webnovel

Special Chapter

Paika-ika na maglakad si Zairah dahil malaki na ang tiyan niya at kabuwanan na rin. Halos nahihirapan na rin siya dahil sa kambal ang sanggol sa kaniyang sinapupunan at anumang oras ngayon ay ilalabas na niya ito. Her husband never leaves her in the middle of her pregnancy and of course, everything she wants, he gave it to her. She's a spoiled wife but never into a hard-headed wife.

"Ann, si Sir Zack mo?" tanong niya kay Ann habang nakapameywang siya. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili nang araw na iyon ngunit wala pa namang masakit sa kaniyang katawan. Kakatapos na rin niyang maglakad-lakad sa labas ngunit hindi kasama ang asawa niya.

"Nasa study room niya, Ma'am Zairah. Bakit? May kailangan ka? May masakit na sa'yo? Manganganak ka na?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya.

"Hindi pa naman. Nangako kasi siyang susunod sa akin pero hindi naman."

"Ah. Akala ko kasi manganganak ka na, Madam! Hindi kasi maiguhit iyang mukha mo at akala ko ay may masakit sa iyo. Nandoon lang siya sa taas. Tawagin ko ba?"

"Hindi na. Ako na ang aakyat."

"Okay, Madam!"

Natawa siya sa puntong iyon dahil sa pagtawag nito ng madam sa kaniya. Mula noong opisyal na naging sila ni Zack hanggang ngayon ay iyon na ang tawag nina Ann , Leo at Fe sa kaniya maliban kay Aling Lukring ngunit hinayaan na lang niya dahil iyon mismo ang gusto ng mga ito. She's fine and happy by calling out her name.

"Siyangapala, maraming natirang pagkain sa ref na pinapabili mo kay Sir Zack lagi at sa tingin ko ay kailangan na naming maglinis. Kakainin mo pa ba o hindi na?"

"Hindi na ako kumakain masyado lalo na at kabuwanan ko na. Kung gusto mo ay kainin niyo na lang."

"Salamat, Madam!" Tuwang-tuwa pa ito.

"Natuwa ka na naman."

"Siyempre, Madam. Busog na busog ang mga alaga ko sa tiyan at saka sayang din kaya ang mga pagkaing iyon na inorder pa ni Sir Zack sa mga five star restaurant. Minsan lang kami makatikim ng mamahaling mga pagkain."

"Oo na. Kahit pa man noong nagkasakit, ako ikaw ang taga-ubos ng mga pagkain ko."

"Kasi maraming mga taong hindi nakakain at sayang naman kung itapon natin. Malawak pa naman ang space sa tiyan ko kaya walang problema."

"Kaya ka hindi pumapayat. Oh, siya. Aakyat na ako."

"Okay, Madam!"

Napapailing na lang siya kay Ann at sa kabilang banda naman ay natutuwa na rin. Nilalantakan nito ang mga pagkaing inaayawan niya at ang iba naman ay hindi na niya nakain pa dahil sa pag-iiba ng panlasa niya. Pabor din naman sa kaniya iyon dahil hindi nasasayang ang mga pagkain. Minsan na lang ay naririnig niyang inaantok ito o kaya ay tamad na tamad na magtabaho ngunit hinayaan na lamang niya. Mas ito pa nga ang naglilihi kaysa kaniya. Huwag lang sanang magmana sa kadaldalan niya ang mga anak ko!

Nagtungo siya sa study room kung nasaan ang asawa niya at naabutan niyang abala ito sa laptop at may kausap. Ayaw sana niyang abalahin ito ngunit hindi niya talaga maintindihan ang nararamdaman niya. Hindi siya mapakali at balisa.

"Zack..." tawag niya. 

Hindi siya nito nilingon at abala pa ito sa pakikipag-usap sa ka-meeting nito. Ilang sandali lang ay sinulyapan din naman siya.

"I'm in a meeting, Honey. We will talk later," in his serious tone of voice.

"But, Hon..." Nagpapa-kyot na siya sa harapan nito ngunit wala pa rin. Hindi pa rin siya nito binigyang tuon.

Sumenyas lang ang asawa niya na mamaya na kaya tumalikod na lamang siya rito na may pagtatampo ngunit napatigil siya nang biglang sumakit ang kaniyang puson. What's this? Napahawak siya sa kaniyang tiyan at sa doorknob ng pinto. Napasulyap na rin siya sa asawang abala pa rin ang pakikipag-usap nito.

"Zack..." impit niyang wika. Napangiwi na rin siya dahil ang sakit ay bumabalik pagkatapos ng ilang segundo. Hindi na niya kakayanin kong hindi pa siya aalalayan ng asawa niya. "Villa Acosta!!" Hindi na niya napigilang hindi sumigaw.

Napatayo si Zack. "What?!"

"Utang na loob manganganak na ako!!" inis niyang wika.

"What the⸻" Patakbo itong dinaluhan siya. "Why didn't you tell me earlier?!" taranta nitong tanong.

"Ako itong hindi mo pinapansin! Kasalanan ko pa?! Aaahh!" Muli na naman siyang napahawak sa tiyan niya.

"Shit!"

Walang sabi-sabing binuhat siya ni Zack mula sa study room hanggang pababa ng kanilang bahay. Hindi pa naman ito pwedeng magbuhat ng mabibigat nang dahil sa surgery nito sa tuhod ngunit ginawa pa rin nito ang nararapat.

"Leo!" sigaw nito.

"Yes, Sir?"

"Prepare the car now!"

Mabilis naman kumilos ang driver nilang si Leo na binuksan ang kotseng nakaparada sa garahe. Habang naroon na rin si Aling Lukring at Ann na tumatakbong sinundan sila.

"Zack, anong nangyari?"

"Manganganak na ang asawa ko. Prepare her things at I'll wait you at the hospital!"

Tumatango-tango ito. "O-Okay! Sige!"

Isa na iyon sa mga sandali ng buhay niya ang hindi niya makalimutang karanasan. Hanggang sa ospital ay nakikita niyang hindi na mapakali ang kaniyang asawa samantalang pinipilit niyang mapakalma ang kaniyang sarili.

Oo at napakasakit! Isa na rin iyon sa kasabihan na ang panganganak ay hindi madali. Nasa hukay ang isang paa pagkatapos ng ilang gabing dinanas ang sarap, ngayon naman ang hirap. Indeed! That was part of the reality of being in married stage.

Her husband never leaves her until she successfully gave birth to her twins in normal. She bravely fight her life too because it is not easy for her while in the labor section. Lalo na nang marinig na niya ang iyak ng dalawang batang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Zack. Nawalan man sila ng isa noong una, doble naman ang ibinigay ng panginoon sa kanila.

NAKATITIG si Zack sa dalawang kambal niya na mahimbing na natutulog sa nursery room. Nasa bintanang salamin siya habang nakasandal sa gilid nito.

"They look like you," sambit ni Raven na nasa tabi niya.

"Of course! They are my sons!" he proudly said.

"Hindi ka naman mayabang niyan?"

"Not so."

"Hmm. Akin iyong bandang kaliwa," biro ni Raven.

Masama ang tinging ipinukol niya sa kaibigan. "What do you think of my twins? Biik?"

Natawa ito. "Suplado!"

"Gumawa ka ng sa'yo." Bumaling agad siya sa kambal niya.

"Don't worry. I'll make not one. Twins sa iyo, quadruplets sa akin!"

Natawa siya. "And who would you like to carry your quadruplets race? Ni wala kang pinapakilala sa akin."

"Who knows. Makakakita rin ako."

"Mag-hire ka ng part-timer," biro niya.

"No need. Malay mo at maligaw ang landas niya sa buhay ko."

"Why don't you give her a chance?" Humarap siya rito.

"Who?"

"Si Chubby. Iyong nagka-crush sa iyo noong nasa Stanford pa tayo. Papayag iyon sa iyo!" Sabay ngumiti siya nang may ibig sabihin. Iyon lamang ang tanging makakapagpaasar sa kaibigan.

Masama naman ang tingin nito sa kaniya. "She's not my type! Kung siya man lang ang natitira, huwag na!"

"Choosy ka pa. She's beautiful anyway."

"Na.. I don't like her kahit ano pa ang sabihin mo!"

Napapailing na lamang siya rito at muling pinagmasdan na naman ang mga anak niyang excited na rin siyang mahawakan ang mga ito.

Samantala, sa kwartong kinaroroonan naman ni Zairah…

SHE OPENS her eyes while trying to remember what happened. Ilang segundo rin nag-snyc sa utak niyang nasa ospital siya at successful ang delivery ng kaniyang kambal.

"Honey..."

Sumulyap siya sa asawa niyang naroon na sa tabi niya. "Zack..."

"How are you? Do you want to eat?"

"Later. Gusto ko muna silang makita," mahina niyang sabi.

Ngumiti ito. "Dadalhin sila rito. "Ginawaran siya nito ng halik sa noo, pisngi at labi. "Thank you for everything, Zairah. You gave me a lot of happiness in my life plus the babies. Gagawa pa tayo ng isa."

"Ha?! Ayoko na!" mabilis niyang tugon. "Hoy, Mister! Anong akala mo sa akin manok na mabilis nangingitlog? Hindi mo alam mga pinagdaanan ko tapos ayaw mo pa akong pansinin!"

"I'm sorry. I didn't know. Lalo na ngayon kailangan ko ng magsikap."

"Tapos gusto mo ng isa pa, ganern!"

Natawa na lang ito. "I love you, Misis!"

"Tse! Kung di lang din kita mahal."

"Nandito na ang mga baby!"

Sabay silang napasulyap nang pumasok na sina Aling Lukring kasabay ng dalawang nurse na karga-karga ang dalawang sanggol. Walang pagsidlan ang kasiyahan nila nang mahawakan na nila ang mga sanggol.

And that was their once-upon-a-time story while leaving happily ever after!