Paano kung isang araw bigla kang tanungin ng isang estudyante nang... " Gusto mo bang tulungan kita?" Kasabay ng pag-ngiti--- nakakatakot at nakakataas na balahibong ngiti.
" Alam mo ba yung tungkol kay Ma'am Anj, Ma'am Annie?."
" Ay oo, di ko yun ine-expect, Ma'am Clay."
Na ikinatingin ko sa kanila--- sina Ma'am Angel and Ma'am Annie. Napalingon sila sakin nang makita nila akong napatingin sa kanila.
" Alam mo na ba yun, Ma'am Jaz?"
- Ma'am Clay habang nakatingin sakin.
" Yung nangyari kay Ma'am Anj."
Na ikinatango ko.
Kahit na kanina lang yun nangyari, dahil sa mga pliers na nagkalat, alam na alam na agad ng buong school.
" Sabi raw, yung Section E raw ang nagkalat nun."
- Ma'am Annie na ikinatingin ko rito.
Dagdagan pa na yung gumawa nun ay ang mga tiga Section E.
" Sabi nga raw, di naman daw totoo na dancer si Ma'am Anj dun. "
Singit sa usapan ng di gaanong matandang babae na nakaupo sa tabi ni Ma'am Clay.
" Waitress lang daw roon si Ma'am Anj, sadyang kinalat lang ng Section E na dancer."
Nakakatuwang di naman niya ikinaila na nagtatrabaho siya roon.
" Ayun nga rin ang sabi ni Ma'am Anj sakin kanina, Ma'am Rosa."
Sabat naman ng isang may katandaan nang babae na kakaupo lang sa upuan.
" Hindi raw totoo yung kinakalat nina Himape na dancer siya roon."
" Sabi pati sakin ni Ma'am Anj, Ma'am Riz, na part time lang daw yun kasi nga kailangan niya ng pera para sa kapatid niyang may sakit at hanggang ngayo'y nasa ospital pa."
- Ma'am Rosa.
" Yung mga Special Section talaga lalo na yung Section E na yun, wala ng ginawa ritong matino."
- Ma'am Riz na ikinasang-ayon ng mga naririto.
" Kung bakit kasi ginaya pa ni Sir San Nicholas yung ibang school na kahit sakit na nang ulo'y di pa rin pinapaalis dito."
Na ikinatingin namin dito--- di gaanong may katandaang babae na kakaupo lang sa desk nito.
" Tama ka riyan, Ma'am May."
- Ma'am Clay.
" Kung di na talaga kayang patinuin, dapat paalisin na."
Banat pa nito.
Sa school na 'to'y may mga tinatawag na sakit sa ulo na estudyante na pinagsama-sama sa iisang section--- last Section kada year na mas kilala bilang Special Section.
Nakikinig lang ako sa kanila
Sabi nila, 2 years ago nang malaman ni Sir San Nicholas na may ganung school, ginaya niya ito dahil marami-rami rin ditong sakit sa ulo na nasa iba't-ibang mga section.
" Nasaan na si Ma'am Anj?"
- Ma'am May.
" Nasa office ni Sir Raul."
- Ma'am Angel kasabay ng pagtingin nito sa pintuan na nasa dulo namin, na ikinatingin namin dito.
" Kanina pa siya sa office ni Sir Raul."
- Ma'am Clay.
Kaninang umaga, may pliers na nakapaskil sa bulletin board pati na rin sa ibang mga pader ng classroom na may picture ni Ma'am Anj na naghihintay sa bar habang yung isang picture ay pumasok siya sa bar. Nakalagay sa pliers na nagpa-part time si Ma'am Anj sa bar at dancer. Usap-usapan sa buong school, sina Himape yung naglakat--- isa sa mga estudyante sa Section E.
" Kabago-bago pati ni Ma'am Anj dito."
- Ma'am May.
" Diba kasabayan mo siya rito, Ma'am Jaz?"
Kasabay ng pagtingin nito sakin na ikinatingin nila sakin. Ngumiti ako at tumango.
" Opo, Ma'am May."
Bago palang kami rito ni Ma'am Anj, 1 month palang. Pero saming dalawa'y siya yung may advisry class at yun yung Section E.
" Ano kayang mangyayari?
- Ma'am Clay.
" Sa tingin niyo, mawawalan na naman ng adviser yung Section E?. Nakakailang adviser na sila at di nagttagal."
" Ay naku, wag lang akong gagawin ni Sir Raul na adviser ng mga yun at magwawala ako."
Agad na sabi ni Ma'am Riz.
" Tama ng pinapasakit nila ang ulo ko kapag nakikita ko sila sa corridor."
Sa pagkakaalam ko, wala ni isang guro ang nagtatagal sa classroom ng Section E. Nung una, may pumapasok pa naman daw sa kanila pero habang tumatagal, wala na tanging adviser lang. Pero maski adviser, di rin nagtatagal.
" Ay same, same."
- Ma'am Angel.
" Baka mag-resign pa ko ng wala sa oras."
Sabi nila, yung mga naging guro ng mga Special Section lalo na yung Section E, yung iba'y nagsialisan yung iba nama'y nag-stay pa rin pero adviser na ng ibang section.
" Eh paanong di tatagal kung gumagawa sila ng paraan para di tumagal yung mga gurong pumapasok sa kanila."
- Ma'am May.
Tulad nalang ngayon sa ginawa nila kay Ma'am Anj at nararamdaman kong makikiusap to na di na siya gawing adviser ng Section E, lalo pa't tulad ko rin to na di kayang makipagsabayan sa mga ganung estudyante.
" Sila lang talaga sa lahat ng Special Section ang malala."
- Ma'am Rosa.
" Buti na nga lang ilang buwan nalang sila rito."
- Ma'am Rona na ikinasang-ayon ng mga naririto.
" Pero sana bago sila umalis may mahanap tayong katapat nila."
- Ma'am Angel.
" Pang-bawi lang sa mga ginawa nila satin no."
Na ikinasang-ayon din nila at ikinasang-ayon ko rin.
Sana nga kahit na di pa ko nun nagagawan ng di maganda. Nung malaman ko kaagad na may mga Special Section dito at kung ano sila'y iniiwasan ko sila lalo na yung Section E. Minsan ko lang naman sila makita lalo na't sa bawat floor, nasa dulo lahat ang mga classroom ng mga Special Section at katabi nito'y mga vacant pa na classroom. Pero minsan talaga, pagala-gala sila na para bang mga guard or mga empleyado rito, duon lang ako umiiwas.
Napatingin kami ng bumukas yung pintuan ng Guidance Office at lumabas si Ma'am Anj na ikinatingin niya samin. Bigla namang nagpasimpleng layuan ang mga nagkukumpol na tsismosa.
Nasa puwesto ko naman na ako. Sila lang ang nagsilapitan.
Pumunta si Ma'am Anj sa desk niya at umupo. Wala namang nagtangkang lapitan siya ni kausapin siya. Narinig kong tumunog yung speaker na nakakabit sa bawat sulok ng school--- tunog ng bell na hudyat na para sa sunod subject.
" Ma'am Jaz, pupunta ka na ba sa Section I? Sabay na tayo."
- Ma'am Angel na ikinatango ko't tayo kasabay ng pagbitbit ko ng mga kailangan para sa tuturuan ko.
" Ay Ma'am Jaz."
Na ikinatingin ko rito--- si Ma'am May.
" Paalala ko lang yung Section G."
Na naalala ko namang nagpaalam ito sakin na hihiramin ngayon yung Section G.
" Sige po Ma'am May."
" Thank you."
Lumabas na kami. Maliit lang ang school na to--- Public school. Pa-letter C sa gitna nito ang quadrangle at sa dulo nito ay maliit na stage. Napatingin ako sa quadrangle na may mga estudyanteng nakasuot ng PE uniform.
" Kumusta ka na rito, Ma'am Jaz?."
- Ma'am Angel na ikinatingin ko rito.
" Ayos lang. Okay naman."
" Ang bilis ng araw no, 1 month ka na rito."
Napatango ako.
At buti naman, wala pa kong nararanasan sa mga Special Section.
Lumipad ang tingin ko sa dulo ng corridor na may nakita akong estudyanteng babaeng nakayuko, nakatayo't nakasandal sa pader.
Sa totoo lang ilang beses ko na tong nakikita pero di ko magawang kausapin. Sa tuwing makikita ko ito'y laging nakayuko o nakatingin sa kung saan at isa pa, baka kasi magulat nalang ako'y tiga Special Section siya. Hindi ako pamilyar sa mga mukha ng Grade 7 and 8 Special Section kasi sabi naman nila at nakita ko namang di sila malala tulad ng Grade 9 and 10. Kaya yung dalawang Special Section lang ang tinandaan ko.
Napatingin ako sa uniform nito na iba yung kulay sa school uniform ng mga estudyante rito. Kung yung school uniform dito'y color dark blue habang sa kaniya'y light blue.
Baka, naubos lang yung tela na dark blue kaya light blue nalang yung pinagawa niya.
Bago kami makapunta sa kinaroroonan nito'y may paliko na papunta sa Section I at duon kami lumiko. Magkatabi lang yung Section I sa tuturuan ni Ma'am Angel.
" MA'AM JAz."
- MA'Am Rosa, pagkapasok ko ng faculty. Palapit ito sakin na kakagaling lang sa printer machine.
Kakatapos ko lang sa Section I. Hindi na ko dumiretso sa Section G dahil hiniram ito ni Ma'am May.
" Bakit po Ma'am Rosa?"
Pagkababa ko ng gamit na dala ko sa table ko.
" Pinapatawag ka ni Sir Raul."
- Ma'am Rosa na ikinakunot-noo ko.
" Nasa office niya ngayon. "
At tumingin siya sa Guidance office na nagtatanong ang mukha kong tumingin din dito
Bakit kaya?
Nagtatanong ang mukha kong lumapit at kumatok sa office nito. Nang makatatlong katok ako'y binuksan ko ito na tumambad sakin ang di gaanong matandang lalaki na nakaupo sa office chair nito't napatingin sakin.
" Good afternoon Sir."
Mahina't malumanay kong bati sa kaniya na ikinangiti niya.
" Kakarating mo lang galing Section I, Ma'am Jaz?"
- Sir Raul na ikinapasok ko ng tuluyan at lapit sa kaniya.
" Opo, Sir."
" Upo ka."
Na ikinaupo ko sa isang upuan. Ang tanging pagitan namin ay ang table na nasa gitna namin.
" Pinatawag kita dahil..."
Na hindi nito naituloy at bumuntong hininga, na para bang nag-aalangan itong sabihin sakin.
" Alam kong alam mo na yung tungkol kay Ma'am Anj."
Na ikinatango ko.
" Hindi niya naman tinanggi na nagpa-part time siya sa bar at nagkaroon naman kami ng desisyon tungkol dun. Hindi siya aalis dito."
Na ikinatango ko muli para makita niyang nakikinig ako.
" May pakiusap lang sakin si Ma'am Anj na... tanggalin siya bilang adviser ng Section E dahil di niya na kaya..."
Habang nakatingin sakin na para bang tinitingnan nito ang magiging reaksyon ko.
Sabi na, makikiusap tong di na siya gawing adviser.
" Pumayag ako."
At ikinaayos niya sa pagkakaupo.
" Ma'am Jaz, pwede ka bang maging adviser ng Section E?"
Na ikinatulala ko sa kaniya.
Sandali, ano raw?. Ako?. Sandali, bakit ako?.
At bumalik sa isip ko yung tungkol sa Section E na unti-unting akong kinabahan.
Kaya ko nga sila iniiwasan para di ko maranasan yung nararanasan ng mga nabiktima ng Section E. Tapos gagawin pa kong adviser?.
Lalo kong nararamdaman ang kaba na unti-unti kong naramdaman ang init sa buong katawan ko pati na rin sa mukha ko.
" Ma'am Jaz... "
Na nagaalingang tawag sakin nito na alam kong napansin niya ang reaksyon ko, pero sa tawag nito'y may parte na hinihintay niya ang sagot at umaasang papayag ako.
" Ikaw nalang kasi ang naiisip ko na pwedeng maging adviser. Pero kung dumating yung araw na sabihin mo sa'king ayaw mo na, papayag ako. Try mo lang muna na maging advisr nila."
Hindi ako nakasagot bagkus nakatingin lang ako sa kaniya.
Gusto kong tumanggi dahil ayaw kong maging adviser ng Section E lalo pa't alam ko ang tungkol sa kanila. Pero may parte sa isipan ko na payag ako lalo pa't kung siya ang nagtatanong--- na isang Guidance Counselor at mas mataas sakin, dumagdag pa yung huli niyang sinabi. Pero alam kong kahit di niya naman yun sabihin, na kung dumating yung araw na sabihin ko rin sa kaniya yung sinabi sa kaniya ni Ma'am Anj ay papayag siya, alam kong papayag talaga siya, lalo pa't yun ang ginawa niya sa ibang mga adviser ng Section E.
" Sige po, Sir Raul."
Pilit kong sabi nang manaig sa isipan ko ang 'payag'. Para namang nawala agad yung kanina ko pang nakikitang pag-aalinlangan nang marinig niya yung sagot ko.
Aaminin kong di ko kaya. Pero sige, susubukan ko.
" Thank you, Ma'am Jaz."
Na ikinangiti ko.
Pero kung alam ko na talagang di ko kaya lalapitan ko kaagad siya.
" Bukas, pwede ka ng pumasok sa kanila. "
- Sir Raul.
" Ikaw na muna ang bahala sa Section E. If di mo talaga sila kaya, dito lang ako sa office ko, lapitan mo ko."
Na pilit ang ngiting ikinatango ko. Tumayo siya na ikinatayo ko.
" Sasabihin ko sa kanila."
Na kahit ito lang ang sinabi nito'y alam ko na kung sino at ano yung sasabihin niya. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Lumapit siya sa pintuan na ikinasunod ko rito. Pagkalabas nami'y tinawag niya yung atensyon ng mga nandirito. Bilang lang sa kamay ang naririto dahil yung iba'y may mga tinuturuan pati na rin si Ma'am Anj.
" Hindi na adviser ng Section E si Ma'am Anj."
- Sir Raul na sa iilang nandirito'y may iilang nabigla o nagulat habang ang iba nama'y tumango lang.
" Si Ma'am Jaz na ang papalit. "
At kung kanina'y iilan lang ang nagulat, ngayon lahat na sila't nakatingin sakin na mas lalo kong ikinakaba't naramdaman ko lalo ang init sa buong katawan ko lalo na sa mukha ko. Unti-unti kong naramdaman ang hiya dahil sa tinginan nila sakin na ikinaiwas ko ng tingin.
" Bukas magsisimula na siya."
Na ikinatingin ko rito.
" Ako na ang kakausap kay Sir Pat."
Pagtutukoy nito sa Principal na ikinatango ko lang. Pagkatapos nito'y nagpaalam siya sakin at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ni Sir Raul, nagulat ako ng lahat sila'y lumapit agad sakin.
" Ma'am Jaz, totoo yon?!"
Na sa sobrang gulat ni Ma'am Clay halos pasigaw na ang tanong niya, na nahihiyang ikinatango ko.
" Bakit, ano bang nangyari?"
- Ma'am Rosa.
" Ayaw na kasi ni Ma'am Anj, na maging adviser. Kaya tinanong po ako ni Sir Raul kung pwede ba akong maging adviser nila."
" At pumayag ka?"
- Ma'am Rosa na ikinatango ko.
" Bakit ka pumayag, pwede namang tumanggi ka kung ayaw mo talaga."
Naga-alalang sabi nito na hindi na ko nakasagot.
Gusto kong tumanggi pero di ko matanggihan si Sir Raul.
" Siya, pero kung sakaling di mo sila kayanin. Wag kang mahihiyang lumapit kay Sir Raul, Ma'am Jaz."
Sabi sakin ng isang di gaanong may katandaang lalaki.
" Tama si Sir Chris, kung di mo na kaya, punta ka lang kay Sir Raul at humiling na wag ka ng gawing adviser, Ma'am Jaz."
- Ma'am May na ikinatango ko nalang.
" Hayaan na nating wala ng adviser yung mga yun at aalis din naman sila next year."
Na makikitang wala ng ka-amor-amor sa mga tinutukoy niya.
" Opo."
At tumango muli.
Yan talaga ang gagawin ko pag di ko na sila kaya.
KINABUKASAN.
Hindi ako makatulog ng maayos lalo pa't ngayon ako papasok sa Sction E.
Iilan palang kami. Lumipad ang tingin ko kay Ma'am Anj na nakaupo sa upuan niya. Bumati ako sa mga naririto na ikinatingin niya sakin. Binati rin ako ng iba.
" Good morning."
- Ma'am Anj at ngumiti na ikinangiti ko rin. Umupo ako sa pwesto ko.
" Ma'am Jaz"
Na ikinatingin ko sa kaniya.
" Ngayon ka na papasok sa Section E?."
Sa totoo lang wala naman akong hinanakit sa kaniya. Mabait si Ma'am Anj at di talaga kayang makipagsabayan sa mga Special Section lalo na sa Section E. Expected ko rin na di to tatagal tulad ng ibang naging adviser. Hindi ko lang talaga expected na sakin lumapit si Sir Raul.
Tumango ako.
Susubukan ko. Pero expected ko na rin na di ako magtatagal dahil tulad ako ni Ma'am Anj.
" Pasensya na at ikaw ang pumalit sakin."
Na bakas sa mukha nito ang lungkot at pag-aalala.
" Okay lang, Ma'am Anj"
At ngumiti.
" Sinabi naman ni Sir Raul, pag-di ko na kaya, lapit lang ako sa kaniya."
Na ito nalang ang nasabi ko para mawala yung lungkot niya't di siya mag-alala.
" Promise mo sakin, lalapitan mo agad si Sir Raul 'pag ginawan ka nila ng masama o kaya di mo na talaga kaya."
- Ma'am Anj na ikinangiti ko.
" Opo, Ma'am Anj."
Na ikinangiti niya na wala ng mapapansin na lungkot ngunit di pa rin nawawala ang pag-aalala. Maya-maya'y nagsidatingan na yung iba. Nag-flag ceremony, wala akong nakitang Section E.
Kahit ni isang beses di ko sila nakikitang nagpa-flag ceremony.
" Good luck, Ma'am Jaz."
Pahabol nilang sabi bago ako umalis na ikinangiti ko.
Parang sa "Good luck" nila, ayaw ko ng pumunta.
Naglakad ako sa di gaanong mahabang corridor, pagkarating ko rito'y lumiko ako sa kanan na makikita rito ang di gaanong mahabang corridor at sa dulo nito'y nandun yung classroom nila na unti-unti kong naramdaman ang kaba.
Ano kayang mangyayari sakin?. May gagawin ba sila sakin?. Anong gagawin nila sakin?. Ilan ba sila ngayon?.
Naglakad ako papunta rito ngunit habang naglalakad ako'y para bang unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko samahan pa nang mas lalo kong naramdaman ang kaba ko.
Sabi nila, iilan lang daw minsan ang pumapasok na minsa'y 15 or 10, na mas humahantong pa sa 3.
Huminto ako sa paglalakad nang di ko mahakbang ang mga paa ko dahil sa nararamdaman kong kaba at panghihina ng mga tuhod.
Hindi pa nagsisimula, kinakabahan na ko. Kaya ko ba? O babalik nalang ako?.
Na naalala ko yung sinabi sakin ni Sir Raul na "Try ko" raw na ikinabuntong hininga ko para magkaroon ako ng lakas na hakbangin yung mga paa ko.
Nandito na ko. Ituloy ko na.
Itutuloy ko na sanang ihakbang yung mga paa ko nang makarinig ako ng boses sa likuran ko.
" Di ka pa nakakapasok, namumutla ka na."
Na ikinatingin ko rito--- siya yung babae na lagi kong nakikita sa gilid, nakayuko at nakasandal. Nagtama yung mga mata namin.
Magpapaka-totoo akong tama yung sinabi nito, kaya paano pa kaya pag-nasa loob na ko, sana lang di ako mahimatay.
Pero sa di mapaliwanag na dahila'y unti-unting nawawala yung kaba na nararamdaman ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Sandali, tiga Section E ba ito? Di naman yata ito mapupunta sa harapan ko kung di ito tiga Section E. Tama nga na iniiwasan ko 'to kung talagang tiga Section E ito.
Napakunot noo naman ako.
Pero sino siya sa Section E? Tanda ko, tatlo pa na babae yung di ko pa nakikita yung picture dahil sabi nina Ma'am May, di raw umattend nung nagpi-picture na para sa ID nila. Sina Excelia Ijien Zambalia, Kazara Britania Rodramiro at Leshiaste Xeroxcia Tan. Sino siya sa tatlo?.
[Pron: Ijien - I-jiyen/ Leshiaste - Le-shiyas-te/ Xerocia - Ze-rox-sha]
" Pwede pa bang pumasok?"
Na ikina-huh kong tingin dito, nakatingin naman siya sakin. Tingin na hinihintay akong sumagot na may kasamang sinisigurado kung sasagot ba ko sa kaniya. Nang ma-gets ko kung anong ibig sabihin niya'y tumingin ako sa pintuan ng Section E.
Hindi ko ine-expect na tatanungin niya ko ng ganiyan. Alam ko kasing sila yung pinaka-malala.
" Pwede naman."
At tumingin sa kaniya na pansin kong natulala siya. Maya-maya'y ngumiti ito--- simpleng ngiti.
" Bye."
At nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palapit sa pintuan ng Section E, pero habang sinusundan ko siya ng tingi'y para bang may iba akong napapansin sa kaniya na lumiit yung mga mata ko habang nakatingin sa likuran nito.
Parang...
Nawala yung atensyon ko sa kaniya ng mahulog yung pencil na hawak ko. Kinuha ko agad ito. Tumingin muli ako sa tinitingnan ko, wala na ito sa paningin ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa pintuan ng Section E pero habang palapit ako'y unti-unti muling bumalik yung kabang nararamdaman ko. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan yung pinto na tumambad sakin ang magulo at maraming kalat na classroom, samahan pang nangingibabaw ang ingay nila. Lahat sila'y napatingin sakin na mas lalo akong kinabahan at unti-unti ko muling naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko, samahan pa ng unti-unti rin akong nakakaramdam ng takot. Unti-unti namang nawala yung ingay na sa kalauna'y nawala---tumahimik. Bago ako pumasok, napabuntong hininga ako't pinilit kong itago ang kaba ko at takot na nararamdaman ko habang papunta sa teacher's table na nasa harapan. Sinusundan nila ako ng tingin na para bang isa akong bagay na di pwedeng mawala sa paningin nila. Tumingin ako sa kanila, mula pa-kanan hanggang kaliwa nang makarating ako sa teacher's table
9 sila. 3 Girls. 6 Boys.
Pero ang napansin ko'y wala yung babaeng nakausap ko.
Nasaan na yun? Akala ko pumasok siya.
-------------------------