webnovel

Nang Dahil Kay Kuya

By:Audi

"Nard!  Gising na! Tatanghaliin tayo niyan eh." ang Sigaw ni Kuya Francis sa akin.

"Oo na!  Pababa na nga eh." ang padabog kong tugon sa kanya.

"Naku ka, lagi kang ganyan. Oh sige maligo ka na, Nakahanda na pagkain mo."

Sabay tapik sa balikat ko.

Ganito ang senaryo namin ni kuya sa araw-araw. Sigawan at asaran. Pero normal na lang sa amin pareho iyon. Sobrang close kami ng kuya ko. Dalawa lang kaming magkapatid. Sila Mama at Papa, nasa ibang bansa pareho. Gusto nilang matustusan ang pangangailangan namin. Seaman ang tatay ko at nurse naman ang nanay ko sa US. Dalawa lang kami ni kuya sa bahay. Kasama ang tatlo naming kasambahay. Kahit na ganito, may bonding pa rin sa aming pamilya. Si Kuya ay isang pulis ako naman nag aaral pa lang. Third Year College at Tourism ang course. Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo ang kuya ko. Kung ihahanay nga siya doon sa mga gwapong pulis din, naku may ibubuga si kuya. 6ft tall at maganda katawan. Malakas siya kumain pero na memaintain niya ang ganoong katawan. Iyon nga lang medyo sablay sa pag ibig. Kasi buhat ng nagkaisip ako wala pa siyang dinadalang babae or kahit girlfriend sa bahay. Siguro mabait lang talaga siya kaya ganoon.

Mahal na mahal ko ang kuya ko. Simula ng nag ibang bansa sila mama at papa, siya na ang lagi kong kasama. Sa hirap at saya, may kuya Francis akong karamay.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at kumain dumeretso na ako sa garahe. Nandoon na si kuya for sure at hinihintay na ako.

"Ano ba iyan Nard, late ka na naman niyan eh." sabay tingin sa akin.

"Kasalanan ko bang mapasarap tulog ko?." Sabay irap sa kanya.

"At nakairap ka pa sa akin ha, sandali." At bigla niya akong kiniliti.

"Ano ba kuya, papansin ka talaga". Ang inis kong sambit.

"Aba, ang bunso namin ayaw na magpalambing ha.

"Eh kuya naman, 19 years old na ako no." Paliwanag ko

"Eh bakit wala ka pang girlfriend?". Halong tanong at pang aasar ni kuya sa akin.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa yo. Ikaw nga wala pa ring girlfriend eh, hahaha". Ang bawi ko

"Baka naman lalaki rin gusto mo ha". Ang panunumbat niya sabay ngumiti ng nakakaasarSa totoo lang, bata pa lang ako alam kong iba ang pakiramdam ko sa kapwa ko lalaki, nagkakagusto ako. Alam kong iba to. Sa katunayan nga kuya ko nga ang first crush ko. Iba ang nararamdaman ko sa kanya at sa mga lalaking nakapalibot sa akin. Alam kong masama ang magkagusto sa kapatid, kaya anong magagawa ko. Pero pilit ko itong tinatago. Dahil ayokong maging kahihiyan ako sa pamilya ko lalo na kay kuya na isang pulis. Kaya kapag nasa bahay, lalaking lalaki ako umasta. At pag wala na sa bahay, ayun na nagiging babae na ako. Alam kong hindi habambuhay eh magtatago ako, kailangan ding dumating ang araw na aamin ako sa tunay kong pagkatao.

Habang binabagtas namin ang daan, hindi ko maiwasang tumingin sa kay kuya. Sa mukha niya, hapit na uniporme at sa bukol niya. Pero Nakakahiyang isipin na bakit ko sa kanya iyon nagagawa.Minsan napapaisip rin ako, sa anong paraan kaya pinapaligaya ni kuya ang sarili niya? Umiling na lang ako. Nahihiya ako sa sarili ko kung bakit ko naiisip ang mga ganitong bagay."Kuya, malapit na tour namin, sasama ba ako? " tanong ko sa kanya."Saan ba tour nyo?  Tsaka kailan?". Sagot niya."Cebu,Bohol at Boracay. Next Week na rin yun."Eh bakit ngayon mo lang sinabi? Sige sabihin mo na lang kina mama, ako na bahala sa pocket money mo hehe"."Salamat kuya ! ". At niyakap ko siya.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng school, kaya dali dali akong bumaba at nagpaalam sa kanya. Sinagot niya naman ito ng ngiti at sinabing "Oh sige, ingat ka. Aral mabuti".Lumakad na ako papalayo."Hoy, bakla ka hinatid ka ng kuya Francis mo?". Ang bungad sa akin ni Harold."Oo. Bakit ? Eeksena ka na naman?". Ang pang aasar ko sa kanya."Bakit ayaw mo ba? Ang gwapo gwapo kaya ng kuya mo". At kinilig pa ang gaga."Hay naku tara na nga sa loob". Yaya ko sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Harold, nakita ko ang crush ko, si Lvin.Actually magkaklase kami kaya saktong papasok din siya nang makita namin.

"Lvin!". Ang tawag ko sa kanya."Oh Nard, ikaw pala". Ang bati niya

Pagkapasok namin at pagka upo. Tumingin ako agad sa kanya. Nag daydream ako agad."Hay naku, ang bakla nananaginip na naman. Besh, huwag mag ilusyon hanggang crush ka lang ha baka iba na iniisip mo". Ang pang aasar sa akin ni Harold.Isang malakas na palo ang iginanti ko."Tse ! Ikaw nga crush mo kuya ko eh. Eh kung sabihin ko kaya para mailang ka at di ka makapunta sa bahay, Hahahaha".

"Ikaw naman niloloko ka lang sorry na beshie". Ang paglalambing ni Harold.

Ganito kami ng best friend ko, asaran kung asaran. Dahil since Elementary magkaibigan na kami kahit pagdating ng college. Siya rin ang dahilan kaya mas nadevelop ang pagiging bakla ko. Sa kanya ko natutunan ang ipahayag ang tunay na sarili.

Pagkatapos ng klase agad akong umuwi para tapusin ang mga outline at paperworks ko. Medyo marami rin kasi. Noong nasa may tricycle na ako, nakita ko si kuya. Hindi ko na siya tinawag kasi marami siyang kasama na pulis. Mukhang may raid. At malapit pa sa amin.Pagdating ko sa bahay, agad akong nagbihis. Ginawa ang mga dapat gawin. Halos alas sais na rin ako natapos. Sinabi ko kina Nanay Lorna na ako na magluluto ng hapunan. Niluto ko ang paborito ni kuyang pagkain. Talagang sinarapan ko ang pagluluto kasi alam kong pagod siya at gutom. Walang pang thirty minutes dumating na si kuya. Mukhang pagod na pagod."Oh Nard nandito ka na pala". Ang bati ni kuya"Oo kuya, may tinapos lang ako. Kumain ka na ba? , ako nagluto ng hapunan."Ah ganun ba sige, kakain na ako. Ikaw kumain ka na ba?."Hindi pa rin, hinhintay kasi kita"."Oh sige kumain na tayo.Habang kumakain, tinanong ko sa kanya kung ano iyong ginawa nila kanina. Tama nga ang hinala ko. Raid daw ng mga drug addict. Medyo delikado kasi sa lugar papasok sa subdivision namin. Kilalang lugar ng mga adik. Medyo nahirapan daw sila kasi may nakatakas na limang tao. Kaya ang sabi niya sa akin mag iingat daw ako. Ibinalita ko rin sa kanya na pinayagan na ako ni mama na sumama ng tour.Pagkatapos kumain dumeretso na ako sa kwarto. Sa iisang kwarto lang kami ni kuya natutulog. Kahit na lima ang kwarto sa bahay, nasanay na kaming laging magkasama. Double-deck naman. Ako sa baba at si kuya sa taas. Almost ten, narinig ko na si kuyang humihilik. Mukhang pagod na pagod yata.Tinapos ko na lang din ang pinapanood kong palabas. Natulog na rin ako.

Kahit na malayo sina mama at papa sa amin, nandito naman ang kuya ko na umaalalay sa akin. Sa bawat desisyon ko na gagawin.

Kinabukasan, maagang nagpa alam sa akin si kuya. Tutal wala naman akong pasok, natulog na lang ako ulit. Pag gising ko, inayos ko iyong mga gamit ko. Nilinis ko na rin ang kwarto namin.Kumain ng umagahan. Dahil wala naman akong pupuntahan, natulog na lang ako ulit.Mga bandang alas dos ako nagising dahil sa lamig. Hininaan ko ang aircon. Binuksan ang cellphone. Nakita ko na nag chat sa akin si kuya:"Nard, baka hindi ako makauwi  mamaya. May operation kami mukhang matatagalan. Ikaw na muna bahala sa bahay. Ingat."

Nakaramdam ako ng lungkot dahil di ko makikita si kuya ng kalahating araw. Pero ok lang. Walang manlalambing sayo.

Lumipas ang mga araw, lagi nang hindi nakakauwi agad si kuya Francis. Medyo nalulungkot at nag aalala syempre. Nami-miss ko rin ang mga pangungulit niya.Hanggang sa dumating na ang araw at kinabukasan tour namin.Habang nasa sala ako kasama si Harold, nag ring ang phone ko. Tumatawag si kuya."Hello kuya bakit?"

"Nard, nasa bahay ka ba? Uuwi ako ngayon".

"Ah sige kuya, oo nga pala kuya umuwi si Nanay Lorna at ate Ghie sa probinsya. May aasikasuhin lang daw, baka sa isang araw pa ang uwi. Si ate Elvie lang nandito. Tsaka dito matutulog si Harold, maaga kasi alis namin bukas"."Ah sige, maya maya nandyan na ako"."Sige, kuya Ingat"."Geh".

At bigla na lang umirit ang bakla. Halatang kinikilig na naman."Hoy bakla ka, baka marinig ka ni ate Elvie. Umayos ka. Okray ka mamaya mag inarte ka, nandito si kuya".

"Oo na, Ikaw kasi ayaw mo pa umamin na bakla ka".

"Mahirap kasi sa ngayon, tsaka huwag ka ng matanong, kung ayaw mong isumbong kita".

"Edi Wow". Ang tangi niyang nasambit halatang natatakot ang bakla.

Hindi pa man kami tapos sa pag uusap, may bumusina na sa may gate."Nandyan na si Kuya, umayos ka ah". Dali dali akong lumabas at binuksan ang gate."Oh kuya, mukhang pagod na pagod ka ah".

"Oo Nard, medyo malalayo rin pinanggalingan ko eh. Kumain na ba kayo?. Maliligo muna ako ha".

"Sige kuya, ihahanda ko na muna ang pagkain mo".

Umakyat na siya para maligo. After 20 minutes, bumaba na si kuya. At ang sumunod na pangyayari ay lubos na ikinagulat ni Harold. Naka boxer shorts at tuwalya ang balabal ni kuya. Kitang kita namin ang laki ng katawan niya. Ang abs niyang kitang kita at ang malaking bukol niya. Halos hindi malaman ni Harold ang gagawin niya."Oh para kayong nakakita ng multo, pasensya na ha, ang init kasi eh." Paliwanag ni kuya.

Habang kumakain si kuya, tingin nang tingin si Harold sa kanya.

"Oh Harold, ngayon ka na lang yata ulit nakapunta dito sa bahay ah"

"Ah, o-Oo nga po". Kinakabahan ang bakla.

"Maaga pa yata ang alis nyo, bakit ayaw nyo pang matulog?"."Sige kuya matutulog na kami".Agad kaming umakyat sa kwarto.Hindi na kami nag usap pa ni Harold. Alam ko  na  gulat na gulat sa nangyari.Sanay naman ako na ganoon lagi ang ginagawa niya. Pero dahil first time siguro ni Harold, naging ganoon talaga ang reaction niya.

Alas tres ng madaling araw nagising na ako. Ginising ko na rin si Harold. Tulog pa rin si kuya. Hindi ko na siya inistorbo.Si Harold na muna ang pinaligo ko. Inayos ko pa kasi ang mga damit na susuotin ko para sa isa't kalahating linggong tour. Medyo malaki laki rin ang bagaheng dala ko. Pagkatapos niya, ako na ang naligo. Kumain na kami ng almusal. Sakto namang baba ni kuya."Saan ba kayo magkikita-kita? ".

"Sa airport na kuya. Doon na daw dumeretso eh"."Anong oras ba ang flight?".

"8 a.m. daw".

"Oh sige liligo muna ako ha".

Simula kagabi, hindi pa rin nagsasalita si Harold. Hanggang ngayon yata starstruck pa rin siya kay kuya.

"Harold, ano?  Na windang ka ba?". Ang pabiro kong sabi sa kanya.

"Besh dapat ako na lang naging kapatid ng kuya mo. Ang borta talaga eh. Ang swerte mo no?".

"Oo naman, sobrang bait kaya ni kuya". Ang tangi kong nasabi.Maya maya pa bumaba na si kuya. Nakabihis na rin. Tinanong ko siya kung kakain pa siya, sabi niya hindi na daw. Mag da-drive thru na lang sa McDo malapit sa amin.Nagpaalam na ako kay ate Elvie. Umalis kami ng bahay around5:30 a.m.Bale nasa unahan ako at si Harold sa likod. Parang ang saya saya ko noong oras na iyon. Syempre excited sa tour pero bukod doon parang iba. Hindi ko maexplain. Dumaan muna kami ng McDo."May gusto ba kayo? ". Tanong ni kuya"Ah Coffee Float na lang tsaka large fries, ikaw be- Harold ano gusto mo? ". At muntikan pa akong madulas."Yung kagaya na lang din ng sa iyo".Nagpipigil sa pagtawa si Harold.

Pagkaorder agad umalis si kuya.

"Nard, magkano ba kailangan mo? "."Ikaw kuya bahala ka"."Ok sabi mo yan ha".

Dumating kami sa terminal I ng mga alas sais. Nandoon na rin ang mga kaklase at kabatch. Nakita ko rin si Lvin kasama mga kaibigan niya.

"Anong gusto mong pasalubong kuya?"."Ikaw na bahala. Oh heto, tipirin mo yan ha". Sabay abot sa akin ng pera.Bumaba na kami ni Harold ng sasakyan. Kasama ang mabibigat na bagahe."Ingat kayo Nard, una na ako"."Sige kuya, ingat ka rin"."Sige po kuya Francis". Dagdag ni Harold.

Pagka alis ni kuya, pumunta na kami agad sa kanila.Hinintay namin ang mga kasama pa.Humiwalay muna sa akin si Harold pumunta siya sa iba ko pamg kaklase. Mga bandang 7:30 naghanda na ang lahat para sa boarding."Oh walang aalis sa pila ha, hintayin niyo ang signal ko kung pwede nang sumakay". Ang paliwanag ng prof. namin."Nard ano seat no. mo? ". Tanong sa akin ni Lvin."Ah ako?  26A, bakit? ". Ang sagot ko"Magkatabi pala tayo, 26B ako eh".

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid. Parang nabingi ako. Shet. Katabi ko si Lvin. Omg, hindi ko alam ang gagawin ko.Tumakbo ako kay Harold. Pero pinabalik ako kaagad kasi bawal ngang umalis sa pila.

Pinaakyat na kami para sumakay ng eroplano. Hinanap namin ang mga upuan. Kinakabahan ako na ewan. Iniaayos na namin ang mga baggage. 1hour daw ang biyahe kaya medyo matagal tagal din.At lumipad na ang eroplano. Ako, Hindi pa rin makakibo ni makapagsalita. Sakto namang nagtanong si Lvin sa akin.

"May problema ba Nard?, kanina ka pa walang kibo dyan".

"Ah eh, wala wala. Huwag mo ako intindihin ok lang ako".

"Ah ok,".

At tumaas pa ang eroplano. Grabe ang ganda pag nasa taas. Hindi ko naman first time sumakay ng eroplano pero parang iba ngayon. Siguro dahil nasa dalawang langit ako. Literal na langit at langit katabi si Lvin. HAHAHAHAH.Maya maya, nagsabi siya na inaantok daw siya. Walang anu-ano'y sumandal siya sa balikat ko na lubos kong ikinagulat."Pasandal muna ha, inaantok kasi talaga ako. Pasensya na".Hindi na ako nagsalita pa. Gusto ko rin naman ang mga nangyayari. Kahit alam kong mangangawit ang balikat ko.Matagal ko nang crush si Lvin. Katulad ni Harold. Magkakabatch kami since elementary. Siguro naman, alam niya na gusto ko siya. Kung may nagsasabi pwede ring nahahalata niya.Nagulat na lang ako na ginigising na ako ni Lvin. Shet. Nakatulog din pala ako. Malapit na raw kaming bumaba. Nakakahiya, ako pa ginising niya.Pagbaba namin agad kaming sinalubong ng banda na nagwewelcome sa amin sa airport."Welcome To the Queen City of The South, CEBU! "Sumakay kami ng bus papuntang resort kung saan gaganapin ang unang tatlong araw ng tour.

"Nard". Sabay pakita sa akin ng picture. Omg!  Picture namin ni Lvin na natutulog. Magkasandal pa ang ulo."Ano yan?!  Naku ha, very wrong ka. Bakit mo kami pinicturan?!". Ang tanging nasabi ko."Naku gusto mo rin naman, Hahaha".Pinapasa ko agad yung picture at ginawang wallpaper.

Sa bus, ang tanging nasa isip ko ay ang mga nangyari sa eroplano.Gusto ko ulit namnamin ang mga nangyari. Kasabay noon, nakinig na lang ako ng music. Para mas may emotion.

Grabe ang ganda pala talaga sa Cebu. Maganda ambiance at hindi gaano marami ang tao. Si Harold, ayun tulog at nahihilo ang bakla.Lima ang bus at bus no. 1 kami.Hindi ko lang alam kung ano ang bus nina Lvin. Pagbaba kasi ng eroplano, nagpaalam na siya agad sa akin. Medyo malayo layo rin pla yung resort. Beach resort.Ang ganda ng beach!  White sand tapos ang linaw ng tubig. Tapos noong magpupuntahan na sa kwarto kasi Room 10 kami ni Harold. Bukas na agad ang aircon. Siguro binuksan na para sa amin.

"Oh! Dito rin pala kayo?". Ang sabi ng isang pamilyar na tinig. Paglingon ko, si Lvin pala kasama ang isa pa naming ka klase. Gusto kong sumigaw ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung nananiginip ba ako o ewan. Grabe parang hindi ako makakilos."Ah oo, kayo rin pala?". Ang tangi ko na lang naisagot.

Inayos namin ang mga dala namin. Nagtext rin ako kay kuya na nandito na ako. Around 11 am, pinababa muna kami para mag lunch. Kaya nagsipuntahan na kami sa buffet.

Napakaraming pagkain talagang sulit ang bayad. Bukod dyan marami pa rin kaming pupuntahan.

"Besh, doon tayo sa dulo. Dalawa upuan". Ang sabi sa akin ni Harold pagkakuha ng pagkain.

Habang kumakain, nag announce na pwede raw mag swimming hanggang 2pm kaya naman lalong sumaya ang lahat."Maliligo ka na? ". Tanong ko kay Harold."Oo, Ikaw?"."Maya maya na, magpapahinga lang ako saglit. Hanggang 2 pa naman eh"."Mauuna na ako ha, alam mo na para maka awra pa, hahahaha".

Pagkatapos kumain, pumunta na ako sa kwarto. Humiga at nag soundtrip. Syempre, iyon pa rin ang tugtog, "Terrified".Oo tako na takot ako maglabas ng feelings. Kay Lvin dahil crush ko siya. Lalo na kay kuya at kina mama at papa, dahil nga ganito ako, sa lalaki nagkakagusto.Tinititigan ko rin iyong picture namin ni Lvin. Grabe, nakakakilig talaga. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kasi parang bumigat ang kama. Pag harap ko, OMG!  KATABI KO NA PALA SI LVIN. WAAAAAAAAAH!.  Hindi na naman ako mapalagay. Katabi ko na naman siya. Hindi ko lubos maisip kung bakit siya tumabi sa akin, eh dalawa naman ang kama. Nagdahan dahan akong bumangon."Ay, sorry nagising kita"."Hindi ok lang. Kanina ka pa ba rito?"

"Mga 30 mins na rin. Hindi ka ba maliligo? "."Maliligo na rin. Nagpahinga lang ako"."Sige sabay na tayo, magbibihis lang ako".

Ito na naman ang nakakawindang na feeling. Grabe talaga, hindi ko alam kung saan ko isisigaw ang kilig ko. Natatawa na lang ako sa sarili.Sabay na rin kaming pumuntang beach. At bigla na lang naghiyawan ang mga kaklase namin."Uuuuuuuy!". Sabay sabay ang lahatNamula na lang ako sa hiya. Pero si Lvin parang wala lang. Siguro nga ganito lang kapag crush mo siya. Pero ang crush mo hindi ka crush.Agad akong pumunta kina Harold. Hindi na ako nagpaalam sa kay Lvin.Alam kong si bakla ang may pasimuno ng sigawan.

Ang ganda talaga nung beach. Ang aliwalas tsaka presko. Sandali lang din naman ako naligo kasi nga napakainit. Tsaka matagal tagal pa rin kami dito.

Mga bandang 5 pm, pumunta na kami ng hall dahil may short program. Mabilis lang daw naman yun.Kumain na rin kami ng meryenda.Pagkatapos noon pwede na kahit anong gawin.Kaya naisip ko munang mag senti. Pumunta ako ng pampang. Nagtext muna ako kay kuya kung ano na ang ginagawa niya. Sabi niya nasa trabaho pa siya."Sige kuya, ingat ka pag uwi. Love you".After 5 minutes, nagreply siya:"Wow lambing naman ni bunso, love you too".Kinilig ako sa reply niya kasi hindi ko inaasahan na mag a-Ilove you too siya sa akin.

Napakasarap tignan ng sunset. Lalo na siguro kung may kasama ka habang hinihintay niyong dalawa na lumubog ang araw.

"Hi Nard!  Nandito ka pala"."Oh, oo senti senti, ganda ng sunset no? ""Oo nga ang ganda. Pero ang cute mo pala matulog no?""Ha?! Bakit? Nakakahiya"."Hindi ah, kanina kasi pagpasok ko tulog ka. Eh nakatapat kama nyo sa aircon, doon na ako pumwesto".

"Hala nakakahiya talaga, nakita mo pa akong tulog".At nakita niya ang wallpaper ng cellphone.

"Oh, ako ba iyan?  Hahaha ang gwapo ko dyan ah"."Oo naman kaya nga crush na crush kita eh". Bulong ko."Ha? Anong sabi mo? "."Ah wala, sorry si Harold kasi pinicturan tayo kanina sa eroplano. Pasensya na sige tatanggalin ko na"."Ano ka ba ok lang, wala sa akin iyon".

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto kong umamin  na may gusto ako sa kanya."May gusto ka ba sa akin Nard?".Hindi ako agad nakapagsalita. Parang gusto kong tumiklop at mawala na lang ng biglaan."Bakit?  Kapag sinabi ko bang meron, magagalit ka?".

"Hindi naman. Mas gugustuhin ko pa ngang---".

"Besh!!!  Dinner na daw". Ang sigaw ni Harold.

Hindi na natapos ang pag uusap namin ni Lvin. Pareho kaming pumunta sa kainan. Nahihiya ako sa kanya na ewan."Sige Nard, mamaya na lang". Sabay ngiti ng nakakaloko

Para akong natunaw na ice cream sa init ng araw. Kinikilig ako sa tuwa at sayaHabang kumakain, nakatulala lang ako."Hoy besh, ano?!  Baliw lang, ngumingiti mag isa?"."Huwag mo nga akong intindihin. Besh panget ba ako?". Anong tanong ko."Tinatanong pa ba iyan? Hahahahahha charot lang. Gwapo ka naman kapag lalaki, maganda kapag babae".

"Besh, nagsabi na ko kay Lvin na crush ko siya"."Tapos?"."Tapos, TATANGA TANGA KASI KASI TINAWAG MO KAMI KANINA EH NAG UUSAP PA KAMI"."Hahahahah. Sorry na. Edi mamaya mo kausapin"."Nahihiya nga ako besh eh. Mamaya hindi na niya ako pansinin".

Pagkatapos namin kumain. Pumunta na kami agad sa kwarto. Iyong iba naggala gala pa. May firedance show kasi tsaka may parang lightshow sa pampang. Eh nakakatamad kaya mag iinternet na lang ako. Online naman si kuya kaya nag vc kami.

"Nard, nakauwi na ako kumusta kayo dyan?"."Ok lang kuya, maganda ang lugar"."Ah ganun ba? Sige enjoy ka lang, nakakain ka na ba?".

"Oo kanina pa, Ikaw kuya?".

"Oo nakakain na rin ako, oh sige tawag ka na lang ulit. Magpapahinga na muna ako. Alam mo na pagod sa trabaho. Huwag magpupuyat ha. Sige na Nard. Goodnight! ".

"Sige kuya Goodnight night!".

Napakamaasikaso talaga ni kuya. Kahit nasa malayo nararamdaman ko ang pag aalala.

Kaya sinabi ko kay Harold na matulog na. Pumasok na rin sila Lvin kasama si Henry."Gising ka pa pala Nard"."Maaga pa naman, Saan kayogaling?""Ah dyan lang."."Ah ok".

"Nard pwede ba dyan na lang ako matulog? Sa tabi mo ok lang? ".Tatanungin ko sana si Harold pero nakita ko siya nasa kabilang kama na.

"Ikaw, kung ok lang sa yo"."Pasensya na ha, mainitin kasi ako, eh diba nga dito nakatapat ang aircon".

Naghilamos at toothbrush muna siya bago nahiga.Around 10 pm na rin iyon. Wala na ring masyadong ingay maliban sa alon ng dagat.

Napakalamig ng kwarto. Ang sarap din sa pakiramdam na katabi mo ulit ang nagpapatibok ng puso mo.

"Ok lang naman sa akin na may crush ka. Alam ko na rin matagal na. Halata naman kasi sa iyo pag magkausap tayo lagi kang namumula".

Humaba  ang pag uusap namin. Hanggang sa narinig ko na lang din siyang humihilik. Hindi ko na siya inistorbo. Inaantok na rin kasi ako.

Kinabukasan, medyo maaga ako nagising. Kaya naisipan kong maglakad lakad muna. Napakalamig ng simoy ng hangin.Napakasentimental kong tao. Umupo ako at nag isip. Kung paano ko ilalabas ang tunay kong pagkatao.

"Ang aga mo naman nagising". Nasa likod ko na pala si Lvin."Ah oo, ikaw din? Ang aga mo nagising".

"Ang ganda ng lugar na ito no?".Ang tanong ko."Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo no?". Ang walang anu ano'y nagtanong siya ng ganito sa akin"Ang malas naman nila kung sa akin papatol".

"Bakit? Gwapo ka rin naman ah. Tsaka di naman basehan ang hitsura".

"Sa bagay, Ikaw nga Gwapo na Mabait pa. Swerte sa iyo ang girlfriend".Hanggang sa umabot ang usapan namin sa lovelife."Alam mo Nard, wala naman sa akin kung babae o kapwa ko lalaki ang magkagusto sa akin, kahit karelasyon. Basta't alam kong mahal niya ako, at mahal ko siya"."Talaga ba?"."Oo naman".Bumalik kami ng room. Tulog pa rin sila. Kaya naisipan kong humiga ulit. Sa mga nalaman ko kay Lvin, parang gusto kong tunalon sa tuwa. Pero gaya nga ng sinabi ko. Panget ako, walang magkakagusto

Alas siete nagtawag na para sa breakfast."After po nito, mag ayos na kayo para sa ating first destination".Ang sabi ng isa naming prof.Nag ayos na kami. Naligo at nagbihis bago sumakay ng bus.

Grabe! Ang ganda talaga dito sa Cebu. Ang ganda ng paligid. Hindi toxic at masaya pa. Nagpunta kami sa Magellan's Cross. Ang daming tindahan sa paligid. Ang mumura pa ng tinda.

Hapon na rin nang bumalik kami sa resort. Napagod din ang lahat. Kaya pagkakain ng hapunan, natulog na iyong iba kahit medyo maaga pa para matulog.

Bukod sa Magellan's Cross, marami pa naman kaming napuntahan.Pagkatapos namin sa Cebu, sa Bohol naman kami. Sakay ng ferry boat papunta doon. 3 days din kami doon.

Syempre hindi nawala sa listahan ang Chocolate Hills. Napakaganda rin pala sa Loboc. Masyadong nakakabighani ang ganda ng mga lugar sa Visayas.After Bohol, pupunta na kami sa last destination, sa Boracay. Kung saan nangyari ang mga hindi ko talaga inaasahan. Malayo layo rin pala ang Bohol sa Boracay. Pagdating sa Caticlan, sumakay kami ng van papunta kung saan kami sasakay ng speedboat deretso Boracay.Astoria ang pangalan ng tinuluyan namin. Bale kami na ni Harold ang magkasama sa kwarto kasi dalawa naman ang kama.Dahil last day na nga namin at kinabukasan ang balik ng Manila, pinayagan na kaming pumarty pero bawal uminom ng alak. Hindi na ako sumama kina Harold. Nagstay na lang ako sa room. Inayos ko ang mga damit na ginamit ko from Cebu hanggang Boracay. Nagtext na na rin ako kay kuya na 10-11 am ako sunduin sa airport. Around 9:30 pm may kumatok sa pinto."Nard, pwede ba dito muna si Lvin?". Ang sabi sa akin ng kaibigan niya."Ha?!, tela bakit lasing na lasing siya? Eh hindi naman to nag iinom?".

Hindi na sila nagpaliwanag pa. Inihiga na lang nila si Lvin sa kama ko. Medyo kinakabahan din ako. Kaya Pagdating ni Harold sinabihan ko na siya. 11 pm na rin ng natulog ako. Nasa tabi ko ulit siya.Medyo hindi ako mapakali kasi katabi ko na naman siya.Walang anu ano"y hinawakan ko na lang ang shorts niya. Medyo matigas na rin ito. Naramdaman ko na parang lalong tumitigas. Nang akma ko nangtatanggalin bigla nya akong pinigilan."Ituloy mo lang". Ang malamig niyang boses na dumampi sa tainga ko.Hindi ko na rin napigilan at itinuloy ko na lang ang pagtaas at pagbaba sa kanya. Gustong gusto ko itong isubo pero parang ayoko.Nanigas ang mga binti niya at isang buntong hininga ang narinig ko. Nakita kong nilabasan na siya. Tinanggal ko ang kamay ko at hinugasan. Pagbalik ko sa kama mukhang tulog na siya. Natulog na rin ako. Pag gising ko, wa na siya sa tabi ko. Naligo na ako at nag ayos. Sa mga pagkakataong iyon, lungkot ang tanging nasa puso at isip.Sa bus, ang mga nangyari kagabi ang nasa isip ko. Kahit nang sumakay na kami ng eroplano.

"Hoy Nard, may problema ba? Bakit di ka nagsasalita?". Tanong ni Harold

Tinignan ko lang siya at nagsenyas na wala.Paglapag sa Manila, nag text na ako kay kuya na sunduin na kami."Ok, sa Monday na ulit ang return of class natin, magpahinga na muna kayo". Sabi ng prof namin.Hinanap ko si Lvin pero di ko siya nakita. Umalis na rin daw. Kaya ako malungkot pa rin.

"Peep peep!" busina ng sasakyan ni kuya iyon.Nilagay ko sa compartment ang bagahe. At sumakay na agad."Oh, kumusta biyahe?".

"Ayun kuya, nakakapagod din naman".Sa backseat, kumakain si Harold ng dried mangoes.

Hinatid lang namin si Harold sa bahay nila."Bye Nard, kuya Francis. Salamat, ingat kayo". Pagpapaalam niya.

Hindi na ako kumain ng lunch. Nagpaalam na ako kay kuya na matutulog muna ako. Binuksan ko ang cellphone at nagchat kay Lvin.

"Hi".Online siya kaya hinintay ko ang reply niya pero wala. Hanggang sa nakatulog na ako. Mga bandang alas 4 nagising ako. Pagbaba ko wala si kuya. Nasa presinto raw bumalik kanina pa.Kumain na lang ako. Habang tinitignan ang picture namin ni Lvin.Bakit parang iba na ang nararamdaman ko sa kanya?.  Wala pa rin siyang reply . Hindi na ako umasa. Pero bakit naman kaya hindi niya ako pinapansin?  Baka siguro sa mga nangyari sa amin. Pero bakit naman?Ang mga paulit ulit na tanong sa isip ko.Pagkakain, umakyat ako sa taas at natulog ulit.

Gabi na rin nang muli akong magising. Pagbaba ko, nanonood ng tv si kuya.

"Kumusta naman ang tulog mo? umalis ulit ako kanina kaso tulog ka pa. Kumain ka na ba?".

"Nagising ako ng 4. Oo kumain na ako".

Tumabi ako sa kanya. Walang ibang sumasagi sa isipan ko kung di si Lvin. Wala pa ring reply sa kanya. Kahit seen wala.

"May problema ba Nard?". Tanong ni kuya."Ah wala kuya, may hinihintay lang ako".

Maya maya may nag bell. Tumayo ako para buksan ang gate. Hindi ko maaninag kung sino iyong nasa tapat ng bahay. Basta ang alam ko may tao.

Pagbukas ko ng gate, bigla akong hinila. Hinalikan niya ako kaagad sa labi. Hindi na ako lumaban pa. Alam ko si Lvin ang humalik sa akin.

"Nard, hindi ko na kaya pang itago. Hindi ba sinabi ko sa iyo, kahit maging babae o lalaki ang magkagusto sa akin, ayos lang basta mahal namin ang isa't isa. Ito na iyon".

Hindi ako makapagsalita sa mga narinig ko.

"Lahat ng mga nangyari sa atin kagabi Nard, ginusto ko. Hindi rin Dahil doon kaya ko ginawa ito. Matagal na rin kitang gusto Nard. Hindi ko alam kung bakla na rin ba ako o ano. Wala akong pakialam, basta ang alam ko mahal na kita noon pa".

Tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko akalaing may nararamdaman na rin pala siya sa akin.

Muli ay hinalikan niya ako. Sa mga pagkakataong ito, ramdam ko sa kanya ang pag ibig niya para sa akin.

"Nard sino ang tao-".Pareho kaming nagulat ni Lvin."Sige na umalis ka muna".Pinunasan ko ang luha ko. Umalis si kuya at umakyat sa taas.Pero hindi siya sa kwarto namin. Doon siya sa kwarto nila mama pumunta.Dumeretso ako sa kwarto namin ni kuya. Nakita niya akong may kahalikan. Ang masama pa niyon, lalaki ang kahalikan ko.Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang sa akin,baka nagalit si kuya sa mga nakita niya.Kinabukasan, hindi ko na inabutan si kuya. Maaga raw Umalis.Wala akong iniisip kundi ang mga nangyari kagabi. Pumunta ako kina Harold.

"Harold, nakita kami ni kuya na naghahalikan ni Lvin". Umiiyak ako habang nagkukwento sa kanya.

"Naku, ano namang naging reaksyon niya?".

"Nagalit yata siya sa akin".

Sinabi niya sa akin na mas mabuti pa raw na umamin na ako sa kanya.Kaya kinagabihan hinintay ko siyang dumating.Alas nueve ng gabi bumusina na siya sa labas."Kuya".Ang tawag ko sa kanya. Pero hindi siya lumingon sa akin."Nay Lorna, hindi na po ako kakain ha. Kumain na po ako".Umakyat na siya sa taas.Umiiyak akong pumunta sa kwarto ko.

Ilang linggo na niya akong hindi pinapansin. Walang bati ang narinig ko sa kanya. Ni text wala rin.Nami miss ko na ang kuya kong sweet. Sana pala nag ingat ako sa mga ginawa ko. Mas inuna ko pa ang sarili ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan kong mangyari sa akin.Dumaan ang halos isang buwan na walang pansinan. Kami na ni Lvin pero naging sekreto ang relasyon namin. Ayoko rin namang mabalewala iyon. Kaya naisipan namin na umamin kay kuya sa relasyon namin ni Lvin.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Ayokong mahirapan ka".

"Lvin, mas ayokong mahirapan kung itatago natin ang relasyon natin at ang tunay kong pagkatao".

Dumating kami sa bahay. Sinabi ko kina Nanay Lorna na huwag munang sabihin na umuwi na ako. Dumeretso kami sa kwarto.Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Maya maya pa, narinig ko na ang sasakyan ni kuya. Bumukas ang pinto."Nay. Nakauwi na ba si Nard?"."Naku, hindi pa Francis".

Narinig ko ang yabag niya papunta sa kwarto namin. Pinatay ko ang ilaw at agad kaming nagtago ni Lvin. Sumilip si kuya. Nagulat ako sa ginawa niya.

Narinig kong binuksan niya ang tv. Kaya naman naisipan naming bumaba na. Pagbaba, dumeretso kami sa sala at nakaupo na si kuya"Kuya,  si Lvin. Boyfriend ko".Pero parang walang narinig si kuya. Tuloy lang siya sa panonood.Umakyat siya ng kwarto.

Sinundan ko siya."Please kuya, kausapin mo naman ako".

Bumaba ako at lumapit kay Lvin."Nard, sige na. Wala tayong magagawa".

"NARD!  SANA NAMAN MAINTINDIHAN MO!  AYOKONG  MAAGA KANG MASAKTAN. Matagal ko nang alam, nila mama at papa na iba ka. Espesyal ang pagkatao mo. Bilang kuya mo, kailangan kong tanggapin kung ano ka". Lumapit si kuya sa akin at niyakap ako."Nard, matagal ko nang hinihintay ang araw na magtatapat ka ng tunay na ikaw. Masakit din sa akin na hindi ka pansinin ng ilang araw at linggo dahil sa ginawa nyo ni Lvin. Ang akin lang maging ready ka sa pwedeng mangyari kapag pumasok ka sa isang relasyon". Ang mahabang paliwanag sa akin ni kuya.

"Kuya Francis, mahal ko ang kapatid mo so please, magtiwala po kayo sa akin".

"Nard, Ikaw ang may hawak ng buhay mo, ito ang ibinigay sa iyo kaya naman gawin mo ang gusto mo hangga't makakabuti sa iyo"

"Ikaw naman Lvin, huwag na huwag mong paiiyakin tong kapatid ko. Nag iisa lang iyan".Niyakap niya rin si Lvin.Hinatid na namin si Lvin sa kanila. Muling bumalik ang saya ng mukha ni kuya. Muli kong nakita ang mga ngiti niya. Ang kulit at saya ng kapatid ko. Nalaman na rin ito nila mama at natuwa rin sila sa pag amin ko. Pero nay kondisyon din naman ang ginawa ko. Dumaan ang mga araw nalaman na ng lahat ang relasyon namin ni Lvin. Pati ng pamilya at mga kaibigan niya. Pero respeto at unawa ang nanaig. Nakakapagholding hands na kami sa school.Sobrang supportive naman ni Harold sa relasyon namin ni Lvin. Ok lang daw sa kanya kahit laging third wheel basta makita niya lang ako na masaya.

Ngunit kapalit ng lahat ng magandang nangyari sa akin. Ang mga bagay na hindi ko aakalaing magaganap.

Isang araw, nagising ako ng maaga. Pagbaba ko ng hagdan, nasa labas si kuya. Nakaupo siya at mukhang malalim ang iniisip."Nard, kailan ba uuwi sila mama?". Tanong niya sa akin.Kasabay ng malamig na hangin, isang palaisipan ang sa akin ay sumagi. Madalas si kuya ang nakakaalam kung kailan uuwi sila mama."Hindi ko alam,  wala bang sinasabi sa iyo ?"Hindi na siya nagsalita. Tumayo siya at niyaya akong kumain. Sabado naman kaya wala akong pasok. Pero May pupuntahan kami ni Lvin ngayon. Maya maya pa dumating na siya."Good Morning po". Ang bati niya

"Kumain ka na ba Lvin? " . Tanong ni kuya sa kanya."Ah opo kumain na ako".Pagkabihis ko umalis na kami agad.

Nasa may gate biglang sumigaw si kuya."Ingat kayo ha. Lvin ingatan mo kapatid ko".Lumipas ang mga araw at talagang nagiging wirdo na si kuya. Minsan lagi na lang siyang nagsasabing paano raw ako kung mamamatay siya, Ano ba raw ang gagawin ko? Madalas din siyang balisa at laging may tinitignan sa labas.

"Ano bang sinasabi mo kuya Francis, para kang sira".Masyadong kakaiba ang mga sinasabi at ikinikilos niya.Kinagabihan, nang matutulog na kami. Bigla na lang tumabi si kuya sa akin.

"Nard, natatandaan mo pa dati noong tinulian ka? Iyak ka nang iyak diba kasi sabi mo mamamatay ka na?".At tumawa siya ng malakas.

"Nard, payakap si kuya ha. Diba noong bata ka pa gusto mo lagi kitang kayakap bago matulog?Oo nga pala Nard, malapit nang umuwi sila Mama. Hintay ka lang".

"Kuya, tulog na. Inaantok na ako".Naramdaman kong may pumatak sa pisngi ko. Hindi ko na lang ito pinansin.

Kinaumagahan, bago pumasok si kuya.Mga bandang alas dos bumangon ako para maligo. Actually pagkaalis ni kuya nagising na ako. Natulog lang ako ulit. Pero parang iba pakiramdam ko. Parang kinakabahan na ewan. Pero hinayaan ko na lang ito. Habang kumakain ako. Nag ring ang cellphone ko. May tumatawag pero no. lang.

"Hello, sino ito?".

"Hello si Nard ba 'to?  Kapatid ni Francis?"

"Yes bakit po?

"Pumunta ka ng police station ngayon, kailangan ka".

Agad akong Tumayo. Hindi ko alam kung ano iyon pero talagang kinakabahan ako.

Nagtext ako kay Lvin sabi ko pumunta rin ng presinto.

Habang papunta, maraming bumabagabag sa akin. Sa mga nangyayari at sa mga nagdaang pag uusap namin ni kuya. Iba talaga, ibang iba.

Pagdating namin sa opisina, agad akong sinalubong ng katrabaho niya."Nard. Tama ba?". Tanong niya"Nabaril ang kuya mo, nasa ospital siya ngayon. Nasa sasakyan siya nang bigla siyang barilin ng dalawang lalaki. Sa palagay ko iyon yung mga drug pusher na niraid namin dati. Puntahan niyo na siya dahil medyo kritikal ang lagay niya."Napasandal na lang ako kay Lvin. Agad kaming umalis. Habang nasa daan. Umiiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumawag ako kina mama at ipinaalam ko ang nangyari kay kuya."Ma, nabaril si kuya ngayon. Nasa ospital siya, kritikal ang kalagayan"."Nard, sige anak. Uuwi ako. Kakausapin ko lang ang papa mo".

Binaba ko ang cellphone ko. Dumating kami ng ospital. Agad akong bumaba at dumeretso sa information desk."Nurse, may nakaadmit ba ditong Francis Ordoveza? kapatid ko siya".

"Yes sir nasa ICU  po siya".

Agad akong pumunta sa may ICU.Naghihintay sa kung anong magiging resulta kay kuya. Napakabilis ng tibok na puso ko. Kinakabahan sa mga nangyayari.Nasa tabi ko si Lvin. Siya ang nagcocomfort sa akin."Magiging maayos si kuya Francis, tiwala lang ha".Halos tatlong oras kaming naghintay. Maya maya pa, lumabas ang doktor mula sa ICU. "Kayo ba ang mga kasama ng pasyente?"."Opo, ok  na po ba ang kuya ko?"."Stable na siya pero his on a coma. Dalawang bala ang dumaplis sa ulo niya. Buti na lang hindi ito bumaon ng husto. Baka medyo matagalan ang pag gising niya". Paliwanag ng doktor.Tanging iyak ang naisagot ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyayari kay kuya Francis. Nagtext rin si Mama na baka matagalan ng uwi nila. Hindi daw siya pinayagan agad ng ospitak mag leave. Si papa naman, nasa gitna ng dagat at mukhang matagal pa ang pagdaong. Kaya mukhang ako lang ang magbabantay kay kuya sa ospital.

Ilang araw ang lumipas, hindi pa rin nagigising si kuya. Ako naman, lagi pa ring nakabantay sa kanya. Halos araw araw, iniisip ko na ano kayang mangyayari sa akin kung sakaling mawala si kuya pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.

"Kuya, pakakatatag ka ha. Nandito lang kami ni Lvin". Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita.Hinawakan ko ang kamay niya.Kinagabihan nagising ako sa ingay na aking naririnig. Nangingisay si kuya! Kaya agad kong tinawagan ang doktor at mga nurse. Tinawagan ko rin si Lvin. Pinalabas muna kami ng kwarto.Habang nasa labad at hinihintay ang mga mangyayari, dumating si Lvin."Lvin. Si ku-kuya, Lvin Ayokong mawala si kuya!" Halos hindi ako makahinga sa kaba."Relax, magiging ayos din ang lahat".

Ngunit naramdaman ko ang biglaang panghihina ng katawan ko."L-Lvin,"

"Nard, Nard! Gising, gising!".. . . . .

Natapos ang 21 gun salute. Handa nang ilibing ang mga labi ni Kuya Francis.

"Handa! Diskartal!"

Kahit huling pagkakataon ko na ito para makasama si kuya, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang nag iisang kuya ko.Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na makikita ang mukha niya. Hindi ko na maririnig ang tawa niya. Ang mga biro niya. Hindi ko na makikita na nakasuot siya ng uniporme.

Ako, sila Mama,  Papa, Lvin, Harold at ang mga kamag anak namin at mga katrabaho ni kuya at mga dating kaklase ay nakatingin sa kabaong na kanyang kinalalagyan.Umiiyak ang lahat. Kahit ako hindi oo napigilan ang sarili ko. Kulang na lang lumupasay ako at humagulgol. Pero kailangan kong magpakatatag para kina mama at papa.Sumalado ang mga kasamang pulis ni kuya. Umiiyak ang iba. Dahil sa pagkawala ng isa sa mga kabaro Nila.Umihip ang mahinang hangin. Waring nakikiramay sa pagkawala ng kuya ko. Humaplos ito sa aking mukha at parang narinig ko ang boses ni kuya.

"Hindi ako mawawala sa tabi mo Nard, mahal na mahal kita. Ikaw na bahala kina mama at papa".Pumikit ako at dinamdam ang mga sandaling iyon.

Almost five years ng matibay ang relationship namin ni Lvin. Kahit minsan nagkakaroon ng problema, naaayos naman agad. Salamat at Nang Dahil Kay Kuya, at sa pamilya ko na umunawa ng kung sino  at kung ano ako."Kuya, kung nasaan ka man, Mahal Na mahal Kita".

"Nard, Nard!  Gising. Nandito na kayo sa airport. Ikaw kasi, sabi ko matulog na kayo ng maaga ni Harold". Ginigising pala ako ni kuya Francis.

"Kuya!". Niyakap ko siya."Ang sama ng panaginip ko, kuya. Grabe ang pangit talaga".

"Bawas bawasan mo kasi ang panonood ng mga teleserye, sige na kanina pa bumaba si Harold. Sumunod ka na lang daw. Tsaka ito na iyong pocket money mo, tipirin mo ha".Bumaba ako ng kotse at lumakad na.

Lumapit ulit ako kay kuya, niyakap ko siyang muli. Parang ayoko tuloy umalis sa tabi niya.

Grabe iba talaga ang nadadala ng mga palabas ngayon.Hay, ok na sana kaso nga lang namatay pa si kuya sa panaginip ko. At least, naging kami ni Lvin.

Lumapit na ako kina Harold at tumuloy na sa pila.

Wakas.

Next chapter