webnovel

35

Muling bumalik sa isipan ni Maritoni ang pinag-usapan nila ni Kyle kani-kanina lang. Napaisip siya, bakit kaylangang palagi silang magkita at magtawagan nito? Sabagay kung tungkol naman iyon sa anak nila ay wala na siyang reklamo,ang tanging anak na lang ang mahalaga sa kaniya ngayon.

Marami siyang plano pag nakasama niya na ang anak. Plano niyang paluwasin ang Ina upang pasamantala muna tumira sa kaniyang apartment kasama ng anak. Magbabayad na lang siya ng kamag-anak para mag asikaso ng franchise business nila.

Hinanda niya na rin ang sarili sa maaaring maging trato sa kaniya ng anak. Alam niyang maninibago ito ngunit gagawin niya ang lahat para muli itong masanay sa kaniya.

Mas lalong ginanahan si Maritoni lalo't malapit niya nang makasama ang anak. Sa ngayon ay hindi pa nila pinag-uusapan ni Kyle kung paano ang magiging set-up nila pag dumating na ito.

Mabilis niyang dinampot ang cellphone nang mag ring ito. Tumatawag si Kyle kaya agad niya itong sinagot.

" Hi! Are you busy?"

" Ah, hindi tapos na ko sa ginagawa ko, bakit?"

" So, free ka tonight? Prepare yourself susunduin kita."

"O-okay." alanganin niyang sagot.

Napatingin siya sa hawak na cellphone na may pagtataka ngunit kinumbinsi niya na lang ang sarili na kaya sila magkikita ay dahil sa anak nila.

Mabilis na nakarating sa office niya si Kyle. Mukhang nanggaling ito sa construction site ng kanilang branch.

" A-anong meron?"

Itinaas nito ang hawak na cellphone habang abot tenga ang ngiti.

" Gusto mong makausap si Angel, 'di ba?"

Namilog ang mata niya at mabilis na tumango-tango. Agad niyang nilapitan si Kyle.

" Asan na,asan 'yung anak ko?!"

Mabilis niyang tanong. Oa na kung OA pero ganoon talaga siya kasabik na makausap ang anak.

" Wala pa, but i already ask Mom about her schedule para matyempuhan natin siya."

" Wow! Parang celebrity lang? Kaylangan naka book 'yung sched natin para makausap siya, ganon?" sarkastiko niyang tugon.

Hindi niya naitago ang pagkadismaya sa sinabi nito. Bakit parang pahirapan yata na makausap ang anak.

" Marami ka pang dapat malaman tungkol sa behavior ng anak natin, you will see."

Napakunot ang noo niya sa tinuran nito. Tila ba nagbabanta ito tungkol sa ugali ng anak.

" Eh,anong oras natin siya makakausap?!" mataray niyang tanong.

" I'll wait for mom's signal but for now nagugutom na ko kumain muna tayo, treat ko."

Nag-aalangan siyang napatitig dito, tinatantya kung papayag ba siya sa alok ng lalaki.

" Let's go! May alam akong restaurant na pwede nating puntahan para kumain. Masasarap ang foods doon, maybe it will help you to get some ideas for your menu."

Napaisip siya sa sinabi nito. Malamang ay may point ang lalaki, nasa stage pa kasi siya sa pagtuklas ng mga bagong recipe ng kanilang resto.

" Okay, sige. But i just want to make sure na makakausap natin si Angel."

Isang malapad na ngiti lang ang naging tugon ni Kyle. Hindi niya inaasahan ang gabing iyon, napagpasyahan niya na kasing umiwas sa lalaki. Gusto niya na kasing kalimutan ang nararamdaman niya para rito ngunit tila gumagawa ang pagkakataon ng dahilan para hindi mangyari iyon. Sumama lang naman siya para sa anak at nangakong pipilitin labanan ang nararamdaman. Ngunit magawa nga niya kaya iyon?

Sa isang magarang resto siya dinala ng lalaki palihim niya itong pinagmamasdan habang seryosong nakatingin sa menu book. Paano nga ba niya mapaglalabanan ang nararamdaman para rito? Napakaguwapo ni Kyle at napakakisig. Pinagmasdan niya ito mula sa labi sa ilong at sa mga matang may pamatay na titig. Napatingin siya sa mabalahibo nitong dibdib dahil nakabukas ang ilang butones nito.

" Anong gusto mong kainin?" untag nito sa kaniya.

" Ikaw?" wala sa sarili niyang sagot habang nakatitig dito.

" Ako?" takang tanong ng lalaki ngumiti ito ng pilyo.

" Oo, ikaw. Ay! Ang ibig kong sabihin ikaw, anong gusto mo?!"

" Ikaw din!"nangingiting tugon nito.

Hindi niya alam ang magiging reaction nang mga oras na iyon. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

" Puro ka kalokohan, amina na nga iyan!" hinablot niya ang menu book sa lalaki.

Napasimangot siyang umiwas ng tingin dito. Gusto niya nang makausap ang anak para matapos na at makauwi na siya. Nararamdaman niyang nakatitig ito sa kaniya habang namimili siya ng kakainin. Naiilang man ay hindi siya nagpahalata. Sa huli ay juice lang ang in-order niya habang ang lalaki naman ay um-order ng italian pasta.

" Are you not going to eat?"tanong sa kaniya ng lalaki.

" Hindi ako gutom. At isa pa, hindi ako sumama sa'yo dito para kumain, i'm just waiting for my daughter," mataray niyang wika.

Napansin niya ang hilaw na ngiti ng lalaki.

" Bakit ba ang sungit mo? Don't worry maya-maya lang makakausap mo na ang anak natin."

Sa totoo lang ay hindi talaga siya komportable kaharap ito sa ganoong sitwasyon. Mula nang magkita sila ulit ay ito ang unang beses na nakaharap niya ito para kumain,para tuloy silang nagdi-date.

" Pag-usapan na natin ang magiging set-up natin pag nandito na si Angel,gusto ko sa bahay ko siya tumira."

Napatango-tango naman ang lalaki sa sinabi niya.

" Okay, iyon naman talaga ang plano."

" Good. At gusto ko kami lang munang dalawa, just give us time kasi gusto ko masanay ulit siya sa'kin,okay?"

Muling napatango ang lalaki.

" Maliwanag iyan,ah?"

" What if pagdating niya dito,eh, hindi siya sumama sa'yo pipilitin mo ba siya? I think you need me para kahit papaano mapasunod mo siya."

Nangunot ang noo niya sa tinuran nito.

" Ako ang Mommy niya kaya bakit hindi siya sasama sa'kin?" naiinis niyang wika. " Whether she like it or not, i don't care! Saka pwede ba? Ayokong palalapitin mo si Darlene sa anak ko,ah?"

Muling napatango si Kyle para itong bata na sunod-sunuran sa lahat ng naisin niya. Napabuntong-hininga pa ito.

" Okay, kumalma ka na, kumain muna tayo,ah?"

Tumayo ito at pumunta sa order area pagbalik nito ay may dala na itong dalawang plato at ibinigay ang isa sa kaniya.

" Ang tagal ng waiter, gutom na ko," anito at nagsimulang sumubo. "Hmm. You should try this, kumain ka na," alok nito sa kaniya.

Tinangka pa siyang subuan ng lalaki nang hindi siya kumikilos. Napailing-iling siya bilang pagtanggi ngunit makulit si Kyle kaya tinanggap niya na lang. Napansin pa niya ang pagtawa ni Kyle nang bigla ay inilapit nito ang kamay sa kaniya at pinunasan ang sauce na nasa labi niya gamit ang kamay nito.Natigilan siya sa ginawa ng lalaki dahil hindi niya inaasahan iyon.

" Just like old times, naaalala mo?" anito habang titig na titig sa mga mata niya.

Sumariwa sa isip niya ang masasayang nakaraan nila ni Kyle at ang madalas nilang pamamasyal sa iba't-ibang lugar noon ng lalaki. At dahil mayaman nga si Kyle kaya madalas siya nitong isama sa tuwing gusto nitong mag out of town. Hindi niya napigilan ang mapangiti ng oras na iyon.

" Pagdating ni Angel mag out of town tayo, 'yung tayong tatlo lang katulad ng dati. And i promise i will do everything, gusto kong bumawi, Toni."

Napatingin siya sa lalaki gusto niyang isipin na nagbibiro lang ito, ngunit seryoso ito habang nakatitig sa kaniya ano ba ang ibig sabihin ng lalaki? Magtatanong sana siya ngunit..

" Wow! Is this for real?"

Napaubo siya nang biglang sumulpot sa likuran nila si Darlene. Tila hindi pa ito makapaniwala habang nakatingin sa kanila.

" D-darlene? Anong ginagawa mo dito?" tanong dito ni Kyle.

" No! Ako ang dapat ang magtanong sa inyo, anong ginagawa niyo? Well, obviously kumakain." Tumawa ito ng pagak.

" Ang daya mo naman, hon, eh! Bakit naman hindi niyo ko sinama?" sarkastikong tanong pa nito.

Umupo ito sa bakanteng silya na nasa tapat nila. Halata ang galit sa mukha at kilos nito.

" Ahm. Ang totoo niyan, tatawagan namin si Angel," paliwanag ng lalaki.

" Oh, and you want me to believe that,huh?" tumitig ito sa kaniya ng matiim. " Alam ba 'to ni Troy?"

Umiwas siya ng tingin dito. Wala siyang planong sumagot dahil hindi niya kailangang magpaliwanag sa babae.

" You are willing to use your own child para landiin si Kyle? How pathetic you are?" nang-uuyam na wika ng babae.

Pinigilan niya ang sarili na patulan pa si Darlene. Ayaw niya itong pag-aksayahan ng oras.

" Darlene, shut up!" mariing sabi ni Kyle.

" No, you shut up!" asik nito sa lalaki " Sabihin mo nga sa'kin, kailan pa kayo lihim na nagkikita, ha?!" gigil na sambit nito na halatang pinipigil sumabog.

" Huwag ka dito mag eskandalo, Darlene, nakakahiya!" Halos pabulong na wika ng lalaki nang mapansing may mangilan-ngilang tumitingin sa kanila.

Gusto niyang matawa sa ginagawang pagtatalo ng dalawa. Parang pamilyar kasi sa kaniya ang ganitong eksena. Kunwari ay wala siyang naririnig, pakuya-kuyakoy siya habang pinagmamasdan ang kulay red niyang kuko.

" Kawawa naman si Troy, ang akala niyang mahinhing babae e malandi pala!"

Nagpanting ang tenga niya sa narinig ngunit pinilit niya pa ring kumalma. Hinawakan ito ni Kyle sa braso para umalis ngunit nagpumiglas ito.

" And now pati sarili mong anak gusto mong gamitin for your personal interest? How hypocrite you are!"

Tuluyan ng naputol ang pisi ng kaniyang pasensya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay hinuhusgahan ang pagiging Ina niya.

" What happen, Darlene? It seems like history repeats itself, remember? Iyon nga lang nagkapalit tayo ng posisyon, anong pakiramdam?" nangingiti niyang wika. " Oh, wait what if i'm going to have a sex with Kyle what do you think? Para naman kopyang-kopya natin 'yung nakaraan, 'di ba? Tutal naman, his my ex, normal lang samin iyon, 'di ba, Kyle?"

Hindi alam ni Kyle ang isasagot napapatitig lang ito sa kaniya.

" Sige subukan mo, subukan mo lang!" Dinuro siya nito.

Napansin niyang may sumungaw na luha sa mata ni Darlene dahil sa inis kaya natawa siya ng pagak dahil sa nakikita niyang matinding galit nito.

" Hinahamon mo ba ako? Tingin mo hindi ko kayang gawin iyon?" Walang ano-ano bigla niyang niyakap aa batok si Kyle at siniil ng halik sa labi.

Parang tuod na hindi nakakilos si Kyle dahil sa kabiglaan. Pinunasan niya pa ang sariling bibig nang kumalas siya dito. Pinakita niya pa kay Darlene na sobrang nag enjoy sa ginawa. Habang naiiyak naman ang babae sa sobrang gigil.

" Hindi ka pa rin nagbabago Kyle ang sarap mo pa ring humalik," aniya habang haplos ang pisngi ng lalaki.

Sasaktan na sana siya ni Darlene ngunit nahawakan agad ito ni Kyle.

" Oops! No, violence allowed," humahagikhik niyang tinuran. " Ok, i have to go na, bye! Ayusin mo iyang girlfriend mo,ah, eskandalosa!"

Lumabas na siya ng resto ngunit nakasunod pa rin sa kaniya si Darlene. Nabitawan kasi ito ni Kyle nang magpumiglas. Nahawakan siya nito sa buhok.

" Bitawan mo'ko!"

" Kakalbuhin kitang malandi ka!"

Muli itong nahawakan ni Kyle si Darlene at napigilan.

" Tumigil ka na ano ba, umuwi na tayo!"

" Tandaan mo 'to, Maritoni. Hinding hindi ka makakalapit sa anak mo dahil pati siya aagawin ko sa'yo! Kukunin ko ang lahat sa'yo!" nanggagalaiti nitong sigaw.

Muling nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito gusto niya 'tong sampalin ng matauhan.

" Hoy! Kung noon hinayaan kong agawin mo sa'kin si Kyle at pinalampas ko pwes hindi ang anak, ko! Makikipagpatayan ako para sa anak ko!" gigil niyang sigaw.

" Maritoni, just calm down!" awat ni Kyle nang makalapit sa kaniya.

Ngunit tinulak niya ito ng lumapit sa kaniya para iabot ang nabitawan niyang bag.

" Oh, by the way. This guy is all yours, wala na kong pakialam sa lalaking iyan! I'm getting married anyway!"

Natigilan si Kyle na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.

" Anong sabi mo?!" galit na tanong ng lalaki, nagngalit ang panga nito.

Ngunit wala na siyang pakialam hindi niya na ito sinagot. Tumalikod na siya para iwan ang dalawa, hahabol pa sana si Kyle sa kaniya ngunit pinigilan ito ni Darlene.

Next chapter