webnovel

CHAPTER 1: FOR RENT

SHIN

"OO! Maghiwalay na tayo kasi sawang sawa na ko!"

Nagising ako dahil sa heavy drama ng mag asawang nangungupahan sa amin. Naupo ako. "Hayst ... nag aasaway na naman sila?" Tumingin ako sa orasan ... 6 Am na. Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko sina Adan at Tinay na nakadungaw sa bintana

"Ano? Chismosang kapitbahay lang?"

Napalingon silang dalawa.

"Gising ka na pala kambal ..." sabi ni Tinay

Lumapit naman si Adan. "Nag aaway na naman yung mag asawa. Mukang may mapapalayas na naman tayo." Nag aalalalang tono nya

Hinampas naman siya ng mahina ni Tinay. "Di naman siguro sila magbabasag."

"Sana.." sagot ni bakla

"Malay nyo kumalma yan mamaya."

"Tara na mag almusal na tayo." Aya ni Tinay

Papunta na kami sa dining area nang may marinig kaming nabasag mula sa labas. Nagtakbuhan kami patungo sa bintana para silipin kung ano yun...

"YUNG BINTANA!" sigaw naming tatlo.

Naawat namin ang mag asawa pero agad na umalis ang lalaki dahil sa galit nya sa babae. Kinausap namin si Mrs. Beth sa bahay.

"Pasensiya na kayo... maliit lang naman yung pinag awayan naming mag asawa ... hindi ko naman alam na magbabasag siya."

"Ok lang po..." hinahagod ni Adan ang likod ni Mrs. Beth

"Umalis na ho kayo."

Napalingon silang tatlo sa akin.

"Shin..." awat ni Tinay

"Hindi lang po kayo ang nakasira ng bahay na yan... maraming tao na po. Para po malaman nyo pang walo na po kayo sa sumira nyan sa loob ng dalawang buwan." Paliwanag ko

"Pero kasi Shin... wala na kaming makikitang bahay na malapit sa pinagtatrabahuan namin."

"Sana po naisip yan ng asawa nyo." sagot ko

Wala silang nagawa. Umalis si Mrs. Beth at nagtungo sa kabilang bahay upang mag empake.

Tahimik kaming tatlo habang kumakain. Binaba ko ang kutsara ko at tinignan sila. "Masama ba ko?" Tanong ko

Umiling si Adan. "Kaya lang ... nakakaawa naman sila."

"Alam ko... kaya lang kasi pamana ito satin nung may ari diba?"

Tumango sila ni Tinay. "Kailangan din talaga natin ingatan to' kasi ... pinagkukunan din natin to'."

"Wala ring sense yung upa na matatanggap natin kung ipang aayos lang din natin palagi."

"Sabagay... tama ka bakla." - Adan

Ngumiti ako. "Makakahanap din tayo ng uupa dyan ok."

Matapos naming kumain ay naligo na ako at nag ayos ng sarili.

TO INTRODUCE MYSELF, MY NAME IS SHIN ANG HEADCHEF NG MI AMOR RESTO. ISANG INDEPENDENT WOMAN. ULILA SA MAGULANG AT NAG IISANG ANAK.

To make it clear ... ang bahay na tinitirhan namin ay pundar ng mga magulang naming tatlo nina Tinay at Adan. Katulad namin magkakaibigan din sila puro babae nga lang.

Busy ako sa pagluluto nang marinig kong nagriring ang cellphone ko.

"Hello ..."

"Shin!"

"Oh!"

"Maglalagay na kami ng FOR RENT ni Adan bago kami pumasok."

"Ahh... sige."

"Number mo nalang ibibigay namin."

"Ha? Bakit?"

"Alam mo naman na mahigpit ang boss namin nito diba? Atleast ikaw headchef ka dyan... pwede ka gumamit ng phone. kami nalang magpapaliwanag kapag may umupa na."

"Ahh... sige."

"Sige daw! Pantayin mo yan damuho kang bakla ka!" Sigaw ni Tinay kay Adan. "Oh... siya paalam na..."

Nag end call na kami.

"Chef, anong table po ito?" Tanong ni Grace

"Table 10."

"Ok po."

Pinuntahan ko ang naghihiwa ng patatas. "Nipisan mo pa yan." sabi ko

"Chef, yung nasa table 10 po. Pinapatake out nya po ito."

"Ha? diba dine in sabi nya kanina?"

"Opo chef."

Lumabas ako at tinignan ang customer. Parang halos kasing edad ko lang siya. Naka headset siya tapos nanunuod ng TV. 'Aba... multi tasking.' Inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko ang order kay Grace.

"Ehem..." sabi ko. Tinignan nya ako saka inalis ang headset nya.

Ngumiti siya sa akin.

"Sir... nandito din po ba kayo kahapon?"

Tumango siya. "Wow... matalas ang memorya mo."

"Kahapon po pinatake out nyo po yung order nyo tapos pina dine in nyo rin.. ngayon naman po pina dine in nyo pero pinapa take out nyo na. Niloloko nyo po ba kami?"

"Wala akong balak lokohin ka." Sagot nya

Tumaas ang kilay ko sa sagot nya with a serious face sabay ngiti sa akin. Hindi ako nagsalita.

"Joke. Pero kasi ..." tinuro nya ang nakapaskil sa pader. 'CUSTOMERS ALWAYS RIGHT'

🤬🤬🤬🤬🤬

Sabay kindat sa akin.

WON :

Nakangiti akong lumabas ng resto. Lumingon akong muli at nakita kong nagliliyab yung chef nila. Sumakay na ako sa bisekleta ko at umuwi na. FYI ... kapitbahay ko siya 😏 pero di nya alam. Ang Importante

... alam ko. 😂

Totoo yung sinabi nya kanina pinagtitripan ko siya. Actually, lahat ng staff nya ay pinagtripan ko pero sa tagal kong ginagawa yun kahit kelan ay hindi ko siya nakitang lumabas. Isa siyang sikat na chef. Malamang ... marami siyang event na pinupuntahan and to tell one thing ... FIRST LOVE NAMIN ANG ISA'T ISA.

Bakit?

Basta ...

Sinalubong ako ni Bum ang kaibigan kong hudlom. Patay gutom siya eh.

"Dun ka na naman galing?" Sabi nya with a plain face pero alam ko na sa likod ng pangit nyang mukha ay isang gutom na nilalang ang nagtatago.

Kinuha nya ang plastic na nakasabit sa bike ko. Dedma lang ako. Sanayan nalang kasi talaga yan eh. Hinanda nya na ang lamesa at kumain na kami.

"Tumawag si Michael."

"Ha? Si Michael ?"

Tumango siya. "Oo, yung writer mo. Baka daw.."

"Ayoko. Busy ako kamo." Pagtanggi ko ng mabilis.

"Ano? Ganyan ganyan ka nalang Won?"

"Wag na natin pag usapan yan gutom ako."

Nagdidilig ako ng halaman nang may makita akong babae na naghahakot ng gamit mula kina Shin. Kahit malayo ay tanaw na tanaw ko na babae ang naghahakot. Anong meron dun? Tanong ko sa isip ko.

"Anong tinitignan mo?"

"AH!"

Nagulat ako kay Bum kaya naitulak ko siya ng bahagya.

"Ano ba bum!"

"Tignan mo yung halaman Won... nalunod na!"

Pagtingin ko ay nag uumapaw na sa tubig yung halaman.

"LUH!"

"Kung saan saan ka kasi nakatingin eh." Binatukan nya ako.

Tsk. Habang nagbabatukan kami ni Bum ay dumaan sina Tinay at Adan.

"Pati pineapple juice ni Shin isulat mo dyan." Utos ni Tinay kay Adan

"Baks, naman eh... ginagawa mo kong secretary."

"Manahimik ka! Basta ilista mo di mabubuhay yun nang wala yan!"

Hinampas ako ni Bum. "Aray..." inda ko.

"Diba kaibigan nya yun?" Nginuso nya sina Tinay.

Tumango ako.

SHIN

CLOSING TIME.

Nakaupo ako sa labas habang naglilinis ang mga staff ko. Nang biglang lumabas si Grace.

"Chef... sainyo po ata ito." Inabot nya ang supot na may laman.

"Ano to?" Tanong ko

"Pineapple juice po ata."

Tinignan ko ang loob. Pineapple juice nga ...

"Kanino galing to?"

Nagkibit balikat siya. Nang makita ko ang note na nakalagay sa loob. 'ENJOY 💕 - JHW'

"JHW?"

"Kilala nyo po ba yan, Chef?"

Umiling ako.

"Chef, baka po free kayo ngayon..."

"Ha? Bakit?

"Baka gusto nyo pong uminom?"

Pumayag akong sumama sa mga staff ko. Tinawagan ko muna sina Adan na hindi ko sila masasabayan ngayong dinner. Nagpunta kami sa isang kainan malapit dito.

Chicken at pork barbeque ang inorder namin kasama ang dalawang bucket ng beer.

"Wowwwww... ang sarap." Sabi ni Mongs.

"Sandaliii ... iniihaw pa yan eh! Patay gutom ka!" Sigaw ni Lea.

Nagkakasiyahan sila habang ako nageenjoy sa alak.

"Chef, pwede po ba kayong uminom ng madami?" Tanong ni Jordan na katabi ko.

Tumango ako. "Oo naman."

KINABUKASAN. Sobrang sakit ng ulo ko. Pinilit kong umupo at inayos ang sarili ko. Asan ako? Tinignan ko ang paligid ko. "Paano ako nakauwi?" Dali dali akong tumayo kahit hilong hilo pa din ako. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin sina tinay at adan.

"Oh... baks... kamusta ka na? Masakit ulo mo?" Tanong ni Adan

"Paano ako nakauwi?"

"Ha?" Napanganga silang dalawa.

"Hindi ba ikaw yung nag doorbell kagabi?" - Tinay

Umiling ako. "Hindi siguro?"

"Tinay, baka hindi eh... diba... nadatnan natin siyang nakahiga sa may pinto kagabi?"

Tinignan nila akong dalawa.

"Eh... sino?" Sabay nilang tanong

"Hayst ... masakit yung ulo ko." Nahiga ako sa sofa. Sino kaya yung naghatid sa akin kagabi? Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko.

Naghanda na ako sa pagpasok medyo late man ... ayos lang yun basta pumasok. Binuksan ko ang pinto nang may marinig akong bumangga sa likod nito. Sinilip ko. "Paper bag?" Tinignan ko ang laman. "Porridge?" Na may kasamang note na 'For hangover - JHW' sino ba talaga si JHW?

Sinalubong ako nina Grace.

"Kamusta chef?"

"Ok lang naman." Napatingin sila sa dala ko.

"Ano po yan?"

"Ah... ito? Porridge. Gusto nyo?"

"Sige lang chef."

"Ahh... grace..."

"Po?"

"Hinatid nyo ba ako kagabi?" Kinuha ko na ang uniform ko.

"Hindi po. May lalaki pong naghatid sainyo kagabi."

"Ha? Sino?"

WON :

"ATE DALAWANG BUCKET NG BEER AT DALAWANG ORDER NG PORK BARBEQUE." Sigaw ni Bum

"Ang dami naman nun." Sabi ko

"Wag kang kumontra."

Naupo na kami. Katatapos lang ng trabaho ni Bum kaya nagkita kami malapit dito sa resto dahil payout nya daw.

"Saan ka pala galing?"

"Ha? Ako?"

"May iba pa ba tayong kasama Won?" Pamimilosopo nya.

"Ahh... dyan lang ..."

"Sus..." sagot nya na tila di naniniwala.

Habang kumakain kami ay may isang grupong maingay sa gilid. Tinignan ko sila nang mapansin kong kilala ko ang isa sa kanila... "si ano ba yun ..."

"Sino?" Nakatingin sa akin si Bum na punong puno na ng karne ang bunganga nya

"Wala."

"May bulong ka na naman?"

11 PM na and still nandito pa din kami. Inaaya ko ng umuwi si Bum pero ayaw pa din nya. Lasing na ata ito eh... pero mukhang maslasing yung isa dun. Tinignan ko si Shin na nasa kabilang table. Lasing na rin yung iba sa kanila.

"Chef? Kaya mo ba umuwi?"

Iling lang ng iling si Shin. "Oo naman. Shige lang .." pinapaalis nya na ang mga kasama nya.

"Hoy bum! Umuwi ka na mamaya ah. May aasikasuhin lang ako." Iniwan ko na siya at agad na pinuntahan si Shin.

"Bakit mo ko iiwan? Kaiwan iwan ba ko?!"

Hayst ... ang drama ng hayop na to' bahala ka dyan.

Lasing na lasing siya nang malapitan ko siya pero tumayo siya at pinilit na maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya para umalalay.

Nang bigla siyang humarap sa akin.

"Alam mo ba saan ako uuwi?"

"Ha?"

Matapos nyang sabihin yun sa akin ay saka siya nawalan ng malay. Sinalabay ko siya at agad na inuwi sa kanila.

"Sino ka?" Tanong nya habang nakapikit. Nilalamukos ang mukha ko pero pinipilit ko padin na buhatin siya hanggang makauwi kami. Bahagyang humigpit ang pagkakakapit nya sa akin. "Ang lamigggg..." binaba ko siya saglit. Inalis ko ang balabal na nakapulupot sa leeg ko at nilagay ko sa kanya. Pulang pula na siya.

Nang marating namin ang bahay nila ay nakita kong bukas pa ang ilaw. Baka hinihintay nila to. Nasa tapat na kami ng pintuan ng mag ring ang cellphone ni Shin. Pinindot ko ang doorbell saka nagtago.

"Ano ba anong- SHIN!" Sigaw ni Tinay "Adan! Si Shin!"

Maya maya ay binuhat na nila ito papasok sa loob. Nagpasya na akong umuwi nang may napansin ako. . 'FOR RENT FOR INQUIRIES PLEASE CALL 0936*******' For rent? Napatingin ako sa bahay nina Shin.

"Iho..." tawag sa akin ng isang matanda. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Uupa ka ba dyan?"

"Ha? Ah... eh... saan po ba tong for rent?"

"Dyan kina Shin."

Tinignan ko muli ang bahay.

"Yung rooftop ang pinapaupahan nila. Merong dalawang maliit na bahay dun."

"Ahhh..."

"Bumalik ka dito bukas para mag inquire. Ayan ang number ni Shin."

Pagkabanggit nya ng number ni shin ay agad kong kinuha ang cellphone ko at sinave ito.

Umuwi na ko sa bahay. Nadatnan ko naman si Bum na nakahalik sa lupa dahil no choice ay binuhat ko siya papasok sa bahay.

Maaga akong gumising para magluto ng porridge. Nagising si Bum.

"Bakit ang aga mo?" Tanong nya

"Wala." Inilagay ko sa isang baunan ang porridge. "Kumain ka na dyan may sasaglitin lang ako.

"Tsk..."

SHIN

Busy kaming lahat sa pagluluto nang dumating ang supervisor namin. "Hi mam." Bati ko

"Shin, pwede ka ba bukas?"

"Bukas po?"

"Oo. Nakipag meeting kasi ako kanina and gusto nilang mag cater tayo sa Welcome party ng bagong CEO ng Great HOTEL."

"Ahh... sige po."

"Don't worry malaki silang magbayad." Tinignan ko ang bisor namin. "Anak kasi ng prime minister yun."

Napakamot ulo ako. Ano namang lulutuin ko bukas? Nagpaalam muna ako sa Resto na kailangan kong mamalengke ngayon. Nagtungo ako sa grocery nang muntik na akong mabangga ng isang itim na kotse. "AH!" Sigaw ko. Agad na lumabas ang driver.

"Miss, ok ka lang? Nasaktan ka ba?"

Tinignan ko siya ng masama. "Mag iingat ka sa susunod ah!" Sigaw ko. Sayang may itsura pa naman siya kaskasero lang.

-

"Ano? Welcome party?" Gulat na sabi ni Tinay

"Oo para daw sa bagong CEO ng kung anong hotel man yun."

"Wow ... big time ka bakla." Sabi ni Adan.

"Anak ng prime minister daw yun eh..."

Siniko siko ni Tinay si Adan habang sumusubo ng kanin yung isa.

"Diba lumabas yun sa balita kanina?"

"Oo. Yung ... KO HI SEN?"

Tumango tango si Tinay. "Bingo!" Tumingin siya sa akin "Ang gwapo kambal!"

"Ayy ... oo nga pala ... gusto nyong mag chill mamaya?" Tanong ni Adan.

"Sureeee... bakit sagot mo?"

Tumango siya. Naglapag siya ng pera. "Pero kayo bumili..."

"Okayyy!"

Nakasuot ako ng jacket and pajama na nagpunta sa convenient store. Papasok na ako sa loob ng maramdaman kong may nakatingin sa akin tumingin Ko sa mga upuang nasa labas. Isang lalaki ang nakaupo dun. 'Hindi naman siguro siya yun..."

Hahakbang na sana ako pero lumingon ulit ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sabay iwas ng tingin. Binaba nya yung iniinom nya. Pumasok nalang ako. Kumuha ng basket at kumuha ng beer.

"Bakit parang familiar siya sa akin? Nagkita na ba kami dati?"

Malapit na ako sa pintuan ng bahay nang magring ang phone ko. Unknown number. Pinindot ko ang accept call. "Hello ..." pero walang nagsasalita sa kabilang linya. "Hello ..." napansin ko ang nasa harap ng pinto. Pineapple juice? Saka nag endcall ang tumawag. "Baliw na ata tong tumawag eh." Kinuha ang juice. "Sino naman naglagay nito?"

"Uy ... bakla ... andyan ka na pala.." -Adan

"Tinay, pagsabihan mo yang mga manliligaw mo na wag mag iiwan ng ganito dito ah." Tinignan nya ang hawak ko

"Bakit kailan ba ko uminom nyang pineapple juice na yan? Baka ikaw lang umiinom nyan dito."

"Kahapon porridge ngayon pineapple juice?" - Adan

1 NEW MESSAGE RECEIVED. Tinignan ko kung sino ang nagtext. "Wag kang uminom may pasok ka pa bukas." Napanganga ako.

"Oh? Bakit?" -Tinay

Pinakita ko sa kanila ang message.

"Ohmygod." React nilang dalawa

"May secret admirer ka?"

WON :

Nakaupo ako sa rooftop na tanaw ang bahay nina Shin. Hindi pa siya lumalabas. Uminom ang kape. Maya maya ay nakita ko na siyang lumabas. "Ok." Sabi ko. Agad akong bumaba at lumabas ng bahay. Nag doorbell ako sa kanila.

"Sino yan..." sabi ng isang lalaki na nasa loob. Siguro si Adan yan. "Yes..."bungad nya

"Good morning po. Mag iinquire po sana ako."

"Oh... mygad... ang ganda ng umaga ko dahil sayo." Natawa ako ng bahagya. "Pasok ka." Inalis ko ang sapatos ko at pumasok. "Tinay!!! May gwapong titira satin!"

"Ano ba?! Pang malandi na naman yang boses mo!"

Naupo muna ako sa sala. Nilibot ang paningin sa buong bahay. Nakadisplay ang mga certificates ni Shin nung magsimula siyang sumali sa mga cooking contest. Mga pictures nilang tatlo at iba pa.

Inilibot ako nina Tinay at Adan sa bahay na uupahan ko. Dalawa ang bahay sa rooftop na halos pareho lang ang laki. Maluwag ang nasa gitna na may papag at ihawan sa gilid. May mga halaman din. Pinaliwanag ni Tinay ang tungkol sa pagrerenta.

"Uminom ka muna ng juice bago ka umuwi." Sabi ni Adan.

"Thank you."

Inabot sa akin ni Tinay ang isang notebook. "Pakisulat dyan ang buong pangalan mo saka cellphone number para kapag duedate na ng upa ititext ka namin."

Matapos ang pag uusap namin ay nagpunta ako sa resto nila pero tila tahimik ang mga tao dito. Pinagmamasdan ko silang lahat. Focus lang sa trabaho at parang walang nagmamando sa kanila unlike nung nakaraan. Nasaan si Shin?

"Ang swerte ni Chef nu? Napili siyang magluto para sa anak ng prime minister. Ahhh!!!!" Kinikilig ang isa nyang staff habang naglilinis.

"Oo. Balita ko gwapo daw yun beh."

Anak? Ng prime minister? Napaisip ako. Hindi kaya si ... lumabas ako at agad na sumakay sa bike ko. Nagpunta ako sa Great Hotel. Nakapost dito ang malaking tarpaulin na WELCOME CEO KO HI SEN. Maliit talaga ang mundo ...

Nagpunta ako sa convenient store. Bumili ng tatlong pineapple juice.

"Sir, ang hilig nyo sa pineapple juice." Sabi ng Cashier. Matamis ang ngiti nya sa akin.

"Hindi ako mahilig dyan. May pinagbibigyan ako."

"Ooooooohhh... ang sweet nyo palang boyfriend sa girlfriend nyo."

Ngumiti ako.

"Bakit hindi po kayo bumili ng madami?" Tinuro nya yung nasa gilid.

Sabay ngiti sa akin.

SHIN

"Kelangan ko po talagang mag make up?" Nakaharap ako ngayon sa salamin kasama ang make up artist ng CEO.

"Opo. Lalo na't nandito ang ilan sa mga sikat na personalidad sa bansa."

Pagkatapos nya ako lagyan ng make up ay pumasok naman ang supervisor ko. May kasama siyang babae na sobrang ganda.

"Ok na po siya Ms. Kim." Sabi sa kanya ng make up artist.

"Good."

"Ready ka na ba?" Tanong ng supervisor ko. Tumango ako. "By the way ... siya si Ms. Kim ang secretary ng CEO."

"Nice to meet you po."

"Nice to meet you too Ms. Shin."

Lumabas na kami. Sobrang daming tao. Ang garbo ng party at maliban pa dun wala akong makitang pangit. Sana lang maganda rin ang feedback nila sa pagkain na niluto ko.

"Don't worry. Magugustuhan nila yan." Bulong ni Ms. Lei (supervisor ko)

"Iaassist ko muna ang CEO ok." Paalam ni Ms. Kim

Busy ang lahat sa party habang ako nakatayo lang dito sa gilid. Maya maya ay lumapit si Ms. Kim. "Gusto kang makilala ng CEO." Sumama ako sa kanya. Sa sobrang dami ng bisita ay hindi ko na alam sino ang CEO sa kanila. Wala naman akong time manuod ng TV o magbasa ng dyaryo. Kaya wala rin akong alam sin siya.

"Ms. Shin, I want you to meet Mr. CEO KO HI SEN."

"Ikaw?" Gulat kong sabi

"Ikaw yung babae na muntik kong nabangga last time?"

Naglalakad ako pauwi habang iniisip ko na ... talaga bang CEO yun? Nung time na muntik nya akong mabangga naka tshirt at short lang siya nun. Ang lakas nyang maka disguise ah.

Papasok na ako sa bahay nang mapansin kong parang bukas ang ilaw sa rooftop. "May nakatira na ba dun?"

"Shin ..." narinig ko ang boses ni Tinay.

"Oh... saan ka galing?"

"Nagtapon ako ng basura."

"May nakatira na ba dyan?"

Tumango siya. "Nagpunta dito yan kanina. Pero wala pa ata siya dyan. Mga gamit palang nya."

"Aah..."

Hinawakan nya ako sa braso. "Alam mo ba ... sobrang gwapo nya." Ngumiti siya.

"Sus... tumigil ka nga. Baka mamaya magulat ako ginahasa mo na yun."

"Grabe ka naman sa akin."

Matutulog na sana ako ng maalala ko ang tanim kong cactus na nakalagay na sa rooftop. "Kunin ko kaya yun... nakakahiya naman dun sa mangungupahan kung dun pa din yun nakalagay." Nagsuot ako ng jacket at agad na nagpunta sa rooftop.

Agad kong kinuha ang cactus ko. Nang may marinig akong naglalakad. "Andyan na siguro yung lalaki." Tumayo ako at bababa na nang makasalubong ko siya. Napatitig kami sa isa't isa. "Ikaw yung ..."

Nagulat din siya.

"Ikaw yung uupa dito?!"

I HOPE YOU'LL LIKE THE FIRST CHAPTER ?? Sorry for the cover of the story. I'm still learning how to use this app and I can't put a cover on it. Please help me .. Thank you

TODAYcreators' thoughts
Next chapter