webnovel

Chapter 15

"Pumasok ka na sa loob. He needs you," wika ni Raven.

"R-Raven, ayos lang ba siya?" pag-aalala niya.

Tumango ito. "Yeah. Wala naman siyang natamong major injury."

"Mabuti naman kung ganoon. Sige at pupuntahan ko na siya." Naglakad na siya at nilagpasan niya ang binata.

"Sandali..." pigil nito.

Napatigil siya saka marahang lumingon kay Raven.

"Don't tolerate him if whatever he wants. Ikakapahamak niya iyon."

Nakatitig lamang siya sa mga mata nitong tila seryoso sa mga katagang binitiwan nito. Hindi siya sanay na ganoon ang ipinapakitang emosyon ng binata sa kaniya. Tumango na lamang siya bilang pagtugon saka niya muling tinalikuran ito at tinungo ang kwarto ng binata. Naramdaman niyang may alam si Raven sa nangyari sa kanila kaya ganoon na lamang ito kung paalalahanan siya. Nakakahiya! Hindi mawaglit sa isipan niya ang makaramdam ng pagkapahiya sa sarili.

Pagpasok naman niya sa kwarto ng binata, nakita na niyang nakaupo na sa gilid ng kama si Zack saka niya ito nilapitan. Nag-aalalangan pa siyang kausapin ito ngunit kinakailangan dahil may kasalanan din siya.

"Zack..."

"Tulungan mo akong magbihis. I re-scheduled my meeting at 9 am," bungad nitong wika habang seryoso na naman ang mukha nito.

"Uhm, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang⸻"

"Sundin mo na lang ang utos ko at huwag mo ng isipin iyon."

Ramdam niyang umiiwas si Zack sa nangyari kanina. "Okay. Kukunin ko lang ang damit mo sa dresser." Naglakad naman siya patungong dresser at pagbalik niya ay bitbit na niya ang kailangan nito. Inilapag niya ang iba sa kama. "Isuot mo muna itong trouser pants bago ang polo at humiga ka na rin para mabilis nating isuot."

Sumunod naman agad ang binata sa sinasabi niya na sa unang pagkakataon ay hindi niya narinig na nagreklamo ito. Humiga ito saka ini-ayos ang mga paa upang isuot ang trouser ngunit may suot itong panibagong boxer short. Hindi mainam na magsuot pa ito ng ganoon dahil mababakat lang kapag na doble.

"Tanggalin natin ang boxer short mo. Hindi magandang tingnan kapag may doble ka pang suot." Hindi na siya nahihiyang sabihin iyon dahil marahil ay may kahalating buhay na niya ang naging koneksiyon nito.

"Okay."

Tinanggal nito ang suot na boxer short saka tumambad sa harapan niya ang nag-iisang pantakip sa pagkalalaki nito. Puti ang kulay ng suot nitong underwear na hindi naman nakaligtas sa paningin niya. Paano nga ba siya makakaiwas gayong ayaw ng mga mata niyang ibaling iyon sa iba? Muli itong humiga saka siya kumilos upang isuot ang trouser. Noong una, maayos pa niyang naisuot ito ngunit nang umabot na siya sa bahaging iyon, may panginginig na ang kaniyang kamay. Lagi niyang itinatak sa isipan na kailangan niyang sanayin ang sarili ngunit sadyang hindi niya mapigilan lalo na ang pagkailang.

Halos hindi makakurap si Zairah nang halos kitang-kita niya ang unti-unting pag-umbok nito hanggang ito ay tuluyang manigas. Napatigil siya sa bahaging isasara na sana niya ang zipper ng trouser nito dahil magiging masikip iyon kung sakali.

"I'll do it," sambit ni Zack. "Nasagi mo kasi kaya...ganyan."

Kasalanan ko na naman ba? Napatitig siya sa mga mata ng binata at ganoon din ito sa kaniya habang isinasara nito ang zipper. Maya-maya pa ay bumangon na ito at umupong muli sa gilid ng kama. Muli niyang isinuot dito ang polo saka niya maayos na isinuot ang butones hanggang sa pagsuot niya ng medyas at sapatos dito.

Kung hindi lang kakaiba ang binata, masasabi niyang napakaperpekto itong inukit ng lumikha dahil sa angking kakisigan nito. Habang pinagmamasdan niya ito, pakiwari niya kamukha nito ang isang sikat na artistang si Ian Somerhalder ng Vampire Diaries. Tama! Siya nga! Hindi na siya magtataka marahil ay may halong ibang lahi ang binata. 

Tinulungan niya itong makasampa sa wheelchair at nang maiyos niya ang binata ay nagpahatid na ito sa study room kung saan iyon na rin ang naging opisina nito. Habang siya naman ay muling bumalik ng kaniyang kwarto upang magbihis na rin. Muling hinarap niya ang kaniyang trabaho ngunit habang tumatagal, walang pumapasok sa isipan niya.

TANGHALI na at hindi pa rin tumatawag sa local phone ang binata kaya itinigil muna niya ang pagguhit sa pentab. Tumayo siya saka niya tinungo ang study room nito kung saan ito nag-o-opisina. Marahan niyang pinihit ang doorknob at niluwangan ang pinto subalit narinig na lamang niya ang mahinang pagtawa ng babae sa isang sulok kasama ang binatang si Zack. Umusbong ang kaba niya sa dibdib at sa mga katanungan kung sino ang babaeng ito na ang sweet sa binata at sinusubuan pa ito ng prutas. Ang binata naman ay tila masaya pa sa ginagawa ng babae.

Naninikip ang dibdib niya sa nakita dahil ang alam niya may meeting ito ngunit ibang babae pala ang kausap nito. Hindi lang iyon, mukhang may kakaiba sa dalawa kaya hindi niya rin nakayanan ang eksena. Muli niyang isinara ang pinto saka siya naglakad pabalik ng kwarto niya. Hindi siya dapat nagkaganoon dahil wala naman silang relasyon ni Zack. Pero bakit nasasaktan ako sa nakikita ko?

Umupo siyang muli sa kaniyang office table kaharap ang computer niya saka siya napaluha nang tuluyan. Masyado siyang nagpadala sa damdamin niya para sa binata kahit bago pa lang silang nagkakilala. Inaamin niyang naging marupok siya ngunit paano niya susupilin ang pusong hungkag na sa presensiya ni Zack sa maikling panahon.

"Umiiyak ka ba?"

"Huh?!" Gulat siya nang makita niya si Raven na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.

"Sorry at pumasok na ako. I knocked the door pero walang sumasagot. So, pumasok na ako."

"Oo. Umiiyak ako dahil ang p-pamilya ko," wika niya. Iyon lamang ang nakikita niyang idadahilan dito.

Lumapit ito sa kaniya. "Ah. Nakalimutan mong mag-update sa akin tungkol sa deal niyo ni Zack at tungkol sa problema mo."

Tumango siya. "Oo. Salamat sa advice mo."

"Good. Dahil kung hindi, I am here to help you. Willing naman ako. By the way, flowers for you."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bouquet ng mga pulang rosas na nakatago sa likuran ni Raven. Hindi niya maintindihan kung bakit binigyan siya nito gayong hindi naman espesyal ang araw na iyon sa kaniyang buhay. Malayo pa ang kaniyang kaarawan kung tutuusin.

"P-Para sa akin?"

"Yeah."

Marahan niyang kinuha ito. "Thank you, Raven. Pero hindi ko naman birthday. Galing sa iyo?" naguguluhang tanong niya sa binata.

"Uhm, bigay iyan ng kapitbahay."

Napakunot-noo siya. "Kapitbahay? Sino?"

"Basta kapitbahay."

"Hindi nga? Kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo, itatapon ko ito," banta niya.

"I bought it for you. Nadaananan ko kasi kanina ang isang flower shop ng kakilala ko at inalok niya akong bilhin iyan. I told her I don't have a girlfriend to give these such a beautiful flowers. Mukhang ayaw pa nga niyang maniwala pero naisip ko kayo na nandito pati sina Aling Lukring, Ann at Fe. Sige, aalis na ako. See you tomorrow." Ngumiti lang ito sa kaniya.

"Thank you, Raven. Teka—kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Kumain na lang tayo sa baba. May inihanda naman si Aling Lukring."

"Sige."

Next chapter