webnovel

The Possessive Billionaire's Mistress [TAGALOG]

Author: keinyx
Urban
Ongoing · 8.9K Views
  • 7 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

They say he's a cold-hearted bastard, but he's letting my sons play with his hair, mess with his necktie, and cling to his neck. . . "My sons will stay with me, and if you're so against with living with me. . . then I'll take them away," he coldly said. Oh, he truly was a cold-hearted bastard. _______ Elaine only planned to escape her miserable life for one night, never had she thought of meeting the cold-hearted CEO of Sanford Corp and ending up in bed with him. When she found out she was pregnant with his sons, she feared that he would take them away from her. So, she left to hide her children from him. However, life forced her back into his arms and he won't let her slip away again-even though he's already engaged to someone else.

Chapter 1Chapter 1.1

"Your father's dead," sabi ng stepmother ko paglabas niya ng kotse. "At wala ka na ring karapatan tumira rito."

Malakas ang ulan pero naririnig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko.

"P-pero hindi pa ko nakakapag-paalam sa kanya?" iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang mga anak ko. Hindi rin nila ako papasakayin sa sasakyan kung sumama ako kanina.

"Lumayas na kayo. Ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha niyo sa bahay namin," sabi pa niya na parang hindi pa mabigat sa 'kin na nawalan ako ng ama kaya kailangan niyang dadagdagan.

My regret and grief were suddenly replaced by my fear for my triplets. Where would we go? Hindi pa sapat ang pera ko.

Bigla ko rin naisip ang ama nilang nasa Pilipinas. . . siguro naman nakalimutan na niya ko. Hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang takot na baka kunin niya sa 'kin ang mga bata. He's a powerful man, he can take whatever he pleases.

"Take those pests with you! You're the cause of our misfortunes!"

Pinigil ko na lang ang luha ko. Hindi ito ang oras para magluksa o umiyak.

"Ano, Elaine?" sabat ng anak ni Darcy, ang stepsister ko. "Are you going to leave with those feet or do we have to throw you out?"

Simula pa lang ay alam kong ayaw na nila sa 'kin. Mas ipinakita lang nila iyon no'ng nagkasakit ang ama ko at bumagsak ang negosyo nito. Mabuti nga at nandito rin si Layla, ang half-sister ko. Siya lang ang naging kakampi ko at tumuring sa 'king pamilya maliban sa ama ko. Hindi ko siya nakikita ngayon kaya siguro ay naiwan siya sa ospital.

"Aalis kami," sagot ko. Pagod na rin naman ako sa trato nila sa 'min. "Pero para lang maalala niyo, karapatan ko rin tumira sa bahay ng ama ko. May karapatan din ako sa pera niya. Anak niya pa rin ako."

"Anak?" Darcy scoffed. " Anong klaseng anak ka? Wala ka pa ngang nararating tapos nagpabuntis ka na sa kung sino!"

Hindi kung sino ang tatay ng mga anak ko. Kung tutuusin ay sa mas malaking bahay pa nga sana sila nakatira. Kaso natakot akong baka lumaki sila sa magulong pamilya at hindi makatanggap ng pagmamahal sa ama nila. Kaya lumayo kami, kaya tinago ko sila.

"But I took responsibility. It was my hard earned money that fed and clothed my children and me. All I asked from my dad was shelter while I get back on my feet. Don't forget that I helped with the bills when father's health declined and the business went downhill. The money I used to help this family was supposed to give my sons and I a place to live."

"It was only right that you helped out! You were living in our house!"

"And how dare you talk to my mom like that?" Mila suddenly intervened. "Your father's money are all gone. His business now belongs to my uncle. Even the house belongs to mom now."

"Kaya nga aalis na kami. Hindi namin pagpipilitan ang sarili namin dito." Wala akong choice, kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Alam kong hindi titigil ang dalawang 'to at baka saktan pa nila ang mga bata.

"Mommy!" bigla kong narinig ang boses ng anak ko kaya napalingon ako. Umiiyak ang tatlo habang nakasilip sa pinto. Mukhang natakot sa pagtatalo namin.

Agad kong dinaluhan ang mga bata. Dinala ko sila pabalik sa kwarto at binihisan laban sa ulan. Mabilis din akong nag-impake ng mga damit namin at pagtapos ay pumunta na sa gate.

"Huwag kang hihingi ng tulong sa 'min dahil wala kang makukuha," paalala pa ni Mila bago kami umalis.

Sakay ng taxi ay dumeretso muna ako sa kaibigan ko. Siya rin ang tumulong samin makapunta sa airport at makauwi sa Pilipinas.

Matapos ang limang taon ay babalik na 'ko. Paglabas pa lang namin ng eroplano ay bumungad sa 'kin ang malaking litrato ng fiancée ni Leon.

Isang modelo ang mapapang-asawa ni Leon, bagay sa katulad niyang may-ari ng isang kompanya. Kaya sana hindi na niya malaman ang tungkol sa mga anak namin.

"Ang ganda ni Miss Ava."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Nakasuot siya ng pormal na damit, parehas ng suot ng kasama niya.

"Oo nga. Buti na lang tumigil na si boss sa paghahanap do'n sa Elaine," sagot naman ng isa.

Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nila ang pangalan ko. H-hinanap niya 'ko? Bakit? Hindi naman niya alam na buntis ako.

Humigpit ang hawak ko kay Leo at Alaine. Si Alaine na kamukhang-kamukha ng ama niya, si Leo na sa 'kin naman nagmana, at si Elijah na kamukha namin.

"Leo, wag bibitiw kay Eli," sabi ko habang nagmamadaling lumayo sa dalawang kalalakihan.

Nang lumingon ako para tignan sila ay nakakita ako ng pangatlong lalaki, isang pamilyar sa 'kin. Nagkita na kami noon, siya 'yong kasama ni Leon sa bar. Nagtama ang tingin namin kaya agad akong kinabahan.

Sana hindi niya ako nakilala...

Paglabas pa lang namin ng airport ay agad kong sinakay ang mga bata sa taxi. Ito ang unang beses nila sa Pilipinas kaya mukhang manghang-mangha pa ang tatlo habang nakadungaw sa bintana.

"Mommy, it's hot. Is it summer here?" tanong ni Alaine.

"It's always summer here," natatawa kong sagot. Hindi sila sanay dahil hindi ganito ka-init sa Amerika.

"When snow?" tanong ni Eli.

"Walang snow rito, Eli. Pero malamig kapag Christmas."

Sumimangot ang dalawa at napa-ngiti na lang ako dahil ang cute pa rin nila. Buti na lang nandyan sila.

"But this time, tayong apat na lang sa house. Wala nang magagalit kapag naglalaro kayo."

Simula nang pumatong ako ng eighteen ay hindi na sinuportahan ni papa ang pag-aaral ko. May iniwan siya sa 'king condo bago siya umalis papuntang Amerika, kasama ang bago niyang pamilya. Pero hanggang do'n na lang. Sabi niya pwede naman ako magsabi kung kailangan ko ng pera, pero pakiramdam ko ay wala na akong karapatan.

Madalas kapag nakakausap ko si Darcy noon ay nararamdaman ko na ayaw nila akong maging parte ng pamilya. Kaya nahiya na 'kong manghingi.

Kaya simula no'ng eighteen ako ay ako na ang nagbabayad ng gastusin ko sa school, tuition, at bills. Parang tuluyan na 'kong nawalan ng magulang. Sinubukan nila akong ibaon sa limot, na para bang parte na lang ako ng nakaraan at hindi ng pamilya nila. Alam kong abala si papa at masaya siya sa bagong pamilya. . . kaya siguro madali akong nakalimutan.

Hiyang-hiya ako no'ng nanghingi ako ng tulong sa kaniya. Buti na lang at parang naaalala niyang bigla na may anak pa siyang naiwan sa Pilipinas. Pumayag siya agad na makitira kami do'n.

"Mommy, where's grandpa?"

Napalingon ako kay Leo. Malungkot ang maamong mata nito, para bang alam na niya ang sagot pero kailangan pang marinig mula sa 'kin.

"Uhh. . ." saglit akong natigilan at hindi alam ang sasabihin. Ngayon ko lang ulit naalala na wala na nga pala si papa, ako na lang talaga mag-isa. "Ano, Leo. . . Kasi. . ."

Alam kong maraming panahon siyang wala sa buhay ko at kinaya ko naman. Pero iba pa rin kasi kapag alam mong may magulang ka pa. Ngayon kasi. . . wala na talaga at hindi man lang ako nakapag-paalam. Masaya kami nung buhay pa si mama kaya hindi ko rin magawang magalit kay papa no'ng naiwan ako mag-isa.

Nang tignan ko ang mga bata ay naghihintay pa rin sila ng sagot. Paano ko ba sasabihin sakanila?

"We won't see grandpa for awhile. Nasa heaven na kasi siya, kasama si lola niyo. Mas mabilis kasi siyang gagaling do'n, mas magiging happy si grandpa niyo kapag magaling na siya," paliwanag ko habang nagpipigil ng luha.

Alam ko hindi pa nila gaanong naiintindihan pero alam kong alam nila na hindi na namin makikita pa si papa.

Eli and Leo's lips curved downward while they looked up at me. Halatang naiiyak na sila pero tumango pa rin bilang sagot sa sinabi ko. No'ng una ay nakatingin lang sa 'kin si Alaine, pero nang makita niya ang itsura ng mga kapatid ay nalungkot na rin ang mukha nito.

Nang magsimulang umiyak si Leo ay sumunod na rin ang dalawa. Siguradong mabigat para sakanila ang mga pangyayari, kaya hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan nila ako.

"Tahan na. Anong gusto ng babies ko? Ice cream? Malulungkot 'yon si grandpa kapag umiiyak kayo."

"Is daddy in heaven too?" tanong ni Alaine.

Isang tanong nanaman na mahirap sagutin. Umiwas ako ng tingin upang mag-isip, pero saktong nakita ko nanaman ang imahe ng babaeng papakasalan ni Leon.

Marami talagang billboard si Ava, at parang isang paalala sa 'kin ang mga iyon ng pagkakamaling nagawa ko. Pero kung hindi ako nagkamali, siguro tuluyan na 'kong mag-isa ngayon. Wala siguro ang mga anak ko. . . pero sana hindi na lang siya.

I knew that giving in to what he wanted was trouble, but I still ended up in bed with him. Pero hindi ko inakalang may babae na sa buhay niya at balak pa niyang pakasalan 'yon. Tapos ako pa ang babaeng ginamit niya para lokohin ang kasintahan niya noon. No'ng malaman ko 'yon ay agad kong pinagsisihan ang gabing pinagsaluhan namin.

Gano'n siyang klase ng lalaki kaya hindi ko siya magagawang pagkatiwalaan, lalo na sa mga anak ko. Dapat kasi una pa lang ay tinatak ko na sa isip ko na pansamantala lang ang interes niya sa 'kin at hindi dapat ako naapektuhan no'n. To him, everything that happened between us meant nothing.

Pero. . . bakit niya ako hinanap? Mali lang ba ang pagkakarinig ko?

Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sa mga anak ko na hindi nila makikilala ang daddy nila at kung bakit.

"Alaine, wala siya ro'n. Sasabihin sa inyo ni mommy kapag malaki na kayo, at saka nandito naman si mommy. Love na love ko naman kayo ha? Mag-a-ice cream pa nga tayo, 'di ba?"

"Mommy, chocolate ha," sabi ni Eli.

"Cookies and cream!" sigaw naman ni Alaine.

"Me too, mommy. Cookies and cream po," si Leo.

Tumango agad ako. Mabuti na lang at nabaling din agad ang atensyon nila sa iba.

Bumaba kaming tatlo sa harap ng dati kong condo. Maliit iyon para sa tatlong bata, pero hindi pa sapat ang pera ko para maghanap ng ibang lugar.

May convenience store malapit sa condo kaya bumili muna ako ng ice cream para sa tatlo. Tinikman pa nga ni Alaine ang ice cream ni Leo kahit parehas naman sila ng flavor.

Nang makarating kami sa condo ay excited nilang nilabas ang mga laruang dala nila. Nag-order na lang ako ng pagkain dahil 'di pa ko nakakadaan sa grocery at mga gutom na kami.

While we were unpacking, I heard a knock on my door. Naisip ko agad ang pagkaing inorder ko, kaya kinuha ko ang wallet ko at agad na binuksan ang pinto.

Agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa likod ng pinto.

"Elaine, do you remember me?" tanong niya. Sumilip siya sa likod ko kaya pati ako ay napalingon.

Nakita ko si Alaine na nakatingin sa 'min. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Wow, he looks like a younger version of Leon."

You May Also Like

LTAF: Life Transformation of Adult Failures

A young adult wants to attempt suicide because he thinks his life is turning into a failure. Though he doesn't want to admit that he is becoming a failure who lives alone in a shabby third rate rented apartment. He is jobless and struggling to pay for his bills. He has a long messy hair, ungroomed beard and mustache, poor hygiene, and poor lifestyle he looks like a homeless man who's scavenging foods in garbage bins. The laptop he received from his parents when he entered college is the one and only treasure that he protects the most. It contains his life long dreams and goals in life but it also gave up and left him. It's his last straw of hope and it breaks. Without any reason to live, he decided to suicide. He wrote his last words and decided to post it in social media. He went to an Internet cafe near the apartment he's living to access the Internet and post his last words. He wrote his last words and scheduled the post at exactly 6pm. A couple of hours after his suicide so that no rescuers will be able stop him on time. Now he's out of the Internet cafe and he's on his way to his final moments. He felt that his every step gets heavier and all the memories from his childhood flashes one after another. He entered his room, he gets a stool and a blanket. He tied the blanket on one of the lumber from the ceiling near the door. He climbed the stool and he put his head inside a knot in the blanket and then he... He failed again. He's suicide attempt failed but something new opened up for him. An Opportunity from A Top Secret Organization. (Author's Note: Idecided na Tagalog nalang po yung story this time! Hope y'all like it!)

Kael01 · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Until the Day Comes

Wag kang magmahal kung hindi pa handa ang puso mong wasak Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak. Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan. Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha. Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw. Bago mo ko muling lapitan, Tumingin ka sa salamin at tanungin ang sarili “Handa na ba ko muling magmahal?” Handa ka na bang sumabak muli. Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat at wag iasa na sa muling pag mahal Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso. Wag kang magmahal kung alam mong wasak na wasak kapa Magmahal ka kapag handa kana Kapag buo kana Kasi kahit anong pag pilit mo Kahit anong pagtangka mo Puso mo ang kalaban Puso mo ang nahihirapan Kaya habang hindi pa huli ang lahat, Wag mo akong mahalin kung ang puso mo Wasak pa rin sa bakas ng kahapon. —- Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana. Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay. Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas. ———————————————————————- This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody. Thank you again and God Bless you all

IamCess · Urban
Not enough ratings
11 Chs