webnovel

Chapter 66

Sa paglipas pa ng maraming araw, naging abala ang lahat. Napansin din ni Elysia ang pagdating ng iba't-ibang uri ng nilalang sa Nordovia at lumipat ang mga ito sa kalapit na bakanteng bayan malapit sa palasyo. Ayon kay Vladimir, ipinasadya talaga ang bayang iyon na bakante upang magsilbing tanggapan ng mga nilalang na magmumula pa sa malalayong bayan bago ang karonasyon.

Ang ibang mahahalagang bisita naman ay sa palasyo mananatili at magdadatingan lang isang linggo bago ang koronasyon. Tila nagkaroon ng fiesta sa nasabing bayan dahil sa dami ng tao. Inilibot naman doon ni Elysia ang mga bata upang makakilala ang mga ito ng iba pang bata at hindi maburyong sa loob ng palasyo. Kasama ang magkakapatid na Kael, Raion at Raya, sila ang nagsilbing mga kawal nila. Naroon din naman si Florin na simula nang matapos ang parusa kay Alicia ay nakabuntot na sa kaniya.

"O, mga bata, huwag kayong masyadong lalayo sa amin, Ruka, Esme, kayo na ang bahala sa mga kapatid niyo. Lira, bantayan mo silang mabuti ha at huwag kayong makikipag-away," paalala ni Elysia nang marating na nila ang sentro ng bayan kung saan maraming bata rin ang naglalaro.

"Opo, Mama Ely. Magiging mabait po kami." Nakataas pa ang kamay na wika ni Grego. Natawa naman si Elysia dahil si Grego ang pinakamakulit sa mga ito.

"Tama yan, maging mabait ka, dahil anak ka na ngayon ng hari." wika pa ni Elysia at tila napipilan naman ang bata at natahimik. Bumusangot pa ito at napahalukipkip.

"Paano kung kami ang aapihin?" tanong ni Grego.

"Hangga't hindi ka sinasaktan ng pisikal, hayaan mo lang. Kasama niyo naman si Lira, siya ang magtatanggol sa inyo kapag sakali." tugon ni Elysia at tumango naman si Grego. 

"Sige na, makipaglaro na kayo sa kanila, hinihintay na nila kayo," untag ni Elysia at sabay-sabay nang nagtakbuhan ang mga bata matapos siyang bigyan ng yakap at halik sa pisngi.

Nakangiting pinagmasdan lang ni Elysia ang mga bata, nang masiguro na nilang maayos na silang nakikitungo sa mga ito ay naglibot-libot naman si Elysia roon. Bukod sa mga nilalang na ngayon lamang niya nakita ay napakaraming mga makukulay na gamit rin ang nakahilera sa gilid ng daan. Tila ba maging ang mga negosyante ay kinuha ang pagkakataong iyon na kumita kahit papaano.

Sa kanilang paglalakad, isa-isang pinapakilala naman ni Florin ang mga nakikita nilang mga nilalang na ngayon lang nakita ni Elysia. Aliw na aliw naman si Elysia at sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kapayapaan sa kaniyang sarili. Sa kalagitnaan ng pagpapahinga nila sa isang kanto kung saan nakikita nila ang mga batang naglalaro ay nabuksan naman ni Florin ang topiko patungkol sa mga lahi ng demi-beast na ang wangis ay kaparehas ng kina Raion. Ito ang mga uri ng kalahating tao at kalahating halimaw na may wangis ng mga leon.

"Wala pa naman akong nakikitang katulad nila, Florin," sabad ni Elysia.

"Ang dinig ko ay sa isang linggo pa darating ang barkong sinasakyan nila. NAsa kabilang ibayo ng Nordovia ang mga Demi-beast na iyon Prinsesa. Maharlika sila at madali mo silang makikilala dahil sa ang mga balahibo nila ay kumikislap na tila ginto kapag natataman ng liwanag ng araw o buwan. MAging ang mga balat nila ay ganoon din," sagot ni Florin.

"Ano naman ang kaibahan nila Raion sa kanila?" muling tanong ni Elysia.

"Malaki, dahil kung sila Raion ay mas matimbang ang wangis nilang tao, ang mga demi-beast naman ay mas matimbang ang wangis nilang hayop. Samakatuwid, kapag nakita mo sila, para silang mga leon na nakatayo, may katawang tao, pero mabalahibo. Sila Raion naman ang katawan at wangis nila ay mas tao ang kaibahan naman nila sa tao, may mga buntot sila at tainga na maihahalintulad mo sa hayop," tugon ni Florin at doon lang naunawaan ni Elysia ang kaibahan nila Raion sa mga Demi-beast.

"Iniisip ko pa lang para akong nangingilabot sa kanilang mga itsura. Pero ang mahalaga naman ay hindi sila kalaban, hindi ba?" Alanganing napatawa si Elysia habang nakatanaw sa mga bata.

"Hindi ko masasabing kalaban o kaibigan sila, pero isa sila sa mga nilalang na mapagkakatiwalaan kapag nagbitaw ng mga salita. Mataas ang tingin nila sa kanilang sarili at mataas rin ang pagpapahalaga nila sa mga pangakong binibitawan nila. Kapag nakuha mo ang loob ng kanilang pinuno ay paniguradong magkakaroon ka ng malakas na kasangga. At iyon na nga ang nagawa ni Haring Vlad, kaya hindi sila maaaring mawala sa kasiyahan. At malamang darating din sila upang subukin ang kakayahan mo bilang magiging Reyna ng Nordovia." Nakangiting wika ni Florin at nawala naman ang ngiti sa mga labi niya. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kaba dahil sa nalaman.

"Nakakakaba naman," sambit ni Elysia na tinawanan naman ni Florin.

"Wala kang dapat ikatakot at hindi ka rin dapat kabahan prinsesa. Maging natural ka lang at gawin mo lang ang alam mong tama. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para lang tanggapin ka nila. Alalahanin mo, wala pa rin silang magagawa dahil pinili ka ni Haring Vlad, kung ayaw nila sa'yo, sarilinin na lamang nila." Wika naman ni Florin habang patuloy na natatawa.

"Nakakaloko ka talaga Florin, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko." Nakasimangot niyang wika. Sa isip-isip niya ay kailangan muna niyang malaman kung gaano kaimportante ang mga demi-beast sa kaharian ng Nordovia. Bilang reyna, hindi siya maaaring magkamali mg galaw at desisyon. Hindi lamang ang buhay niya ang nakasalalay rito kun'di maging ang buhay mg lahat at reputasyon ni Vladimir.

Pagsapit ng hapon ay sabay-sabay na silang umuwi, pagdating sa palasyo ay nakita ni Elysia na naghihintay si Vladimir sa harap nito. Kausap niya si Alastair at tila ba seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Nang huminto na ang karwahe at doon din naputol ang usapan ng dalawa at agaran itong lumapit upang salubungin sila.

"Kumusta ang pamamasyal ninyo?" Iniabot ni Vladimir amg kamay at inalalayan siyang bumaba sa karwahe. Tinanggap naman iyon ni Elysia at nakangiting binati ang binata.

"Buong araw na naglaro ang mga bata, pero tingnan mo akala mo'y pahinga ang ginawa nila at hindi laro." Natatawang tugon ni Elysia.

Sunod-sunod namang nagtatalon pababa ang mga bata at masayang binati si Vladimir. Sama-sama silang pumasok ng palasyo at inihatid na ni Elysia at Vladimir ang mga bata sa silid ng mga ito. Naghihintya na rin doon amg mga tagapag-alaga nila. Sina Elysia at Vlad naman ay pansamantalang tinungo ang bulwagan upang doon magpahinga at mag-usap.

"Vlad, naikuwento pala ni Florin sa akin ang tungkol sa mga demi-beast. Ano ang katayuan nila sa Nordovia?" Hindi naiwasang itanong ni Elysia.

Saglit namang nag-isip si Vladimir at napatingala.

"Hindi ganoon kahalaga sa katayuan ni Duke Morvan. Bakit mo naitanong? Nag-aalala ka ba na baka hindi ka nila matanggap?" Balik na tanong ni Vladimir at hindi na itinago pa ni Elysia ang nararamdaman niya.

"Hindi mo kailangang mag-alala, magugustuhan ka nila. Maging totoo ka lang sa sarili mo at sa paniniwala mo. At isa pa hindi mo sila kailangang intindihin dahil ako naman ang pakikisamahan mo habang-buhay at hindi sila." Nakangiting wika ni Vladimir at napangiti na rin si Elysia.

Tama nga naman ito, hindi naman ang mga nilalang na iyon ang makakasama niya sa buhay kun'di si Vlad. Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay gumaan na ang loob ni Elysia. Nawala ang pangambang kaninang bumabagabag sa kaniya. Nabaling naman sa ibang bagay ang topiko nila at dahil sa minsanang pagkakuwela ng binata ay walang ginawa si Elysia kun'di ang tumawa.

Naudlot lamang ang masayang usapan at tawanan nila nang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ng pinto ay iniluwa no'n si Loreen kasama ang kagagaling lang na si Luvan.

"Mabuti naman at magaling ka na Uncle Luvan," bati ni Vladimir at tumango naman si Luvan at napatingin kay Elysia.

"Salamat sa Tiyahin mo at naging mabilis ang paggaling ko. Siyanga pala Vlad, nagpunta kamu rito dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo ni Ely." Paunang wika ni Luvan habang inaalalayan ito ni Loreen na maupo sa silyang nasa gilid lamang ng trono ni Vladimir.

Pagkaupo ni Luvan ay muli it9ng bumuntong-hininga at saglit na nagpasalamat kay Loreen.

"May kinalaman ito sa nangyaring pag-atake sa amin doon sa hanggangang bayan. Hindi na lingid sa kaalaman mo ang pagsasanib puwersa ng isang grupo ng mga taong-lobo kay Vincent at bukod pa roon, namataan ko rin na maging ang mga bruha ay nagsisimula na ring gumalaw. Pinamumunuan sila ng isang matandang babae na nahahanay sa mga sinaunang mangkukulam." Salaysay ni Luvan, magkasalikop ang mga kamat nito habang tula malalim na nag-iisip.

"Ang mga mangkukulam? Ang tinutukoy mo ba, ang mga bruha sa dulo ng silangan?" Tanong ni Vladimir.

Tumango naman si Luvan at may kinuha itong isang mapa at inilatag sa mesang nasa harapan nila.

"Ito ang Nordovia, ito ang Silangang bahagi at narito sila." Wika ni Luvan habang itinuturo kay Vladimir ang mga lugar sa mapa.

"Malapit na sila sa atin Vlad at lumalawak na rin ang sakop ng kapatid mo. Siguradong may pasabog silang gagawin at iyon ang paghahandaan natin. Sa tingin ko kailangan mo na ring magtawag ng tulong. Nararamdaman ko na ito na ang pinakamalaking digmaang magaganap sa pagitan niyo ni Vincent." Suhestiyon ni Luvan at napatahimik naman si Vladimir. Walang umimik sa kanila at maging si Elysia ay nahulog sa malalim na pag-iisip.

Next chapter