webnovel

SIRENES PT.2

"Kung ganun? Paano naman nababalik sa pagiging buntot ang mga paa nila?" tanong ko

"Tanong din ba yan na nakasulat dyan?" tanong nya sakin

"Hindi, personal ko ng tanong to, na cucurious ako bakit parang alam na alam mo" kunot noo kong sagot sa kanya.

"Nagiging buntot ulit ang mga paa ng isang sirena kapag tumapak o lumusong ulit sila sa dagat" nakangiti nyang sagot kaya mas lalong tumindi kabog ng dibdib ko, naalala ko yung sinabi nya sakin nun na bilin sa kanya ni Ezra wag lulusong sa dagat kapag may taong kasama.

"Bakit natulala ka? May problema ba?" tanong nya sakin kaya napailing ako.

"Wala, wala, next question" sagot ko na lang pero yung mga kamay ko nanginginig na sa kaba.

"Nauutusan ba nila ang mga alon?" tanong ko, bigla naman ako ulit napabaling ng tingin sa kanya, naalala ko yung ginawa nya kanina.

"Gaya ng nakita mo kanina, nauutusan ko ang mga alon sa pamamagitan ng pag humming ng isang musika" sagot nya, habang palalim ng palalim ang mga tanong ko, mas lalo lang ako naliliwanagan ng mga bagay na pumupunto sa kanya ang mga sagot.

"Sige sige, sabihin na lang natin oo" sabi ko habang pailing iling, hindi, hindi totoo ang mga sirena, mas lalong hindi ako naniniwala na isa sya.

"Nakakausap ba ng sirena ang mga lamang dagat?" tanong ko, medyo lumapit naman sya sakin at ipinatong yung noo nya sa noo ko.

"Pumikit ka" sabi nya sakin, kaya sinunod ko na lang sinabi nya at pumikit.

Napaigtad at napamulat naman ulit ako bigla sabay taas ng paa ko dito sa upuan nung may nakita akong nakakakilabot na imahe, napatingin naman sya sakin tapos ang lungkot ng mata nya.

"Azaria, tao ka ba??" kabado ko na tanong sa kanya, umupo naman sya ng maayos at napatungo, bigla naman napalitan ng kirot yung kabang nararamdaman ko dahil bigla ako naawa aa kanya, kaya dahan dahan ko binaba yung paa ko at tumingin sa kanya.

"Sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala na nag eexist ka, kayo, sa tinagal tagal ng panahon hindi ko alam na meron pala talagang nabubuhay na kagaya nyo" mahinahon ko na sabi sa kanya.

"Sabi ni Ezra delikado ang mga mortal, oras na makita nila ang mga kagaya namin, hindi sila mag dadalawang isip na patayin kami at pag experementohan, pero nung nakita kita, alam kong iba ka sa kanila, iba ang naramdaman ko sayo" paliwanag nya, kaya yung takot na nararamdaman ko kanina biglang napalitan ng tuwa, lumapit naman ako sa kanya at medyo lumuhod sa harapan nya saka ko hinawakan yung malambot nyang palad kaya napatingin sya sakin.

"Pinapangako ko, walang makakaalam na iba tungkol sayo, hindi lang talaga ako makapaniwala na totoo kayo" sabi ko sa kanya, tapos yung nararamdaman ko, sobrang pag kaexcite na, sa hinaba haba ng panahon, ako ang una nakadiskubre. Hinding hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol sa kanya, lalong lalo na sa ama ko.

"Sino yung isang sirena na pinakita mo sakin kanina?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman sya sakin

"Si Ezra" sagot nya, ah , so yun pala yung sinasabi nyang Ezra, medyo creepy yung itsura nya, tumayo naman ulit ako at umupo, saka nag tanong ulit sa kanya.

"May kakayanan ba kayo na mag pahi ng memorya ng isang tao?" tanong ko, yung na eexcite na ako sa mga isasagot nya.

"Kaya namin magpahi ng memorya kung gugustuhin namin, titignan lang namin kayo sa mata" sagot nya, kaya napanganga ako. Wow just wow.

"Whooow, pero wag mo papahiin memorya ko tungkol sayo ha! Ayaw ko makalimutan kita" sabi ko sa kanya kaya napangiti sya sakin habang natango.

"Ngayon ko lang naramdaman tong pakiramdam na to sa buong buhay ko, hindi ko alam na yung hinahanap kong pagmamahal sa isang tao, sa ibang nilalang ko mararamdaman" nakangiti kong sabi sa kanya, kaya walang paglagyan yung mga ngiti nya.

"So, natutulog ba kayo?" tanong ko ulit.

"Ipipikit lang namin saglit ang mga mata namin, ganun lang kami matulog" sagot nya.

"Ahhhhhhh, so ibig mo sabihin kanina natulog ka?" gulat kong tanong sa kanya, ngumiti naman sya at tumango, wow, hindi talaga ako makapaniwala na dadating sa gantong pag kakataon na isang tunay na sirena talaga ang matatanong ko.

"Ano ang kinakain nyo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Seaweeds" sagot nya kaya napatawa ako.

"Ahhh haha, kaya pala nung nakatikim ka ng mushroom gulat na gulat ka sa lasa" sabi ko, tumango tango naman sya sakin habang nakangiti.

"Paano kayo nag - aaral?" tanong ko ulit.

"Hindi kami nag aaral, pag kanta lang ang alam namin" sagot nya

"So paano ka natuto tumugtog ng piano???" taka kong tanong

"Natutunan ko habang hawak ko yung piano ng mama mo, may kakayanan kaming makita ang memorya ng isang tao sa pamamagitan ng pag hawak sa mga bagay na gamit nila, may kakayanan kaming iadopt yung mga bagay na alam nila" sagot nya kaya napanganga na naman ako.

"Alam mo Azaria, hindi talaga ako makapiwala" sabi ko habang hawak ulo ko, hindi mag sink-in ng matino sa utak ko yung mga sinasabi nya, nakakamangha na kung papaano.

"San parte kayo ng dagat nakatira?" tanong ko ulit.

Next chapter