webnovel

16

Flashback

"Akala ko ikaw ang nagpapunta sa akin rito. Ang sabi kasi sa akin ni Mis-"

Napahinto ako sa tangka pang pagsasalita nang batuhin ako ni Cholo nang isang tingin na nagsasabing tumahimik na ako. Tumayo ito sa kinauupuang kama at marahas na sinuklay ang buhok. Nagpakawala ito ng isang frustrated na hininga bago bumalik din sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Nakabihis na ito kaninang hablutin niya ako papasok sa silid.

Agad na nagyuko ako ng ulo nang dumako na naman sa akin ang tingin niya. Noong una ay hindi ko pa alam kung ano ang kinasasadlakan kong problema hanggang sa higitin niya ako pabalik sa loob ng kwarto paalis sa harap ng hugpong ng mga tao na walang habas ang pagkuha ng mga larawan at pagtatanong ng mga bagay na wala akong kaide-ideya at ipinaliwanag ang maaring kahinatnan ko. Ngayon ko lang nalaman na kumakandidato pala sa pagka-mayor ng lugar ang ina nito kung kaya't mainit ang mga mata ng kabilang partido sa buong pamilyang Gastrell. At ngayon nga ay matagumpay silang nakahanap ng baho na maaaring ikasira ng kandidatura ng ina nito.

"Were you really that stupid to believe the friend who also recruited you into prostitution? Bakit naman kita hahanapin? Ni hindi ka tumupad sa pinag-usapan natin. I told you to wait for me but when I got back in the hotel, there was not even a shadow of you."

Hindi naman ako nainsulto sa mga sinabi niya. Ipinakita niya lang kasi sa akin ang katotohanan na hindi dapat ako basta-basta nagpapaniwala sa mga sinasabi ng iba gaya ng ginawa sa akin ni Missy. Nahulog kaming dalawa sa patibong ng mga kalaban ng pamilya nito sa pulitika.

"Pasensiya ka na dahil hindi na ako naghintay pa sa iyo noon. Wala na kasi akong nakikitang dahilan para hintayin ka pa. Binayaran mo na ako. Sobra-sobra na nga iyong tulong mo sa akin kaya bakit pa ako maghihintay sa iyo? Para ano? Para humingi pa ng pera? Kalabisan na iyon. Tama na sa akin ang ibinigay mo. Napakalaking tulong na iyon para mapalabas ko ang kapatid sa kulungan at mabayaran ang mga bayarin ni tatay sa ospital."

Kita ko ang awa sa mukha nito nang mag-angat ito ng tingin sa akin. Nawala ang inis sa ekspresyon nito at pumalit ang pang-unawa.

"I have known that you have your own reasons for doing that that night. I... I am sorry for my mean words to you."

Nagbuga ito ulit nang hininga. "I just don't really know how to deal with this consequence now."

Tiningnan ko si Cholo na hindi na malaman ang gagawin mula sa pagpipindot nito sa hawak na cellphone. Naiintindihan ko siya sa bagay na hindi mo alam kung papaano aalis sa isang komplikadong kinsasusuungan na sitwasyon. Palagi akong ganiyan sa tuwing aatakehin si papa at ni wala akong ni singkong duling sa bulsa. Pero kung may isa man akong natutunan sa mga pagkakataong iyon, iyon ay ang isiping pagsubok lang ito. Pasasaan ba at malalampasan ko rin ito.

"Ano ba kasi ang maaaring gawin nila sa mga pictures na iyon? Binata ka naman. Wala kang sabit kaya bakit ganun ka na lang ka-aligaga?"

Tumaas ang sulok ng bibig nito sa tanong ko pagkuwan ay gumuhit ang ngiti na salat sa kasiyahan.

"You know Cerro Roca. It's a very conservative town and my mother has consistently painted her image of our family as all saints. Those pictures might blow away the political career of my mother which I know that she will take on me. It's what she has ever wanted, being politician, and now I just buried her dreams in the ground."

Nilimi ko ang mga narinig. Tunay ngang napakakomplikado ng sitwasyon nito ngayon.

"Pasensiya ka na. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako pumayag pa na bumalik rito."

Hindi ko na idinagdag na isa sa dahilan kung bakit agad akong pumayag sa alok sa akin ni Missy ay para makita ko rin uli siya dahil aminin ko man sa sarili o hindi, ang katotohanan ay araw-araw kong pinapangarap na muling makita ang binata na nagkaroon na nang malaking puwang sa puso ko.

"May suhestiyon sana ako kung hindi mo mamasamain."

Hindi ito kumibo sa sinabi ko pero ibinaba nito ang cellphone sa kama at magkasalikop ang kamay sa gitna ng hita na tumingin siya sa akin. Sinalubong ko ang abuhing mga mata nito at sinubukang hindi makaramdam nang panlalambot kahit animo parang tinatambol na ang dibdib ko sa bilis ng pintig nito.

"Pwede mong sabihin sa kanila na nobya mo ako. Sa paraang iyan, hindi na sila gagawa pa ng issue sa iyo kasi nga 'di ba, sila pa ang magmumukhang tanga kung palalakihin pa nila ang simpleng pagkikita ng dalawang magkasintahan."

Hindi ito uli umimik. Patuloy lang siyang nakatitig sa akin habang tinitimbang sa isip ang suhestiyon ko.

"That is actually good but as I've said, this electorate is very conservative. Big deal pa rin sa kanila ang ganito. The media can put up a spin about it. They can sensationalize it all they want every single day until the election."

Mas tumiim pa ang titig niya sa akin.

"Kari-"

Naputol ang sasabihin sana niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang eleganteng ginang na sa tindig pa lang at sa arko ng kilay ay kilalang-kilala ko na.

Napatayo kaming dalawa ni Cholo.

"Ma," tawag nito sa ina sa kabadong boses.

Tuluy-tuloy na pumasok si Mrs. Teodora Gastrell sa silid at hinarap ang anak. Ni hindi niya ako pinagkaabalahan pa na tapunan ng sulyap.

"You disappoint me, son. You of all people should know how this election means to me. Look at what kind of mess you just made. This damage will be irreversible."

Napansin ko ang mapait na pagngiti ni Cholo bago nito iyon agad na itinago. Akala ko nga namamalikmata lang ako pero sigurado ako sa nakita.

"Don't worry, mom. You don't have to do anything regarding this matter. I take full responsibility for this mess. I'll fix this this instant." Nilingon ako ni Cholo at inilahad ang palad sa akin. Napatda ako sa ginawi nito kaya hindi ako agad na nakakilos. Nabaling ang tingin sa akin ng ina nito na harap-harapan akong pinasadahan ng isang nang-aarok na tingin.

"Karina, come here babe."

Mas lalo lang akong itinulos sa kinatatayuan sa itinawag nito sa akin. Inuulit ko pa sa isip ko ang narinig dahil baka dinadaya lang ako ng pandinig. Tumalim ang tingin ng ina nito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Hindi pa rin ako kumikilos at parang tanga lang na nakatunghay sa dalawa kung kaya't parang walang isip na nagpahila na lang ako kay Cholo nang kunin niya ang kamay ko at iginiya paharap sa ina nito. Inakbayan niya ako at hinapit sa bewang na hindi nalingid sa matalas na mata ng ina nito.

"I'll marry Karina today and announce to the whole town that she has been my wife for a year now. In this way, wala nang maibabato pa sa iyo ang kalaban."

Halatang nabigla ang ina nito sa narinig. Agad itong umiling habang hawak ang ulo. Tuluyan na rin akong napipi at hindi malaman ang gagawin dahil sa biglaang bomba na ibinagsak nito.

Silang dalawa ni Cholo? Magpapakasal? Parang sa panaginip niya lang ito nangyayari.

"You can't be serious to actually do that! You will marry a prostitute, a whore?! You must be out of your mind and I will not let you do that. Do not drag our family's name into the mud that this woman is surely coming from."

Nagyuko ako ng ulo para itago ang pamumula ng mukha dahil sa hiya. Naramdaman ko ang paghigpit ng lapat ng kamay ni Cholo sa bewang ko.

"I won't marry her legally. It's all for the show, mom. I just have to show some fake documents to prove that she is indeed my wife. And aren't you thinking? Your ratings will go up in the survey once the media picks up the story that I married a simple poor girl like her. Imagine how that would make me a savior of her which would boost your political standing. Aminin na natin. Everyone is fascinated with a Cinderella-like story and she is the perfect girl for the role. You could tell the media how I chose to hide her identity to protect her, something in the line like that. This is what I think is the best management crisis we can come up now."

Tuluyan na talaga akong natulala at hindi makaimik sa kinatatayuan. Parang wala ako sa tabi nito sa paraan niya ng paglalahad ng mga gusto niyang mangyari. Para ngang sa tono niya ay wala na akong magagawa kundi magpatianod dahil siguradong-sigurado na ito sa plano. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero hindi niya ako hinayaan kaya mas iniyuko ko na lang ang ulo dahil sa kawalang-magawa.

"The idea is brilliant but I have to make sure that this girl will not take advantage of the situation. Young lady, give me your name," maawtoridad na utos ni Mrs. Gastrell.

Pinisil ni Cholo ang braso ko na para bang ini-engganyo akong sumagot. Huminga muna ako nang malalim at nilunok ang bara sa lalamunan bago nag-angat ng tingin sa mapagmatang mukha ng donya.

"K-Karina po," mahina kong tugon.

"I need your whole name. Your surname?" matigas na tanong ng ginang.

Ipinahid ko muna ang namamawis na kamay sa laylayan ng damit bago ko nahanap ang boses para sumagot.

"Karina Versoza," maikli kong tugon.

Seryoso pa rin ang mukha na pinasadahan niya uli ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa pagtaas pa lang ng kilay nito ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang nakikita. Pasimple kong hinila ang tela ng damit pababa nang tumagal ang tingin niya rito.

"Jex," tawag ng ina ni Cholo mula sa pinto. Pumasok ang isang nakauniporme na matangkad na lalaking walang kaemo-emosyon ang tabas ng mukha.

"Get me all the information you can find about this Karina Versoza. I need it tomorrow."

Tumango lang ang tinawag nito na Jex na sa hula ko ay kasama sa security aid ni Mrs. Gastrell na ni hindi tumingin sa direksiyon ko. Ang tingin nito ay nasa amo lang.

"Yes, madam."

Bumalik sa akin ang tingin ng ina ni Cholo saka tinaasan ako ng kilay.

"Starting from now, you are not Miss Versoza anymore. You are now Mrs. Gastrell so I expect you to act like one." Tiningnan nito ang anak. "Mag-uusap tayo sa bahay."

Iyon lang at poised na naglakad ito palabas sa pinto kasunod si Jex. Naiwan kaming dalawa ni Cholo na sabay na nagbuntunghininga.

Hindi ko alam kung papaano nangyari ang mga nangyari na. Ang alam ko lang ngayon ay mas gugulo pa ang sitwasyon sa mga susunod na araw.

Next chapter