Gutom na gutom na kami, wala kaming makain. 'Kung p'wede lang sana ay kainin na sana namin ang aming sarili pero hindi namin iyon magawa. Sana lamang ay matapos na ang pag hihirap namin dito.
Sa mga kuwarto. Kaso nga lang ay hindi namin iyon magagawa at mapipigilan. Naandito na kami, naandito na kami sa pang limang kwarto, oras na para kumain.
Lima nalamang kuwarto ang kailangan naming tahakin, hindi---lima nalamang ang kailangan 'kong tahakin.
Kailangan 'kong mabuhay para sa mga minamahal 'ko. Kailangan 'kong mabuhay sa larong ito.
"Handa na ang pagkain" tugon n'ya. Tugon ng ibon na iyon. Umupo ako sa upuan. Habang tinitingnan ang pagkain.
Gusto 'kong masuka. Gusto 'kong ilabas ang mapait na plema na ito. Nakakadiri. Makikita kasi ang laman loob ng kaibigan 'ko. S'ya ang namatay sa pangalawang kuwarto.
Umupo na ang ibang mga roomer. At pinulot ang pang una nilang kagat. Inilagay ang laman loob sa kanilang bibig. At nginuya ng mabuti.
Dumampot ako at ginawa ang ginagawa nila. Ng dumampi ang dugo at laman mula sa bibig 'ko. Muntikan na akong masuka.
Nginuya 'ko ng mabilisan at nilunok. Kailangan naming kainin ng buong buo ang katawan n'ya mula rito. Ubusin para kunin ang nutrisyon na kailangan namin para sa iba pa naming tatahakin.
Kinuha 'ko ang kamay n'ya, hiniwa ito dahil nakadikit pa ito sa walang buhay na pinag kakabitan. Kinagatan, na sarapan.
Unti unting nasasanay, unti unti naming nauubos. Hanggang mabusog na kami.
Sana ay maging caution kayo dahil ang istoryang ito ay merong malalaswang mga paliwanag. pupunta muna tayo sa hindi pa nakakadiring bagay papunta sa detalyadong mga bagay. detalyado at magugustuhan n'yo ito.