Chuswar Kingdom, Sa loob ng Palasyo kung saan napapalibutan ng mga Huluwa ang grupo ni Rowel at Ravi.
Dinig ng lahat ang pagaspas ng pakpak ng Acon mula sa di-kalayuan. Ilang sandali pa, lumapag ito sa lupa, sampung dipa mula sa pwesto nila Rowel. Ang binata na kanina pa nanginginig at pinagpapawisan ng malamig ay lihim na ikinuyom ang mga palad sa kanyang likuran. Ilang beses itong napa-lunok dahil sa kaba.
Sa kauna-unahang pagkakataon na kilala na niya ang taong kaharap, sa wakas, makaka-usap na niya ang ama na matagal niyang inaasam na makita.
Parang slow-mo ang naging eksena. Bumaba ng Acon si Ramil habang hindi inaalis ang tingin kay Rowel. Ang mga Huluwa naman ay pigil din ang hininga dahil hindi nila alam kung aatakihin ba ng founder ng Chuswar ang mga bisita o Hindi.
"Rowie..." Usal ni Ramil sa pangalan ng anak.
Tiim bagang na lalong humigpit ang pagkaka-kuyom ni Rowel sa kanyang mga kamao. Paano nya ba ipapakita sa ama ang totoong nararamdaman niya ngayon? Takot, tuwa at pag-sisisi. Takot dahil baka nagkukunwari lang ama na kilala siya. Paano kung dahil sa tagal ng panahon, naapektuhan na rin ang kanyang pag-iisip at memorya? Tuwa, dahil sa wakas, nakita na niya ito at sigurado na siyang ito nga ang kanyang nawawalang ama. At pag-sisisi dahil hindi niya kasama ang kanyang ina. Desinsana, buo na sila ngayon.
"Rowie, ako to.. Ang papa mo. Naaalala mo pa ba ako?"
Ang kaninang naka-tiim na bagang, ngayon ay kagat ni Rowel ang labi upang pigilan ang pag-iyak. Paano ba? Paano ba pigilan ang sariling umarte na isang adult? Hindi na dapat siya umiiyak para sa ganitong sitwasyon, pero iba ang sa ngayon.
Isang tango ang kanyang itinugon.
At dahil dun, pabagsak na napaluhod sa lupa ang kanyang ama. Tukod ang dalawang kamay, literal itong napahagulgol habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng anak. Dala ng emosyon at pangungulila, knilang hakbang lang ni Rowel ang pwesto ng ama at tsaka mahigpit niya itong niyakap. Ang eksena ang sadyang naka-kapag bagbag damdamin lalo na sa ibang Huluwa na katulad nilang mag-ama, ay hanggang ngayon ay nangungulila parin sa kani-kanilang mga kapamilya.
Makalipas ang ilang minuto, no! Actually parang umabot pa ata ng isang oras bago nahimasmasan ang dalawang lalake na umiiyak. Mabilis na dinala ni Ramil ang anak sa loob ng palasyo kung saan dumiretso sila sa isang close door garden. Doon nag-usap ang dalawa habang sinamantala naman nina Ravi at Agartha ang pagkakataon.
"I'm sorry, Rowie. Akala ko hindi na talaga kita makikita. Kumusta ang iyong ina? Teka, paano ka pala napadpad dito sa Abys? Hindi ba kayo nahirapan ng Mama mo? Ang buhay ninyo, Hindi ba mahirap?" Sunod-sunod na tanong ni Ramil sa anak na ngayon ay kalmado na.
Kung kanina ay masayang-masaya na siya, ngayon naman ay muling nahati ang emosyon ni Rowel. Bakit naman hindi? Ngayon kasi ay natuon na ang isip niya sa kanyang Ina sa mundong ibabaw.
"Sa loob ng mga unang taon na nawala ka, aaminin ko na medyo nahirapan si Mama mag-adjust. At hanggang ngayon, hindi ka parin tuluyang nakakalimutan ni Mama. Umaasa parin siya na dumating ang araw na babalik kang buhay." Malungkot at tinig na paliwanag ni Rowel sa ama.
Napayuko ang Ama at muling napa-singhot. Palatandaan na naiiyak nanaman ito.
"Kung paano naman ako napadpad dito sa Terra crevasse, naaksidente ang eroplanong sinasakyan namin ni Nika. Ah! She's my friend, at katrabaho ko rin as flight attendant."
"Nika....siya ba ang babaeng kasama mo sa Black Fog mountain at sa Cloud mountain?" Tanong ni Ramil na ngayon ay sinisikap ng maging kalmado.
"Opo, at siya rin ang palaging pumo-protekta sa akin kapag nalalagay sa alanganin ang buhay ko. Back to Black Fog mountain, I'm sorry for attacking you back there. Hindi ko alam na..."
"No, no, no! Hindi mo kailangang humingi ng patawad. Ako ang dapat na humingi ng tawad sayo at sa kaibigan mo. Saan na pala siya?" Natatarantang putol ni Ramil sa sinasabi ng anak.
"She's... She's still doing her best to find the exit para makabalik na kami, tayo sa mundong ibabaw. Pa, tell me, gusto mo bang bumalik sa mundong ibabaw at makasama ulit ang Mama?"
"Hah! Hindi mo na ako kailangang tanungin ng ganyan, anak. Simula nang mapadpad ako dito, hanggang ngayon. Wala akong ibang iniisip kundi ang bumalik sa piling ninyong mag-ina. Pero syempre, ayaw ko rin na iwan dito ang kapatid ko. I'm sure, you two have already met?
Ilang segundo pa bago tumango si Rowel bilang sagot sa ama. Bumuka ang kanyang bibig upang mag-salita ng maramdaman nila ang malakas na pag-yanig ng lupa.
" Earthquake?!" Kunot ang noo na bulalas ni Ramil at biglang napa-tayo upang protektahan ang anak.
Napa-tayo din si Rowel dahil sa gulat. Subalit nang makabawi ay napa-isip siya kung nagsimula na bang kumilos sina Agartha at Ravi. Kung na sa ilalim ng palasyo ang bagay na kailangan nilang makuha, then the earthquake must be the effect of their job.
Sabay silang napalingon sa deriksyon ng entrance ng hardin ng marinig nila ang pabalagbag na pag-bukas ng pinto. Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng Knight uniform na may badge ng Chuswar sa kaliwang bahagi ng dibdib.
"What is happening outside?" Malalim at puno ng otoridad na tanong ni Ramil sa lalake.
Mabilis itong yumuko upang sumagot. "Paumanhin sa kapangahasan ko, my Lord. But it's an emergency. Loxim is currently attacking the EMBERS!"
" Loxim?! Sa anong dahilan?!" Dumagundong ang boses ni Ramil sa loob ng hardin.
Lihim na napa-lunok si Rowel habang nakikinig. Ang pressure na pinapakawalan ng kanyang ama ay tunay na malakas. Bagamat hindi manlang maisusukat sa pressure ni Nika.
"My Lord, Loxim said that you are now backstabbing the kingdom, sa pamamagitan ng pakikipaglapit ninyo sa mga taong galing sa Drakaya Kingdom." Paliwanag ng Knight na ngayon ay seryoso na rin nakatitig kay Ramil at paminsan-minsan ay tumitingin kay Rowel.
So, hindi pala sila Ravi ang dahilan ng earthquake. Hindi pa niya kailangan kumilos. Bagamat Hindi niya alam kung paano gagamitin ang sitwasyon upang magsimula na rin ang kanilang totoong mission.