webnovel

SANCTUARY

Third Person's P.O.V

The Sanctuary... A paradise for those creatures that had triumph to fight the strong urge to drink blood. Everything is dream-like while it is surrounded by a magical force-field that hid the Sanctuary from the rest of the vampire world. Trees are ever so standing strong with its mossy trunks while its leaves can have all the colors of rainbows depending of the rarity and classifications.

The grassy lands are all green but shades of gold can be seen as well. The rivers and other bodies of water is calm and soothing with crystal clearness where fishes with different sizes, species and colors have found their forever home. The wind is gentle on everything that it touches and sometimes it's embrace can be felt that warm up every broken and chaotic soul.

Every corner of this paradise is beauty and elegance like everything was curved by the most skilled sculptor. The silence of peace is like a music played by the greatest musicians. Every eyes that are blessed enough to lay their eyes on this place will feel like being enchanted like staring at the most beautiful woman they had ever seen.

That is what Vreihya used to see and feel when she first stepped her feet and laid her eyes on this place where she started to have her nightmares came to life. Tila muling nagpupuyos ang kaniyang dibdib habang nagpapalitan ng paninitig sa babaeng matagal-tagal na niyang hindi nakita ngunit kailanman ay hindi na niya ninais pa na masilayan.

A place like this beautiful requires a goddess that is its equal but what standing in front of her is beyond that beauty. The lady that can look like as young as the princess but way older that her by centuries is showcasing her eternal beauty while wearing a gold tight backless long dress with a touch of white like a scattered paint.

Her skin is as white as it can get while her lips where bloody red in color. Her foxy eyes that beautifies her purple colored eyes and pointy nose where a compliment for her overall appearance. She is screaming elegance but the sly smile that is forming on her lips gave away her dangerous personality. Her arms are crossed together but she is standing with such grace and authority.

"Circa," mahinang tawag sa kaniya ng prinsesa na ilang beses pinigil ang kaniyang sarili na suminghal. "You have a man with you that's a bad move," saad ng diwata ng sangtwaryo kasabay ng kaniyang marahan na pag-iling. "Don't ever lay a hand on him!" madiin na saad ng prinsesa at iniangat niya ang kaniyang kamay upang ihanda ang sarili ngunit agad siyang natigilan sa kaniyang naalala.

Hindi gumagana ang anumang mahika sa sangtwaryong ito. Katulad na lamang siya ng mga ordinaryong bampira kung aapak siya sa lugar na ito. Agad siyang napatingin ng mas madiin sa kausap dahil sa nakakalokong pagtawa nito. "You knew very well that laying a single touch on him is not necessary to put him in danger as well as the child," she smirked and looking at Vreihya with the same belittling look she always gives her.

Dahil dito ay agad na tumingin si Vreihya sa kaniyang likuran at nasaksihan niya kung paano tila tulala si Mino at si Kypper. She knew very well that their minds are being played right now. Naikuyom niya ang kaniyang palad at mabilis na lumapit sa dalawa. She touched Mino's shoulder and shook it slightly. Agad na tila bumalik sa wisyo si Mino. "Listen to me Mino. I hope you have a strong mind," seryoso nitong bulong.

"I saw my parents! They are here to get me," tila tulala pang pahayag ni Mino habang nagsisimula namang umiyak si Kypper. "Ama! Hindi na po ako uulit huwag niyo po ako saktan!" agad na napasalampak sa sahig ang tulalang bata habang makailang ulit ng pumatak ang masaganang luha sa kaniyang mga mata.

"Leave the kid out of this!" mabilis na singhal ng prinsesa sa diwatang inaayos ang kaniyang mahaba at kulot na puting buhok na siyang bahagyang hinangin. "Ang lugar na ito ay kayang makita ang mga bagay sa iyong nakaraan, kasalukuyan at maging ang mga bagay na kinakatakutan at inaasam. Kailangan ang mga iyan upang lubusan na makilala at makuha ng isang nilalang ang katahimikan. Kailangan nilang harapin, labanan at tanggapin ang bawat parte ng kanilang pagkatao upang lubusan na tanggapin ng sangtwaryo," prente lamang niyang pagpapaliwanag.

"You knew that very well Vreihya," she added and her sly smile appeared again. Hindi na siya pinansin pa ng prinsesa dahil wala na siyang magagawa pa. This place is indeed mind bending and she knew that from experience. "So he's a human," malamig na pahayag ng diwata. "Wrong choice," she added.

"I know," mataray na pahayag ng prinsesa na siyang ikinangisi ng diwata. Sa pagkakaalam ng prinsesa ay walang kahit anong nalalaman ang mga nilalang na nasa loob ng sangtwaryo sa kung ano ang nangyayari sa labas. Lubusan na nilang inihiwalay ang kanilang sarili sa mundo ng mga bampira. Lahat ng bagay na patungkol dito ay matagal na nilang tinalikuran.

Lahat ng mga pumapasok sa paraisong ito ay kailangang magdaan sa matinding paghihirap na mental upang tansyahin kung may kakayahan silang manatili at kung gaano kalalim ang kanilang kagustuhan na talikuran na lahat ng mga bagay na minahal nila sa mundo ng mga bampira. Ilang segundo silang natahimik ngunit tila nangunot ang noo ng diwata dahil sa nasaksihan niya patungkol kay Mino.

"What in the name of the Goddess is this?" agad niyang naguguluhang tanong habang nakatitig sa mga mata ni Mino. Hindi naman maiwasan ni Vreihya na mapatanong kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "That's peculiar," namamanghang saad ng diwata ngunit unti-unti itong napalitan ng nakakalokong tawa na hindi nagustuhan ng prinsesa.

"Para saan ang reaksyon na 'yan?" madiin na tanong ng prinsesa. "I will enjoy playing with his mind," saad ng diwata at mas lalong umingay ang kaniyang nakakalokong tawa na hindi pa din inaalis ang kaniyang paninitig sa mortal at sa kaniyang kumpas ay tila robot si Mino na inalis ang makapal at mahabang kasuotang pangmangangalakal na siyang nagpalabas ng kaniyang makisig na katawan sa likod ng kasuotang pangmaharlika.

The moment he removed the piece of fabric that is covering his face ay mas lalong napangisi ang diwata. Hindi niya maitatanggi ang kaakit-akit na anyo ng lalaki. His almond shape eyes and dark brown eyes together with that thick eyebrow. Mahahaba din ang mga pilik mata nito habang napakaganda ng pagkakatangos ng kaniyang ilong. Those pinkish lips and define jaw line is out of ordinary.

Tila hindi naman nagugustuhan ni Vreihya ang paraan ng paninitig ng diwata sa kaniyang kapareha. "A very beautiful man," agad na usal ng diwata. "He's mine!" mabilis naman na usal ni Vreihya na siyang ikinatawa ng diwata. "No! Vreihya! Batid kong hindi mo pa lubusang tanggap ang bagay na 'yan. I can read through your deepest desire and what ifs," tila natahimik naman si Vreihya dahil sa sinaad ng diwata.

"He will never be yours," madiin nitong saad sa kaniya ngunit pakiramdam niya ay wala siyang kayang isagot. She knew very well na wala siyang kayang itago sa diwata ng lugar na ito. Lahat ng bagay ay kaya niyang maungkat. "He will never be yours hanggang iniisip mo na hindi nararapat sa pagmamahal mo ang isang tao," tila nasemento na lamang ang prinsesa sa kaniyang kinatatayuan.

"He will never be yours hanggang hinihiling mo na sana si Calix na lang," madiin na saad ng diwata habang hindi na niya mapigilan ang mapangisi dahil nakita niya kung paano tila hindi makapag-isip nang maayos ang prinsesa. Alam niya lahat ng mga bagay na iniisip nito na siyang pumipigil na lubusang mapasakanya ang mortal at batid din naman niya na kahit si Mino ay hindi din karapat-dapat kay Vreihya hanggang nasa ganoong estado din ang kaniyang pag-iisip.

"This is interesting! You're going to have troubles with your future while this magnificent mortal will have trouble from his past," tila lubusan na ang kasiyahan ng prinsesa sa dalawang nilalang na kaniyang nakikita samantalang patuloy naman si Kypper sa pag-iyak habang sumasariwa sa kaniya ang mga kalupitang naranasan niya.

"You're indeed for each other! Both of you are mentally and emotionally broken!" tila batang nakatagpo ng panibagong mga laruan ang paraan ng pagkakabigkas ng diwata. She is getting too excited for this. Walang mapagsidlan ang kasiyahan niya na makita ang dalawa at halukayin ang bawat piraso ng kanilang isip. Mas higit na niyang nakikilala ang lihim ng bawat isa. May mga bagay na siyang natuklasan na kahit sila mismo ay hindi ito nalalaman.

"I will enjoy our playtime," nakakapanloko nitong pahayag kasabay ng isang halakhak. Nasa kalagitnaan siya ng ganitong kasiyahan ng bigla niyang mabatid ang tila malalim na sugat na gumuhit sa kaniyang leeg. Agad na nawala ang kaniyang pagtawa at napalitan ito ng sakit habang nakikita niya ang prinsesa sa kaniyang tabi na may bahid ng dugo sa kaniyang kuko.

Hindi pa man siya nakakabawi sa ginawa nitong atake ay agad siyang sinakal nito at iniangat mula sa kaniyang kinatatayuan. "Before we begin to play..." malamig na panimula ng prinsesa sabay tingin sa kaniya na may nagniningas na mga mata. "...where are you?" seryoso nitong saad at kasabay nito ay unti-unting naglaho ang diwata na tila naging isang manipis na usok na tuluyang naglaho sa hangin.

"You caught my illusion," prenteng pahayag ng diwatang nakasandal sa isang malaking puno at hindi maialis ang paghanga sa prinsesa dahil sa nahuli nito na replika lamang ang diwata na kaharap niya kanina. Prente lamang na tumingin sa kaniya ang prinsesa habang ipinupunas nito sa kaniyang kasuotan ang dugo ng pekeng diwata kanina.

"Welcome back Vreihya are you willing to finish what you started this time?" she said seriously while her signature sly smile registered again.

Next chapter