webnovel

SWITCH

Author's Note:

Hi there readers, if you had reach this part of my story, I would like to give my sincere gratitude. Unfortunately, I made a mistake that had affected my storyline and plot. It is all about the difference in their timeline. I come to a conclusion that if I wanted to make my story more problematic (than it already is) I need to inform you that I will edit my timeline.

Before: An hour (vampire world) is equivalent to a month (human world).

Now: A month (human world) is equivalent to a year (vampire world).

Note: I will edit the chapters that had spoken about the timeline and also some parts that it became significant. I only want to tell this to you because you grew fond of the timeline since you had reach this chapter and to avoid confusion.

Thank you. Lovelots!

Mino's P.O.V

THUD!

"Damn it!" I hissed with pain as my body was harshly pinned to the ground with Olaf's frozen monster. I have been fighting this thing for a week now and the rules will always be the same.

He will make me fight a weak one then it will grew stronger and stronger every time that I had defeated a weaker one, to make the story short, every ice monsters has different levels that goes up every time I had defeated the former.

And this one is the strongest that I had battled with ever since I had begun this shitty little challenge. Have you ever watch FROZEN? Remember the monster that Elsa created? Yeah! The big snow monsters that beat Kristoff and Anna's asses?

Ito na siguro ang kabayaran sa pagpapanood ko sa kaniya ng FROZEN maging ang pagpapa-memorize ko sa kaniya ng LET IT GO.

It's huge and cold left hand pinned me on the ground and I struggled to make myself free. I was stunned when it growled loudly, releasing a huge sharp ice to me.

I quickly crossed my arms in front of me to form an electric force field causing the sharp ice to crush into it.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ng halimaw na nakahawak sa akin at agad akong naglabas ng malakas na boltahe ng kuryente.

Agad niya akong binitawan at gumawa ito ulit ng malakas na tunog habang rinig na rinig ko ang pagdaloy ng kuryente sa kaniyang kabuuan.

His loud shriek caused the birds in the forest to flew away in fear. Matagal na kaming lumipat ulit ni Olaf ng lokasyon dahil muli na naman kaming nahanap ng mga tauhan ng aking mga magulang.

They are making it hard for me to concentrate but Olaf said that it will also give us a challenge to keep our minds busy.

Mabilis akong tumayo sa aking pagkakasalampak ngunit mabilis din nakabawi ang halimaw. Inilabas ko ang aking pangil nang makita ko na ang parte sa katawan nito kung saan ko siya kakagatin upang tuluyang matalo.

Olaf is brilliant enough to make the rule of the training this pathetic, he want me to bite off his monsters in order for me to triumph.

It's like a frostbite but the opposite, I am the one who needs to bite. Para na din akong kumagat ng isang buong matigas na ice cream because of his doings.

It's been two years on their world Mino, it burdens me to think about the villagers as well as Kypper, batid kong kami na lamang ang tanging mag-aalaga sa kaniya ngunit pareho kaming wala sa kaniyang tabi.

And that freaking monster! Sa loob ng dalawang taon ay maaaring kung ano-ano na ang ginawa niyang karumal-dumal na mga bagay.

Fuck it! I need to be stronger! This is not enough! I am not enough!

My pupils thinned out again as I prepare my body to attack and bite the monster's left shoulder. I growled loudly and my claws flexed intently as my senses became enhanced, making me hear my surroundings as clear as I can be.

I dashed to its direction and dodged its every attempt to hit me with his ice claws. I smirked when I moved to its back, a blind spot, and I clawed its back so I can get closer to its shoulder.

Bahagya pa akong umiilag sa tuwing sinusubok nito na abutin ako sa kaniyang likuran. Woah woah, steady you little freak!

I released a high voltage again and it growled with agony, I leaped high enough to be on its huge cold shoulder and I am about to bit the hell of it ngunit agad niya akong hinawi paalis sa kaniyang balikat.

I immediately fell off, I quickly fix my landing position on the mid air but I was stunned by what happened.

Agad na may bumukas na tila isang portal sa aking likuran habang nahuhulog at mabilisan akong bumulusok doon.

What the hell?

Mabilis na dumilim ang aking paligid at nagsara ang portal kung saan bahagya ko pang nakita ang halimaw na sumilip doon.

Mabilis na lumapag ang aking mga paa sa isang madalim na lugar.

What game is this Olaf?

Third Person's P.O.V

"Siya ba ang lalaki kamo?" mahina at halos pabulong na tanong ng isang matandang lalaki habang pinakakatitigan si Mino sa malayo na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang yelong halimaw.

Agad na ngumiti nang alanganin ang prinsipeng nasa kaniyang tabi.

"Opo, siya nga po ang nilalang na tinutukoy ko," magalang na turan ng prinsipe sa matandang nakapang-bukid na kasuotan habang hawak-hawak pa ang kalabaw na matagal na niyang inaalagaan.

May mga putik pa ang kaniyang mga paa na tanda ng ginagawang pagsasaka bago siya biglang abalahin ng prinsipe ng mga nyebe na kay tagal din siyang hinanap sa mundong ito.

"Hindi ako makapaniwala na ganiyan siya kahina ngayon," saad ng matanda at agad na tinanggal ang salakot na nasa kaniyang ulo bago ito marahang ipinaypay sa kaniyang sarili.

Bahagyang napangiti ang prinsipe sa tinuran ng matanda dahil taliwas sa komento nito ang kaniyang nakikita kay Mino.

"Kailangan ko na ho ng inyong tulong dahil kaunti na lamang ay magiging madali na lang sa kaniya ang mga ipapagawa ko," saad ni Calix at agad na gumawa ng maliit na ulap sa ulunan ng matanda at nagpaulan ito ng nyebe.

Pansamantalang nawala ang init na nararamdaman ng matanda.

"Kamusta sila ng aking apo?" agad na tanong ng matanda habang patuloy na minamasdan si Mino na umiiwas sa mga atake ng halimaw.

Agad na umiling si Calix na tila ba hindi magandang balita ang kaniyang dala.

"May pag-ibig ngunit matindi ang pagnanais na makalimot," makahulugang saad ni Calix sa matanda na marahan na ding umiling dahil sa nalaman.

"Maraming salamat Calix dahil sa pagpapaalam sa akin ng nangyayari, maaari ka ng bumalik pansamantala sa ating mundo, ako na ang bahala sa lalaking ito," marahan na turan ng matanda na agad tinanguhan ng prinsipe bago ito tumalikod at nagsimulang umalis.

"Sandali lamang," agad na pagpigil ng matanda sa tuluyang pag-alis ng prinsipe. "Umiibig ka pa rin ba sa aking apo?" makahulugang saad ng matanda at magaan na ngumiti ang prinsipe.

"Patuloy akong umiibig ngunit batid ko na lamang kung hanggang saan ang hangganan nito, batid kong may pag-ibig na para sa akin, isang pag-ibig na tanging para sa akin lamang."

Mino's P.O.V

"Calix?" I called his name and look around the darkness that's embracing me. I tried to ignite my eyes even more to see something but it's useless.

What kind of game is he playing right now? Hindi pa ako nagtatagumpay sa isa ngunit mayroon na namang panibago.

Akma ko na sanang tatawagin siyang muli ngunit tila nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. No! It's not Olaf! Batid ko ang mas malakas na presensya na aking nararamdaman.

Tila kinikilabutan ako sa aking nararamdaman. Agad akong natigilan dahil sa nag-uumapaw na enerhiya na aking nararamdaman sa aking paligid. Batid kong tila mas malakas sa akin ang kung sino man ang naririto.

"Tell me what you're dreams are all about," an old and raspy voice stated, causing me to alert myself and look around sharply.

Who's that? His voice, his presence, his power, all of that is unfamiliar to me.

"Sino ka?" agad kong tanong ngunit hindi sagot ang aking natanggap kundi panibagong tanong. "Anong laman ng mga panaginip mo?" muli nitong tanong sa matanda nitong tinig.

"Show yourself!" I demanded firmly ngunit agad akong napatingin sa presensya sa aking likuran. Bumungad sa akin ang isang anino na hindi ko makita ang tunay na kabuuan.

"It saddens me to see you this weak," he started. "I remember seeing you as the strongest being that I have ever seen," makahulugan niyang saad na agad ikinakunot ng aking noo.

Another puzzle? I fucking hate puzzles!

"Let's play shall we? Your majesty!" he stated at agad akong nasilaw nang biglang magliwanag ang kaniyang kabuuan.

Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata nang maramdaman kong wala na ang nakakabulag na liwanag at agad akong natigilan sa aking nakita.

"I don't get all of this Mom! Dad!" agad niyang sininghalan ang dalawang nilalang na nasa kaniyang magkabilang gilid habang matalim ang paninitig niya dito.

Agad akong naguluhan dahil pamilyar ang pangyayaring ito ngunit may mali! May malaking pagkakamali sa nangyayari.

I looked at my sides when I felt a presence at lalo lamang akong naguluhan dahil muli kong nakita ang tiyuhin at ang ina ni Vreihya ngunit ako ngayon ang nasa pagitan nilang pareho na batid kong hindi ko kinalalagyan nang mangyari ang ganitong pagkikita namin noon.

I looked at myself and I was stunned once more when I am the one who's wearing a red and long cloak with my face being covered with a piece of fabric.

"Last time I check you want me to dump my boyfriend dahil sa ayaw ninyo akong ikasal and now you're telling me this!" naramdaman ko ang galit sa kaniyang tinig at hindi pa din ako makapaniwala na tumitig sa binibining mukhang magwawala na nang husto.

I saw her, wearing a floral dress, being as beautiful as I used to remember habang tila namumuo na ang kaniyang mga luha at matindi ang galit na ipinapakita. I saw my parents na tila tumatayong mga magulang niya ngayon.

What the hell is this? Why the hell we switched our position?

"Vreihya?" I quickly called her name ngunit agad siyang humakbang palayo na tila kinikilabutan nang magtagpo ang aming mga mata. Agad siyang nawalan ng balanse dahil sa panginginig ngunit agad siyang inalalayan ng aking ama na siyang tumatayong ama niya ngayon.

I saw horror in her eyes at ang matinding kagustuhan na tumakbo papalayo sa akin.

"You want me to marry a freaking monster?" she yelled with fear habang tuluyan nang nangatal ang kaniyang katawan. Dahil doon ay nabatid ko na kung bakit siya natatakot, I can literally feel my pupils thinned out into slits.

"Gusto niyo ba ako mamatay Mom? Dad?" tuluyan ng bumuhos ang masaganang luha sa kaniyang mga mata habang halos hindi na siya makatayo nang buong tatag.

Agad akong nakaramdam ng tila pananabik na patigilan siya sa pag-iyak at siguraduhin na hindi ko siya sasaktan ngunit pinigil ko ang aking sarili. No Mino! Maybe this is for the better! Maybe this is a better version of what happened upang hindi ka masaktan.

This is where everything started, this is the turning point kung saan napunta ako sa kanilang mundo at nahulog nang husto sa kaniya. Maybe this is better rather than giving myself a chance to be used and hurt again.

"Let her go," I ordered at sa kung ano pa man na dahilan ay mabilis siyang tumakbo palayo sa amin.

"Anak? Anong ginagawa mo? Hindi siya maaaring makaalis!" agad na usal sa akin ng reyna.

"Mino! What are you doing? You need her right now!" matigas na turan sa akin ng tiyuhin ni Vreihya na siya ngayong tiyuhin ko. Damn! Whatever's happening right now is giving me a headache!

"Let her-" agad akong napatigil at napasapo sa aking dibdib dahil sa bigla itong kumirot.

"Mino!" agad na tawag sa akin ng reyna at ng kaniyang kapatid dahil sa bigla na lamang akong napaluhod sa sahig dahil sa tila patalim na tumarak sa aking dibdib.

No! Not this pain again! Agad kong naikuyom ang aking kamao sa aking dibdib habang tila pinupunit ang aking dibdib sa bawat pagtibok nito.

Tila sa mabilisang paglayo niya sa akin ay mas lalong sumasakit ang aking dibdib. Damn it!

"Habulin mo siya Alonzo!" agad na utos ng reyna sa kaniyang kakambal habang nagsisimula ng manginig ang aking katawan at manlabo ang aking paningin.

Akma na sanang aalis si tiyo Alonzo ngunit mabilis kong nahawakan ang kaniyang palapulsuan. "No! Let me!" nahihirapan kong usal at pinilit ko ang aking sarili na makatayo at mabilisan akong tumakbo gamit ang aking bilis upang mahabol ko siya.

Bahagya pa akong nawawalan ng balanse dahil sa pagsakit nang husto ng aking dibdib ngunit agad ko siyang nakita na papasok sa malawak na kakahuyan palayo sa mansyon.

With the deadly pain on my chest and the urge to get closer to her, I quickly grab her on her waist and pinned her against a large tree.

Mabilis siyang napatili dahil sa takot at mabilisan na nagpupumiglas upang bitawan ko siya ngunit hindi ko na mapigilan ang aking sarili.

I just want to get rid of this pain kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at inilabas ang aking matatalas na mga pangil.

Mabilis kong kinagat ang kaniyang leeg at dahil dito ay namutawi ang kaniyang takot na takot na tili sa buong paligid.

Damn it! What the hell is happening?

Bakit tila bumaligtad ang lahat?

Next chapter