webnovel

6: The Phantom Hero

*CHAPTER SIX*

"Gale, hindi ka yata interested sa pinanood namin?" Puna ni James nang makitang humiga ako sa aking kama.

"Medyo pagod ako sa araw na ito, Buddies." Tugon ko naman.

"Relax lang tayo, Gale ah. Isipin mo nalang na bilog ang mundo. May araw din yang mga yan sa atin." Sabi ni Melchor, pampagaan ng loob.

"Okey lang ako Mel, sanay na ako sa mga yan." Sabi ko naman sa kanya sabay ngiti.

Tumango lang sila at pinabayaan ako habang humiga sa aking kama. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang nag-iisip kung ano ang mabuting gagawin sa gabing ito.

I am still overwhelmed with my current abilities. Kaya kailangang gamitin ko ito habang nandito pa. Baka kasi kinabukasan nito babalik na ulit ako sa normal. So, I better make use of it.

Ilang oras lang ang lumipas ay kanya-kanya nang tulog ang aking mga roommates. Kaya dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng room namin nang dumaan sa may bintana. Baka kasi makikita ako sa CCTV kung sa pasilyo ako dadaan.

At dahil medyo kabisado ko ang locations ng CCTVs dito sa aming Dormitory, nagawa kong iwasan lahat ang mga ito.

Pero bago pa ako umalis ng Dormitory, mabilis ko munang tinungo ang parking lot dito. Dala ang isang malaking bato na binalot ko ng papel na sinulatan ko ng "Loser", mabilis kong nilapitan ang isang BMW 3 series. Nang nasa blind spot na ako ng CCTV ng parking lot, hinagis ko nang malakas ang batong hawak ko dun sa windshield ng BMW. Basag agad ang salamin ng kotse. Hindi pa ako na-satisfy dito binigyan ko pa ng isang suntok ang hood nito dahilan upang magkaroon ito ng malaking yupi.

Sinigurado kong mabilis ang aking mga galaw sa tuwing nasa loob ako ng range ng CCTV upang hindi parin ako makilala.

Nang makita ang malaking damage sa BMW, ay umalis na akong nakangiti sa Dormitory.

Kailangan kong gagawin yun. Baka kasi bukas wala na akong ability, eh di na ako makabawi kay Kenny nun.

Pero ngayon, kahit na mawala pa tong ability ko, okey na dahil nakabawi na ako. Haha

Sunod kong tinungo ang location ng bahay ni Bran Davis. Base sa balita kanina, hindi raw umalis si Bran sa lungsod ng Santa Mesa.

Dahil sa angking bilis ko, narating ko agad ang Carmen Subdivision kung saan nakatira si Bran, sa loob lamang ng sampung minutong pagtakbo nang hindi napapagod. Pinagpawisan naman ako nga kunti.

Madali ko lang na tinalon ang matataas na pader ng subdivision. At gamit ang aking bilis iniwasan ko ang halos lahat nang CCTV sa loob.

Using my enhance sense of hearing, I immediately tried to locate Brans house.

"Bran my boy. You should stop or at least minimize killing your critics from now on. Masyado nang halata. Baka mati-trace kana nyan."

"Ninong, relax. Wala silang ebidensya. Dahil ang hitman na binayaran ko ay galing sa isang malaking organization sa dark web. Magagaling ang mga yun. Walang iniiwang lead. Kaya hanggang duda lang sila sa akin ngayon."

Idinilat ko ang aking mga mata matapos marinig ang mga nag-uusap na tao. I finally located Brans House. At hindi nga ako nagkamali, hindi nga umalis si Bran sa lugar na ito.

What a bold guy.

"Dyan ako bilib sa ating inaanak Kumpadre, wise yan kaya hindi yan mahuhuli. At saka kung mahuhuli man yan. Kaya naman nating hanapan ng loopholes ang batas upang makalusot."

"Kumpadres, masyado nyong ini-spoil ang aking anak. Kaya napakatanga ng mga galawan nyan kasi nandyan kayo, palaging on the rescue."

Patuloy ang pag-uusap ng apat na tao sa loob ng bahay ni Bran habang mabilis ko silang nilapitan. CCTVs and Walls were nothing to me dahil hinding-hindi ako napabagal ng mga ito. Kaya halos walang balakid kong narating ang three story house ni Bran makalipas lang ang ilang minuto.

This is it. It's time to take action.

Inayos ko ang aking mask sabay talon paakyat ng rooftop ng bahay kung saan naroon ang nag-uusap na mga tao.

"Dad, don't worry. Magla-lie low muna ako ng ilang buwan para hindi ka naman maapektuhan. And don't worry about the mediamen, may nakahanda na akong tip para sa katahimikan nila. Ipapagawa ko nalang sila ng big issue as diversion of my issue."

"Great! That's great son! Ganyan, gamitin mo ring yang utak mo. Wag ka puro asa sa akin at sa mga ninong mo."

Tahimik akong nakikinig sa nag-uusap habang nagbi-video gamit ang aking bagong cellphone na bigay ng mga Smith.

Yes. Nandito na ako ngayon sa rooftop nang di napapansin ng mga tao sa paligid.

"Cheers for Bran's brilliant moves." Sabi nung isang lalaking may bigote na nakasuot ng salamin sabay taas ng hawak nito baso na may lamang wine. Boses nya yung una kong narinig kanina.

"Cheers!" Sabi rin nung lalaking nakasuot ng brown tuxedo suit na may malaking tyan. Para itong isang politiko o opisyan ng Gobyerno.

"Cheers!" Sabay namang sabi ni Bran at ng kanyang ama.

"Speaking of that hitmen you hired from the dark web to kill that damn critic of yours, Mr. Nuñez. Magkano ba ang bayad dun?" The guy wearing glasses seriously asked. 

"You seemed to be interested, Kumpadre. May ipapatay ka rin ba?" Patawang tanong nung lalaking malaki ang tyan.

"Who knows, we need the service of those hitmen in the future, Kumpadre. Kaya mabuti nang may contact sa kanila upang kapag kailangan na natin, matatawagan na agad." Patawa ring tugon ng lalaking naka-glasses.

Napatawa nalang yung lalaking malaki ang tyan.

"Ninong, you need a contract to contact those guys. They're organized hitmen. Kaya hindi basta-bastang makukuha ang serbisyo nila." Tugon naman ni Bran habang hawak-hawak parin ang basong may lamang wine. "However, kung kailangan mo ng serbisyo nila in the future, don't hesitate to ask me. I can always contact them dahil may contract na kami." Nakangiting sabi ni Bran.

"That's great, Bran my boy." Tugon naman nung lalaking nakasalamin sabay tapik sa balikat ni Bran.

Tapos ay itinaas ulit nila ang kani-kanilang mga baso sabay sabi ng "cheers!".

"By the way Kumpadres. I am happy to personally give you your shares of our successful transactions." Sabi nung ama ni Bran na syang kasalukuyang City Mayor ng lungsod ng Santa Mesa, sabay bigay ng isang makapal na brown envelop sa dalawang kumpadre nito.

"Ang smooth yata ng transactions ngayon, Kumpadre, considering na malakas parin ang kampanya laban droga." Puna nung lalaking nakasalamin sabay tingin dun sa laman ng brown envelop na hawak nito.

"Everything is smooth kapag sa dark web ang transactions. Walang mata ang Gobyerno dun, at kung meron man, bulag." Patawang tugon ng ama ni Bran. "By the way, Kumpadres, hindi na pala advisable ngayon ang online transactions kasi baka mahalata raw. Medyo advanced narin kasi ang technology ng Gobyerno, baka ma trace tayo. Kaya personal na ang bawat transactions, pero safe parin naman." Dagdag pa nito.

Tango lang ang itinugon ng dalawang lalaki.

"By the way Ninongs. I bet Dad already told you this. I planned to dive deeper in the syndicate world, mas malaki kasi ang kitaan dun. Ngayon kasi limited lang tayo sa drug related transactions. Pero sa deep web, ang daming safe transactions na pwedeng pagkakakitaan. Money laundering, all kinds of smugglings and trafficking and all illegal transactions are there. Mga hidden figures and oligarchs ang nandun kaya napakalaki ng kitaan." Sabi ni Bran sabay lapag ng hawak nyang baso sa maliit na mesa. "However, we need a huge amount of money to touch the deep web. But mababawi rin natin agad yan, if we can sell our resources to them. And we have a lot of resources here in our city." Bran said while a sinister grin has been drawn in his face.

Napatango naman ang dalawang ninong ni Bran. And judging by the look of their faces, they already understood the "resources" that Bran mentioned.

"I hear things about deep web. And I also heard that womens are expensive there, especially the young ones." Sabi nung lalaking malaki ang tiyan maya-maya lang.

"Of course Ninong. Aabot ng Million Dollars ang bawat isa. And we have a lot of them in the streets of this City." Bran said.

"This sounds exciting, what do we need to dive in there?" Yung lalaking nakasalamin na naman ang nagtanong.

"I will be the one to work on that ninong. I will be leaving for the US the next day, dahil habang magla-lie low ako, makikipag-usap ako sa mga taong kakilala ko how to secure a space in the deep web. And a single space in there will cost a huge amount of money. But if you're willing to invest, we can get back our investment in just a couple of transactions." Sabi naman ni Bran.

"I'm in."

"I'm also in." 

Magkasunod na tugon ng dalawang ninong ni Bran.

"It's a deal then." Sabi naman ng ama ni Bran sabay taas ulit ng hawak nitong baso sabay sabing "Cheers for our future success!"

"Cheers!" Tugon naman ng iba pa sabay taas din ng kani-kanilang mga baso.

Pagkalipas ng halos dalampung minuto ay nagpaalam na ang dalawang ninong ni Bran pati ang kanyang ama. Hindi na nagpahatid ang mga ito dahil may kanya-kanya naman silang personal security personnel.

Bran was left alone in the rooftop, kaya dali-dali ko syang nilapitan.

"Who are you?!"

Alarmed by the sudden appearance of another presence, Bran quickly drew his handgun and pointed it to my direction.

"Answer me or I'll pull the trigger." Tensed na sabi nya.

"I'm nobody. But I'm not definitely one of your friends. So why don't you try to pull the trigger and see what will happen Mister Bran Davis." Kalmadong sabi ko sa kanya.

"You.. How did you get here?" Naguguluhang tanong nya.

"Your security guards were weak to notice my presence that I easily climbed up to your rooftop. And I've heard all the things that you're talking with your Dad and your ninongs." Kaswal na sabi ko sa kanya habang dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan niya.

"A stalker, huh. Let's see if you can still spread the things you've heard here after I broke your skull." He smirked and pulled the trigger of the handgun that he's holding.

Bang!

Bang!

Bang!

With a quick and swift move, I easily dodged those shots.

"What the hell?!" Gulat na gulat na sabi ni Bran nang makitang wala nang taong nakatayo sa kanyang harapan.

"Too slow." I calmly said. I am now standing behind him.

Before he could react, I quickly threw my hands to his gun and pulled it away from him.

"Who are you?!" Tanging naitanong ni Bran habang napa-urong palayo sa akin. I can see fear lingering in his eyes now.

In a single breath, I was already in front of him holding his throat and slowly lifting him upward. He's taller that me, kaya nang itinuwid ko ang aking kamay na may hawak sa kanyang leeg ay naiangat ko lang siya nang ilang pulgada mula sa sahig. 

And then I saw a yellowish liquid dripping in his pants.

"Who would've thought that the notorious bad guy of Santa Mesa City is wetting his pants infront of a nobody." I said mockingly while letting out a smug smile.

"W-what do you want from me?" Takot na takot na tanong ni Bran habang mariing hinawakan ang aking kamay na may hawak sa kanyang leeg.

"Justice for the innocent lives you've taken." Mariing sabi ko sabay lakad patungo sa edge ng rooftop.

"H-hey! W-what are you doing?!" Tarantang tanong nito nang makitang itinapat ko na siya sa lawn sa baba ng bahay nila.

"H-hey! Don't you dare drop me." Nanginginig na sabi ni Bran pero hindi nya magawang gumalaw dahil sa takot na baka mabitiwan ko sya. "P-please. T-tell me what you want. I will give it to you. You want money? Anything? Please tell me. Pag-usapan natin to." He said desperately trying to negotiate with me. There were tears in his eyes right now.

"I already said that I just want to exact justice from you." Kalmadong sabi ko.

"Somebody help meeee!!!" Bran screamed desperately nang unti-unti ko nang bitiwan ang kanyang leeg.

"Ahhh!"

Napasigaw na lang si Bran nang tuluyan ko na syang bitiwan at hinayaang mahulog.

"How dare you!!"

Maya-maya'y narinig kog sabi ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Kakapasok lang nito sa rooftop. Isa siguro to sa mga security personnel ni Bran.

Bang!

Bang!

Sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw sa rooftop nang paulanan ako ng bala nung tao ni Bran. Pero dahil mas mabilis ako, bago paman ako tamaan ng bala, tumalon na ako sa rooftop.

May isang puno ng kahoy sa tabi ng bahay ni Bran at yun ang tinalon ko. Nang nasa punong kahoy na ako, mabilis akong lumipat sa sanga nitong malapit lang sa dulo nung pader ng bahay. Ilang talon lang ay nasa itaas na ako ng kanilang pader.

Those were my ninja moves.

Kidding aside. Those were just actually like out of my instict. Hindi ko na kasi pwedeng ilagan yung mga bala ng baril ng tauhan ni Bran dahil napakarami nun at nasa rooftop ako. Ibang-iba yun sa handgun na kayang-kaya kong lang ilagan dahil iiwas lang ako kung saan iyon nakatutok.

Kaya nagawa ko lang ang moves na yun to escape.

Kaya ko rin namang ilagan ang madaming bala pero kailangan ko ng malawak na lugar upang makagalaw ng maayos, katulad nung nangyari kanina kasama sina Heath at Abi.

Nang makalabas ako sa premises ng bahay ni Bran ay mas binilisan ko ang aking mga galaw at umalis nang subdivision.

The moment na nai-report ng mga tauhan ni Bran ang nangyari, nakalabas na ako ng subdivision at mabilis nang tinahak ang shortcut pabalik ng Lexington Academy. Mga rooftops ng buildings lang naman ang ginawa kong daanan. Kayang-kaya ko rin kasing talonin ang distansya ng mga ito.

While on my way to the Academy, I rested in the rooftop of one of the tallest building of Santa Mesa City. Tapos ay kinuha ko ang Cellphone na ginamit kong pang video kina Bran kanina. Tapos ay gumawa ako ng isang dummy email account at nag-sign up sa Lexington's Platform upang makagawa ng bagong account dito.

Ilang saglit lang ay nakagawa na ako ng account sa Lexington's Platform at pinangalanan ko itong "Phantom Hero". Nag-add ako ng ilang accounts ng sikat na mga live-streamers at students ng Lexington Academy. Tapos ay inupload ko kaagad yung video na kinuha ko habang nag-uusap sina Bran at ang kanyang ama at mga ninong.

Nilagyan ko rin ito ng caption na, "the secret of the Davises was finally revealed".

Then I immediately closed the platform including my location in the phone. Ibinulsa ko ulit ang cellphone at mabilis na umalis sa rooftop ng building.

Let's see kung ano ang magiging reaction ng lahat kung makikita nila ang video na ito kasabay sa puputok na balita kinabukasan.

I let out a satisfied smile as I increase my speed.

Next chapter