webnovel

Uring Kidlat

Umuwi kaagad si Eddy sa Villa bago ang hating-gabi ayon sa utos ng kanyang lolo. Nagtungo ang sasakyan sa isang maluwag na parke ng Villa. Pagbaba niya ay agad siyang sinalubong ni Aika at ng lolo.

"Handa ka na ba sa mga pagbabago?" Tanong ng kanyang lolo.

Itinuro ng kanyang lolo ang gitna ng parke at doon siya pinaupo ng nakaekis ang kanyang mga paa. Intusan siyang manatiling nakapikit at antayin ang lahat ng pagsubok ng mga elemento. Napapaligiran siya ng mga elemento ng hangin, tubig, apoy at lupa.

"Tangdaan mo … isasailalim ka sa pagsubok ng elemento sa pagsapit ng hating-gabi. Makukuha mo ang kaniyang paggalang kung ikaw ay papasa sa kanilang pag-subok. Matapos ang kaniyang pagkilala sa iyo ay maaari mo nang umpisahan ang paglilinang ng kanyang kapangyarihan." Habilin ng lolo.

Tumalima si Eddy sa utos ng kayang lolo at inantay ang sinasabi nitong pagsubok ng mga elemento. Pag-sapit ng hating-gabi ay nagsimula na ang paliwanag ng katawan ni Eddy tanda ng kahandaan nito upang tumanggap ng pagsubok. Nagliwanag ng puti ang katawan ni Eddy na tandan na siya ay manlilinang ng hangin. Unang naramdaman ni Eddy na parang napunta siya sa gitna ng kalawakan. Lumakas ang ihip ng hangin, nagsimulang siyang makaramdam ng unti-unting paglakas nito. Animoy isang malakas na ihip na nagmumula sa dalampasigan, napalitan ng malabagyong hangin na maaaring tumangay sa magagangang na bagay. Lumipas ang ilang saglit ay sinlakas na ng bagyong makatatangay sa mga bubong, punong kahoy at maliliit sa bahay. Unti-unti nyang nararamdaman na parang nasa gitna na siya ng isang maliit na buhawi na papalaki ng papalaki. Nangingiwi na siya sa kanyang nararamdaman ngunit pinilit pa rin niyang manatiling nakapikit sa inaantay nalang ang anumang susunod na mangyayari. Ang inaasahan niyang mas Malala pang mangyayari ay hindi na nangyari. Bilag nalang siyang nakaramdam ng katahimikan at paghupaw ng hangin.

Lahat ng mga nanonood sa kanyang mga pagsubok ay pawang nakangiti lahat. Batid nilang nalampasan ni Eddy ang pagsubok ng elementong hangin. Ito ang pinakamadaling element na sanayin. Bilang MALA isang kagalak-galak na may isang elemento na ang tumanggap kay Eddy kaya ang ngiti ng kanyang lolo ay talagang abot taenga. Maaari ng mapayapa ang isip ng kanyang lolo, at hindi na umasa pa sa ibang elemento. Hindi karaniwan sa isang manlilinang na magkaroon ng dalawang elemento na malinang.

Nagpatuloy si Eddy sa pagpikit dahil akala niya ay tuloy pa rin ang kanyang pagsubok. Lalapitan na siya ng kanyang lolo ng dahil humupaw na ang puting liwanag sa kanyang katawan ng bigla itong muling lumiwanag. Napaatras ang lolo at ang ibang nanonood sa kanyan. Nagliwag muli ang katawan ni Eddy ngunit ito ay kulay asul. Ang asul ay para sa manlilinang ng tubig. Hindi makapaniwala ang kanyang lolo sa nangyayari. Hindi karaniwan ang manlilinang ng dalawang elemento ngunit kanyang nasasaksihan ito. Natutuwa siya dahil ang elementong ito ang kanyang nililinang. Maari niya itong ituro sa kanyang apo.

Parang malahaplos ng ina ang una niyang naramdamin. Mahinahon at banayad na para siyang dinuduyan. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa ilalim ang tubig na napakalawak. Wala siyang makita kahit ano mang bagay o nilalalang.

Nagsimula lumamig ang paligid na nadudulot sa kanya ng pagkabalisa. Ninatake siya ng sobrang lamig na para bang siya ay nakahiga sa yelo ng nakahubad. Tiniis niya ang sakit ang kinagat ang kanya ngipin upang pigilan ang sariling bumigay. Matapos ang mala yelo lamig ay nagulantang siya sa kanyang nakikita. Unti-unting namumuo ang mala palaso na yari sa tubig at nakapalibot sa kanya na may pagbabanta. Walang patlang ang mga ito at walang puwang upang makaiwas. Sabay-sabay at Isa-isang grupo itong bumulusok patungo sa kanya. Sa bawat pagbulusok ng mga ito ay tumutusok ito sa bawat parke ng kayang katawan. Mula ulo hanggang paa ay walang patlang ang mga tusok sa kanya. Makikita na halos mabalatan siya sa dami ng tusok na nagdudulot sa kanya ng di mapaliwanag na sakit. Hindi na nya malaman kung anong parte ng kanyang katawan ang kanyang iindahin.

Matapos ang unang bugso ay agad na maglalaho ang mga palasyo sa kanyang katawan ngunit ang mag sugat na dinulot nito ay mananatili. Naulit ng sampung beses ang ganitong pag-atake na nagdulot sa kanya sa bingit ng kamatayan.

Naghihingalo siya ngunit kanya parang pinilit na dumilat at tignan ang paligid. Lupayapay ang kanyang katawan pero nagawa pa rin niyang tumayo. Unti-unting may namumuong pigura na napakalaki. Animoy isang malaking isda na lumilibot sa kanya na parang minamasdan ang kanyang pagkain. Isang napakamalaking balyeya ang nabuo sa pigura. Matapos nitong mabuo ay tumalikod ito at lumayo. Nakahinga ng maigi si Eddy sa pag-aakalang lilisan na ito. Makalipas ng paglayo ay muli itong humarap sa kanya at manilis na binuka ang kanyang malaking bibig. Magsimulang mataranta si Eddy ngunit wala siyang magawa kaya naghanda na siyang tangapin anuman ang mangyayari. Tuluyang dumeretso ang balyena sa kanyang nabukang bibig at nilamon si Eddy.

Ito ang katapusan ng kanyang pagsubok sa elemento ng tubig. Muli siyang bumalik sa dati niyang kalagayan. Nawala ang lahat ng kanyang natamong sugat na animoy isa lang itong malaking ilusyun.

Sa mara ng mga nanonod ay ang paghupaw ng asul na liwanag sa katawan ni Eddy. Kapalit nito ay ang paglabas naman ng berdeng Liwanag na naghuhudyat ng bagong pagsubok. Ang pagsubok ng lupa!

Kaunti palang ang kanyang pahinga mula sa pasubok ng tubig ng biglang napunta si Eddy sa isang malawak na kakahuyan. Nasa gitna siya ng isang patag na napapalibutan ng masukal na kagubatang at sa likod nito ay natatanaw niya ang matatarik na bundok. Tahimik ang kapaligiran ngunit alerto sa Eddy dahil batid niya na kasunod ng katahimikan ay ang pagsubok.

Unti-unting yumayanig ang lupa, ng bigla may tumama na isang palaso sa kanyang tagiliran. Napalingo siya sa pinangalingan ng palaso ng makita niyang may isang pulutong ng palaso ang papalapit sa kanya. Pilit niyang inilagan ang mga ito ngunit marami pa rin ang tumama sa kanya. Nagtamo ng maraming sugat dulot ng mga palaso.

Matapos ang mga palaso ay napalitan ito ng mga malalaking bato na kasing lalaki ng bola ng basketball. Ang bawat tamang kanyang natatamo ay nagdudulot ng matinding sakit na ramdam ganging buto.

Ang kanyang lupang kinatatauyan ay biglang bumulusok pataas na kanyang ikinatalsik. Nagpagulong-gulong at nabali ang kanyang braso. Sinubukang niyang tumayo ngunit bago palang siya makabangon ay bumulusok na naman pataas ang kanyang kinatatayuan. Naulit muli ang kanyang paggulong ngunit natutunan na niyang ingatan ang kanyang katawan kaya bago palang siya huminto sa paggulong ay minarapat na niyang tumayo. Agaran siyang tumakbo ayon sa kanyang gulong upang makuha ang kanyang balanse. Ramdam niya ang pagbulusok ng lupa sa kanyang pinanggalingan na kanyang naiwasan. Naisip nya na tama ang kanyang ginawa kaya patuloy ang kanyang pagtabo na paliko-liko. Sa bawat 3 hangang 5 segundo ay nauulit ang pagbulusok ng lupa. Di nagtagal ay tumigil ito at humupa.

Patuloy pa rin ang takbo ni Eddy kahit humupa na ang mga pangyayari hangang maramdaman niya na di na nauulit ang pagbulusok ay saka lang siya huminto. Sa kanyang paghinto ay nakaramdam naman siya ng isang hagupit na mula sa isang ugat ng malaking punong kahoy na nasa kanyang likuran. Upang di na maulit ay minarapat niyang tumakbo papalayo ngunit may hagupit na naman siyang naramdaman sa kanyang likuran. Hindi na lumingon si Eddy sa pinanggagalingan ng hagupit at minabuti na lang lumayo habang naging alerto sa paligid. Nakita niya ang isa na naman hagupit mula sa ibang puno kaya ito ay kanyang naiwasan. Pilit niyang iniwasan ang mga hagupit ng mga puno sa kanya na nagmumula sa ibat-ibang lugar ngunit hindi lahat ay kanyang naiwasan. Matapos ang mga hagupit ay ramdam na ramdam ni Eddy ang hapdi ng bawat latay ngunit tiniis niya pa rin ito. "Sige! Handa na ko ulit!" Sigaw ni Eddy habang nag-aantay ng susunod na pagsubok.

Walang masabi ang mga nanonod kay Eddy sa mga nangyayari. Batid nila bilang mga manlilinang kung gaano kalupit ang bawat pagsubok na dinadaanan ni Eddy. Makikita sa kanyang mukha ang bawat pagsubok na kanyang kinakaharap. Hindi makapaniwala ang mga nanonood sa kanya dahil bihirang mangyari sa isang manlilinang na suriin ng dalawang elemento pero mahigit pa dito ang nangyayari.

Hindi na mapakali ang lolo ni Eddy dahil batid niya ang hirap ng kanyang apo ngunit may kasiyahan din sa kanyang nararamdaman. Ang kanyang apo ay nakakuha ng pag-kilala ng mga elemento na higit pa sa kanyang inaasahan. Ikatutuwa na niya na kahit isang lang kanyang masanay, inasahan lang ng kanyang lolo ang elementong hangin dahil karaniwan sa mga MALA ay eto lang ang kayang linangin dahil ito ang pinaka mahina sa lahat.

Nagliwanag muli ang katawan ni Eddy at ito ay kulay pula. Ang elemento ng apoy, ang pinakamahirap na linangin na karaniwan nililinang ng mga sundalo ng kanilang mundo. Ang pinaka malakas na elemento pero pinakamahirap linangin. Muling sumailalim sa malagim na pagsubok si Eddy na dulot ng elemento ng apoy. Ito ang pinakamahirap niyang pinagdaanan at nalagpasan.

"Tagumpay! Ikakarangal ng ating angkan ang aking apo! Apat na elemnto ang kanya taglay ngayon! Kailangan nating ipagdiwang ito!" Pasigaw ng lolo. Agaran silang tumakbo kay Eddy upang alalayan ito sa kanyang pagtayo.

"Kamusta po lolo? Nakapasa po ba ko sa mga pagsubok?" Tanong ni Eddy. Isang malaking ngiti ang sinalubong ng kanyang lolo sa kanya ng bigla itong natahimik.

"Wag kang gagalaw apo! Wag kang aalis sa lugar mo! May isa pang pagsubok" nasambit ng kanyang lolo.

Napansin ng kanyang lolo na may itim na usok ang lumalabas sa kanyang apo at ito ay kanyang itinuro.

Lumigon siya sa kanyang mga kasama at nagsabi ng "Takbo! Lahat kayo lumayo at bumalik sa dati ninyong pwesto!"

Di na nag-atubili ang mga tao sa paligid at agad nagpulasan. Kinarga ng lolo ang kanyang apo na si Aika at agad na tumakbo papaalis ngunit biglang may malakas na pagsabog. Napatalsik ang lolo habang yakap ang kanyang apo at napilitang gamitin ang kanyang kapangyaring mula sa tubig upang di sila masaktan. Nasaksihan ng mga tao ang pagtama ng isang kidlat kay Eddy. Nagdulot ito ng pagkasunog ng kanyang damit.

Matapos ang isang malakas na kidlat ay unti-unting nabalutan ng maitim na ulap ang kalangitan. Nakakahindik ang mga pangyayari, lahat ng taong nanood ay labis ang takot na nadadama. Animoy nagbabadya ng katapusan ng mundo ang mga pangyayari at walang makaliligtas sa kanila.

Nagsimula ang pagsungit ng panahon. Makikita ang ibat-ibang kulay ng kidlat na sumisilip sa pagitan ng mga ulap. Berde, asul, pula, dilaw, Kahel, lila. Anim na kulay ng kapangyarihan ng kidlat.

Unang tumama ang kulay berdeng kidlat at napahiyaw ng malakas si Eddy. Kakaiba ang kanyang naramdaman. Hindi na bilang isang matinding ilusyon ang nararamdam niya ngayon, ito ay nagyayari sa kanyang tunay na katawan. Sobra ang takot ng mga tao sa paligid lalong lalo na si Aika na di na napigilan ang pag-iyak sa kanyang nakikita.

"Kuya! Kuya! Kuya!" Sigaw ni Aika. Lolo ano nangyayari kay kuya tulungan mo siya!" Pagsamo ni Aika.

"Apo … wala tayong magagawa sa mga pangyayari. Kailangan daanan ng kuya mo ang mga dinadaanan niya ngayon. Wag kang mag-alala makakayanan niya iyan. Magiging malakas ang kuya mo pagkatapos ng kanyang pinagdadaanan niya ngayon." Paliwanag ng lolo.

Nagpatuloy ang pagbagsak ng mga kidlat at sa bawat pagbagsak nito ang matinding parusa sa kanyang katawan. Ang bawat kidlat ang nadudulot ng malakas na pagsabog at nararamdaman ng mga tao sa paligid ang dating ng lakas ng mga ito. Bawat pagsabog ay palakas ng palakas. Pagkatapos ng ikaapat ng pagsabog ay di na nakayanan ng layo ng kanilang pwesto kaya napilitan silang dumistansya pa na halos di na nila makita si Eddy.

Nilapitan nila si Eddy matapos ang ika-anim na kidlat. Inabutan nila siyang nakahandusay sa lupa at ang kanyang paligid ay naging uling at abo. Gumawa ng malaking hukay ang mga kidlat at nilubog si Eddy ng higit dalawang metro. Kinailangan nilang gumamit ng lubid upang mai-angat siya mula sa hukay.

Next chapter