webnovel

CHAPTER 99 - ETHAN IN ACTION

CHAPTER 99 - ETHAN IN ACTION

-------

PENELOPE THOMPSON POV

It's already 2 am at hindi pa din ako makatulog kakaisip sa kung ano na ba ang nangyare sa asawa ko. Hindi din naman ako makahingi ng update dahil kailangan daw maging nilang mag focus lalo na't hinostage ang asawa ko. Kaya todo dasal kami ngayon dahil eto lang din naman ang kaya naming maitulong lalo na sa asawa ko.

Hanggang sa 30 minutes ang makalipas at binisita kami nina Dad and Mom dito sa room ni Mommy Isabel.

I kissed my parents right when I saw them. At syempre nagkamustahan at pinuntahan din nila si Mommy Isabel kinamusta na din.

"I am glad that you're finally fine now balae. Don't worry about Bethina she is good naman although traumatized pa din pero nandun naman ang parents niya para aliwin siya." wika ni Mommy Patricia kay Mommy Isabel.

"Thank you, balae. Talagang nakaka trauma ang mga nangyare." wika ni Mommy Isabel at bigla namang bumuhos muli ang luha nito. "Pero ang pinangangambahan ko is yung kalagayan ng anak ko. Dinukot siya at hanggang ngayon wala pa din kaming balita. Kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na sana tinuloy pa yung event. Ang daming nasaktan at madami din ang nadamay. Kapabayaan ko din ito dahil naging maluwag ako at hindi din sapat ang na hire kong mga security." umiiyak na sabi ni Mommy Isabel.

Agad naman naming cinomfort si Mommy Isabel.

"No Mom, it is not your fault. Wag niyo po sisihin ang sarili ninyo dahil wala din naman pong may gusto ng mga nangyare. Kaya ipagdasal nalang natin na mahuli ang mga may sala at ligtas na makauwi sina Daddy Albert, Ethan at mga kasama nila." wika ni Penelope habang kayakap si Mommy Isabel.

"Salamat, buti nalang at meron akong tulad ninyo na pinapalakas ang loob ko. I am so grateful, salamat Penelope anak at sa inyo balae ko." umiiyak na sabi ni Mommy Isabel.

SAMANTALA...

DON ALBERT SMITH POV

Sa wakas ay nakarating na din ang 2nd unit dahil unti unti na din kaming nalalagasan. Pero hindi kami nawawalan ng pag asa dahil alam namin na mas lamang kami sa kanila pero ang nakakagulat nga lang ay hindi ko lubusang maisip na madami dami din pala ang tao nito ni Mr. Tan. Muntik na kaming mapalibutan, buti nalang ang dumating ang 2nd unit at agad din kaming nakaabante. Kasalukuyan kaming nasa pang apat na palapag ngayon.

At habang nangyayari ang walang tigil na putukan ay nagulat ako nang makita ko na malapit lapit na sila Bogart sa lokasyon namin. Sa pagkakatantsa ko ay maaaring nasa ika-limang palapag na sila. Konting sakripisyo nalang at maiiligtas kana namin anak.

"Ahh!" sigaw ni Don Albert na bigla na lamang napa upo.

Natamaan ako ng ligaw na bala sa parteng kamay. Pagkatama sa akin ay agad naman akong inalalayan ng mga kasama namin at agad na ginamot ang natamong sugat.

"Natamaan ka po ng ligaw na bala Don Albert, hindi naman malalim ang tama yun nga lang hindi kana po maaaring makagamit ng baril dahil mapepwersa lamang po ang kamay ninyo." wika ng isang sundalo na gumagamot sa sugat ni Don Albert.

Napapailing nalang ako hindi lang dahil sa sakit kundi dahil sa hindi na ako makakatulong sa kanila. Pero hinde, magpapatuloy pa din ako. Gusto kong masigurado ang kaligtasan ng anak ko at ako mismo ang liligtas sa kanya.

ETHAN SMITH POV

Tagumpay akong nakababa at napansin ko ang mga lalaki na may mga hawak na baril at mga nagtatakbuhan. Napaisip tuloy ako bigla, paano pala kung maabutan ako ng mga pulis o sundalo dito. At dahil nga nakasuot ako nitong uniporme ng mga bandido ay baka isa ako sa mga mabaril nila. Naku, pano na to?

At habang nakatayo ako sa tabi ay nabigla ako nang bigla may bumunggo sa akin!

"Ahh!" wika ni Ethan matapos itong mabunggo ng isang lalaki na tumatakbo.

"Ano ba! Wag kang haharang harang sa daan! Tsaka ano bang tinatayo tayo mo dyan? Malapit na tayong maubos! Nakakahiya ka mamamatay ka nalang diyan ng nakatunganga. Kung ako sayo magpakabayani ka nalang, mamatay din naman tayong lahat dito! Kaya kung ako sayo piliin mo na yung mamatay ka na lumalaban! Kaya kumilos ka na at yan lang ang silbi ng ating buhay!" mangiyak ngiyak na sabi ng lalaki na nakabangga kay Ethan at sabay takbo matapos niyang sabihin ito.

Napatulala nalang ako dahil parang nakaramdam ako ng awa sa lalaking iyon. Malamang gaya din ni Bogart na hawak din siya sa leeg ng Mr. Tan na yun.

Kaya bigla akong napaisip, at napatingin muli sa hagdan kung saan ako bumaba. Naglakad ako at humakbang sa hagdanang iyon, paakyat.

Patawad pero, sa tingin ko itong laban na ito ay hindi na lang para sa akin o sa aking kaligtasan. Dahil naisip ko ang mga tao na katulad nila Bogart at ng lalaki kanina. Kailangan nang matigil ang ganitong klase ng kalakaran ni Mr. Tan.

*Click Clack* reloaded a gun

Ako na mismo ang tatapos sa Mr. Tan na yan...

BOGART'S POV

Matapos akong sunduin ni Billy ay nagtungo naman kami sa silid ni Mr. Tan. At naabutan nga namin ang galit na galit na si Mr, Tan, nagwawala at maski kami ay walang kawala sa galit niya.

"Ang tatanga! Ang tatanga! Paanong nakawala yung gunggong na yun dito?! Meron bang sumasabotahe sa akin dito? Magsabi lang kayong dalawa dahil hinding hindi ninyo matatago sa akin yan! Malalaman at malalaman ko ang traydor na yan tandaan ninyo! Hawak ko ang buong pamilya ninyong lahat! kaya malaman ko lang kung sino sa inyo ang traydor sinisigurado kong todas ang minamahal ninyong mga pamilya." galit na galit na sabi ni Mr. Tan o Phillip Tan.

Pak! Pak!

Napangiwi nalang ako at namilipit sa sakit nang sampalin at sikmuraan kami ni Mr. Tan. Mangiyak ngiyak ako pero kailangan ko siyang tiisin at maging matatag sa pamilya ko.

"Malinaw ba ang lahat? Kaya kung ako sa inyo hanapin ninyo ang tao na yun. Patay o buhay, ang importante madala ninyo sa akin! Nagkakaintindihan?" galit na galit na sabi ni Mr. Tan. "Oh? Ano pang tinatanga tanga ninyo dyan? Magsilayas na kayo!" dagdag pa nito.

Kaya kahit namimilipit eh agad kaming tumayo at umalis ni Billy para hanapin si Ethan.

"Bwisit ka kasing bakla ka e. Dapat binantayan mo si Ethan Smith kanina nung umalis kami ni boss. Tayo tuloy ang nalilintikan, nadadamay pa ako sa katangahan mo eh." galit na sabi ni Billy habang sila ay naglalakad at naghahanap.

Hindi ko naman mapigilan na umiyak habang naghahanap hanap kami dahil naiisip ko nga ang pamilya ko.

"Hoy, Bogart! Ano bang iniiyak iyak mo diyan? Tska teka bakit wala ka nga palang uniporme? Ano yang suot mo? Hmm?" wika ni Billy na parang nagtataka kay Bogart. "Naalala ko bigla, nung nasa may cr ka tapos may lumabas na nakauniporme din at pagkatapos ay tinawag ka pa. Alam mo nakakahinala yung galaw ninyo na yun." dagdag pa nito.

Naku, gulat na gulat ako nang mabanggit ni Billy yun. Mukhang mayayari ako nito, may dala pa naman na baril si Billy. Lagot ba, mukhang katapusan ko na.

"Magsabi ka nga ng totoo sakin Bogart. Ikaw ba yung nagpakawala kay Ethan Smith at siya ba yung pinahiram mo ng uniporme dun sa may cr kanina?" tanong ni Bogart na nanlilisik ang mga mata.

Omg! Patay na! Nakatutok na din ang baril niya sa akin. Wala akong magawa kundi maiyak nalang.

"Alam mo kahit hindi mo aminin, base dyan sa kilos mo eh halatang halata kang bakla ka. Put*** *** mo! Ikaw pala yung traydor, kaya ang nararapat sayo eh mamatay na!!!" galit na galit na sabi ni Billy habang nakatutok ang baril sa ulo ni Bogart.

Omg! Napapapikit nalang ako dahil tinatangap ko na ang kapalaran ko. Paalam na Earth.

At nang biglang...

"Hoy, bitawan mo yang si Bogart. Ako ang harapin mo tutal ako naman talaga ang gusto ninyong patayin diba? Ako ang harapin mo bitawan mo yang si Bogart!!" galit na sabi ni Ethan Smith na bigla na lamang sumulpot at labis itong ikinagulat nina Billy at Bogart.

Next chapter