Sa kaniyang muling pagising ay naramdaman niya ang presensya ni Dylan sa kaniyang tabi, nakaupo ito sa gilid ng kaniyang higaan habang may kinakausap itong tao. Marahan niyang imunulat ang kaniyang mga mata at doon niya nakita si Rimo na nakatayo sa harapan nila. Bumangon siya at bahagyang kinusot ang kaniyang mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot ang noong tanong ni Mira.
"Hindi siya kalaban Mira." Sambit ni Dylan na ipinagtaka naman ni Mira. Lumapit si Rimo at iniabot sa dalaga ang kaniyang kamay. Mabilis itong hinawakan ni Mira at doon isa-isang pumasok sa kaniya ang tunay na saloobin at alaala ng binata. Nakita niya din sa kaniyang alaala ang pag-uusap nito kay Sebastian at ang pagdalaw nito sa isang libingan.
"Sino si Eliza? Anak mo?" Tanong ni Mira at napakunot-noo si Rimo. Tumango siya at humugot ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayong para siyang isang bukas na libro sa harapan ni Mira.
"I don't know what she looks like, sinabi lamang sa akin ni Vera na may anak kami ni Lily. More or less nasa limang taong gulang na siya at isa rin siya sa nasalinan ng cells ni Allyana." Sagot ni Rimo.
Tumango si MIra at saglit na nag-isip.
"Maaari mo ba kaming dalhin sa silid nina Allyana?" biglang tanong ni Mira. Napailing naman si Rimo dahil magiging masakit iyon sa mga mata ng kaniyang ama. Walang dahilan para dalhin niya roon ang dalawa at paniguradong magdududa sa kaniya si Alejandro kung gagawin niya iyon.
"Masyadong delikado ang naiisip mo Mira, sa mga oras na ito ay patuloy na naghahanda ang asawa mo at ang magagawa niyo lang ay hintayin ang hudyat niya at magkunwaring wala kayong alam. Madudang tao ang aking ama, kaya hindi iyan magkakaroon ng magandang epekto sa plano niyo." Paliwanag ni Rimo.
"Tama si Rimo, Mira. Maghintay lang tayo at paniguradong magiging matagumpay ang misyon natin at makikita din natin sila." sang-ayon naman ni Dylan. Mataposa ng kanilang pag-uusap ay tahimik na nilisan ni Rimo ang silid ni Dylan at Mira.
"Sa tingin mo Mira?"
"Tunay ang ipinapakita niya. Pero nakaka-overwhelm ang poot at galit niya kay Alejandro. Nakakaawa ang buhay ni Rimo. Nakita ko sa alaala niya na maging siya ay ginamitan nang kung anu-anong gamot para mawala ang alaala niya kay Liliana. Iyon din ang dahilan kung bakit nagtagumpay si Alejandro na gawing lab-rat ang kaniyang asawa at anak." Wika ni Mira.
"Nakakalungkot, para akong nilukob ng matinding paghihinagpis niya at muntik na akong mawala sa daluyong ng kaniyang emosyon." Halos pabulong na wika ni Mira habang nakatingin sa kaniyang mga palad.
Lumipas ang araw na iyon na puno ng tensyon ang panig ni Mira at Dylan. Tahimik silang naghihintay ng hudyat galing sa grupo nina Sebastian.
Hatinggabi nang makita ni Mira ang pagkurap ng pulang ilaw sa kaniyang singsing. Nagulat siya at agad na tinawag si Dylan.
"Dylan ang hudyat." Bulalas ni Mira. Pareho silang napatingin sa orasang nakasabit sa kanilang dingding at nagkatinginan.
Samantala, nakaupo si Rimo sa bar, malapit sa Regal Plaza nang makita niya ang grupo ni Sebastian na papalapit. Tumango siya at muling tinungga ang baso niyqng may lamang whiskey bago hinarap ang mga ito.
"Mukhang nakahanda na kayo. That's better. Let's go." Saas niya bago tumayo at nilisan ang bar.
"Sigurado kang nasa loob ang Dad mo?" Tanong ni Leo.
"Yeah, a hundred percent sure. Ganitong oras mahimbing na siyang natutulog dahil 'yon ang kailangan ng katawan niya. He looks younger that his age but his body remains the same. Matanda na siya at panlabas na anyo lamang ang nakikita niyo. All of these are for his so called eternal life." Sagot ni Rimo at pagak na tumawa.
"But, he's a fool, there's no such thing like eternal life. He wasted thousand of lives for his foolish dreams at oras na para matigil 'to." Dagdag pa niya. Nakangising tumango naman si Leo at tinapik ang balikat ni Rimo. Hindi ito umimik subalit sapat na ang ginawa niya para maintindihan ni Rimo ang kaniyang simpatiya.
Nasa harap na sila ng lihim na lagusan nang gamitin ni Rimo ang usang maliit na susi at ipinasok niya ito sa nakatagong butas doon. Nakarinig sila ng mahinang tunog, hudyat mg pagbubukas nito. Sa pagbukas ng pinto, ay mabilis na pumasok ang grupo ni Sebastian kasama sina Gunther, Leo, Carlos at ang mga tauhan ng Lolo ni Veronica. Habang ang iba naman ay pinalibutan at sinilyuhan ang buong Regal Plaza upang maiwasan ang may makatakas sa mga ito.
Dahil sa lawak at laki ng buong base ay hinati sa limang grupo ang pangkat ni Sebastian. Ang mga sundalong kasama nila ang bahala sa paghuli sa mga taong involve sa Orion. Hindi sila gagawa ng kahit anong bagay na lalabag sa batas. Nandoon lamang sila para buwagin ang grupo, iligtas sina Mira, Dylan at ang iba pang mga bihag at parusahan ang mga dapat parusahan.
"Nasa dulo ng pasilyong ito ang kinaroroonan ni Mira at Dylan. Sampong kwarto ang bibilangin para marating niyo ang kinaroroonan ng tatlong naturals. Mag-iingat kayo. Ako na ang bahala kay Dad. Marami pa akong lilinawin sa kaniya bago ko siya ipaubaya sa batas." Wika ni Rimo bago umalis. Agad naman sinunod ni Sebastian ang bilin nito. Mabilis niyang tinahak ang kahabaan ng pasilyong iyon.
Sa bawat kwartong nadadaanan niya ay may nakukuhang bata ang mga sundalo. Natatayang nasa humigit-kumulang na limang bata ang nasa bawat kuwartong naroroon. At hindi nila alam kung ilan lahat ang mga silid na naroroon. Sa kaniyang paglalakad ay tuluyan na nga niyang narating ang silid na kinaroroonan ni Mira at Dylan. Sa pagbukas ng pinto gamit ang susing ibinigay sa kaniya ni Rimo at agad na sumalubong sa kaniya ang mahigpit na yakap ni Mira.
"Bastian!" Mahinang wika ni Mira habang nakayakap kay Sebastian.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Sebastian. Agad niyang tiningnan ang mga braso ni Mira na puno ng mga pasa dahil sa paulit-ulit na pagtusok doon ng mga karayom. Bigla naman sumikip ang dibdini Sebastian nang makita ang mga natamo nitong pasa at sugat. Batid niya ang sakripisyong iyon ni Mira ay lubhang tatatak sa utak nito. Ahigpit niyang niyakap ang dalaga at hinalikan isa noo.
"Bastian, iligtas natin si Mommy. Alam na namin kong nasaan sila." Sabik na wika ni Mira na agad ding sinang-ayunan ni Sebastian. Mabilis nilang pinuntahan ang silid na kinaroroonan nina Allena. Dahil sa tulong ni Rimo ay mas napadali ang kanilang planong pagpasok at paghuli sa mga myembro ng Orion.
Walang kaalam-alam ang mga ito na ang araw na iyon ang magiging huling pagkakataon nilang masilayan ang laboratoryong naging tahanan na nila. Kampanteng naglalakad si Rimo patungo sa silid ng kaniyang ama. Sa lahat ng mga silid na naroroon ay ang kay Alejandro ang higit na mas malaki. May sukat iyon na halos maikukumpara mo sa isang buong bahay.
"Rimo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alejandro, bakas sa boses nito ang pagkairita kaya naman napangisi siya.
"May itatanong sana ako Dad. Does the name Liliana Andrews ring a bell?" Kalmadong tanong nito.
Saglit na napakunot ang noo ni Alejandro ngunit agad din itong nakabawi.
"I don't know her." Kaila nito at iniiwas ang tingin sa binata. Pasimple niyang tinungo ang kaniyang drawer at kumuha doon ng gamot.
"You don't know her? She lived with you fro almost two or three years, Dad, how long are you going to fool me? I did everything for you, yet you didn't even spare my wife? What did I do wrong, for you to treat me like this?" Sumbat ni Rimo at natigilan si Alejandro. Dahan-dahan itong lumingon sa anak at nanlalaki ang mga mata nitong napatitig sa kaniya.
"You remember?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alejandro. He was so sure that the medicine he gave him was potent. Imposibleng maregain agad ni Rimo ang alaala nito patungkol kay Liliana.
"Yes Dad, I remember. I remember everything. Bakit mo nagawa sa akin ito? Bakit si Liliana pa? And Eliza. Eliza is my daughter, right? Bakit mo itinago ito sa akin?" Paulit-ulit niyang sumbat. Ang dating palangiting mukha niya ay napalitan ng pagkagalit dito.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bigla silang nakarinig ng malakas na alarm. Hudyat iyon na may nangyayaring hindi kaaya-aya sa buong base.
"I'm sorry Dad, you betrayed me first. So I'll let you taste your own medicine, " sambit niya bago tumalikod. Hindi pa man din siya nakakahakbang ay nakarinig siya ng putok ng baril at naramdaman na lamang niya ang pagsidhi ng sakit sa kaniyang balikat.
"You stay right here. Wala kang karapatang talikuran ako dahil ako pa rin ang iyong ama! " Sigaw ni Alejandro habang nakatutok sa likod ni Rimo ang baril na hawak nito.
"Dapat naisip niyo 'yan bago niyo pinakialaman ang mga mahal ko sa buhay. Dapat naisip mo rin na anak mo ako at apo mo si Eliza."
" Kasalan ito ni Liliana, kung hindi siya humadlan sa plano ko noon, kung hindi niya sinubukang isuplong ako sa nakatataas ay hindi aabot sa ganito. Pinrotektahan ko lamang ang mga pinaghirapan ko." Giit ni Alejandro ngunit lalo lamang nagalit si Rimo.
"Walang kasalanan si Lily, Dad, ikaw ang naging sakim at nabulag ka na ng ideolohiya mong baliko." Wika ni Rimo nang hindi nililingon ang ama. Tinapik niya ang balikat niyang may sugat bago muling nagwika dito.
"I'll take this bullet as proof of severing our ties as father and son." Wika niya at magtuloy-tuloy nang umalis. Kahit anong galit niya rito ay hindi pa rin ito magawang saktan. He's still his father. Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, dugo pa rin nito ang bumubuhay sa kaniya. Kahit gaano man ito kasama sa paningin niya at sa iba, kadugo pa rin niya ito.