webnovel

Chapter 8

Nagising ako dahil sa isang malakas na sampal sa aking mukha. Kasabay niyon ang pagtama naman ng isang matigas na bagay sa aking mata. God! Buhay pa pala ako?

''Wake up, sleeping beauty!'' maarteng utos ng isang boses. Bakit pamilyar sa akin ang boses na iyon?

I tried to open my eyes. Pero hindi ko na masyadong maimulat ang aking kaliwang mata sa lakas ng pagkakasampal ni---Valerie?!

''Anong---?'' Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng sampalin niya ulit ako. I want to cover my face and wipe the blood that is coming out from my nose, pero nakatali ang aking mga kamay. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nasa sahig lang pala ako at sa aking harapan ay ang isang demonyo!

''Ang sarap mo talagang saktan ng paulit-ulit, Trisha.'' aniya. Hawak-hawak niya ang dala kong baril kanina. Iyon pala ang matigas na bagay na tumama sa aking mukha ng sampalin niya ako para magising.

''Hayup ka, Valerie!'' sigaw ko. Goddamit! Why am I so helpless?

''I know. That's why I am here.'' Nakangising ani niya at hinila ang aking buhok. Kinaladkad niya ako papunta sa isang lumang kwarto.

Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang nakatali kong kaibigan na may takip sa kanyang bibig.

''Kim!''

''Magsama kayo mga putangina!'' aniya at akmang sasampalin din si Kim ngunit agad ko itong niyakap dahilan upang tamaan na naman niya ang nasaktan kong likod. Pinilit kong hindi sumigaw sa kabila ng sakit na aking nararamdaman. I do not want to give that satisfaction on her face whenever she hears us shouting in pain.

Kinuha niya ang nakatakip sa bibig ni Kim bago niya ito sinipa ng malakas sa hita.

''Tama na, Valerie!'' hiyaw ni Kim sa sakit. Nakita ko na may mga pasa na si Kim sa kanyang katawan. So I tried to cover her with my body but it's no use. Gusto talaga kaming saktan at pahirapan ni Valerie hanggang sa huli naming hininga.

I am praying and hoping na sana, dumating sina Crayon at ang mga pulis para iligtas kami. Pero paano? Wrong decision again, Trisha? Mahigpit ko na lamang na niyakap si Kim na pahikbing umiiyak. Pansamantala namang tumigil si Valerie sa pananakit niya sa amin nang tumunog ang kanyang cellphone.

''Hello, Crayon?'' aniya sa napakalambing na boses.

''Nasaan kayo?!'' dinig ko ang lakas ng pagsigaw ni Crayon sa kabilang-linya.

''Easy, myloves...easy. They are both safe with me. Sabi ko naman sayo kanina, diba? I asked you to stay pero ayaw mo. Sila tuloy ang kinuha ko.''

''Baliw ka na!''

''I do. I am crazy for you, myloves. Kaya sumama ka na sa akin. Then, I'll set them...free.'' She smiled. But it looks so creepy in my eyes.

Biglang naputol ang tawag at narinig ko na lamang ang isang putok ng baril sa labas ng kinaroroonan namin.

''Maam, nandito po sila!'' Isang matabang lalaki ang biglang sumulpot sa pintuan. May dala-dala rin siyang baril.

''Paano nila nalaman na nandito tayo? Diba sabi ko sa inyo ni Peter na dun kayo sa kabilang lote?'' Galit na tanong ni Valerie sa lalaki.

''Yun po ang ginawa namin pero nahuli po nila si Peter at ang mga tauhan niya. Siya yata ang nagsumbong sa mga pulis kung nasaan tayo.''

''Bullshit! Ang bobobo niyo! Dun ka na sa labas! Bilisan mo!''

Nakayakap pa rin ako kay Kim nang haplutin ni Valerie ang buhok ko.

''Gusto pa sana kitang pahirapan kagaya ng ginawa ko sa kapatid mo dati bago ko siya sinasagasaan pero dahil nandito na si Crayon gagamitin na lamang kita para makatakas ako.''

''Demonyo ka! All along ikaw pala ang pumatay sa kapatid ko!'' Valerie just proudly nodded. As if balewala lamang sa kanya ang aking sinabi.

''Ang sama mo Valerie!'' sigaw ni Kim sa aming likuran. Napansin ko ang galit sa kanyang mga mata ngunit sa kabila naman nun ay ang panghihina sa mukha ng aking kaibigan.

''Mas masama kayo ng pamilya mo! Remember Alcantara couple? Nakiusap ang mommy ko na huwag silang ipakulong ng mga magulang mo. Dahil sa aksidente lang naman ang pagka crash ng kanilang sasakyan. Lasing si dad nun, pero ano ang ginawa nyo? Pinakulong nyo pa rin sila kaya inatake ang dad ko at namatay, na siyang ikinabaliw ni mommy!''

Nasa ganoong akto kami nang biglang bumulagta sa aming harapan ang taong inutusan ni Valerie na lumabas. Duguan ito at tila wala ng buhay. Kasabay naman niyon ang pagdating nina Crayon kasama ang isang napakatangkad na lalaki. Nakita ko rin si tito Dex sa likuran na kasama ang mga armadong pulis.

Mabilis na dinaluhan ng matangkad na lalaki si Kim bago ito nawalan ng malay. Ganun din sana ang gagawin ng isang pulis ngunit kaagad naman akong nahila ni Valerie papalayo sa kanila.

''Tama na yan, Valerie! Bitiwan mo si Trisha!'' galit na utos ni Crayon. May dala siyang baril at nakatutok iyon kay Valerie.

''Crayon, myloves? Dumating ka na rin sa wakas. Akala ko ay hindi mo kami mahahanap.''Ngising-aso ni Valerie sabay tutok din ng hawak niyang baril sa aking ulo.

''Subukan mo siyang patayin at pati ang mommy mo ay madadamay!'' Nagtatangis ang mga bagang na sigaw ni Crayon kay Valerie. Tila nagulat naman ang huli sa narinig.

''A-Anong ibig mong sabihin?'' Halata ang pangamba sa boses ni Valerie. Napansin ko rin ang unti-unting pagluwag ng kanyang paghawak sa akin.

''I have your mom with us outside. I hate to say this but if you decide to kill Trisha then I'll trade my soul to the devil. I will kill your mom too for me to get even. Kaya mas mabuti pang sumuko ka na lang Valerie!'' Kumbinsi ni Crayon kay Valerie ngunit mas lalo niya pang diniinan ang pagtutok ng baril sa aking ulo.

''Paano kung ayaw ko? Papatayin mo ba ako?'' aniya sa naghahamong boses. Ngumisi si Valerie bago nagpatuloy.

''Also, knowing you Crayon, hindi mo magagawa ang pumatay ng inosente.''

''Then you do not really know me that much, Valerie. Wala akong pakialam kong inosente ang mom mo, a tooth for a tooth. So you better surrender!'' Desperadong saad ni Crayon. Hindi ako makapaniwala. Is this how much he loves me? Kaya niyang kaya talagang pumatay ng inosente kung kinakailangan?

''Leave my mom, alone!'' Sigaw ni Valerie at muli akong hinawakan ng mahigpit sa aking beywang habang nakatuon pa rin sa akin ang hawak niyang baril.

''Try me, Valerie.'' he smirked. ''I can go to hell and I don't care. Now, let her go!'' Madilim ang anyo na utos ni Crayon.

''No! Papatayin ko ang babaeng ito! Inagaw ka niya sa akin!''

''Walang nang-agaw sayo, anak.'' malumanay na ani ng isang matandang babae sa may likuran ni Crayon.

''M-Mommy...!'' si Valerie sa pinaghalong gulat at pag-aalala.

''Anak, hindi mo pag-aari si Crayon. Kung mahal mo nga siya, hayaan mo siyang sumaya sa taong mahal niya.'' Umiiyak na ani ng ginang at akmang lalapitan si Valerie.

''Mom...no!''

''Anak, tama na. Sumuko ka na sa mga pulis.''

''Tama ang mommy mo Valerie. Why not live happily with her. Especially now that she's finally okay.'' si tito Dex na papalapit din sa amin. Ang mga kasamang pulis naman nila ay nasa tabi lamang at naghihintay ng tamang pagkakataon upang lapitan si Valerie. Nakita ko kasi ang eye signal ng kasamang lalaki ni Crayon sa mga pulis. Tumango naman ang isa sa mga ito.

Nang mapansin ko naman ang pansamantalang pagkawala ng atensyon ni Valerie sa akin ay agad akong kumawala sa kanyang pagkakawak. Buong-lakas ko siyang tinulak at agad akong tumakbo papunta kay Crayon ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang malakas na pagputok ng baril mula sa aking likuran.

''No!!!''

Hindi ko alam kung kaninong boses ang narinig ko dahil bigla na lamang nagdilim ang lahat sa akin.

Creation is hard, cheer me up!

drose31creators' thoughts
Next chapter