webnovel

The Villainess' Soul [Tagalog]

Author: amRandia
Fantasy
Ongoing ยท 31.2K Views
  • 32 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Ibang mundo, ibang mukha, dalawang alaala. Iyon ang bumungad kay Maia nang magising siya matapos ng isang aksidente. At sa bago ngunit pamilyar niyang mundo---isang mundo na sa katunayan ay kaniyang nabasa sa isang journal, nagpasya siyang iligtas ang buhay ng taong kumukulong sa kaniya mula sa nakatakda nitong kamatayan. Tiyak na siya sa kaniyang dapat gawin, maayos na ang kaniyang plano. Ngunit hindi niya inaasahan na may mali sa kaniyang mga alaala at nalalaman, at... Na ang huling taong inaasahan niyang nakabantay sa kaniya ay ang siyang taong sisira pala sa lahat ng kaniyang plano.

Chapter 1Prologue

๐˜ˆ ๐˜จ๐˜ช๐˜ณ๐˜ญ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฆ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ณ ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ข๐˜ค๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ด๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ค๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜บ ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ.

๐˜‰๐˜ถ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ข ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜’๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฎ. ๐˜š๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ.

๐˜ ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜™๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด. ๐˜‰๐˜ถ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ด, ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ.

๐˜“๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข. ๐˜š๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ...

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ. ๐˜ˆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ, ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต, ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ... ๐˜Œ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฃ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ.

๐˜๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ท๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ...

๐˜๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ง๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ, ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ.

๐˜‰๐˜ถ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ.

๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ...

๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข ๐˜™๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜™๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด.

___________________________

Nagising si Maia sa pag-alog ng bus. Tumingin siya sa labas at mukhang ilang minuto rin siyang nakaidlip dahil ang mga kaninang nagtataasan na gusali ay wala na at malalawak na palayan na ang kaniyang nakikita.

Umayos siya ng upo at tinitigan ang tanawin sa labas. Ang kalsadang tinatahak ng sinasakyan niyang bus ay nasa gilid ng isang bangin kaya kakaibang ganda ng mga palayan ang kaniyang nakikita. Para bang isang malawak na kulay luntiang dagat ang nasa ibaba.

Hindi niya magawang iiwas ang kaniyang tingin. Matagal na panahon na ang lumipas nang huling beses na nagkaroon siya ng panahon na huminga at tignan ang kalikasan nang ganito sapagkat ang nakalipas na mga taon ay napuno ng pagtakbo at pagtatago... na tila ba ay walang katapusan. Ngunit ngayon, ibang-iba na ang paligid niya. Tahimik. Payapa.

๐˜Ž๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ, ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช? bulong ng isip niya.

Kung ito na nga ang buhay na iyon, tama ang desisyon niya na puntahan ang kaibigan pagkatapos ng halos tatlong taon.

May kaba at excitement sa pakiramdam niya dahil sa isiping iyon. At kasabay rin niyon ay ang matinding kalungkutan.

Matutuwa ba si Kali kapag nalaman nito na nagawa niyang makapag-aral at makapagtapos? At sa susunod na linggo ay magsisimula na siya sa una niyang trabaho?

Isang trabaho na normal at malayo sa gulo, pagsisinungaling, pagpapanggap, at pakikipagpatayan. Na ngayon ay masasabi na niya sa kaibigan na natupad na niya ang hiling nito na magkaroon siya ng payapa at normal na buhay.

Ngunit naaalala pa kaya siya nito? At maririnig pa ba siya nito?

"Selina."

Napakurap si Maia nang may nagsalita. ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข?

Pamilyar sa kaniya ang pangalan na iyon.

Nilingon niya kung sino ang nagsalita at may babae at lalaki na sa tingin niya ay mag-asawa ang nakaupo sa upuan na nasa kabilang hilera ng inuupuan niya. Mukhang ang misis ang narinig niya na nagsalita.

"Sino?" naguguluhang tanong ng mister nito.

"Si ๐˜“๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข," pag-ulit nito.

"Ah...." sambit muli ng mister at pati si Maia ay napa-'Ah' sa isip niya.

"Bakit daw siya tumawag?" dagdag ng mister.

Binalik ni Maia ang tingin sa labas at inisip na lang kung bakit 'Selina' ang pagkakarinig niya sa binigkas ng ale at kung bakit pamilyar sa kaniya ang pangalan na iyon hanggang sa naging background noise na lang ang pag-uusap ng mag-asawa.

"Selina," she murmured. ๐˜š๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ?

Kung may maipagmamalaki siya tungkol sa kaniyang sarili, iyon marahil ay ang talas ng kaniyang memorya. At dahil doon, alam niya na maaalala niya rin ang tungkol sa pangalan na iyon.

Sa totoo lang, hindi naman niya kailangang gawin iyon. Kung tutuusin, nais na niyang kalimutan ang kaniyang nakaraan. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay hindi siya makatutulog kapag hindi niya naalala. Marahil na rin siguro na sanay siya na mabilis makaalala ng mga bagay-bagay.

Marahang lumiliit ang kaniyang mata habang sinisikap alalahanin kung bakit nga ba pamilyar ang pangalang iyon sa kaniya. Sigurado siyang wala silang kasapi sa samahan na ganoon ang pangalan, wala sa mga bagong nakasalamuha niya, wala sa mga naikwento ni Kali, at wala rin sa mga naging kliyente o kalaban ng samahan nila noon.

If that's the case, maaaring narinig niya lang somewhere o kaya ay naba...sa...

๐˜ˆ๐˜ฉ... '๐˜ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ซ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.

Nabasa niya ang pangalang iyon sa journal na nakita niya sa kwarto niya five years ago.

Nakatira pa siya no'n sa taong umampon sa kaniya. At sa pagkakatanda niya, may nakita nalang siyang manipis at makalumang journal sa sahig ng kwarto niya isang araw nang makauwi siya galing sa training. At nang buklatin niya iyon, iilang pahina lamang ang may sulat at tungkol iyon sa isang babaeng may mahaba at itim na buhok at mga matang kulay berde na sa tingin niya ay character sa isang fantasy novel or story. At kung tama ang pagkakaalala niya, ang bidang babae ay makakaranas ng iba't-ibang pagsubok dahil sa galit, selos, at inggit ng adopted sister nito.

But all is well, dahil mamamatay ang kontrabida sa huli at magkakaroon ng tahimik at payapang buhay ang bida. Tapos. Happy ending.

Tila ay panandaliang tumahimik ang buong paligid at ang kaisipan ni Maia.

Sa ganoong paraan ba talaga nakakamit ang happy ending? Sa kamatayan ng isang tao?

Na kapag namatay ang taong nanakit, doon lamang magkakaroon ng mapayapa at masayang buhay ang taong nasaktan?

Siya...

Marami siyang nasaktan. Ibig sabihin ba niyon ay magiging maligaya ang lahat ng nasaktan niya kung mamamatay siya?

Si Kali...

May mga tao rin itong nasaktan---

Hindi.

Iba si Kali sa kaniya. Mabuti itong tao. Kaya...

Dahan-dahang kumuyom ang mga kamay ni Maia. Tumingin siya sa labas at bagama't buhay na buhay ang kulay ng paligid na tila ba ay masaya ang buong mundo, taliwas doon ang nadarama niya.

Huminga siya ng malalim at katulad ng isang kamay na napaso, agad niyang nilayo ang isip sa sakit na muling nabuhay dahil sa alaala ng kaibigan.

Tinignan niya ang kaniyang relo at may halos dalawang oras pa ang byahe. Nilibang nalang niya ang sarili sa pagtingin sa tanawin. At dahil naalala na niya ang tungkol sa pangalang 'Selina', hindi na niya naisip na labanan pa ang antok na muling dumalaw sa kaniya.

Umayos siya ng pagkakaupo upang mas maging kumportable ang kaniyang pag-idlip at nang halos tuluyan na siyang balutin ng tulog, isang matinis na sigaw ang pumigil doon.

Agad na nagising ang kaniyang diwa at tinignan kung saan galing ang sigaw na iyon. Ngunit tatayo pa lamang siya nang biglang nawala ang kaniyang balanse dahil sa pag-alog ng bus na halos itilapon ang buo niyang katawan. Hindi siya agad nakahawak at malakas na tumama ang kaniyang ulo sa bintana ng bus na tila ay narinig niyang nabasag ang bintana at maaaring pati ang kaniyang bungo.

At sa isang iglap lamang, dumilim ang kaniyang paningin.

Nang muli siyang dumilat, ang padilim na langit ang sunod na bumungad sa kaniya, mga ingay ng takot at kaba naman ang narinig niya sa paligid, habang usok at nasusunog na metal ang kaniyang naaamoy sa paligid. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa abot ng kaniyang makakaya, at sa kanan niya, may nakita siyang umiiyak at sugatang babae, hawak-hawak ang walang malay at duguan na bata. At ilang metro sa kaliwa niya ay ang asawa ng ale na nilingon niya kanina. Ang likod nito ang nakaharap sa kaniya at tila ay hindi na ito humihinga.

Napapikit si Maia. Mukhang naaksidente sila. Marahil ay nawalan ng preno ang bus at nag-dire-diretso sa bangin. At dahil ang kalsadang dinaanan nila ay nasa liblib na lugar, siguradong matatagalan pa ang pagdating ng tulong.

Ilang saglit ang lumipas at sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi siya makakilos. Hindi rin niya lubusang maramdaman ang mga kamay at paa niya. Ngunit sa kabilang banda ay ipinagpasalamat niya iyon. Dahil sa kabila ng mga sugat at pisikal na sakit at paghihirap na naranasan niya noon, hindi niya magawang maisip kung anong klaseng sakit ang mararanasan niya kung may nararamdaman siya sa sitwasyong ito.

Umubo siya at ramdam niya ang mainit at malagkit na likidong lumabas sa bibig niya.

๐˜–๐˜ฉ, ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ... ๐˜ž๐˜ข๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ?

Tila bumagal ang ikot ng mundo sa kaniyang paningin at ang mga iyak at sigaw ng mga taong kasama niya ay unti-unting humina hanggang sa tuluyang nawala.

Ito na ba 'yon? Dito na ba matatapos ang lahat? Ganoon na lamang iyon?

Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Matutuwa ba siya dahil sa wakas tapos na ang lahat? Tapos na ang pagpapanggap, pagtatago, at paghihirap niya?

O dapat siyang mainis dahil kung kailan hawak na niya ang normal na buhay... na may pag-asa na siyang nakikita na matutupad na niya ang hiling ng kaibigan, doon naman iyon mawawala na parang bula?

Marahang dumilim ang kaniyang paningin at wala siyang magawa. Gusto pa sana niyang humagulgol, sumigaw at magwala...

Magreklamo... Magtanong...

Magalit.

Pero siguro, ayos lang iyon. Tama lang iyon.

Baka ito na ang kaparusahan niya sa pagiging rebelde at masamang tao...

Kapalit sa pagsira niya ng buhay ng maraming tao.

Na siguro totoo nga ang mga nangyayari sa mga kuwento. Na ang pagkamatay niya...

Ang pagkamatay ng mga taong katulad niya ay magbibigay kapayapaan at kasiyahan sa maraming tao.

Dahil sa pangyayaring iyon, nabawasan na naman ang masasamang tao sa mundo.

You May Also Like