webnovel

CHAPTER 95 - A CREEPY CALL FROM THE MYSTERY GUY

CHAPTER 95 - A CREEPY CALL FROM THE MYSTERY GUY

------

PENELOPE THOMPSON POV

After ng kaguluhan sa mall ay nagtungo naman kami sa Twin Tulips Hospital para samahan ang mga nasugatan sa insidente na sina Mommy Isabel at may kaunti ding galos na natamo ang aking pamangking si Bethina. Pero kasalukuyang walang malay si Mommy Isabel hanggang ngayon at kinabitan din siya ng oxygen dahil sa dami daw nitong nalanghap nitong usok mula sa tear gas mula sa nangyaring insidente. Awa din naman ng Diyos na walang may malubhang tama sa kanila. Sinugod din sa Hospital ang iba pang mga civillian na nagalusan sa insidente.

"Nakaka trauma talaga yun beshie, buti nalang talaga at walang lubhang nasaktan sa pangyayari na yun." wika ni Mica habang nag papa breastfeed sa loob ng breastfeeding room ng hospital.

"Kaya nga e. Sana nga mahuli yung gumawa nito. Hayy, pero alam mo beshie nag aalala talaga ako na wala pa sina Ethan malamang nagugutom na si paul eros.Sobra na talaga akong nag aalala sa mag ama ko, Ano na kaya ang nangyari sa kanila?"

------

ENZO GOMEZ POV

Nagsisimula na kaming sundan yung GPS na nasasagap namin mula sa phone ni Ethan, habang naglalakbay kami unti unting pumamasok kami sa kakahuyan at sobrang dilim ng paligid, ilaw lang ng sasakyan ang nag sisilbing liwanag.

Mukhang hindi basta basta yung taong kumuha kay Ethan dahil mahirap matagpuan yung lugar na pinagdalhan sa kanya, hindi kasi to nadadaan ng kahit ano dahil gubat yung dadaanan at mukha wala din napapadpad na mga tao dito dahil nakakatakot yung lugar.

On the way na din daw si Noah, we called him dahil alam namin na meron siyang armas na pwede naming magamit just in case na magkagulo sa pupuntahan namin sakto nga din dahil kakatapos niya lang sa firearm course na tinake niya last month.

Samantala...

MADAM ISABEL SMITH POV

I just woke up! At nagulat nalang ako nang pag gising ko ay nandito na ako sa hospital at agad kong hinanap ang anak ko. At ayon nga kay Penelope ay kasalukuyang wala pa din siyang balita kung ano na nga ba ang nangyari kay Ethan kaya lubos akong kinabahan at nag histerical.

Namanhid ang buong katawan ko at hindi ko na alam ang mga sunod na mga nangyari pero nagflashback sa akin ang mga kaganapan bago ang pagsabog at pagdukot sa aking anak.

That was 6:00 pm kakasimula lang ng show nang maka receive ako ng call mula sa isang random na number pero hindi ko pa siya sinagot at first dahil nga sa sobrang busy ko nung time na yun dahil inaayos ko ang mga outfit ng models ko dahil nag iistart na nga ang program.

Ring! Ring!

0965 *** **** is calling

"Sino ba kasi to? 5 times nang tumatawag." wika ni Madam Isabel bago sagutin ang tawag mula sa isang random na number.

"Hello? Sino ba to? Hindi mo ba alam na sobrang busy ako ngayon? Sino ba to?" inis na sabi ni Madam Isabel.

"Uhm. Isabel is that you?" wika ng tumawag na boses ng isang lalaki.

"Oh my God? Really? I have no time for you, Bye!" galit na tugon in Madam Isabel.

Call Ended...

And after that call ay nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at ipinaabot ang phone ko sa aking PA. And 5 mins after ay iniabot muli sa akin ng PA ko ang phone dahil may tumatawag nanaman. But this time it's a different number.

"Hello?"

"Isabel, Isabel, Isabel." wika ng isa nanamang misteryoso na boses ng isang lalaki.

"Sino ba to? You know what? I am too busy right now and I have no time for any playtime, so bye!" galit na sabi ni Madam Isabel ngunit agad naman na sumingit ang lalaki sa telepono.

"Haha! hold on! Napaka ikli naman ng pasensya mo, Isabel. Chillax! Hahaha!"

Actually, I am getting nervous. Dahil parang familiar ang boses niya. Boses ng isang malaking tao at alam ko iisang tao lang din ang tumawag kanina pati ngayon na kausap ko.

"Saglit lang to, Isabel. But before that, I would like to congratulate you. Sobrang succesful mo nang businesswoman. Kahit saan ako dumaan nakikita ko ang business ninyong dalawang mag asawa. Napakalalaki ng mga billboard. Hahaha! Aaminin ko, nakaka inggit at kahit na ilang beses akong gumawa ng mga paraan para siraan at isabutahe ang mga produkto niyo eh tila napaka tindi ng kapit! Hindi man lang gumuguho! Anong agimat ang meron kayong mag asawa?!" wika ng misteryosong lalaki.

"Alam mo wala na talaga akong oras. Kung mang aasar ka lang wala akong panahon para sayo! At kung sino ka man lubayan mo na kaming mag asawa! Wag kang mag alala after this call ipapatrace ko ang number mo ang sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!" galit na tugon ni Madam Isabel at agad naman na sumagot ang lalaking kausap nito.

"Op! op! op! Speaking of kulungan! Oh sya, pangakong titigilan ko na kayong mag asawa. Pero kapalit nun ay ipawalang bisa niyo na ang pagkaka kulong ng aking mahal na pamangkin! Yun lang naman, dahil kung hindi tinitiyak ko na hindi mo magugustuhan ang susunod kong mga hakbang! Hahahah!" pananakot ng misteryosong lalaki.

I was alone here sa aking dressing room at ako'y pawis na pawis hindi sa init kundi sa nerbyos. Dahil nakukutuban ko na kung sino itong tao na ito.

"Release my nephew right now or else, may mangyayaring masama sa event mo ngayon. I just want to inform you na on the way na ang mga tao ko diyan at take note. This was all planned! Wala kang makukuhang ebidensya dito dahil some of the staff ng mall are paid kaya wala kang magagawa. Just be surprised! Ito na ang simula ng pagbagsak ninyo, Smith Family. Wahahahaha!" wika ng misteryosong lalaki.

Call Ended...

--------

"Mommy Isabel? Are you okay?" wika ng umiiyak na si Penelope.

And I slowly opened my eyes.

"What happened?" tanong ni Madam Isabel na muli palang nahimatay after nitong mag breakdown.

"Tita nawalan po kayo ng malay. Alalang alala po kami ni beshie sa inyo Tita. Kamusta na po kayo? May nararamdaman po ba kayong kakaiba?" tugon ni Mica habang parehas na cinocomfort sina Madam Isabel at Penelope na kanina pa iyak ng iyak.

PENELOPE THOMPSON POV

Masama ang kutob ko na may masamang nangyari sa asawa at anak ko. The way na banggitin ni Mommy ang name ni Ethan alam kong nasa peligro siya ngayon. Pero hindi ko pa maconfirm ito dahil nasa state pa din ng pagkaka trauma si Mommy. Buti nalang nandito ang beshie ko na binibigyan ako ng lakas at pag asa pero ang hirap pa din maging panatag dahil iniisip ko din kung napano na ba sila. Ethan at Paul Eros miss na miss ko na kayo, sana nasa mabuting kalagayan kayo.

At yun na nga nabanggit na samin ni Mommy Isabel ang kalagayan ngayon ng aking asawa at anak kung bakit hanggang ngayon ay wala pa din sila. Bago daw maganap ang pagsabog ay may dalawang lalaki ang lumapit at dinakip ang aking asawa at anak. Sobrang hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Mommy Isabel at pareparehas kaming umiyak at nangangamba sa kung ano man ang kalagayan nila sa ngayon.

At habang wala pa kaming kasiguraduhan ay nag alay nalang kami ng dasal para sa kaligtasan ng aking asawa at anak.

Matapos ay isang tawag ang hindi namin inaasahan...

"Hello? Daddy Albert?"

"Hello, Penelope anak?"

"Yes, po Daddy? Asan na po kayo? Nag aalala na po kami ng sobra sa inyo." wika ng iyak na iyak na si Penelope.

"Heto, nasa amin na si Paul Eros. Si Ethan nalang ang kailangan naming mailigtas. Iniwan siya ni Ethan dito sa labas, wag kang mag alala mauuna kong ipauwi jan si Baby Eros para maka galaw kami ng maayos at hindi din siya mapahamak dito. at wag ka masyadong mag alala dahil kayang lumaban ng asawa mo lalo na't wala na si Eros sa tabi niya. at buti nga na isipan niyang iwan ang anak ninyo sa labas kaya mas mabilis nalang namin ito mapapasok sa loob ng abandon building pero pinag aaralan pa namin mabuti para walang mapahamak sa gagawin naming pagpasok sa loob."

"Salamat po, DaddyAlbert. Mag iingat po kayo diyan." tugon ni Penelope.

Call Ended...

Next chapter