"Miah, are you okay?"
Nakatulala pa rin ang dalaga sa mga sandaling iyon. She's still processing everything on her brain.
"Hindi….nagulat talaga ako sa suhestyon mo. Bakit mo naman naisipan ang bagay na iyan?" nakakunot-noong tanong nito sa kasama.
"You know what Miah, imagine yourself trading places with me….you'll experience everything that I have for a while. Ayaw mo nun?" sabi ng dalaga trying to convince her.
"Kiara…..nahihibang ka na. Ang trabaho ko lang ay ang mag-imbestiga, hindi ang makipagpalit ng buhay sa iyo. Mabuti pa,umuwi na lang tayo" medyo naiinis niyang sabi sa dalaga ngunit pinigilan siya nito.
"That's what you will do Miah, you'll investigate my brother and you would be able to do it if magkasama kayo sa mansion. Sakto, wala ang parents ko ng one week. And Aga…no need to worry about him kasi lagi iyong wala sa bahay. So it means_"
"It means uuwi na tayo ngayon din at baka maabutan pa tayo ng mga armadong lalaki dito." pagputol ni Miah sa sasabihin ng dalaga.
Napabuntong hininga na lang si Kiara habang nag-iisip pa ng mas magandang mai-ooffer dito.
"Is there anything that you want para magbago ang isip mo?" Kiara asked habang sinusundan si Miah na papalabas na ng bahay.
"Wala.." tipid na sagot nito.
"Really? Seryoso ka?" pangungulit ng dalaga.
"Oo nga.."
"I'll double your TF"
Napahinto saglit sa paglalakad si Miah.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito kay Kiara.
"Dodoblehen ko ang bayad sa iyo" then she smiled kasi sa isipan niya, medyo convincing na ang offer nito sa dalaga kaya napapaisip ito.
"Ano bang tingin mo sa akin, mukhang pera?" mahinang sagot ni Miah sa kanya. Halata sa boses nito ang kanyang disappointment sa kasama.
Nagpatuloy ulit ito sa paglalakad.
"Hey…w_wala sa isip ko ang about doon okay? All I wanted to do is just to convince you. Just consider it that you are helping a friend in need. Di ba you told me noong nakaraan na if I need help, I'll call you? Ito na ang asking for help na iyon, kaya sana matulungan mo ako this time" she said in a puppy eyes.
Napabuntong-hininga si Miah.
"Please?"
"Basta kapag natapos na ang pakay ko doon, ititigil ko na ang pagpapanggap huh?"
"So does it mean na pumapayag ka na?" masayang hinarap nito ang dalaga.
Tumango ito.
"Really?!" abot tengang ngiti nito sa sandaling iyon.
"Basta, kapag nagpalit tayo….hindi ka magrereklamo sa kung ano ang magiging buhay mo sa Isla."
"No worries. Ako ang bahala"
"Alam mo bang maingay sa bahay namin?"
"Kahit saan naman di ba? And It's fine. Huwag kang mag-alala, I'm adaptable naman" she said without thinking about it.
"Siyempre, dapat ka ring magpanggap na ako kaya kailangan mo ring magtrabaho sa flower shop at makasama ang medyo masungit kong amo."
"I can handle it, ako pa" sabi ulit nito just to let Miah fully accept her offer without changing her mind.
"Talaga lang huh.? Naku talaga, kapag nabulilyaso tayo ng dahil sa iyo…Labas na talaga ako dyan"
"You know what Miah, just don't worry about it okay? Basta ang importante ay 'yung goal natin, ang makuha ang evidence sa highly secured room. And sa iyo nakasalalay ang mission but I believe na kayang-kaya mo iyon. Ikaw pa" she said habang nakaakbay sa dalaga.
"Oo na, pero dapat parehas tayong handa. Kasi dapat walang makakahalata sa mga kilos natin para maging kapani-paniwala na ako ay ikaw at ikaw ay ako, gets?" kalmadong sabi nito sa dalaga.
"Gets" then Kiara smiled again kasi she also achieved her goal today. Ang mapapayag si Miah sa plano niya.
After ilang minute ng paglalakad, nakarating na sila sa parking area ng sasakyan nila.
"Aaahhh!" napatili si Manong ng humarap siya sa dalawang dalaga habang hawak ang kanyang yosi.
"Manong naman, napapansin ko na ha na panay ang tili mo" react ni Kiara nang huminahon ang driver.
"Ma'am Kiara, ngayon ko lang napansin na magkahawig pala kayo ng kasama mo" di makapaniwalang sabi nito sa kanyang amo.
"Grabe ka Kuya driver, kanina pa ako nakasakay dito pero ngayon mo palang napansin ang kagandahan ko?" biro ni Miah sa driver.
"Eh abala kasi ako sa pangungulangot kanina, saka malay ko ba kung kakambal pala ni Ma'am Kiara ang kasama niya ngayon, tama ba? magkakambal kayo?" tanong ni Manong habang tinitingnan sila pareho sa mukha.
"We're actually not related Manong" sambit naman ni Kiara.
"Weh Ma'am, di nga? Hindi kaya, kapatid mo rin siya sa labas Ma'am?" tanong ulit ni Manong.
"Alam mo Manong, pumasok ka na sa kotse para makaalis na tayo dito. Chismoso ka rin eh" sabi naman ni Miah nang hindi niya magustuhan ang tanong nito sa kasama.
"Ang sungit mo. Alam ko na kung paano kita makikilala. Hmp!" Tapos agad na niyang tinapon ang hawak na yosi at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Napatawa na lang si Kiara sa naging reaksyon ng dalawa sa isa't isa.
"Dapat maging close kayo sa isa't isa Miah, kasi siya ang lagi mong makakasama kahit saan ka magpunta."bulong ni Kiara kay Miah nang makaupo na sila sa backseat ng sasakyan.
"Ano bang pangalan ni Kuya driver?"
"Bunoh…Bunoh Mars" sabi ni Kiara na halos nagpipigil lang ng tawa dahil sa naging reaksyon na rin ni Miah nang marinig ito.
"Seryoso ba iyan? Bunoh Mars? Bwahahaha!" halakhak ng dalaga sa mga sandaling iyon.
"Grabe makatawa ah, parang lalamunin si Ma'am ng buo" saad naman ni Manong driver kay Miah habang nakatingin sa rearview mirror.
Hindi pa rin tumigil si Miah.
"Ikaw ba 'yung kumanta nung….Stop, wait a minute, Fill my cup, put some liquor in it?"
Nang marinig naman ito ni Manong, kunwari'y nag-isip siya, bago kumanta sa baritonong boses.
"Take a sip, sign the check!"
Dahil doon, natawa na rin si Kiara habang napapahampas na sa upuan.
"Sira ulo itong bata na to ah" bulong na lang ni Manong sa pang-aasar nito sa kanya na halata rin namang nagpipigil ng ngiti sa mga sandaling iyon.
Natahimik ang sasakyan sandali habang humahagikgik pa rin si Miah. Pero sa kabila ng tawanan, hindi nakaligtas kay Kiara ang aliwalas ng mukha ni Miah. Sa sandaling iyon, lalong naging mas magaan ang pakiramdam niya sa dalaga.
Time check: 3:23 p.m. Thank you sa walang sawang support. Kamsahamnida.
(Nasa Cebu pala ako this time guys. Share ko lang. K bye. :) )