" Ang Delubyo nyang hatid "
Hi mga mahal medyo late nako naka pag update for this chapter, actually naka save lang ito sa drafts ko. and I thought naiPUBLISHED ko na. Hahaha! sawrey naman. well thank you sa pag antay ng sobrang tagal mga mahal. di ko na papatagalin pa yung dada ko. hahaha. ito na yung karugtung ng Chapter four. Enjoy and don't forget to vote mga mahal.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Previously..
Nahuli nina Tyler at Aya si Jake sa park na may kasamang iba. kinompronta ito ni tyler at tuluyan ng binigyan ng laya si Jake mula sa kanilang relasyon, pagkatapos ng kanilang komprontahan ay ginamit ni tyler ang kakayahan na mag laho kasama si aya.
Nang Dumating sila sa Bahay ay agad silang sinalubong ni Jenna.
"Oh! kamusta lakad nyo ?" tanong ni Jenna habang pinapakain niya ang mga alagang aso.
"Bukas ko nalang ikukuwento ate jenna, pagud ako! " sagot ni tyler at nagmamadali itong pumasok sa kanyang silid at nabunggo pa niya si Ian.
"BUNSO ayus ka lang ?" Tanong ni Ian sakanya, ngunit di ito umimik at nagsara ng pinto ng kanyang kwarto.
"Anong problema nun ? " tanong ni Ian sabay tingin kina Aya at jenna.
"Problemang puso, at tsaka Problemang Unfaithful.." sagot ni Aya sabay kamot sa ulo.
"confirmed naba na may somebody else na si Jake ?" tanong ni Jenna.
"Yes ate Jen, at ang chaka pa ang pinalit ng Jake na yun nakakabwesit..!" sabi ni Aya.
"Para yang napanood ko sa Teleserye kagabi, halika nga dito Ian. " sabi ni Jenna at lumapit naman si Ian sakanya. habang si Aya naman ay Tumatawa na.
"Ano ba gagawin ko ?" sabi ni Ian sabay kamot sa ulo nya.
"Tumayo ka lang dyan, kasi ganito kasi yung napanood ko kagabi ang entense ng sampalan, kunwari ikaw yung di other woman.. " sabi ni Jenna sabay turo kay aya.
"Ha ? bakit ako ? " sabi ni Aya.
"wag kanang aarte , pumwesto kana dyan.. " sabi ni Jenna sabay hila kay aya sa likuran ni Ian.
"Ready ? " sabi ni Jenna.
"Go, " sabi nina Aya at Ian. At umarte na silang tatlo..
"Mukhang magkasama ata kayong dalawa ngayon ?" sabi ni Jenna habang inaarte ang nasabing bida sa teleserye.
"Ano naman ang linya ko ?" sabi ni Ian. nang sumigaw si Jenna..
"Wag ka nang magmaang-maangan pa Lucas, nakita ko kayo ng babaeng yan na pumasok sa isang hotel .. anong tingin mo saakin tanga.. " sabi ni Jenna.
"Teka diba may sampalan to ate jenna?" tanong ni Aya sakanya.
"Tumahimik ka dahil ikaw na ang susunod babae ka.. Lucas sumagot ka! anong pagkukulang ko sayo ? lahat binigay ko sayo.. tell me lucas " sabi ni jenna habang kinuwelyuhan nya si Ian.
"Teka sandali jenna, nasasakal ako?" sabi ni Ian. ngunit nagpatuloy padin si Jenna sa pag arte.
"Nasasakal ka saakin ? Ngayon pa ? na may Tatlo na tayung ana? ang kapal ng mukha mo lucas!" Arte ni Jenna sabay sampal kay Ian ng malakas.
"Araayyy akala ko ba actingan lang ito? ang sakit ng sampal mo ah." sabi ni Ian sabay hawak sa kanyang pisngi. ngunit nagpatuloy padin ang pag arte ni Jenna. Habang si aya ay tumatawa na.
"Sige , sampalin moko lucas, dyan ka naman magaling ang magbuhat ng kamay!" sigaw ni jenna. At hinarap nanaman nya si Aya.
"Ikaw babae, tinuring pa naman kitang bestfriend, halos kapatid na turing ko sayo. tapos ganito ang iga-gante mo sakin? Ahas ka! Di kapa nakontento sa ibinigay kung Hikaw At Relo pati ASAWA ko kinuha mo.. " sasampalin na sana nya si Aya ng bigla itong nag iba ng boses.
"abangan ang kasunod na kabanata ng My wife's revenge! same time, same tv station.." sabi ni Jenna.
"Hay salamat akala ko sasampalin nako.." sabi ni aya. Nang biglang Lumamig ang paligid at Dumilim ang kalangitan.
"May bagyo ba ?" sabi ni Ian.
"Sabi sa forecast wala naman daw, maiinit nga dapat ang Panahon natin ngayon tsaka.. gumamit kaba ng salamangka Ian ?" Tanong Jenna.
"ako? hindi ? " sagot ni Ian kay jenna.
"teka pumasok nga kayo dito sa loob baka maulanan kayo.. "sabi ni Jenna.
Samantala sa Bundok Yayaisa naman, Kung saan nandoon sina Katalina At Theo naninirahan ayun sa Utos ng mga Diwata.
"Babe, tingnan mo ang ulap sa syudad napaka itim.. May bagyo ba ngayon ?" Tanong ni Katalina kay Theo. nang makita ni theo ang nasabing ulap, Agad kinabahan si Theo.
"hindi yan ordinaryong bagyo." sabi ni Theo.
"Anong ibig mong sabihin ? " tanong ni Katalina.
"Nang-nganib si Tyler babe, pupuntahan ko lang sya sandali.. " sabi ni Theo. nang gagamitin na sana ni theo ang kanayang kapangyarihan na maglaho aya agad dumating si Makiling upang pigilan ito.
" Tumigil ka Theo, kelangan ka ng asawa mo ngayon.. sina jenna na ang bahala sa kapatid mo. " sabi ni Makiling.
"Ngunit mahal na diwata, papano kung masaktan ni tyler sina jenna at Ian ? " sabi ni Theo.
"Theo, naging pinuno ang kapatid mo dahil sa kanyang tapang, at maalam sa nakaraang digmaan. ngayon kelangan nyang harapin ang kanyang takot at kahinaan. Isa pa ang rason ni Bulan kung bakit kayo dito pinatira sa aking balwarte. pag nasa hustong gulang na ang sinapupunan ni Katalina. may isang salamangka ang gagamitin namin nina Magayon upang mabilisang mapalaki ang anak mo theo. " salaysay ni Makiling sakanila.
"Maraming salamat mahal na diwata at inaalala mo pa kami.. " sabi ni Katalina.
"sa ngayon ako na muna ang magtutungo sa inyo, upang tingnan ang mga nangyayari.." sabi ni Makiling at nagpalit anyo sya bilang isang puting kalapati.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang dumating na si Jake sa Bahay ay may isang kakaibang harang ang nakabalot sa buong bahay at di sya makapasok.
"Ate jenna.. nandyan ba kayo sa loob ?" sigaw ni Jake, nang biglang lumakas ang ulan na may kasamang kulog at kidlat.Bigla nyang naalala ang mga nangyari nung masyadong nasaktan si Tyler sa kanyang kaklase at ganun din kalakas ang ulan ang nangyari, nawalan ng kontrol si tyler sa kanyang kapangyarihan. mabuti na lamang ay tunilungan sila ng diwatang si magayon upang mapahinahon si tyler.
"Delikado to.. Ate jennaaaaa!!! Iannnnnnn brrooooooo! nandyan ba kayo sa loob?" sabi ni Jake habang basang basa na sya ng ulan. Gumawa ng paraan si Jake upang marinig sya sa loob ng bahay.
" tama may Flower bell pala sa sala.. gagamitin ko yun upang marinig nila ako." sabi ni jake at kumuha sya ng isang dahon na nakatago sa kanyang bulsa at doon sya nag salita.
"Kung naririnig nyo ko dyan sa loob, si Jake to! hindi ako makapasok dahil nilagyan ng isang harang ang buong bahay.." bulong ni Jake sa dahon at agad naman itong narinig nina Jenna, Aya at Ian sa loob ng bahay.
" Si Jake ba yun ? " sabi ni Ian.
"saan nangagaling yun ?" tanong ni aya. ata agad naman itinuro ni Jenna ang isang halaman, na may mga bulaklak na kasing hugis ng isang kampana.
"Teka jake, bakit hindi ka makapasok? hindi naman ako gumawa ng harang o kahit si Ian." sabi ni Jenna.
"Ate jenna, hindi lang kayong dalawa ang may powers dito.. baka si Tyler ang gumawa ng harang.. "sabi ni aya.
" Tama ka.. sino ba yun si aya ?" tanong ni jake habang naririnig lang nila ang boses nya sa pamamagitan ng bulaklak.
"Oo, nga sandali kakatukin ko muna si tyler sa loob.. "sabi ni Ian.nang biglang sumulpot sa likuran nila si Tyler.
"Hayaan nyong mabulok sya sa labas.ahhahaha! " sabi ni Tyler habang tumatawa.
"ayus ka lang ba ty? " tanong ni Aya.
"Ayus lang ako.. " sagot ni tyler .
"Bunso bat mo nilagyan ng harang ang buong bahay.. " tanong ni Ian.
"Eh gusto ko lang, delikado ang panahon ngayon kuya.. "sagot ni tyler nang marinig nyang tinawag sya ni jake.
"Si jake ba yun?" tanong ni TyLER.
" Oo, bunso papasukin mo naman sya.. " pakiusap ni Ian.
"Oo, ba sandali.. " sagot ni tyLER at biglang nalanta ang halaman na ginagamit ni jake.
"bat mo ginawa yun ?" sabi ni jenna.
" Eh gusto ko lang ?" sagot ni Tyler. at biglang lumakas ang kulog at kidlaat na may malakas na hangin..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ABANGAN ANG SUNOD NA KABANATA MGA MAHAL..
DONT FORGET TO VOTE AND DO SOME COMMENTS AND SUGGESTIONS.