Kabanata 11
Jerk
I say I know an asshole when I met one. Noong una hindi ko agad naramdaman iyon dahil siguro nakuha niya pang maitago gamit ang mga pekeng kilos at salita. Pero ngayon, I can see right through him.
Siguro isa lang sa mga pagkakamali ko ay iyong nagustuhan siya. Sinong hindi? Malamang magugustuhan ko siya katulad ng mga nabobola niyang mga babae. He's skilled, alright. Eksperto pa nga yata dahil siguro sa dami ng nagawan niya noon dati. Kaya natural na mauulol ang sinumang makaranas ng ganoon.
Ngunit hindi ko na gusto iyon. I'm disgusted with what I heard earlier that I don't even want to see him or talk to him ever again. Ayoko talaga.
"Where have you been?" Si Yosef noong makabalik ako sa mesa namin. Sinulyapan ko lang siya at agad ding dumulas ang tingin kay Remi na naroon na rin at nakikipagkuwentuhan kay Eloise.
"Outside." I replied.
Umupo ako sa tabi niya at tahimik na nagmasid sa paligid. Iba na ang tumutugtog sa harapan. Natapos na siguro iyong banda kanina kaya iba na ang nagpe-perform ngayon.
Inubos ko ang fruit juice kahit hindi na gaanong malamig iyon. Masarap pa rin naman. Nilingon ko sina Kuya Alaric na nag-iinom sa kanang bahagi. Nagkakatuwaan sila sa kung anong pinag-uusapan kaya hindi rin alintana ang tao sa paligid.
"Gusto mo ng umuwi?"
Hindi ko sinagot ang mausisang si Yosef. Alam kong hindi siya titigil sa kakatanong at sa ginagawa ay mas lalo lang kukulit pero wala na akong mood para makipag-usap pa.
Nakabalik si Nate kalaunan at umupo sa kanyang silya. Tumingin siya sa akin kaya nagtagpo ulit ang mga mata namin. Mapupungay ang sa kanya, pagod, at mukhang inaantok. Seryoso naman ang sa akin, walang emosyon, at siguro hindi palakaibigan.
Tumikhim ako saka naunang umiwas.
"Hindi ko rin gustong magsalita pagkatapos kumain." Yosef continued talking nonsense.
I glared at him then folded my arms. Kung ganito siya buong gabi, baka gustuhin ko ngang umuwi nang maaga. Wala na ba talaga siyang makausap na iba? Kahit ang kapatid niya?
Talk to Eloise, then. Or to Remi. Kahit sinong kaedad niya na pareho ang interes sa kanya. O baka ako ang tipo niya?
"Maybe a bottle of beer could help,"
"No, thanks." Tanggi ko sa boteng inaalok niya na hindi ko napansin kung saan nanggaling. "Hindi ba bawal pa sa 'yo 'yan?"
"Hindi naman ako ang iinom, ikaw."
"Ayoko nga. Isusumbong kita kay Lillian," banta ko.
Tinitigan lang niya ako at sa huli'y binawi ang bote. Inalis ko ang paningin sa kanya at hindi na muling sinulyapan pa. Ang kulit masyado.
Duda akong wala siya masyadong nagiging kaibigan tulad ng sinasabi ni Lillian. Baka hindi lang nito pansin ang pagkatao ni Yosef. Kung ganito kasi siya kakulit at mapilit pa ay paniguradong marami siyang makakausap at hindi mahirap makipagbarkada.
"Kung ganoon, mag order ka na lang ulit. Sagot naman ni ate Lilly ang kakainin mo."
"Busog na ako."
"Okay, pero pwedeng ibigay mo sa akin. Nagugutom pa ako-"
"Wala akong pake!" I snapped. Nagulat siya kaya hindi kaagad nakabawi. Noong magawa ay tumango tango siya na parang batang napagalitan.
I let out a low groan before I slowly averted my eyes from him. Buti kahit papaano ay tumigil na siya sa pangungulit. Natakot yata.
Tumingin ako kay Nate na noo'y may kausap na lalaki. Kaklase yata nila o kakilala. Buti na lang wala rin akong pake sa kung ano ang ginagawa niya kaya madali kong hindi pinansin. Pinanood ko na lang ang kumakanta sa harapan kahit hindi malinaw ang naririnig ko.
Napagod ako kahit walang mabigat na ginawa noong matapos ang gabi. Kaya noong makapasok sa kwarto at mabilis na nakapaghilamos at toothbrush ay bumagsak agad ako sa kama.
I tried not to think about Nate as I slowly fell asleep. He briefly flashed before my eyes a couple of times when I closed them but I didn't bother to overthink. Baka mas lalo lang mawala ang antok ko.
Suminghap ako dahil malabo pang mangyari iyon sa ngayon. Nakatulog pa rin ako kahit bahagyang na late ng kaonti. Ilang beses nga lang naalimpungatan noong madaling araw kahit wala namang ingay sa loob ng silid.
Hindi na ako nagtaka dahil siguro mababa lang din ang tulog ko kaya mabilis na nagigising. Kaya noong huling magising ay hindi na ako bumalik sa pagtulog.
Nasa 5AM na rin naman at kaonti na lang ay sisikat na ang araw. For sure aantukin ako nito mamaya. Babawiin ko na lang sa hapon siguro o kaya bago ang tanghalian.
"But I don't really care at all, go and destroy my tarnished soul, and if you-" I stopped myself from whisper-singing when the words felt like there were too many syllables to fit.
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin ako nakakabuo ng magandang hook. Masuwerteng nakaisip ako ng melody kanina kaya sinusubukan kong lapatan naman ngayon ng lyrics. It's still not working, though.
Wala na akong maidugtong dahil ako mismo, hindi alam kung paano ma wrap up ang gustong sabihin. Palaging ganito talaga kapag nasa koro na. Doon talaga ako nahihirapan.
Binagsak ko ang pencil sa ibabaw ng notepad at nakapangalumbaba na tumingin sa nakabukas na bintana. The sun is rising like a gentle daisy, blossoming completely on the eastern horizon at the left side of the house, just above the bold green trees of Neem.
Nakakamanghang masaksihan iyon mula rito. Simple ngunit sobrang ganda sa paningin.
Ang kalangitan, na noo'y madilim at halos masalimuot tingnan kanina, ay unti unting lumiwanag habang sumisikat ang araw at hinahalikan ito. Umaliwalas iyon hanggang sa maitaboy ang lahat ng kulimlim.
I admired how the evergreen trees were risen into a pretty and vibrant glow by the bright sunrise. It's like the world is full of hope again, when the daylight first appears.
Tumayo ako para kumuha ng kulay pulang oversized T-shirt at lumakad palabas ng kwarto. Kakain muna ako saglit bago magpahinga saka babawi ng tulog. Ayoko kasing malipasan ng gutom dahil for sure, tanghali na ako magigising o baka hapon pa nga.
Si Tita Julieta pa lang ang nasa kusina noong makababa ako. Tingin ko nagulat siya noong makita ako na gising na kaya bahagyang huminto sa pagkilos sa sink. Ngumiti lang ako sa kanya at bumati.
"Ang aga mo, hijo, hindi pa ako nakakaluto ng agahan."
"Okay lang po, gagawa lang siguro muna ako ng kape at ayos na sa tinapay. Hindi na kasi ako nakatulog noong magising kanina." I explained softly.
Ang totoo ay inaantok naman talaga ako kanina pa. Hindi ko lang makuhang bumalik sa higaan noong maumpisahan na ang pagsusulat.
Pupungas pungas ako noong magtimpla ng plain black coffee. Naupo ako sa high stool chair sa countertop, kumain ng dalawang magkapatong na raisin loaf bread habang hinihintay na medyo lumamig ang kape.
Kagabi, narinig kong may plano na naman sila Kuya at ilan sa mga kaibigan niya ngayon. Hindi malinaw kung ano pero nasisiguro kong katulad kahapon, at noong nakaraan, maaga na namang darating ang mga iyon.
I get that it's summer and they're just having fun since school days were over. Kaya nga sinusubukan ko ring sumama at makihalubilo sa kanila dahil iyon din talaga ang ipinunta rito, bukod sa bakasyon. Hindi ko lang talaga ramdam na gusto kong gawin 'yon ngayon.
Tsaka matutulog pa ako.
Kung mabilis ngang naubos ang kape ay baka nakaakyat na ako ngayon, naghahanda na sa pagtulog ng kahit ilang oras bago magtanghalian. Pero dahil natagalan akong inumin iyon kasi mainit pa, naabutan pa ako ni Nate.
"Morning…" his husky voice resonated throughout the kitchen.
Nagtama ang mga paningin namin habang lumalakad siya palapit sa countertop para siguro gumawa rin ng coffee niya. Tumikhim ako, lito kung babati pabalik dahil baka hindi naman para sa akin iyon, lalo naroon din si Tita Julieta.
"Magandang umaga, Nate!" si Tita Julieta sa likod.
Nag-iwas ako ng mga mata sa kanya sabay higop sa mainit pa ring kape. Nanatili akong tahimik at nagkunwaring abala. Ramdam ko ang tensyon kahit noong pumunta siya sa gilid upang makakuha ng tasa.
"Pasensiya na, inakala kong medyo tatanghaliin kayo ng gising, lalo late na rin kayong nakauwi kagabi. Kaya nagpahuli rin ako ng kaonti."
Marahang tumawa si Nate sa left side ko habang naglalagay ng cream at asukal. I shifted on my seat when I saw him again as he walked past me and took the vacant stool at my right side.
The audacity. Hindi man lang nag-iwan ng kahit isang espasyo na upuan. Talagang iyong nasa tabi ko pa!
"Ayos lang po, hindi pa naman ako mag aagahan dahil tatakbo muna ng kalahating oras. And I'm sure Alaric won't wake up until 8 or 9 so…"
Nate paused and probably thought for a moment.
He slowly looked at my side before he added, "Ayos lang po talaga. Pero si Andre…"
Nagkatinginan kami noong nilingon ko siya.
I licked my plump lips and then slightly bit the lower one as I knitted my thick eyebrows. Gusto kong makita niya ang iritasyon ko kaya pinatagal ko ang paningin bago muling ibalik sa kawalan noong maasiwa sa paraan ng pagtitig niya.
"Nag breakfast ka na?"
Hindi ko sinagot. Sinadya kong patunugin ang teaspoon sa tasa para magkunwaring busy at makuha na rin niyang ayokong makipag-usap sa kanya, lalo ganito kaaga.
Kung matalino siyang tao, makukuha niya iyon at iisiping lumayo na muna. Galit ako at naiirita na sa kanya mula pa noong mga nagdaang araw. Pero kung bobo nga talaga, ipagpapatuloy niya, siyempre, ang ginagawa at dadagdagan pa ang pagkabadtrip ko. Titigil lang kapag sira na ang araw ko.
Alin man dyan ang piliin niyang gawin, ganoon man, ay madidismaya pa rin ako.
"Kumain ng tinapay kani-kanina lang, dahil wala pa ngang agahan, pero ayos lang din naman daw, hijo, ika niya." Tita Julieta answered.
Tipid akong ngumiti sa kanya noong marinig iyon saka maingat na tumayo. Nakita kong sinulyapan niya ulit ako pero hindi ko na sinubukan pang salubungin ang mga mata niya. Mabilis kong inubos ang nasa higit pa sa kalahating kape, mariing pumikit noong malasahan ang pait noon.
Niligpit ko ang tasa at inilagay sa sink saka walang salita na umalis ng kusina. Kabado ako sa hindi ko maintindihang dahilan noong umakyat sa staircase at medyo hindi mapakali habang lumalakas sa hallway.
Buti nakapasok ako ng kwarto kahit tuliro ang isip. Kapag talaga nariyan siya ay nagugulo iyon. This time, nasisiguro kong galit at purong inis ang dahilan no'n.
Perched on the windowsill, I observed the typical scene of an idyllic morning in El Rabal as I peered through the midnight blue parasols at our patio's far right corner, which is directly next to the Neem trees and a little distance from the pool.
I rested there a bit until I no longer felt quite full with what I ate, before I tucked myself into bed. Matagal bago ako nagpahila sa antok kaya lampas tanghali na noong muling nagising.
Nagbuhos ako saglit at nagsuot lang ng khaki drawstring shorts saka tumulak sa ibaba. Katulad ng ineexpect ay naroon na sa poolside sina Ares at Hector pati Erwan. Lahat yata sila ay may kasamang mga babae na bago lahat sa paningin ko.
Naka swim wear din sila. Bikini ang sa mga babae habang naka swin shorts lang sa kanila. Ares, though, was wearing a deep-ash see-through shirt with both long sleeves rolled up just below his elbow. Kita ang pawis niyang abdomen kahit may suot, katulad nila Hector at Erwan.
"What's up, bro! Welcome to the so-called popular and fun steak party! This year's host is none other than the GOAT, Leopoldo Herran." Maingay na sinabi ni Hector noong makalapit ako, natawa pa sa huling pangungusap.
"Akala ko si Alaric ang host?" Si Ares habang abala sa inaayos na portable grill para siguro makapag-ihaw na roon.
Nilingon siya ni Hector at nginisian. "Siya ang nagpresinta, pero si Mr. Leo ang nagpaunlak, so siya ang ituturing nating host this year."
"Daming alam." Erwan bellowed.
"Nasaan si Kuya Alaric?" Tanong ko.
"Kasama si Nate at Resley. Kinuha nila ang iinumin pati na rin ang cool box yata."
Hinila ko ang upuan na medyo malayo sa kanila habang pinapanood ang abalang magkakaibigan. The girls they are with this time are a bit clingy and, say, sweet. Tahimik ang mga iyon pero madalas dumikit at sumiksik sa kanila kahit may mga ginagawa.
Iyong kasama ni Erwan yata ang pinakamalambing. Hindi malinaw ang sinasabi ngunit dinig ko ang lambot habang bumubulong.
"Tulong nga, Hector!" Kuya shouted from the french door.
Sinulyapan ko siya at nakitang nahihirapan sa dala na malaking cooler. Kasunod niya si Nate na may hawak ding cool box ngunit mas maliit yata at iyong Resley sa tabi niya na bitbit ang chips at ibang pagkain.
"Teka, wait! Ikaw na nga Erwan, may ginagawa ako!"
"Make it fast, asshole!"
"Oo, ito na!"
Suminghap ako saka kinuha ang phone, magkukunwari na namang busy kahit walang notifications na pumapasok doon mula sa social media accounts.
Nakarating sila Kuya sa mesa pagkaraan ng ilang segundo na nakayuko lang ako roon. Hinihingal pa ito noong maupo sa silya katabi ni Erwan. Napansin ko sa gilid ng mata ang pagtitig ni Nate sa gawi ko kaya mas sinubukan kong tingnan din siya.
He was wearing a light blue billowy long-sleeve shirt with the sleeves folded up above his elbows, just enough to reveal his rippling forearms and muscular, veined hands. Nakasuot din siya ng cream board shorts na medyo maikli, siguro three to four inches above his keenes, at shades habang walang saplot ang mga paa.
Nagtaas siya ng isang kilay noong tumagal ang titig ko pero wala namang sinabi. Nag focus na lang ako sa phone kahit na distract na sa itsura niya.
Akala ko pa naman hindi ko na aabutan ang mga ganitong gimmick nila kaya sinadya na ring matulog bago ang tanghalian. Iyon pala, hapon din sila magsisimula.
I guess it also makes sense that they'd blast a steak party on the afternoon, kaysa gawin iyon sa umaga. Lalo hindi maiiwasan ang alak. Kung alam ko lang na steak pala ang trip ngayon ay nakapag adjust pa sana ako at naiwasan ito.
Not that I don't wanna be here, though. For sure masaya ito lalo nasagap ko na darating din sina Craig at Lilly. I texted Eloise to invite her too. Madali siyang nag reply at nakapagsabing mag-aayos lang muna bago pumunta. Talagang hindi lang gusto na madagdagan ang dati nang madalas naming pagkikita ni Nate.
"Where's Remi?" Tanong ko kalaunan.
Napansin ko na iyon kanina pero hinintay talagang wala masyadong ginagawa si Nate para maiparinig iyon sa kanya.
He paused and then looked at me with his usual gentle eyes, na parang iniisip na para sa kanya ang tanong ko at siya ang kinakausap. I raised my eyebrows to show him I was waiting for a response before I looked around, making him realize that the question was for everybody, not just for him.
Ang kapal naman ng mukha niya kung iniisip nga na siya talaga ang kinakausap ko, e galit nga ako sa kanya?
"I don't know…" Mahina niyang sinabi.
"May lakad daw, ewan ko." Si Erwan naman.
"Oo, si Nate naman yata ang iniiwasan ngayon. Sorry Hector pero hindi na ikaw ang dahilan." Nakuha pang mang asar ni Ares.
Tumango ako.
Napadpad ulit ang mga mata ko kay Nate na tahimik lang akong pinapanood. I frowned at him quizzically. Nagkibit siya ng balikat saka nag iwas ng paningin.
"Hindi sa nang uusisa pero ano ba ang nangyari, Nate?" Sa lahat ng naroon ay hindi ko inaasahang si Kuya pa ang nagtanong noon.
"Hmmm… Bigla na lang sila hindi naging close."
"That's actually good, don't you guys think? Ibig sabihin, Nate values the bro code, which includes the no sleeping with your bro's sister."
Binato ni Erwan ng naka crumpled na tissue si Hector noong matapos sa salita. Nagtawanan ang kabarkada niya at siguro ako rin pero hindi gaano. Naisip ko kasi na baka iyon nga ang dahilan kung bakit.
I mean, not that I care. I'm just as curious as them. Lalo ilang beses kong pinag-isipan ang tungkol doon.
"Tama naman, hindi ba?"
"Ang dami mong sinasabi, Hector! Kung tumulong ka na lang?"
"Kanina pa ako gumagawa rito. Si Andre nga nakatunganga lang."
Sinamaan ko ng tingin si Hector pero hindi na nakipagtalo. Noong tingnan ko si Nate ay wala na rin yata sa kanila ang atensyon nito. O sa akin.
Baka biglang na miss si Remi.
Halos magkasabay lang si Eloise at sila Craig na dumating, nauna lang ng kaonti si Eloise na noo'y naglakad lang ulit.
"Bakit kasi hindi ka nagpapahatid na lang sa driver ninyo?" I asked her when she sat down beside me.
Nilagok niya ang malamig na tubig na kakapatong ko lang sa mesa saka pinunasan ang itaas ng labi. Natawa ako dahil nagmukha siyang hapong hapo lalo sa ginawa.
"Hindi rin kasi ako nagpapaalam kay Mama. Not that she won't let me if I said I'd go out, hindi. Tingin ko, ayoko lang siyang maistorbo."
"Oh, right… I still don't get it."
Sumimangot siya habang nakatingin sa akin.
I chuckled. "Bakit nga kasi?"
"Basta! Isipin mo na lang, ayokong makisuyo pa kay Kuya Darwin na ihatid ako kahit pwede niya namang ipahinga na lang o igawa ng mas importanteng bagay ang oras na sasayangin niya sa paghahatid sa 'kin." She explained.
"Sige, iisipin ko."
Tumango siya at ngumiti.
"Mabuti maayos na ang pakiramdam mo?"
"What do you mean?" I asked.
She shrugged her shoulders. "Ewan, you looked pissed last night. Pero baka guni-guni ko lang iyon, o baka wala ka lang din sigurong mood makihalubilo."
"It's actually both…" Sagot ko na lang, hindi inaaaming nairita nga at medyo nagalit kahapon.
Sometimes, it surprises me how Eloise could decode me. Parang kabisado na talaga ang pananahimik ko o ang anumang gusto kong sabihin. Nasasanay ako lalo kapag iniisip iyon pero at the same time, nabibigla rin kapag natatanto na ganoon niya ako kakilala.
I just hope Nate does the same. That he could also see right through me, just like I do. Kung ganoon nga ay baka makita niya pa kung gaano ako nasaktan noong binabalikan ang realization na sobrang bilis kong ma-attach sa kanya.
Baka nga hindi pa umabot doon dahil kung magagawa man niyang mabasa ang isip ko, mararamdaman niya kung gaano ko siya kagusto. At kung gaano ka-totoo ang nararamdaman ko.
But that's not how this works.
Syempre, may dahilan din siya kung bakit humantong ang lahat sa ganito. Ilang beses niyang iginiit iyon noong nag-usap kami kahapon at noong kagabi sa likod ng restobar.
For some reason, may parte sa akin na gustong ibigay ang tiwala sa pinipilit niyang dahilan.
That they hooked up while I wasn't around and it inavertently ended once I came back. Na gusto lang din niyang magkaayos kami at muling maging malapit sa kabila ng walang anunsyo niyang pagbitaw sa akin na parang kagaya rin ng previous hook ups niya.
Pero mas malaki ang parte sa akin na gusto iyong patuloy na ipagdamot. Malakas ang pakiramdam noon na hindi malabong maulit ang nangyari kung bibigay ulit ako. Lalo mukhang hindi siya sigurado sa takbo ng isip.
Either way, I'm still quite ruined. At kahit ano man dyan ang piliin kong gawin ay posibleng hindi noon mababago ang kalagayan ko ngayon. So maybe it's better to just die.
Or choose to be happy.
And if Nate could make me happy, so be it.
But it's easier said than done. Always. Kaya syempre, tutunganga na lang muna ako at maghihintay ng signs, kung mayroon man.
Nagsimulang mag-ihaw ng barbeque sina Ares at Kuya Alaric sa portable grill noong matapos lagyan ni Hector ng barbeque sauce ang mga iyon. Erwan was coating the steaks with marinade sauce while the girl he's with was helping him do it by, uh, kissing him on his cheeks.
What an emotional support.
"This might actually sound concerning, but… I still like Alaric." Nagulat kami pareho sa sinabi ni Eloise.
Ramdam kong pati siya ay kinakalaban ang sarili bago iyon sabihin. Umawang ang labi niya subalit agad ding tinutop saka pilit na ngumiti sa akin.
"It does sound concerning. And a bit offensive in a way that you said it."
"H-Huh?"
"Wala man lang inception o kahit introduction? Dumiretso ka agad sa punto eh," Umiiling kong sabi. "But, yup, I think I knew."
"What do you mean?" agap niya.
Ngumisi ako at makahulugan siyang tinitigan. "I say it's a little bit obvious…"
Bahagyang nahulog ang panga niya.
"Like obviously obvious?"
Tumango ako. Napamura siya at nag-iwas ng tingin. Napunta iyon kay Kuya Alaric na pawis na ngayon habang nag-iihaw.
"Kaya kahit papaano, hindi na ako masyadong nagulat. Kaonti lang pero mainly because of how you said it." Natatawang paliwanag ko.
"Do you think he knows it too?"
"Ewan ko rin. Nagkakausap kayo, hindi ba? Baka alam niya na noon pa kaya ka kinaukausap din."
Her lips parted. Okay, I'll probably stop providing for another fantasy. Baka maulit iyong sinabi ko tungkol kay Hector noong nakaraang araw.
"Pero baka hindi rin at nagiging friendly lang siya." Kaya nag disclaimer ako.
Napaisip yata si Eloise doon kahit ganoon at matagal na natahimik. Habang abala siya roon ay napadpad ang tingin ko kay Nate.
He was talking with Ares and Resley at the poolside. May iniinom na yata silang beer can dahil iyon ang huli kong napansin, noong kumuha siya ng maiinom sa cooler, bago paulanan ng mga tanong ng mga kaibigan.
I must have overreacted a bit, to be honest. Hindi naman niya ako boyfriend at lalong hindi ko siya boyfriend. Pero hindi iyon ang punto kung bakit ako naiinis at nagagalit. It was because of what I saw.
Siguro kung sinabi niya sa akin na "Hey, you know what, I actually wanna hook up with another soul," bago pa ako makauwi nopn ay baka mas magaan kong natanggap ang lahat. At nagising kaagad sa delusyon.
Ngunit syempre, hindi ulit ganoon ang nangyari. Malayong malayo iyon mula roon.
Nahuli ko siya na may kahalikan sa mismong araw na nakauwi ako. Sinong matutuwa roon. I know two or more hook ups could possibly occur simultaneously, but that's not the fucking case here.
I was not aware!
Kung gusto pala niyang pagsabayin ang pinapasok, dapat sinabi niya sa akin. Kailangan kong malaman iyon kahit papaano.
I snapped back to reality just when I was almost drowning in my own thoughts. Mabuti nagawa kong putulin ang sunod sunod na train of thoughts kahit nakakaaliw iyong gawin sa maingay na patio.
"Hindi ka na naman nakikinig siguro," si Eloise na may sinasabi yata na hindi ko naintindihan dahil preoccupied din ng mga iniisip.
Umiling ako dahil iyon nga ang totoo.
"Ang sabi ko, kung sa isang tingin ba, masasabi mo kung alin sa kanila ang playboy at hindi?" She repeated.
Nginuso niya pa ang magkakaibigan na parang hindi ko pa rin nakuha ang tinatanong niya kaya siniko ko siya. Halatado talaga ito masyado. Ayaw akong gayahin.
"Baka mapansin ka!"
Ngumisi lang siya. "Pero ano nga? Masasabi mo bang playboy type si Alaric?"
"Oo. At alam kong totoo kasi kapatid ko siya at nakikita ko mismo sa kilos niya."
"Hindi! Alam mo, halatang hindi ka talaga nakikinig. Ang ibig kong sabihin, syempre kunwari hindi mo siya kapatid at talagang estranghero sa paningin mo, ano masasabi mo ba?"
Natawa ako noong magtunog siya na parang lasing. Hindi pa man nakakainom ng alak ay mukhang may tama na.
"Oo pa rin. He honestly looked like an asshole."
"Gano'n?"
Tumango ako. Natatawa pa rin kahit sinisikap magseryoso.
"What about Hector, Ares, and Nate?" Tanong ulit niya na parang sinusubukang aluin ang sarili sa narinig na impresyon ko sa kapatid.
"Pareho rin. Babaero pa nga ang dating ng mga 'yan eh." Agap ko.
Eloise knitted her slightly thin eyebrows before she raised the other one. Mukhang kukuwestyunin na naman ang sinabi ko.
"Bakit naman?"
Sinulyapan ko si Nate. "Hector is the typical easy-go-lucky playboy, Ares is probably the more matured but still a playboy and, I think, even an asshole. Nate is…"
Huminto ako dahil hindi alam kung paano sasabihin ang nasa isip. Suminghap ako at mabilis na nag-iwas ng paningin noong biglang lumingon sa gawi namin si Nate.
Ang naghihintay na mukha ni Eloise ang sumalubong sa akin noong ilipat ko ito sa harap.
"He's a bit smug, definitely an asshole, and a jerk." Mariin kong sinabi.
Tumango siya at dahan dahang pinadulas ang mga mata sa gilid namin, kung saan ang magkakaibigan. Nakapangalumbaba siyang tumunghay sa mga ito na parang iniisip pa ang mga nabanggit ko.
"Nate does look smug… But not like an asshole, or a jerk?" Nagdadalawang isip siyang lumingon ulit sa akin.
Pagod akong nagkunot ng noo. "He is. I know it for certain."
"What do you mean?"
I bit my lower lip.
Paano ba sabihin na kilala ko siya without her doubting why or how?
"Because."
Hindi siya kumbinsido pero ramdam kong tatanggapin pa rin.
"Well, I know you sort of know him, pero hindi iyon ang point nga kasi. Kung sa unang tingin masasabi mo bang playboy siya. Syempre, kunwari ulit na wala ka talagang idea sa kanya."
"Alam ko! Eh iyon nga ang nakukuha ko sa vibe niya!" I almost croaked.
Bakit ba ayaw niyang maniwala? Ako nga iyon e, sa aking impression!
"Sabagay… But doesn't mean I agree."
I scoffed softly.