko ang mata ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nailibot ko agad ang mata ko at hindi iyon pamilyar. Mabilis akong bumangon sa kinahihigaan ko at nag punta sa pinto. Nang malaman na nakalock iyon ay doon na ako nag umpisang hampasin ang pinto.

Biglang pumasok sa isip ko si Uno kaya naman mas nilakasan ko ang hampas sa pinto.

"Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko.

Walang sumagot sa sinabi ko kaya naman napadako ang tingin ko sa bintana. Binuksan ko iyon at nakitang nasa mataas na bahagi ako ng lugar na ito. Napag tanto kong nasa kastilyo ako.

Nasaan akong lugar?! Parang napakalayo ng lugar na ito.

Akma na sana akong kukuha ng kumot upang gawin iyong tali para makababa ngunit biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa sa akin sina Jino, Mona, Waquine at Mandy.

Mga sinungaling.

"Haven let us explain," paunang sabi ni Mona.

Habang lumalapit ito ay palayo ako ng palayo. Bigla ay nawala ang gana ko sa kaniya. Napalitan iyon ng takot at galit.

"Wala akong kaibigang sinungaling. Ayaw ko kayong kausap. Paalisin niyo ako dito," sagot ko.

Akma na sana akong aalis ngunit nahuli ni Jino ang braso ko. Hinila ako nito pabalik. Masamang tingin ang ibinigay ko dito dahil sa galit.

"Hindi ka pwedeng umalis, Haven," saad ni Jino.

Mabilis kong isinampal ang kamay ko sa pisngi nito. Halos naluha ako dahil sobrang sakit ng ginawa nila. Lalong lalo na ito. Naalala kong tinamaan ang braso ni Uno dahil binaril niya ito.

"Hayop ka, Jino! Demonyo ka!" Sigaw ko dito, "Hindi na ako mag tataka kung ikaw talaga iyong sinasabi ni Heaven sa diary niyang nanloob sa Castillo. Napakatanga ko para maniwala sa inyong lahat."

Kumunot ang noo nito, "Si Heaven? Nakilala mo siya? Nasaan ang diary?" Sunod sunod na tanong nito

Hinila ko sa kaniya ang braso ko at itinulak ito papalayo sa akin.

"Wala akong sasabihin. Alam kong kalaban kayo ng organisasyon nila Uno. Kahit patayin niyo ako dito ay hindi ako mag sasalita." Paninindigan ko

Naihilamos ni Jino ang kamay sa mukha tyaka ulit ako tinignan, "F*ck. That's the last piece of evidence, Haven! Kung ayaw mong ibigay, much better na ikaw ang mag basa." Sagot nito

May parte sa akin na kinabahan dahil sa sinabi niya. Para akong inaakit na basahin at tapusin na ang diary.

"We are not the bad person here, Haven," saad ni Mona.

Hindi ko ito pinansin, bagkus ay lumapit ako sa gamit ko at sinuguradong hindi nila makukuha ang diary ni Heaven.

"Here's the deal, Haven. We will let you go to Uno once you finished reading that diary and once you met the Mother and Father of the organization." Saad ni Jino

Anong mayroon dito sa diary at para bang kampante na naman si Jino? Bakit parang sigurado siyang hindi siya ang taong nasa diary ni Heaven? Malinaw na malinaw ang huling entry. Nakita ni Haven ang i.d nito at kinumpirma pa sa presinto.

Gumagawa na naman siya ng kwento. Hindi na ako maniniwala.

"You can call Mandy if you need something," muling sabi ni Mona.

Hinanap ko sa bag ko ang cellphone ko ngunit wala akong nahanap. Mabilis ko silang sinamaan ng tingin.

"Nasaan ang cellphone ko?! Kailangan kong tawagan si Uno!" Saad ko

"Ipinag utos sa amin na wala kang pwedeng kausapin gamit ang cellphone mo. Itinabi namin iyon." Saad ni Waquine

Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa galit. Paano ko malalaman kung ayos lang si Uno? Paano kung malala na ang lagay niya?!

Sinamaan ko ng tingin si Jino, "Mapapatay kita kapag may nangyaring masama kay Uno." Pag babanta ko dito

Bigla ay tumawa ito, "Sure. But before you kill me, you must finish the diary. Then you choose who you want to kill. I can hand you a gun."

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito sa kwarto. Nag sisunuran rin sina Mona, Waquine at Mandy sa kaniya.

Iniisip kong makakatakas ako dahil sa bintana ngunit nagulat ako nang sumara iyon ng kusa. Doon ko lang napag tanto na may nakakabit doon na gamit upang sumara iyon ng kusa at hindi mag bukas kung sakaling ibubukas ko iyon.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko napansin ang pag tutulungan nila. Sa haba ng panahon naming naging mag kaibigan ni Jino ay naging bulag ako. Kaya pala ganoon nalang ang pagiging close ni Mona sa kaniya. Kaya pala noong unang kita ni Mona kay Waquine ay nagulat ito. Kaya pala si Mandy lang ang kumakausap sa akin sa Castillo. Hindi ako papayag na gawin nila akong napakot kay Uno.

Wala akong nagawa kung hindi ang basahin ang diary. Manipis nalang iyon at kaunti nalang ang sulat. Gustong gusto ko na talagang umuwi kay Uno. Kukunin ko siya ulit sa Castillo na iyon.

Binuksan ko ang diary ni Heaven at nagbasa na.

August 20 2019

Dear Diary,

Patuloy kong minatyagan ang Jino na iyon. Mabuti nalang at malapit lang ang presinto sa university nito. Wala akong napapansing kakaiba nitong nakaraan pero may isang pumukaw ng atensyon ko. Iyong kasama niyang babae. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko matukoy ang pag kakakilanlan nito.

August 30, 2019

Dear Diary,

I'm sure that something is in that garden. Mabuti nag paalam na aalis si Butler Zed. Kanina ko lang pinasok ang garden at wala naman akong nakitang kakaiba. Kamuntikan akong mahuli ni Tres kaya naman bumalik ako sa loob.

September 10, 2019

Dear Diary,

Madaling araw umalis si Tres at ang mga kapatid nito. Naisip kong isa iyong magandang tyansa para pumasok sa garden. Hindi ako nag kamali ng kutob. Mayroon ngang sikertong silid sa loob ng garden house. Kinuha ko ang lahat ng mga ebidensya at inilagay sa kwarto ko.

September 20, 2019

Dear Diary,

Kinakabahan ako dahil mayroon akong nakitang kahina hinala sa Jino na iyon. Sumasabay pa ito sa pag iimbistiga ko kay Butler Zed. Minsan ay iniisip kong mag kadugtong sila ngunit sa tingin ko ay malabo. Sinundan ko ang bahay na tinutuluyan ng Jino na ito. Nakakatakot ang lugar at katulad ng mga Syn ay sa Castillo rin ito nakatira. Ang gate nito ay may bakal na ahas. Nakita ko na ang ahas na iyon sa dating kwarto ng Chairman. May tinatago kaya si Lolo?

Napahinto ako sa pag babasa upang isaksak sa isip ko ang lahat ng nababasa ko. Katulad ko, si Jino at Butler Zed rin ang problema nito. Katulad ng nangyayari sa ngayon, umalis rin si Butler Zed ng matagal.

Halos pag pawisan ako dahil sa kaba. Palapit na ako nang palapit sa month ng December. Ayaw ko mang tapusin dahil natatakot, wala akong choice. Kailangan kong tapusin ito para makita ko na ang pinuno ng organisasyon nila.

October 1, 2019

Dear Diary,

Organización de Serpientes. Iyon ang kinabibilangan ni Jino. Hindi ko naririnig iyon kay Tres o kay Uno dahil halos hindi na kami mag usap. Tres is hiding something to me, I hate it. Dahil may tinatago ito ay itatago ko rin ang gagawin ko. Nalaman ko iyon dahil narinig ko itong may kausap sa telepono. Ngayong araw ay napagdesisyunan kong ibalik ang I.D niya. Tama ako nang isipin kong hindi niya alam na nawawala ang I.D niya. Hindi ko alam kung tama bang kinaibigan ko siya. Nahihiwagahan talaga ako kung paanong napunta iyon doon. Kung hindi siya, sino ang nag iwan noon doon?

October 15, 2019

Dear diary,

Ngayon ko lang nabasa ang mga nakuha kong papel sa sikretong taguan ni Butler Zed. Puro iyon transaksyon. Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay isang lumang papel. Sa tingin ko ay isang dekada na ang nakakaraan dito. Puro iyon pirma ng Chairman. Halos lahat ng mga papel ay may mga ganoon na wari ba'y pinag-eensayohan niya iyon. Hindi malabong ginagaya niya ang pirma ng Chairman.

Nagulat ako sa nabasa ko. Kung ginagaya man ni Butler Zed ang pirma ng Chairman, maari rin niyang makontrol ang kapangyarihan nito. Siguro ito ang talento niya upang mapasunod ang Chairman. Kung hindi man pumayag ang Chairman ay siya na mismo ang pipirma.

Ilang dokumento kaya ang napirmahan ni Butler Zed? Ilang pera kaya ang nakuha nito?

Hindi ko alam kung maaawa ako sa Chairman o maiinis. Gusto kong isigaw ngayon sa harap niyang maling mali siya ng taong pinag katiwalaan.

October 21, 2019

Dear Diary,

Jino and I really became close with each other. Dumating na rin sa puntong siya ang nag hahatid ng pananghalian ko sa police station. Akala ko noong una ay normal lang siyang kaibigan. Not until he reveal his true self.

He's an adopted child of the leader of the organization. He wants me to introduce myself to them but I refused. Not because I don't want to, but because I wasn't prepared. He understand it. He's nice but also mysterious.

October 30, 2019

Dear Diary,

I can't believe. I just found my parents. Hindi ko alam ang gagawin ko. Maski pag sulat ko ay naginginig ang kamay ko. They are the founder of Organización de Serpientes. Sa una ay natakot ako pero kinalaunan ay mas nakuha ko na ang lahat. They send Jino to protect me and not to harm me. Ever since naging tandyag ang organisasyon nila ay doon na nila ako inumpisahang hanapin. But still, someone is missing.

November 1, 2019

Dear diary,

I was confused. Hindi ko masabi kay Tres na nahanap ko na ang magulang ko. Ang nasa isip ko ay ang mapatunayang may kasalanan si Butler Zed sa pag panaw ni Maricel. Tiyak akong kapag nahuli si Butler Zed ay libre ko nang masasabi kay Tres ang lahat lahat. Nakokonsensya ako sa tuwing tinatanong ako nito kung may problema ba. Gusto ko nang matapos ito. Gusto kong patunayang walang ginawang masama ang mga magulang ko. Gusto ko nang ipakilala si Tres sa magulang ko dahil gusto ko nang ikasal sa kaniya.

Napahinto ako sa pag babasa. Sobrang bigat sa dibdib ang mga binabasa ko at wala akong magawa kung hindi ang maiyak. Naawa ako sa kaniya. Naawa ako sa pangarap na hindi niya natupad dahil sa kung sino mang may kasalanan. Ngayon ay mas tiyak na akong hindi suicide iyon. Tiyak na akong malabong gawin niya iyon dahil gusto niyang mag pakasal kay Tres.

Biglang nag bukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Mona na may dalang tray at pagkain. Napunasan ko ang luha ko at nag iwas ng tingin dito.

"G-gabi na, Haven. Kailangan mo nang kumain," saad ni Mona.

"Wala akong gana. Umalis ka na," pag tataboy ko dito.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito.

"Kinuhaan ka ng litrato at ipapadala iyon kay Uno. Iyon lang ang tanging magagawa namin para malaman ni Uno ang nangyayari sa'yo," saad ni Mona.

Napukaw noon ang atensyon ko, "Siya? Makikita ko ba ang litrato niya?" Tanong ko

Bahagyang ngumiti si Mona at lumapit sa akin upang iabot ang isang sobre. Laman noon ang litrato ni Uno habang nag papahinga dahil sa sugat niya. Dalawang litrato lang iyon ngunit labis na ang tuwa ko. Hindi na ako makapag antay para makuha siyang muli doon.

"Dito lang ako buong gabi, Haven. Iniutos sa akin na bantayan ka." Muling saad ni Mona

Hindi ko ito pinansin dahil na kay Uno lang ang atensyon ko. Hindi na ako makapag intay na makasal dito. Malapit na.

Akala ko ay matitiis ko ang gutom ko. Hindi nakikisama ang tiyan ko at nakakainis iyon. Pakiramdam ko ay kulang pa itong kinakain ko ngayon.

Biglang bumukas ang pinto habang kumakain ako. Tumambad si Mandy na may dalang mga prutas. Inilapag niya pa iyon sa mesa.

"Magandang gabi, Ms. Haven." Bati nito

Hindi ako nakaimik. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang kasama ito sa Organización de Serpientes. Hindi ako makapaniwala na sa murang edad nito ay kasama na siya dito. Hindi ko rin magawang magalit dahil tinuring ko itong nakababatang kapatid.

Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ko ang kinakain. Kumuha rin ako ng prutas na dala ni Mandy.

"When they will arrive, Binoculars?" Tanong ni Mona

Nanatili akong nakikinig sa kanila. Nag tataka parin ako sa mga pangalang binigay sa kanila ng pinuno nila.

"Tomorrow afternoon or evening, Magazine. Bullet and Gun will take care of them." Sagot ni Mandy

Dahil nga gabi na ay itinigil ko muna ang pag babasa ng diary. Tiyak akong bukas ay matatapos ko na ito. Nag ayos muna ako ng katawan bago matulog.

Natapos ko na ang lahat ng pag aasikaso ko pero hindi parin umaalis si Mona. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso nalang sa kama upang mahiga.

Nang ipikit ko ang mata ko ay hindi ako makatulog. Patuloy na bumabagabag sa akin ang istorya ni Heaven. Dumagdag rin sa isip ko si Uno. Halos isang araw ko palang itong hindi nakikita ay para na akong nanghihina. Kung katabi ko sana ito ay malakas ako, siya lang lagi ang magiging pahinga ko.

Nagulat ako nang may tumugtog. Hindi ko na iyon nilingon, bagkus ay nakinig nalang ako.

It was Uno on Heaven's Birthday. He was singing the song, "Grow Old With You." Hearing that song makes me cry. I badly want to hug him tight right now.

"He's presence is not here but I have his record while singing. Sweet dreams, Haven." Saad ni Mona

Iyon nalang ang naintindihan ko dahil nakatulog na ako.

Kinabukasan ay hinayaan nila akong makalabas ng kwarto. Ngayon ko lang nalaman na sobrang lawak ng lugar na ito. Mas malawak pa ito sa Castillo ng mga Syn.

Ito na marahil ang head quarters nila. Bukod kasi sa laki ng lugar ay napakadami ring bantay.

Dinala ako ni Mona sa isang dinning area. Lubos kong kinagulat ang presensya ni Aling Minda at Mang Toni. Pareho silang nakatayo sa tabi ni Jino na nakaupo sa centro ng mahabang mesa na ito.

"Mindame is the head of maids and Toniwon is the head butler of this castle." Paliwanag ni Mona

Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Katulad ng sa mga nauna, hindi ko inaakalang pati sila ay nandito. Dalawangpu't dalawang taon nila akong kinupkop at hindi man lang sila nag salita patungkol dito.

Muli ay bumalik ang galit ko.

"Ano pang kataksilan ang makikita ko sa araw na ito? Nasusuka ako sa inyong lahat. Pero i-aadmit ko, ang gagaling niyong umarte," saad ko.

Pinipigil ko ang luha ko dahil sa sobrang disappointment. Hindi ko inaakalang ang tinuturing kong nanay at tatay ay kasali sa planong ito.

Nakakagago lang isipin na tinulungan akong makatakas ni Aling Minda pero para lang pala pasayahin ako ng sandalian lang. Malamang ay ito rin ang mag turo sa lugar kung saan kami nag tatago.

"Haven, mag almusal na tayo." Pag aaya ni Jino

Umupo ako sa upuang nasa harap ko at nag umpisa nang kumain. Ni-tignan sila ay hindi ko ginawa. Mabilis ko lang na tinapos ang pagkain ko at muli akong nag tungo sa kwarto ko.

Bago bumalik sa pag babasa ay naligo ako. Inayos ko ang sarili ko dahil ngayon rin ang araw na makakatagpo ko ang mga magulang ni Heaven. Gusto kong sabihin sa kanila na sila na ang bahala sa pag lutas ng kaso ni Haven. Sigurado akong kaya nila ako gustong makita ay para mabigay ko ang lahat ng impormasyon na hawak ko.

Matapos ang lahat ay nag umpisa ulit akong mag basa.

November 10, 2019

Dear diary,

I finally saw her because of Jino. Sinabi niya sa akin na 'wag daw muna siyang lapitan dahil baka mabigla ito. A strong woman with dignity. I really love her and I want to hug her as soon as I see her. Hang in there. I will meet you soon. Kailangan ko lang mahuli si Butler Zed. Kailangan ko lang ibigay kay Tres ang mga hawak kong ebidensya.

Kinakabahan na ako dahil buwan na ito ng Nobyembre. Ilang pahina nalang rin ang natitira sa notebook na ito.

November 30, 2019

Deary diary,

Humanap ako ng ibang tiempo upang sabihin kay Tres ngunit dumating na si Butler Zed. Napakahaba ng panahon na nawala ito. Sa sobrang kaba ko ay inipon ko ang lahat ng ebidensya at inilagay iyon sa ilalim ng kama ko. Nakay Tres ang susi ng kwarto ko palagi kaya naman, alam kong secured iyon.

Kinakabahan rin ako. Hindi pa ako dinadatnan. Paniguradong… buntis ako.

Napatakip ako ng bibig sa nabasa. Para na akong nilalamon ng kaba. Sobrang lamig na rin ng pawis ko.

Bakit ba hindi nalang siya umalis sa Castillo?! Bakit ba hindi nalang niya inayang umalis si Tres?!

December 10, 2019

Dear diary,

I used a pregnancy test. It's positive. I am carrying a future Syn. I'm scared. I'm really am. Dahil nakita ni Butler Zed ang pregnancy test ko sa basurahan. Alam kong mapapahamak ako. Sigurado na ako. Kinakabahan ako hindi para sa akin kung hindi para sa anak ko. Gusto kong lumayo pero huli na ang lahat.

Tres, tulungan mo kami ng anak mo.

Nasaan ba si Tres?! Napakabobo niya dito at nagagalit na ako. Sumasabay ito sa galit na nararamdaman ko sa paligid ko.

Hinawakan ko ang pinakahuli at pinakamagulong pahina. Pati nga sulat nito ay wala na sa linya. Puro na rin ito dumi--dugo.

December 24, 2019

Dear diary,

Butler Zed is clever. He's using my child against me. Sinabi nitong hindi niya kami gagalawin ng anak ko kapalit ay ang mga dokumentong hawak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na ito. Wala si Tres. Hindi ko matawagan si Uno. Walang tulong galing sa kanilang pito. Naiiyak akong isulat ito ngunit ito na ang katapusan ko at ng anak ko. Hindi ko na rin mayayakap pa ang kapatid ko. Patawad sa lahat. Alam kong balang araw ay maiintindihan mo ang lahat.

Hindi ito dapat mabasa ng mga Syn, Jino. Hinding hindi--

"Dahil ang dapat na mag basa lang nito ay ang kapatid ko. Siya lang ang susi para matapos ito. Ayaw kong umiyak si Tres at sisihin ang sarili niya. Wala siyang ginawang masama. Ayaw kong makitang lumungkot si Uno. Napakaganda ng ngiti niya. Pangalagaan mo sila, Jino. Patawad at hindi ko alam kung paano lumaban." Saad ni Jino sa likod ko

Nabitawan ko ang diary matapos iyon basahin. Nanginginig rin ang kamay ko.

"Itinakas ko ang lahat ng ibidensya ng araw na iyon. Hindi ko na siya naabutan. Hindi na siya nakatawag sa akin. Wala akong ginawa kung hindi ang sundin ang utos ni Heaven na nakasaad sa diary na 'yan. Inintay ko ang kapatid niyang lumutas ng lahat. Patawad kung hindi ako nag salita." Saad ni Jino

Naguguluhan ako sa tono nito kay napalingon ako dito. Dinampot niya iyong diary at inilabas doon ang piraso ng litrato. Nang itinapat niya iyon sa akin ay labis ang gulat ko.

Dahil ako iyon habang nasa library ng univeristy. May sulat rin ng ballpen ang isang bahagi at nakalagay doon ang…

Te amo hermanita.

Hermana mayor.

"I love you, little sister. By, big sis." Saad muli ni Jino

Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig ko. Mabilis na sumakit ang ulo ko at mas sumakit pa nang makita ko ang manikang nakalagay sa kama ko.

Hermana.

Imposible ang lahat ng ito. Hindi totoo ito. Hindi ako naniniwala. Hindi pwede.

Bakit ikaw pa, Heaven?!

avataravatar