webnovel

Chapter 7

Pagkalabas ng bahay ay agad na napabuntong-hininga si Lolo Ador. Napansin agad ni Milo ang tila pagkayamot nito.

"Lo, bakit ho? May problema po ba?" tanong ni Milo sa matanda.

Umiling-iling naman si Lolo Ador, saka kinuha ang isang bote ng langis na nakasilid sa kaniyang bulsa at pinatong iyon sa upuang kawayan sa kinaroroonan nila.

"Maging alisto kayo, hindi pangkaraniwan ang aswang na umaaligid sa pamilya ni Kapitan Tyago. Milo dito ka lang sa tabi ko at huwag kang lalayo." Wika ni Lolo Ador. Bigla namang nilukob ng kaba si Milo dahil dito.

"Ano ho ba ang kalaban natin?" Agarang tanong ni Maya na halata ang kasabikan sa mukha. Nangingislap ang mga mata nito habang nakangising nakatingin kay Lolo Ador.

"Pagpasensiyahan niyo na lang itong si Maya, kapag talaga may mga ganitong sitwasyon ay hindi maitago ang kaniyang pagkasabik. Lalo pa't isang aswang ang kalaban. Ako man ay interesadong malaman kung anong uri ito na nagbibigay ng pagkabahala sa inyo." Malumanay na wika ni Simon.

Napangiti naman si Lolo Ador at dagling napailing. Habang si Milo naman ay napapakamot ng ulo sa kaniyang mga kasama. Sa paglalim pa ng gabi ay doon nila unti-unting naramdaman ang pag-iiba ng ihip mg hangin. Ang dating malamig ay naging maalinsangan, at maging ang tunog ng mga kulisap ay biglaang nawala at napalitan ng nakakabinging katahimikan.

Naging alerto ang mga mata ni Maya dahil ramdam niya ang dahan-dahang paglapit ng mga nilalang sa kinaroroonan nila.

Nagkukubli sila sa madilim na papag, habang si Lolo Ador naman ay walang tigil na sa pagpapakawala ng palipad hangin at usal pangpoder at depensa para sa kanilang apat.

"Naririto na sila. Simon, ikaw na ang bahala rito. Hindi ko gusto ang amoy ng mga dem*nyong ito." Wika ni Maya at sa isang iglap lang ay naglaho ito sa kanilang harapan.

Nanlaki ang mga mata ni Milo at agad na inilibot ang kaniyang paningin. Mayamaya pa ay may bating ibinigay si Simon sa kaniya. Kulay itim ang batong iyon at kakulay nito ang gabi.

"Huwag mong ilalayo iyan sa katawan mo kahit anong magyari, huwag kang lalayo sa ginawang harang ni Lolo Ador. Hindi mo pa kayang makipagsabayan sa amin kaya mas maiging manood ka na lamang." Wika ni Simon at mabilis din itong nawala sa harap niya na siyang nagpatindig ng balahibo sa katawan ni Milo.

Nilingon naman niya ang kaniyang lolo at nakita niya itong nakapikit habang mabilis na nag-uusal. Hindi naman niya masundan ang mga lumalabas sa bibig ng kaniyang Lolo kaya mas minabuti na lamang niyang magdasal ng mga alam niyang dasal na kalimitang pinapadasal ng kaniyang lolo sa kaniya kapag may ginagamot ito.

Hindi man niya alam kung uubra ang mga dasal na iyon, mas maigi na rin kisa sa wala. Sa kaniyang pagdarasal ay bigla naman siyang napamulat nang makarinig siya ng malakas na kalabog na nagmula sa bubong ng bahay ng kapitan.

Mula sa bubong ay malakas na bumagsak si Maya at ang isang itim na itim na nilalang. Napangibabawan nito ang dalaga na animo'y handa na itong sakmalin ng nilalang.

Walang pag-iisip naman na tumakbo si Milo para tulungan si Maya. Pikit-matang hinawakan niya ang balikat ng nilalang at buong lakas na ibinalibag iyon palayo sa dalaga.

Subalit ang isang daang porsyentong lakas na ibinigay na ay tila nahati dahil sa napakadulas nitong mga balat. Magkagayunpaman ay matagumpay niyang nailayo iyon sa dalaga.

"Hindi ka dapat lumabas sa harang. Kahit kailan napakat*nga." Inis na giit ni Maya at mabilis na inundayan ng saksak ang nilalang na siyang ikinasawi nito. Bago pa man bumagsak ang pat*y nitong katawan sa lupa ay naglaho iyon na parang bula.

Nataranta naman si Milo dahil sa pagsipat niya ng mga nilalang na gumagapang sa kadiliman ng gabi. Hindi lang pala iisa ang mga makakalaban nila, napakarami ng mga nasisipat niyang aswang at ang kilabot na kanina pa niya nararamdaman ay nadoble.

Bahagya siyang napaatras sa kaniyang kinatatayuan, akmang tatakbo na siya pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang lolo ay bigla naman siyang hinaramg ng isang aswang. Galit na umaangil ito sa kaniyang harapan habang walang patid sa pagtulo ang mabaho at malapot nitong laway. Nanlilisik din ang namumula nitong mga mata na animo'y takam na takam sa kaniya.

Akmang sasakmalin na siya ng nilalang ay bigla namang lumitaw ang bantay niyang tikbalang na kaagad na nakipagbuno sa nilalang.

Naglaban ang mga ito sa kaniyang harapan kaya tuluyan na siyang napaatras.

"Hanggang kailan ka magiging duwag Milo? Hindi kakayanin ng kasangga mo ang nilalang na iyan kung ikaw mismo ay wapang lakas ng loob. Kaya natatalo si Karim dahil sa karuwagan mo." Bulyaw ni Maya sa binata. Bigla namang natigilan si Milo at napatingin sa tikbalang na siyang sumasalo sa mga pag-atake ng aswang.

Mabilis siyang umatras at tinungo ang kaniyang lolo. Dagli niyang hinanap ang tabak na dala niya kanina at kinuha iyon.

Bitbit ang tabak na gawa sa tanso ay pikit mata niyang inatake ang aswang na gumagapi sa kaniyang kasangga. Ngunit dahil nakapikit at mabilis na nakaiwas ang nilalang. Napamulat pa si Milo nang hampasin siya ng isang malakas na hangin na siyang ikinatumba niya sa lupa.

Sumilay sa kaniya ang humihingal na tikbalang habang ang braso nito ay nakadipa na tila ba pinoprotektahan siya laban sa nilalang na iyon.

"Karim!" Sigaw ni Milo. Hindi naman siya pinansin ng tikbalang at nagpatuloy na ito sa pag-atake sa aswang. Wala nang nagawa si Milo kun'di ang muling tumayo mula sa kinalagpakang lupa bitbit ang kaniyang tabak.

"Takot ako, pero ang takot na ito ang magpapatumba sa akin." Buong lakas ng loob na sigaw ni Milo at inundayan ng saksak amg nilalang. Sa pagkakataong iyon ay matagumpay niyang nilapatan ng sugat ang aswang sa braso nito. Napaangil ang nilalang dahil sa sakit. Gawa sa tanso ang tabak na iyon at isa iyon sa kahinaan ng mga aswang.

Napangisi naman si Milo nang makita ang pag-agos ng nangingitim nitong dugo sa braso ng nilalang. Subalit sa halip na masindak ang nilalang ay lalo lamang itong nagalit sa kaniya.

Walang anu-ano'y sinunggaban siya ng nilalang at mabilis naman siyang naiiwas ng tikbalang mula rito.

"Hindi mo matatalo ang aswang na iyan kung simpleng sugat lang ang kaya mong ibigay sa kaniya, putulin mo ang kaniyang ulo o di kaya naman ay itarak mo ang tabak sa kaniynag puso." Suhestiyon ng tikbalang habang tinatakbuhan nila ang nilalang.

Matapos mailahad ng tikbalang ang mga kailangan gawin ni Milo ay bigla namang huminto si Karim at hinarap na nila ang aswang na humahabol sa kanila.

"Handa ka na ba?" Tabong ng tikbalang

"Handa na ako." Sagot naman ni Milo. Mabilis na kumilos ang tikbalang at sinunggaban ang aswang, sinipa niya ito at pinagsasapak hanggang sa napasubasob ito sa lupa.

"Ngayon na Milo!" Sigaw ni Karim.

Sumisigaw na umatake si Milo at buong lakas niyang itinarak sa puso ng aswang ang tabak niyang hawak. Sinig na dinig niya ang malutong na tunog ng talim ng tabak habang pinupunit nito ang makunat na bakat mg aswang hanggang sa tumusok ito sa kalamnan hanggang sa puso ng nilalang.

Nakita niya ang dahan-dahang pag-aapoy ng sugat nito at ang agaran nitong pagkaabo.

Napaluhod naman si Milo dahil hindi siya makapaniwalang nakapaslang siya ng isang aswang.

"Isa lang 'yan, ba't parang nakapat*y ka ng isang lehiyon sa mukha mong 'yan?" Patuyang wika ni Maya. Nakahalukipkip ito habang nakangising nakatingin sa binata.

"Masama ba'ng maging masaya? Kahit kailang kontrabida ka sa kaligayahan ko." Inis na wika ni Milo at natawa lang si Maya.

"Kapag ipinagpatuloy mo ang pagsasanay, hindi lang isa ang kaya mong magapi. Kaya huwag ka munang magdiwang. Sa ngayon mahihinang uri lamang sila kung ikukumpara mo sa mga sinaunang aswang na higit pa ang tanda sa ating mga ninuno." Salysay ni Maya at iminuwestra ang kamay para tulungang makatayo si Milo.

Wala sa sariling tinanggap niya ang kamay ng dalaga at agad din tumayo.

"Salamat." Sambit ni Milo. Inilibot niya ang kaniyang paningin at ang kanilang mga nakikita niyang nilalang na gumagapang sa kadiliman at nawala na. Dahan-dahan na din bumabalik sa dati ang simoy ng hangin.

Agaran ding binalikan ni Milo ang kaniyang lolo upang kamustahin ang kalagayan nito. Nang makita niya itong nakangiti sa kaniya at doon lamang siya nakahinga ng maluwag.

"Ayos lang ho ba kayo, lo?"

"Ayos lang ako, ikaw ayos ka lang ba? Sa susunod 'wag kang sugod nang sugod. Tantiyahin mo muna kung kakayanin mo ang kalaban mo. Mabuti na lamang at dumating itong si Karim. Nakung bata ka." Sermon pa nito sa kaniya. Napakamot na lamang si Milo sa ulo. Aminado siyang hindi na siya nag-isip kanina dahil na din sa mas nanaig sa kaniya ang iligtas si Maya sa kamay ng aswang. Kahit sino naman siguro sa mga kakilala niya o kahit pa ang lolo niya, kapag nalagay sa ganaoong sitwasyon ay parehong desisyon pa rin ang gagawin niya.

"Sa susunod ho, hindi na po ako magpapadalos-dalos. " Wika na lamang niya upang hindi na mag-alala ang kaniyang lolo.

Matapos ang tagpong iyon ay nagpahinga na sila sa maliot na silong sa tapat lamang ng bahay ng kapitan. Kalimitan iyong tinatambayan ng kaniyang mga tanod sa tuwing kakatapos lamang ng mga itong magronda.

Dahil naging panatag na sila na wala nang manggagambala sa kanila ay agaran din silamg nakatulog. Kinaumagahan, ay maaga pa silang nagpaalam sa kapitan upang makabalik na sa bukid. Ipinagpatuloy na din ni Milo ang ikatlong araw ng kaniyang pagsasanay.

Next chapter