webnovel

Chapter 65

Hindi pa man nakakalayo si Prinsipe Levi nang mapansin nito ang tila panganib na nagmumula a malayo.

BANG!

He was sent flying nang may mabilis na tumamang bagay mula sa kaniyang sariling likuran.

Agad siyang nakakuha ng balanse nang mapansin niyang pabagsak na siya pailalim.

PSH! PSH! PSH!

Kumapit siya sa malapat at magaspang na balat ng thunder tree para hindi siya tuluyang bumulusok pailalim.

Pansin niyang bumaon sa kaniyang balikat ang nasabing kulay itim na sibat na siyang ginamit pang-atake sa kaniya ng kalaban niya.

Agad niyang tinanaw ang direksyon kung saan nagmumula ang nasabing sibat at nagulat na lamang siya sa kaniyang sariling nakita.

Nakita niya ang kalaban niyang si Li Xiaolong. Pansin niyang duguan ang kaliwang balikat nito at mayroon na itong sugat-sugat sa katawan nito. Isang kupasing kulay itim na roba ang suot nito at malamang sa malamang ay mapapansin talaga ng sinuman ang natamo nitong sugat. Sa ayos pa lamang kasi ng kasuotan ng kalaban niya ay halatang mula lamang ito sa mahirap na angkan o pamilya.

Kita niya pang hinihingal ito sa pagsasagawa nito ng kaniyang sariling atake laban sa kaniya.

CHA!

Binunot ni Prinsipe Levi ang nasabing sibat na nakabaon sa kaniyang balikat ng walang kahirap-hirap at mabilis na ibinato patungo sa direksyon kung saan naroroon ang batang si Li Xiaolong.

Explode!

Li Xiaolong gritted his teeth before the spear began to violently shake na siyang nagresulta ng pagsabog nito.

Chi! Chi! Chi!

Li Xiaolong began to fly upward habang makikitang tumatama ang mga boltahe ng kidlat sa iba't-ibang direksyon kung saan naroroon naglilipana lamang ito sa direksyong kaniyang tanaw ng sariling paningin niya.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Li Xiaolong begans to move immediately at pansin niyang tila hindi siya makampanteng di niya makuha ang mga pambihirang thunder type dragon veins.

Noong una ay plano niyang magtira ng tatlong bagay na ito na maituturing na priceless treasure ngunit ngayon ay tila nagbago ang takbo ng isip niya. Alam niyang guato itong kamkamin lahat ng pangay na prinsipe ng Sky Flame Kingdom na si Prinsipe Levi na hindi niya hahayaang mangyari.

Hindi nagtagal ay paparating na ang batang si Li Xiaolong sa gawi ng nasabing prinsipeng napakatuso din at napakaganid.

Nagulat na lamang siya nang bigla itong gumalaw papalapit sa kaniyang pwesto habang hindi alintana ang pinsalang natamo niya mula rito.

BANG! BANG! BANG!

Nagpakawala ng tatlong malalakas na suntok ang nasabing prinsipe habang todo sangga naman ang batang si Li Xiaolong gamit ang kamao niya habang binigyan niya ng malakas na pwersa ang mga kamao niyang tila pader ang katapat nitong suntok galing sa kaniyang kalaban.

Napaatas naman ng ilang hakbang ang batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong hinawakan ang sugatan nitong kaliwang bahagi ng balikat niya.

Masama siyang tumingin sa nasabing prinsipeng gahaman na si Prinsipe Levi. Kung nakakamatay lang siguro ang tinging ipinupukol ng batang si Li Xiaolong ay baka bumulagta na ang kalaban niya.

Whoosh!

Biglang nawala si Prinsipe Levi sa kaniyang sariling pwesto habang ito'y ikinagulat ng batang si Li Xiaolong lalo na sa paraang alam niyang hindi ito magandang senyales. Sugatan na siya at nagawa pa siyang linlangin ng kalaban niyang mukhang balak siyang paslangin nito.

Nagngingitngit sa galit at inis ang batang si Li Xiaolong dahil sa katusuhan ng kalaban niya. Alam siguro ng nasabing prinsipe na wala na siyang lakas upang labanan ito at napinsala na ang kaliwang kamay niya idagdag ring tingin nito ay Houtian Realm Expert lamang siya.

BANG!

Li Xiaolong sent flying nang biglang lumitaw sa likuran niya si Prinsipe Levi na may napakatilim na tinging ibinabato mismo sa kaniya.

Tila nagpadausdos pailalim ang katawan ng batang si Li Xiaolong na siyang ikinatuwa nang nasabing prinsipe. Nang makita nito kung paano ngumiwi at nahihirapan ang kalaban nitong si Li Xiaolong ay tila napapataas nito ang confidence at superiority nito. Laman ng tingin niya ang mapanghamak at mapangmaliit na pagtrato sa masasabi niyang dukha at walang kalaban-laban nitong kalaban niya.

Ngunit nabura ang ngiti nito nang makita nitong kumapit ang kanang kamay ng batang si Li Xiaolong sa mismong magaspang na balat ng Thunder Tree.

Li Xiaolong feels a really sharp thing piercing his right hand. Parang ang sistema ngayon ay tila lumalambitin pa siya sa puno ng Thunder Tree not wanting to give up and give all the chance and access para sa kaniya.

Naniningkit na tiningnan at inobserbahan ni Prinsipe Levi ang lagay ng kalaban niya. Kitang-kita niya pa kung paano ito nahihirapan sa kasalukuyan nitong lagay. Alam rin naman niya at nagagalak siya sa nangyayaring matinding pasakit ng kalaban niya mas lalo na nang makita niyang dumugo na rin ng masagana ang kanang kamay nito maging ang matinding sugat nito sa kaliwang kamay nito.

Agad namang pumunta ang nasabing prinsipe sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong. Hindi upang tulungan kundi tingnan ng mabuti ni Prinsipe Levi dahil ito ang gusto niyang makita sa mga kumakalaban sa kaniya.

AHHHHHHHH!

Napahiyaw ng sobrang lakas ang batang si Li Xiaolong nang maramdaman nitong tinapakan ng  sobrang lakas ng kalaban niyang si Prinsipe Levi ang kanang kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa maspang at pakurbang balat ng Thunder Tree. Nagtitiis lamang ang batang si Li Xiaolong sa pangyayaring ito but seeing how his hand being stomped by the this kind of prince makes him want to crushed his enemy into pieces.

"Ahhhh~" Nagtiis na lamang ang batang si Li Xiaolong habang pinadyak-padyak pa ng malakas ni Prinsipe Levi ang kanang paa nito sa kaniya kanang kamay.

Tila hindi naman natuwa ang nasabing prinsipe nang makita niyang kahit anong lakas pa ng pagkakapadyak niya sa kamay ng kalaban niya ay hindi ito bumibitiw na siyang ikinairita niya.

"Wag mo ng subukan pang kunin ang Thunder Type Dragon Veins dahil akin ang lahat ng ito. Sa lagay mo ngayon ay mas mabuting sumuko ka na lamang." Nakangising saad ni Prinsipe Levi habang makikitang may pagbabanta ang laman ng sinabi nitong pangungusap at mas diniinan pa ang pagtapak sa kanang kamay ng batang si Li Xiaolong.

"Hindi ako susuko!" Li Xiaolong eyes burn with passion and determination habang sinasabi niya ang mga salitang ito. He don't want to lose here at hindi niya hahayaang lumakas pa lalo ang nasabing prinsipe.

Next chapter