Nasa ganoong sitwasyon sila ng bigla na lang lumapag sa lupa ang isang ibon na may iba't ibang kulay ang balahibo. Ang buntot nito ay mahaba na para bang peacock, bagamat kulot ang dulo. Ang palong ng nasabing ibon ay parang korona. Isang uri lang ng ibon ang pumasok sa utak ni Veronica ng mga oras na yun.
"Adarna?" Bulalas na tanong ni Rowel habang namimilog ang mga matang naka-titig sa ibon.
Kung aalalahanin ni Veronica ang kwento ng ibong adarna noong bata pa siya, parehas na parehas ang description nito sa ibon na nasa harapan niya ngayon. Kung hindi lang siya ang may gawa ng lahat ng nilalang dito sa Terra Crevasse ay masasabi niyang ibong Adarna nga ang ibon na nasa harapan nila ngayon. Kaya lang, this bird is not the Adarna that Rowel know.
"Sino ang nag-utos sa'yo na pumunta dito sa kampo ng mga sundalo ng Hanaj?" Seryosong tanong ni Veronica sa ibon.
"Ipag-paumanhin ang aking pag-gambala binibini, ginamit ko ang alaga kong Fuzrion upang masabi sa iyo ang mga nais kong sabihin." Sa gulat nina Rowel at ng dalawang Divinians, ang nag-salita ay ang ibon.
Fuzrion, isang uri ng ibon na may magandang kulay ng balahibo. Sa tuwing mag-sasabay ang kabilugan ng pitong buwan sa kalangitan ng Terra Crevasse, ang bawat kulay sa balahibo ng Fuzrion ay kumikinang na tulad ng mga bituin sa kalangitan. Kasabay nun ang pag-tubo ng mga puno sa kagubatan ng buong Terra crevasse. Maliban pa dun, ang kinang ng balahibo ng Fuzrion ay nagbibigay ng dagdag kapangyarihan para sa mga nilalang na inatasan ng Suzerain na magpangala sa buong kagubatan Terra crevasse.
At ang nilalang na binigyan ng Suzerain ng Fuzrion ay walang iba kundi ang grupo ng mga nilalang na tinatawag na ngayong Hanajian.
"Nag-sasalita ang Adarna? Akala ko ba umaawit lang ang Adarna?" Seryosong tanong ni Rowel.
"What is Adarna, older brother Rowie?" Tanong naman ni Devaugn.
"Well, sa mundo namin, isa siyang ibon na mahiwaga." Sagot naman ni Rowel.
Sa halip na makinig sa pag-uusap nina Rowel at Devaugn, itinuon ni Veronica ang atensyon sa ibon. No, actually, ang ibon ay ang Fuzrion, pero ang kasalukuyang nagsasalita sa pamamagitan ng ibon ay isang Hanajian. Sinabi ng nagsasalita na alaga niya ang Fuzrion. So it means one thing, the owner of this bird is belonged to the Royal Family of Hanaj.
"Who are you, at anong kailangan mo?" Deretsahang tanong ni Veronica habang naka-titig sa ibon.
"Binibini, ang pangalan ko ay Clewin Kotrav. Nag-iisang anak na lalake ng Reyna ng Hanaj. I sent my pet to hopefully invite you to come to the Palace. Please, stop killing our people."
Kinagat ni Veronica ang karne ng Sikriya bago muling nag-salita. "Why should I stop killing them? They attacked us first. Nandito sila sa gilid ng Barrier ng Drakaya Kingdom. So obviously, they are here to attack. Mabuti at nakakausap kita ngayon. Tell me, ano ang dahilan ng Reyna ng Hanaj at iniutos niyang salakayin ang Drakaya?"
Umupo sa tabi niya ang dalawang Divinians pagkatapos baguhin ang anyo at muling bumalik sa pagiging maliit. Si Rowel naman ay umupo sa tabi ni Ravi na nag-iihaw parin ng Sikriya.
"That... before I answer that, pwede ko bang malaman kung galing kayo sa kaharian ng Drakaya?" Tanong ng ibon. I mean nung nagkokontrol sa ibon.
"Hindi mo alam? Isa kang Hanajian pero hindi mo alam kung saan kami galing? Kailan pa naging mahina ang komunikasyon ng isang Hanajian sa core ng lupa ng buong Terra Crevasse?" Malamig ang boses na tanong ni Veronica.
Sa kaharian ng Hanaj, napa-tayo ng tuwid ang lalakeng may kulay puting buhok na umaabot hanggang sa beywang nito. Ang kanyang mahahabang tenga ay may palamuting hikaw na kulay silver. Sa kanyang ulo ay may kumikinang na sanga ng isang uri ng puno na naka-patong.
(Kung gusto nyong makita ang itsura ni Clewin, puntahan ninyo ang FB page ko na Fire Queen ang name. Nanduon ang 3D picture nya.)
Nag-iisip ang prinsipe kung paano nalaman ng kanyang kausap ang tungkol sa core ng kalupaan ng buong Terra Crevasse. Ang kaalamang ito ay lihim ng Hanaj. Ilang taon na ang nakalilipas ng mag-simulang humina ang komunikasyon ng Hanaj sa core. Simula noon ay naging tahimik ang Hanaj at hindi na magawang alagaan ang buong kagubatan sa buong Terra Crevasse. At dahil din doon, hindi alam ng Hanaj kung paano nag-simulang nagkaroon ng mga halimaw sa mundo ng Terra.
"Totoo nga ang sinabi ng mga dahon sa akin. Kakaiba ka sa lahat. Kung gayon, sasabihin ko ang lahat sa iyo kung pupunta ka dito sa kaharian. Wag kang mag-aalala, alam kong wala kaming kakayahan na kalabanin ka kaya wala rin akong planong ambushin ka. Binibini, baka sa pag-kikita nating dalawa, ay may kaalaman kang makukuha." Sabi ni Clewin habang naka-titig sa katawan ng kanyang ina na nakaratay sa kama.
Payat at parang walang buhay. Ang nag-iisang REYNA ng Hanaj Kingdom na si Fidrina Kotrav. Walang sino man ang nakakaalam sa totoong kalagayan ng Reyna maliban sa mga taong nasasakupan ng kaharian. Kung ano man ang dahilan ng kanyang biglaang pagkakakasakit ay wala ring nakaka-alam.
Back to the place where Veronica and her companions is, ilang beses na nilagok ni Veronica ang tubig na binigay ni Ravi sa kanya. Gamit ang kanyang divine vision, nakita niya ang itinatagong lihim ng Hanaj Kingdom. At dahil dun, mabilis siyang nag-pasya.
"Let's go. Sa palagay ko malapit na nating malaman ang dahilan ng pagbabago sa buong mundo ng Terra Crevasse. Kapag sinwerte tayo, baka sa loob ng isang buwan, makakabalik na tayo sa mundong ibabaw." Ani Veronica.
Lihim niyang ikinuyom ang mga palad. Kung sakaling babalik siya sa mundong ibabaw, will that Tyrant King miss her? Ano kaya ang nararamdaman ng binatang hari kung babalik siya sa Drakaya upang sa huling pagkakataon ay mag-paalam na?
Sabagay, sabihin na natin na hindi galit si Yohan sa kanya. Pero ayaw na ayaw ni Yohan sa isang Huluwa. But, why does it feel like something is stabbing her heart? Nagbibiro lang naman siya tungkol sa pakikipa-boyfriend. Bakit ngayon nasasaktan na siya.
"Back to the earth surface?!" Bulalas ni Rowel.
"Kung suswertehin, yes. Baka makabalik na tayo sa mundong ibabaw kung sakaling makuha ko ang sagot pagtumapak tayo sa lupa ng Hanaj Kingdom." Sagot ni Veronica.