webnovel

Chapter 86

Napayuko si Elysia at pinigilang mapangiti nang husto. Tumitig siya sa bintana ng karwahe at sinubukang itago ang kilig na nag-uumapaw sa kaniyang dibdib. Ngunit hindi nakaligtas kay Vladimir ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan, Ely, baka hindi ko na kayaning pigilan ang sarili ko," biro ni Vladimir habang palihim na tinatapunan ng mapanuksong tingin si Elysia.

Napatingin si Elysia sa kanya at nagkunwaring nagtataray. "Alam mo minsan may pagkaloko-loko ka rin, Vlad. Nturingan ka pa namang kagalang-galang na hari ng Nordovia, tapos ganiyan ka." 

Ngunit sa halip na magpaapekto, humagikhik lang si Vladimir. "Totoo naman. Sino pa ba ang magtatanggol sa iyo sa lahat ng pagkakataon kun'di ako?" Tumigil siya sandali at ngumiti nang bahagya. "Huwag mong kalimutang ako ang nasa tabi mo, Elysia, kahit saan man tayo dalhin ng tadhana."

Napatitig si Elysia kay Vladimir. May kung anong katiyakan sa boses nito na nagpatibok sa puso niya nang mas mabilis. Para bang ang bawat salita nito, ay may bigat— na ang lahat ng ito ay hindi lang salita kundi tunay na nararamdaman. Hindi na nakasagot si Elysia. Sa halip, ipinikit niya ang mga mata at naramdaman ang banayad na haplos ng malamig na hangin mula sa labas ng karwahe. Alam niyang sa kabila ng lahat ng kakaibang rebelasyon tungkol sa kaniyang tunay na pamilya, may isang bagay na sigurado siya— si Vladimir ay hindi kailanman magiging dahilan ng pagdududa sa puso niya.

Palubog na ang araw nang marating ni Elysia at Vladimir ang Nordovia, nasa labas pa lamang ng palasyo ay kitang-kita na ng dalaga ang masayang atmospera sa buong paligid. Makukulay na mga palamuti at bulalak ang unang bumungad sa kaniya pagpasok ng karahe sa tarangkahan ng palasyo. Nariyan ang masasayang pagsalubong sa kanila ng mga tao na may mga hawak pang pula at puting rosas na kani-kanilang iwinawagayway sa ere habang isinisigaw ang kanilang pagbati sa kaniya na 'maligayang kaarawan'. Habang papalapit sa palasyo ang karwahe ay siya namang pagsunod ng mga tao sa kanila. 

Maingat siyang inalalayan ni Vladimir sa pagbaba sa karwahe, inilahad ng binata ang kamay nito na tila isang prinsipe na naghihintay sa kaniyang prinsesa. Napangiti naman si Elysia at masuyong inilagay ang kamay sa ibabaw ng palad ni Vladimir. Maingat siyang bumaba habang hawak naman ni Vladimir ang kaniyang kamay. Pagbaling niya sa harap, tumambad naman sa kaniya ang mainit na pagsalubong ng mga kawal, katiwala na lagi niyang nakakasama sa kusina, nasa harap ng mga ito ang mga batang naging parte na ng buhay nila ni Vladimir. Bawat isa ay may hawak na tig-iisang rosas habang nakangiting nakatingin sa kanila. Naroroon din ang mga mahahalagang tao na naging parte na ng kaniyang buhay sa palasyo.

Hindi napigilan maluha ni Elysia nang makita ang mga ito. Napahigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Vladimir na ginantihan naman ng masuyong pisil ng binata. Marahan silang naglalakad papasok, tila sa bawat paghakbang na ginagawa ng dalaga, kaakibat niyon ang unti-unting panunuot ng mga isipin ng reaponsibilidad na nakaatang sa kaniya.

Simula at pagkatapos ng araw na iyon, ang koronasyon naman ang paghahandaan niya. Dahan-dahan ring naiintindihan niya ang mga salitang iniwan sa kaniya ng kaniyang lolo.

Sa pag-apak nila sa bulwagan, doon nasilayan ni Elysia ang mas marami pang taong nakagayak. Tatlong babae ang lumapit sa kaniya at inakay siya palayo. Hinayaan naman siya ni Vladimir kaya naman nagpatianod na siya sa mga ito.

Sa isang silid siya dinala ng mga ito, doon ay nakita niya ang isang kulay pulang bestida na napapalamutian ng mga rosa na rila buhay na buhay. Napakagarbo ng desinyo ng bestidang iyon dahil nang tuluyan itong maisuot sa kaniya ay pakiramdam niya ay tunay na talaga siynag prinsesa. Hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan na siyang nagpaangat pa ng magandang hubog ng kaniyang katawan.

Mabilis ding inayos ng tatlo ang kaniyang buhok. Maingat nilang ipinusod ang kaniyang buhok at isang tiara ang siyang ikinabit nila sa kaniyang buhok. Sa pagtingin niya sa salamin ay napangiti pa siya nang makita ang napakagandang desinyo ng tiara. Simple ngunit hindi maipagkakaila ang malinaw na katungkulan na nakaatang sa kaniya bilang prinsesa ng Nordovia.

Tila ba ang araw na iyon ay simula pa lamang ng tunay niyang buhay sa palasyo. Bagaman matagal na niyang nagagampanan ang pagiging isang prinsesa, iyon ang unang pagkakataong maipakikila siya ng pormal sa lahat ng nasasakop ng Nordovia.

Magkahalong malamyos na musika at masyang kuwentuhan ang maririnig sa bulwagan. Halos lahat ng mga importanteng tao sa buhay ni Elysia ay nasa harap habang nasa likuran bahagi naman ang mga tao habang kalmadong naghihintay upang masilayan ang pagdating ni Elysia.

"Napakaganda naman talaga ng palasyo, at lalo itong gumaganda dahil kay prinsesa Elysia. Napakalaki ng pinagbago ng palasyong ito simula nang dumating rito ang prinsesa," wika ng isang matanda, nakatayo ang mga ito at naghihintay sa pagpasok ni Elysia.

"Oo nga, nakakatuwang sa edad nating ito, maabutan pa natin na ganito kaganda amg palasyo," sang-ayon naman ng isa pa.

Ito ang sitwasyong nasilayan ni Elysia pagpasok niyang muli sa bulwagan. Suot ang pulang bestida, tiwala nawalan ng kulay ang mga bulaklak sa paligid niya dahil sa napakaganda niyang anyo. Maging si Vladimir na noon ay nakaupo na sa trono at nakikipag-usap kay Caled ay napalingon sa kaniyang pagpasok.

Akay-akay ng tatlong babae, marahang naglakad si Elysia patungo sa sentro ng bulwagan at tumayo sa harapan ni Vladimir. Mayumi siyang yumukod uoang magbigay galang, at tumayo naman si Vladimir upang akayin siya at iharap sa mga tao. Nagbitaw ito ng mga salita na siya namang ikinatuwa ng mga tao.

Sabay-sabay na sumigaw ng pagbati ang mga naroroon, matanda, bata, babae at lalaki, tao man o kung anong nilalang. Lahat ay masaya, lahat ay masigla. Buo ang ngiti sa mga labi ni Elysia mula simula hanggang sa pagtatapos ng selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

"Maraming salamat sa inyong pagdalo, mag-iingat kayo sa pag-uwi." Kumakaway na wika ni Elysia habang tinatanaw ang mga papalayong tao na dumalo sa kaniyang kaarawan. Walang paglagyan ang kagalakan at tuwa sa kaniyang dibdib..

Pagod man ay ramdam ni Elysia ang matinding kasiyahan na suyang pumapawi niyon.

"Vlad, maraming salamat dahil ginawa mong espesyal ang kaarawan kong ito." Nilingon ni Elysia amg binata habang magkahugpong ang kanilang mga kamay.

"Wala akong hindi gagawin para mapasaya ka. Espesyal ang bawat kaarawan mo para sa akin, at higit na espesyal ang araw na ito, dahil sa wakas ay nasa hustong edad ka na. At ilang linggo na lamang ay tuluyan na kitang magiging reyna." Hinaplos ni Vladimir ang kaniyang pisngi. Marahan iyon, puno ng pag-iingat at pagmamahal. Noon ayas napatunayan ni Elysia na tunay ang lahat ng binibitawang salita ni Vladimir. Walang pagsisinungaling sa bawat salita niya purong katotohanan lamang iyon.

"Pangako, magiging mabuting reyna ako para sa nasasakupan natin at magiging mabutjng asawa naman ako para sa 'yo," wika naman ni Elysia. Ngumiti si Vladimir at masuyong hinalikan ang noo ng dalaga.

"Alam kong magiging mabuting reyna ka para sa Nordovia. At alam ko rin na magiging mabuti kang asawa. Tiwala ako sa tadhanang nagbuklod ng ating mga buhay. At wala akong pagsisisihan, sa lahat ng desisyong ginawa ko. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Halos pabulong na wika ni Vladimir.

Natapos ang araw na iyon na busog ang buong pagkatao ni Elysia dahil sa tuwa at pagmamahal na nagmumula sa lahat ng tao at kay Vladimir.

Dumaan pa ang maraming araw hanggang sa sumapit ang linggo ng koronasyon. Ilang araw na lamang at magaganap na ang pangalawang koronasyon sa Nordovia. Lalong naging mahigpit ang mga kawal na nakapalibot sa palasyo. Wala silang pinapalampas na kahit anong nakakadudang galaw doon.

"Ilang araw na lang at makokoronahan ka ng Reyna ng Nordovia. Nakakatuwa naman talaga si Vlad. Tutok na tutok para sa araw na iyon. Napakasuwerte mo Elysia." Puna ni Galathea habang inaayos naman nila ang mga palamuting gagamitin ni Elysia para sa araw na iyon.

"Hindi lang naman ako, masuwerte ka rin naman kay Caled ah." Nakatawang wika ni Elysia at napahagikgik naman si Galathea— halatang kinikilig.

"Sus, ayon pa. Lamang naman si Vlad sa pagiging romantiko. Si Caled kasi madalas parang bato. Akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Ewan ko ba doon, hindi ko alam kung bakit madalas nakasimangot. Hindi tulad ni Vlad, kapag nariyan ka, abot tainga makangiti, akala mo,nanalo sa pustahan." Tugon ni Galathea. Itinapat pa nito ang isang pares ng hikaw sa bandang tainga ni Elysia— sinusubukan kung maganda ba ito. Nagkibit balikat lang si Galathea at muli itong ibinalik sa lalagyan.

"Bakit parang hindi naman gan'yan ang nakikita ko? Napapansin ko nga kapag hindi ka nakatingin, malagkit ang titig ni Caled sa 'yo, 'yong tipong ayaw ka niyang mawala sa kaniyang paningin."

Sabay pa silang natawa, pagkuwa'y tinukso ang bawat isa.

Next chapter