webnovel

Chapter 45

"What are you doing, Zack? Tumayo ka nga riyan at pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" gigil niyang sambit dito.

"No, I won't! Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo ako pinapatawad."

"Ano?! Nahihibang ka na ba?"

"Forgive me, Zairah."

For the first time, Zack is begging her forgiveness. Alam niyang hindi ito nagbibiro at hindi rin ito tatayo hangga't hindi niya ito pinapatawad. 

"Oo na! Oo na! Tumayo ka na riyan at bago pa tayong dalawang ma-viral!"

"I don't care as long as you will forgive me."

"Bingi ka ba? Pinapatawad na nga kita. Stand up, Zack!" inis niyang wika. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak nito. May paluhod-luhod ka pang nalalaman pero kung makasigaw ka at palayasin mo ako sa bahay mo, akala mo ang sama kong tao!

Mabilis naman itong tumayo habang hindi nito binibitawan ang kamay niya.

"Halika nga rito! Nanggigigil ako sa'yo!" Hinila niya ito pabalik sa kanilang bahay.

Sumunod naman sa kaniya si Zack na hindi na umiimik hanggang nasa tapat na sila ng bahay ng kaibigan niya saka sila huminto.

"Anong ginagawa mo rito?" muli niyang tanong dito.

"Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap, Zairah. At kumalma ka lang, please. Makakasama sa baby natin ang⸻"

"Alam mo?" kunot-noong tanong niya.

Marahan itong tumango.

Hindi niya alam pero pakiramdam niya parang mahika ang mga bawat sinasabi nito kaya napa-oo siya na sa ibang lugar sila mag-usap. Ginamit nila ang itim na kotseng nakaparada sa tapat na pagmamay-ari pala nito.

Dinala siya ni Zack sa bahay nito ngunit nanatili lamang siya sa kaniyang kinatatayuan matapos silang makababa ng kotse.

"Let's go inside, Zairah."

"Ayoko. Kung gusto mong mag-usap tayo, dito na lang." Sabay naupo siya sa landscape curve ng halaman.

Napabuntong-hininga ito. "Okay." Tumabi ito sa kaniya.

"Sige, magsalita ka na." Binuksan niya ang bitbit niyang mangga na hindi pa rin niya binibitawan.

"Why don't you come inside? Am I disgusting to you?"

Nagsimula na niyang lantakan ang mangga. "Sinumpa ko na ang bahay mo."

"Ganoon na ba ako kasama?"            

"What do you think, Zack? Paano mo nalaman na buntis ako? Pinasundan mo ba ako? Ginalugad mo ba ang buong Pilipinas para mahanap ako? Ibang klase ka rin pala. Matapos mo akong palayasin sa bahay mo at gusto mo ako ngayong kausapin?" Ayaw niya itong tingnan at baka madala lang siya sa damdamin niyang traydor.

"I want to talk to you nicely, Zairah."

"Nicely? Gusto mo ngang magbasag ng gamit tapos nicely?" Neknek mo!

"I'm sorry."

Bahagya siyang natigilan. Mahina pa naman siya pagdating sa pagsasabi ng salitang iyon. Oo at aminado siya sa sarili niya nang makita ito ay hindi pa rin pala siya naka-move on. Naroon pa rin ang sakit sa dibdib niya at kaakibat naman ng sakit na iyon ay ang isang pakiramdam na minsan na rin niyang itinago sa puso niya. That she missed him so much and longing for his presence! Nagtatalo na rin ang puso at isipan niya ngayon para dito.

"Pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sa'yo nang araw na iyon. It's all my fault, and I know that. I was afraid, Zairah. I was afraid if I couldn't protect you from someone would hurt you."

"Sinong mananakit sa akin, Zack?"

"Lara threatened me. Gagawin niya ang lahat para lang makuha niya ang gusto niya at uunahin ka niyang ipaligpit. Ilang araw kong hindi sinabi sa'yo iyon dahil nag-iisip ako kung paano kita ipagtanggol gayong hindi pa ako nakakalakad noon. And all my frustrations came to an end. Nasaktan kita sa mga sinabi ko para lang lumayo ka. Then I late realized that I let you out of my sight." 

"Kalokohan."

"You told me that you already forgive me, Zairah. Is it truly right?"

Humarap siya rito kahit amoy bagoong na ang kamay niya subalit wala siyang pakialam. "Nangyari na iyon, Zack. Kalimutan mo na." Inilagay niya ang plastic sa gilid na wala ng laman na mangga.

"Wait. I'll get alcohol." Tumayo ito at nagtungo sa kotse nito. 

Hinayaan lang niya ito dahil amoy bagoong talaga ang kamay niya. Pagbalik nito ay nilagyan nito ng alcohol ang kamay niya. Pakiwari niya ay normal na lang silang nag-uusap na parang walang namagit ang sakit na nangyari sa kanila noon. Nangako na akong hindi na ako iiyak. Pero bakit parang gusto kong umiyak sa harapan niya?

"My life is miserable without you, Zairah. I was hoping you could come home, but I don't know how. Ngayong nakalakad na ako at kaya na kitang protektahan, I feel that you are far from me."

"You are the reason why I am far from you. Itinulak mo akong palayo, and now you're telling me that you wanted to protect me? Nang dahil ba ito sa batang dinadala ko?"

"Both of you."

Iniwas niya ang tingin sa ibang direksiyon. Baka hindi niya kayanin ang makipagtagisan ng tingin dito. "Why?"

He holds her hands while she staring at it. She feels the current sparks that traveled to her bloodstream and feels her trembling. Napapikit siya. Dinama niya iyon hanggang sa kaibuturan ng kaniyang puso. Noon niya napagtanto kung gaano kahalaga ang taong nasa tabi niya, kung gaano niya ito pilit na makita noon at kung gaano niya ito kamahal.

Ngunit may mga bagay na paulit-ulit na tumatak sa kaniyang isipan. Ang sakit at pait na naranasan niya sa loob ng ilang buwang hindi ito nakita. Hindi niya namalayang napaluha na naman siya. Isang luha na sumisimbolo sa kaniyang mga hinanakit noon.

"Do you still love me, Zairah?"

Sumulyap siyang muli rito. "Hindi ko alam, Zack. Hindi ko alam." Napahikbi na siya.

"Come here."

He embraced her tightly. Gusto sana niya itong hampasin o kaya saktan ang damdamin nito ngunit hindi naman niya nagawa. Gusto niyang iparanas ang pait na sinapit niya nang araw na iyon ngunit nananaig pa rin sa kaniya ang pagmamahal dito.

"Let's go inside. I'm starving."

Bahagya siyang lumayo rito saka nagpahid ng mga luha niya. "Huh? Hindi ka pa kumain?"

Tumango ito. "I didn't enjoy the food from my welcome back party. Isa pa, hindi kita nakita roon kaya pinuntahan na lang kita sa inyo."

"Anong party?" pagtatakang tanong niya. Wala siyang ibang naisip kung 'di ang welcome back party sa company na pinapasukan niya.

"Remember the AVIZA Land party?"

"Wait... How did you know that? Guest ka ba roon? Investors?"

Napangiti ito. "Why do you always throw me your innocent look, huh? Come on!" Tumayo na ito.

Tumayo na rin siya ngunit naroon pa rin ang pagtataka. "Paano mo nga nalaman iyon?"

"Waiter ako doon," birong wika nito.

Napatigil siya sa paglalakad papasok. "I-Ikaw ang...may-ari ng AVIZA Land?"

Humarap ito sa kaniya. "AVIZA means Zack Villa Acosta. Binaliktad ko lang iyon as part of my business name. Halika na at mahamugan ka pa."

Hayun na naman ang isipan niyang nag-iisip kung gaano kaliit ang mundong kanilang ginagalawan. Kung ito man ay isang paraan ng tadhanang muli kaming pagtagpuin ni Zack, sige, sasabay ako sa daloy ng panahon. Pero isang beses na lang ito. Kung masaktan man ako, tama na! Sumunod na lamang siya rito at hindi na rin siya tumutol.

Next chapter