webnovel

Chapter 54

Nang marating nila ang pinakapusod ay doon nila nakita ang tumpok ng mga nilalang na animo'y nagsasagawa ng ritwal.

Umiikot ang mga ito na animo'y nagdarasal sa mga hawak-hawak nilang anito na gawa sa kahoy. Kulay itim ang mga ito na tila ba nababalot ng langis o kung ano mang likido.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Gustavo habang nananatiling nakatutok sa mga nilalang ang kaniyang paningin.

"Magdalawang grupo tayo, Si Maya, Milo at Gustavo kasama ang kalahati ng mga tamawo ang magsisilbing tagalansi ng mga nilalang na iyan. Kunin niyo ang kanilang atensyon, habang kami ni Liway at ang mga natitirang tamawo ay tutunguin ang kinaroroonan ng mga anggitay upang mapakawalan na sila namin." Wika ni Simon.

"Magandang ideya, Milo, handa ka na ba?" Nakangising tanong ni Maya at napangiti naman ang binata. Itinaas nito ang hawak na tabak sa ere bago nagwika,

"Kanina pa ako nakahanda."

Maging si Gustavo ay bahagyang natawa sa inasal ni Milo. Iniangat din nito ang kamao at mabilis na nagbitaw ng palipad hangin at orasyon ng pagpapalit ng anyo. Ganoon na lamang ang pagkagulat nila nang masilayan ang tunay na kaanyuan ng lalaki. Ibang-iba ito sa anyong ipinakita nito sa kanila nang una nila itong makita.

"Hindi ka isang Motog?" gulat na tanong ni Simon nang makita ang kaanyuan nito.

"Hindi siya siya isang motog, kun 'di isang harimodon na siyang pumapangalawa sa pinakamalakas na uri ng aswang na nabibilang sa angkan ng mga bangkilan." paliwanag ni Maya habang humahagikgik.

"Unang kita ko pa lamang sa kaniya at nalaman ko na ito, huwag mong sabihin na nalinlang ka ni Manong Gustavo?" natatawang tanong ni Maya sa kapatid. Hindi naman maipagkaila ni Simon na nagkamali siya sa parteng iyon.

Tunay ngang hindi isang ordinaryong aswang si Manong Gustavo dahil sa lakas ng sabulag nito, na maging ang kaniyang mata ay nalinlang ng lalaki. Matawa-tawa naman si Gustavo at bahagya pangnapapakamot sa ulo.

"Hindi na iyang mahalaga sa ngayon, ituon niyo ang pansin sa misyon niyo." Wika nito at nagtanguan na lamang sila.

Ilang sandali pa, matapos maihanda ang lahat ay lumabas na sa pinagtataguan ang grupo nila Milo. Agad na naalerto ang mga nilalang at nagpulasan ang mga iyon habang umaangil. Para silang umuusok habang hindi naman nila mawari kung nakakapaglakad ba ang mga ito sa lupa o sadyang nakalutang lang ang mga ito.

Matapos ang ilang sugundo, walang ano-ano ay tila hangin ang mga itong bumulusok patungo sa kanila. Mabuti na lamang at maagap nila itong nasalag nang walang kahirap-hirap.

Iwinasiwas ni Milo ang kaniyang tabak ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila walang pisikal na katawan ang kanilang mga kalaban bagkusa ay tila hangin lamang ang mga ito naa dinamitan.

Agad silang nagtipon, magkasanggang likod sa isa't-isa habang ang mga kakaibang nilalang na iyon y paikot-ikot sa kanila.

"Naloko na mukhang mahihirapan tayong kalabanin ang mga nilalang na ito, hindi sila tinatablan ng ating mga sandata dahil wala silang pisikal na katauhan." Wika ni Gustavo at malalim na nag-isip si Milo at Maya. Nagkatinginan sila at nagtanguan.

Isang ideya ang pumasok sa isipan nila pareho at dahil dito ay walang pagdadalawang -isip silang nagbigkas ng orasyon. Kinuha naman ni Milo ang isang bote na may lamang tubig at inihipan iyon ng labindalawang buhay na salita.

Mabilis niyang ibinuhos iyon sa kaniyang tabak at ipinasa kay Maya. Ganoon din ang ginawa ng dalaga bago ipinasa kay Gustavo na noo'y nagmamasid lang sa kanilang ginagawa.

Matapos iyon ay sabay-sabay nilang itinaga ang kanilang mga sandata sa mga nilalang at nakakamanghang tumagos iyon sa mga nilalang at ramdam nila na tila ba may nasaksak silang tila goma sa kunat.

Nakakangilong hiyaw ang umalingawngaw sa buong paligid habang ang ibang nilalang naman ay nagpulasan na sa kinaroroonan nila sa takot na matulad sa mga kasamahan nilang hindi pinalad.

Sa kanilang pagtakas ay sumabay naman ang malakas na pagdagundong ng lupa at pagyanig nito na halos ikabuwal nila.

"Ano 'yon?" tarantang tanong ni Maya habang inililibot ang kaniyang paningin sa paligid.

Hindi pa man nakakasagot si Milo ay narinig na nila ang pagsigaw ni Liway. Dali-dali silang tumakbo patuno sa kinaroroonan ng mga ito at naabutan nilang wala nang malay ang mga kasama nilang tamawo habang si Simon naman ay nakahandusay na sa lupa at duguan.

"Simon!!!" Sigaw ni Maya at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ng kakambal. Akmang lalapit na siya ay isang malaking braso ang humambalos sa kaniya, dahilan upang tumilapon siya at marahas na bumagsak sa lupa.

Nanlalaki namanang mga mata ni Milo nang makita ang malahiganteng nilalang na nanlilisik ang mga matang umaangil sa kanila. Mabalahibo ito na maihahalintulad mo sa isang kapre ngunit ang anyo nito ay napakabangis at tila ba binabalot lamang ito ng kadiliman. Ang wangis nito ay sa isang unggoy ngunit alam nilang malayo itong maging isang amomongo dahil sa hindi nito kapani-paniwalang laki.

Napakaliksi rin ng kilos nito sa kabila ng pambihirang laki ng katawan, aakalain mo sa unang tingin na mabagal lamang ito kung kumilos ngunit nagkamali sila.

"Maya, mag-iingat ka, hindi pangkaraniwan ang nilalang na iyan, mukhang isa lamang iyang tagabantay." Nanghihinang wika ni Simon nang makita niyang muli nang tumatayo si Maya.

Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa nilalang, kung gabi lamang nang mga oras na iyon ay paniguradong nagpalit na ng anyo ang dalaga upang makalaban sa naturang nilalang. HInugot niya mula sa kaniyang tagiliran ang balaraw niya at itinarak iyon sa lupa.

Marahas niyang hinawi ang kaniyang mahabang buhok at itinali iyon gamit ang isang pulang lubid, bago nag-usal ng mga katagang, noon lamang nila narinig. napakabilis din ng pag-uusal nito nahalos hindi nila masundan ang salita. Kunot-noo naman si Milo dahil iyon ang unang beses na marinig niya ang mga katagang iyon. Hindi iyon salita ng mga engkanto at hindi rin makalumang salitang ginagamit ng mga sinaunang babaylan.

Walang sabi-sabi'y, mabilis na kinuha ni Maya sa lupa ang balaraw at walang pagdadalawang-isip na inatake ang nilalang. Binti ang unang pinunterya ni Maya at walang habas niyang hinambalos ng taga ang mga kalamnan nito. Sa una ay hirap siyang patalabin ang talim ng kaniyang balaraw rito, ngunit kalaunan, gamit ang kaniyang bilis at pambihirang lakas ay nagawa rin niya itong sugatan.

Npahiyaw sa sakit ang nilalang at halos ikahilo nila ang sobrang lakas ng boses nito. Nagkikiskisan ang mga ngipin ni Milo nang makitang isang hambalos lang nito ay muling tumalsik ang dalaga.

"Ako naman!" sigaw pa ni Milo at agad na ginamit ang mutya ng tikbalang upang madagdagan ang kaniyang bilis. Gamit ang kaniyang tabaka ay buong lakas niyang hinataw ng taga ang likurang parte ng binti nito. Walang pagdadalawang-isip rin na sumugod si Gustavo sa nilalang gamit ang kaniyang matutulis na kuko.

Walang habas nilang pinaulanan ng pag-atake ni Gustavo at Milo ang dambuhalang nilalang hanggang sa mapaluhod ito.

"Walang kasamaan ang hindi nagagapi ng kabutihan, tandaan mo 'yan!" Wika pa ni Milo bago nito itinarak sa kamay ng nilalang ang kaniyang sibat.

Napasigaw naman ang nilalang at pilit na tinanggal ang sibat na iyon subalit sa hindi maipaliwanag na bagay ay hindi iyon matanggal sa kalamnan niya. Maging ang simpleng pag-angat lang sa kamay nito ay hindi niya magawa. Tila ba may napakalaking bato ang nakapatong dito na hindi niya mabuhat-buhat.

Next chapter