webnovel

Chapter 51

Napalingon si Elysia nang marinig ang impit na sigaw ng alalay ni Mariella. Paglingon niya ay nakita niyang nakikipagtagisan ng tingin si Mariela sa kaniyang kaibigan. 

"Umalis ka rito Mariella, hindi ka nababagay rito. Baka bumaba ang tingin sa'yo ng mga tao. Bakit ka ba nagpupunta rito gayong isa kang maharlika, ayon sa paniniwala mo. Ikaw, bitbitin mo palayo iyang alaga mo, kung ayaw niyong maubos ang pasensiya ko at ipakaladkad ko kayo sa mga kawal." banta ni Elysia at nanlalaki naman ang mata ni Mariella na napatitig sa kaniya. Tila ba hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Ipapakaladkad mo ako, hindi mo pa talaga kilala ang pamilya ko. Subukan mo lang at makikita mo ang hinahanap mo." Galit na singhal ni Mariella at napangisi naman si Elysia.

"Pamilya mo? Mataas ang respeto ko sa pamilya mo, pero katulad mo rin ba sila na may makitid na utak? Dahil kung oo, mukhang kailangan ng maglinis ni Vlad ng kaharian niya. Mariella, ilang daang taon ka na bang nabubuhay sa mundo, bakit mas masahol ka pa sa bata kung mag-isip? Ang buong akala ko kasi ang mga tulad niyong nabubuhay ng matagal sa mundo ay marami nang alam. Kaya niyo nang kumilos ng pormal at nababase sa pagkakataon, pero bakit parang balahura ka pa rin makitungo sa mga taong nakakasalamuha mo?" Tanong ni Elysia at gigil na sumigaw si Mariella bago ito lumabas ng kusina.

Marahas namang napabuntong hininga si Elysia at nagkatinginan pa sila ni Lira. Lumipad naman si Lira patungo sa kaniya at pumatong ito sa kaniyang balikat.

"Muntik ka na niyang atakihin noong tumalikod ka, mabuti nalang at nakita ko siya. Napakawalang modo talaga ng babaeng iyon. Mag-iingat ka sa kaniya prinsesa, malakas ang kutob ko na gaganti siya sa'yo. Hindi ko rin gusto ang awrang lumalabas sa kaniyang katawan, kakaiba at nakakapangilabot." Wika ni Lira at tumango naman si Elysia. 

"Ilang araw ko na ring napapansin iyon, Lira. Pero hindi ko kasi matumbok kung ano iyon. Salamat, mag-iingat ako." Tugon ni Elysia at mabilis na inayos ang kaniyang niluto sa iisang plato. Inilagay niya ito sa basket at kinuha ang inihanda niyang dugo para kay Vladimir. Matapos ay nagmamadali na niyang nilisan ang kusina para makabalik na sa bulwagan.

Naabutan naman niyang abala pa rin si Vladimir habang nakasandal ito sa kaniyang trono. LUmapit siya rito at marahang inilapag ang basket sa bakanteng mesa.

"Tama na muna iyan Vlad, magmeryenda ka muna, para naman hindi ka masyadong mapagod." Wika niya at inilapag na sa mesa ang kaniyang mga niluto.

Agaran din naman ibinaba ng binata ang binabasa nito at saglit na inamoy ang hangin.

"Nakasalubong mo ba si Mariella kanina? Naaamoy ko siya sa'yo. May ginawa na naman ba siya?" Tanong ni Vlad at biglang sulpot naman si Lira sa balikat nito. Bago pa man makapagsalita si Elysia ay naunahan na siya ni Lira. Sa bilis ng bunganga ni Lira ay halos naikuwento na niya ang lahat bago pa man siya makapag-react. Nasapo na lamang ni Elysia ang noo nang matapos nang magsalita si Lira

"Mukhang nagiging mas mapangahas na ngayon si Mariella." Saad ni Vladimir at masuring tinitigan si Elysia.

"Nasaktan ka ba?" Tanong nito at umiling naman si Elysia.

"Maagap si Lira kaya hindi niya ako nasaktan at kung masaktan man niya ako, hindi ako papayag na hindi makakabawi. Ano pa't tinuruan niyo akong makipaglaban kung hindi ko kayang ipagtanggol sa sarili ko. Kaya huwag ka ng mag-alala pa Vlad, kumain ka na lang. Tapos sabihin mo sa akin kung nagustuhan mo ang luto ko." Wika ni Elysia. Ngumiti naman si Vladimir at binalikan na ang kinakain nito.

Marahan at napakapormal ng binata habang kumakain. Bawat hiwa at bawat subo nito ay kitang-kita ni Elysia at noon lamang niya napagtanto na napakaguwapo pala nito kahit habang ngumunguya. Bahagya pang tumatango-tango ito at tila ninanamnam ang bawat pagnguya niya. Matapos maubos ang karne na inuluto niya at sinimupan naman nitong inomin ang inihanda niyang baso ng dugo ng usa.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Elysia, sabik siyang marinig ang sasabihing komento nito.

"Kahit anong ihain mo sa akin ay magugustuhan ko." Sagit ng binata at nadismaya naman ang dalaga. Gumuhit sa mukha ni Elysia ang lungkot at agad naman itong napansin ni Vladimir. Saglit s'yang napaisip kung anong mali ba ang kaniyang nasabi. Nang mapagtanto niya kung saan siya nagkamali at napangiti naman si Vladimir at mabilis na kinabig ang dalaga papalapit sa kaniya.

Dinampian niya ng halik si Elysia sa labi na labis namang ikinagulat ng dalaga.

"Nagustuhan ko, masarap at tamang-tama lang ang pagkakaluto. Malambot at hindi mahirap nguyain ang karne." Wika ni Vladimir at aga d na gumuhit sa pisngi ni Elysia ang matamis na ngiti.

"Talaga, sige dahil nagustuhan mo ang luto ko, kapag may oras ako, ipagluluto kita. Pati na rin ang mga bata. Medyo nasiyahan ako sa paggawa sa kusina, kumakalma ang utak ko kapag nagluluto kaya marahil mapapadalas ako roon." Wika naman ni Elysia.

Kinahapunan, sinalubong ni Elysia ang pagdating ng mga bata sa harap ng palasyo. Sina Raion at Raya ang maghatid sa mga ito kasama na rin si Kael. Saglit pa silang nag-usap at isang liham ang palihim na iniabot ni Raion sa dalaga. Mabilis naman itong tinago ni Elysia sa bulsa ng kaniyang bestida bago nagpaalam sa mga ito.

Pagkapasok sa palasyo ay sinamahan naman niya ang mga bata sa kwarto ng mga ito. Inutusan niya ang mga tagapag-alaga ng mga ito na paliguan sila habang inihahanda naman niya ang mga damit na pamalit ng mga ito.

Matapos makapagbihis ng mga bata ay sabay-sabay na nilang tinungo ang hapag-kainan. Naghihintay na roon si Vladimir at sabik namang lumapit ang mga bata rito. Magalamg silang bumati sa binata bago sila tuluyang naupos sa kani-kanilang upuan. Iyon na ang nakagawian nilang gawin sa tuwing kakain sila ng sabay.

Matapos kumain ay inihatid na nina Elysia at Vladimir ang mga bata sa kwarto ng mga ito. Upang hindi na sila mahirapan, sa iisang silid na nila pinatuloy ang mga bata. Malawak ang silid na iyon may walong higaan sa magkabilang parte mg silid at sa gitna naman ay isang mahabangesa kung saan naman nila ginagawa ang pag-aaral nila. May maliit na aklatan rin doon at mga piling aklat ang nakalagay , malaki rin ang bintana kung saan kitang-kita nila amg malawak na hardin at ang lawa. Sa umaga ay nakikita nila ang pagsikat ng araw at nasasamyo rin nila ang sariwang hangin.

"O, mga bata, maagang magpapahinga, bukas darating si Luvan para turuan kayong magbasa. Pagkatapos niyan ay may ehersisyo din kayo. Kapag may gusto kayong matutuhan, sabihin niyo lang sa kaniya. Ayos ba iyon?" Paalala ni Elysia at sabay-sabay naman na sumagot ang mga ito.

Matapos magpaalam ay tumungo naman sina Elysia at Vladimir sa kanilang silid upang makapagpahinga.

Malalim ang buntong-hininga ni Elysia nang makalapat sa malambot na higaan ang kaniyang likod.

"Napagod ka ng husto. Parang gusto ko na tuloy bawiin na pinayagan kitang mag-asikaso sa kusina. Hindi mo naman gawain iyon at napakarami nating tagasilbi. " Wika ni Vladimir at napabangon si Elysia b

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin Vlad. Wala nang bawian, at isa pa, hayaan mo na akong gawin ito. Hindi ba't sabi mo, pagsasanay ko rin ito bilang magiging reyna mo. Hayaan mong maintindihan ko ang lahat ng nangyayari sa palasyo at sa mga nasasakupan mo." Giit naman ni Elysia at napabuntong-hininga na lamang si Vlad.

"Oo na, panalo ka na. Pero kapag napapagod ka na, hayaan mo ring magpahinga ang katawan mo. Tandaan mo tao ka lang, hindi ka ilad ko na isang bampira. Pero kung nais mo, pwede rin naman kitang gawin katulad ko, nang sa gano'n ay mas maging malakas ka pa." Wika ni Vladimir at napailing si Elysia.

"Ayos na akong maging isang tao. Gusto kong maikasal at bumuo ng pamilya kasama ka bilang isang tao. Hayaan mo kapag nanawa na ako maging tao, sasabihan kita. Hindi ko naman isasara ang posibilidad na maging isang bampira, at isa pa,hindi ka tatanda samantalang ako kukulubot ang aking mukha. Pero kung ayos lang naman sa'yo ang magkaroon ng reyna na parang lola mo na, eh 'di ayos na rin sa akin." Saad ni Elysia at natawa naman si Vladimir.

"Kahit ano pa ang maging anyo mo, mananatili kang maganda sa mga mata ko. Matulog ka na, para makapagpahinga ka na ng maayos." Aya ni Vladimir at pinahiga na sa higaan si Elysia. Marahang hinaplos ng binata ang buhok ni Elysia hanggang sa tuluyan na ngang makaramdam ng antok ang dalaga.

Next chapter