webnovel

Kabanata 6: Paglalakbay sa Lupang Biyaya.

Naglakbay na ang grupo kasama si Emmanuel habang sa paglalakbay papunta sa lupang biyaya.

Emmanuel: Nakakapagod naman malayo pa ba tayo sa lugar nayon??.

Ethan: Konting tiis nalang medyo malapit lapit na rin tayo.

Emmanuel: Medyo lang?  Kala ko ba naman malapit na oo nga pala may itatanong ako.

Ethan: Oh... At anu naman yung itatanong mo?.

Emmanuel: Anung klaseng lugar ba yong pupuntahan naten nakapunta ka na ba sa lugar na iyon?. At tsaka pano mo nalaman yung lugar na iyon?.

Ethan: Ang sabi sa alamat maraming tao sa lugar na iyon at iyon daw ang lupa na binigay ng. Nakatatas sa mga tao para hindi sila mahabol o mahuli ng mga demonyo at tsaka doon nakatira ang Elemental Master.  Nalaman ko lang naman yung lugar na iyon dahil sa kwento ng lolo ko nung bata pako at nakasulat rin iyon sa mga libro. Ang akala ko nga hindi ko mapupuntahan ang lugar na iyon pero dahil sa tulong mo magkakatotoo ang hiling ko salamat.

Emmanuel: Hay anu kaba wala yun ako nga dapat magpasalamat sa inyo kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dahil sa inyo alam kuna kung saan at paano ako mag sisimula.

Ethan:Magsisimula?? Anung ibig mong sabihin.

Emmanuel: Wala wala at tsaka isapa wag muna kayong magpasalamat wala pang kasiguraduhan na mapupuntahan natin ang lugar naiyon.

Mapayapang nag uusap amg dalawa hanggang sa..

Tug Tug!

Emmanuel : Tignan nyo! may babaeng bumagsak.... Tulungan naten.

Salaysay: Agad agad naman nilang pinuntahan ang kinaroroonan ng  babaeng bumagsak

Ethan: Buhay panaman siya medyo mahina ngalang yung pulso nya.

Emmanuel: Umalis ka dyan at may susubukan ako... Kayung lahat mag bantay kayo sa paligid baka may sumusunod sa aten. Sana naman gumana tong gagawin ko eto yung napanood ko sa avatar eh yung healing technique ng mga water bender. Pano nga ba alam kuna!  Ilalagay ko lang yung kamay ko don sa may sugat and then gagamitan ko ng tubig?.  Ah basta ewan.

Salaysay: Makalipas ang ilang sandali.

Emmanuel: Oh?  Bat wala paring nangyayare elemento ng tubig iyo'y  pagalingin ang sugat ng binibining ito.

Salaysay: Agad agad sinunod ng elemento ng tubig ang kanyang pinapagawa kung kaya't gumaling ang babae at nagkamalay ito.

Babae: Bastos ka!!

Emmanuel: Aray... Bat mo naman ako sinampal grabi kanaman.

Babae: Eh bat mo hinahawakan yung dibdib ko?.

Emmanuel: Ay dibdib mo pala yan akala ko likod mo heheh pasensya na.

Babae: Kalalaki mong tao wala kamanlang galang sa isang babaeng tulad ko!.

Salaysay: paulit ulit na sinampal ng babae si Emmanuel hanggang sa pinigilan siya nito.

Emmanuel: Tama na..Binibini  baka hindi mo ho alam na ako ang naglitas sayo hinahawakan ku lang yang dibdib mo para pagalingin ka. Ginamitan nga kita ng healing technique. Tas sasabibin mo minamanyak kita. Aba hindi naman ata tama yan na ganyan ang gawin mo.

Babae: Ang dami mong palusot! Bat ako maniniwala sayo walang dahilan para maniwala ako sa iyo no sa sinasabi mo palang na yan hindi kana kapanipaniwala.

Emmanuel: Oh? anung ibig mong sabihin sige nga sabihin mo nga yung mga rason kung bat hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko.

Babae: Una hindi kita kilala. Pangalawa tulad nga ng sinabi ko yung mga kamay mo nakalagay sa dibdib ko. At ang pinakahuli sa lahat wala sinu man ang nakakagamit ng healing technique maliban nalang kung may Light element ka o Gift  para makagamit non.

Emmanuel: Ganun pala pero.

Babae: Ano hindi ka makapagsalita  kase totoo yung sinasabe ko?.

Emmanuel: Huwag kang magsalita ng tapos... tignan mo yung mga sugat mo sa dibdib mo.

Babae: Aba nawala nga.. Ibig sabihin totoo yung mga sinasabi mo?

Emmanuel: Oo

Salaysay: Agad agad na humingi ang babae ng tawad kay Emmanuel dahil sa mga nagawa nito sa kanya.

Babae: Patawad akala ko minamanyak muna ko.

Emmanuel: Sa susunod kase bago ka magwala alamin mo muna kung anung nangyare. Hindi kung anu yung nakita mo ayun yung paniniwalaan mo ayan tuloy nauwi pa sa hindi pag kakaintindihan. Hindi porket maganda ka kala mo minamanyak kana hindi kita type no.

Babae: Pasensya na... Pero matanong kulang sino kaba at paano mo nagawang pagalingin ako gumamit kaba. Ng Light Element?..

Emmanuel: Ako nga pala si Emmanuel at yung ginamit ko kanina water element lang wala kong ginamit na iba tulad ng sinabi mong Gift o light element. Ngayon ku ngalang narinig yung mga iyon.

Babae: Kung ganon taglay mo ang abilidad ng elemento ng tubig?.

Emmanuel: Mukhang ganon na nga pero maiba tayo anong ginagawa mo dito at paano mo natamo yang mga sugat mo inatake kaba. Oh sa katangahan mo lang?

Babae: May humahabol saakin. Mga demonyo sila ang mga humahabol sa aken napagkamalan nila kong isa sa mga tumakas. At dahil ito nga ang daan papunta sa lupang biyaya nauna na silang pumunta dito para ambushin ang mga nakatakas.  Kaya lang ako yung inatake nila sa akalang isa ako sa mga nakatakas.

Emmanuel: Ganon pala ang nangyare.

Babae: Hindi ko pa nga pala nasasabi ang pangalan ko ako nga pala si Bethina. Pero balik tayo sa usapan hindi ko aakalaing makakatakas ng mga tao sa lugar na iyon hindi naman kaya bumalik na ang Elemental Master para patakasin sila.

Emmanuel: Uhm Bethina may hihingin nga pala akong pabor.

Bethina: Pabor at anu naman yun?.

Emmanuel: Ano kase eh pano koba sasabihin.

Bethina: Sabibin muna anu ba kase yon? .

Emmanuel: Pwede mu bang ituru sa amin kung paano makapunta  sa lupang biyayang sinasabi mo. Kasi hindi alam masyado ng guide namin ang papunta doon kaya sa tingin ko mas maganda kung sasamahan mo kame sige na oh plssss.

Bethina: Oo naman tutal mga tao naman kayo biyaya sa mga tao ng nakatataas ang lugar na iyon kaya payag ako. Pero mawalang galang na gusto ku lang malaman kung bat gusto nyung pumunta doon alam ku naman na iyon ang huling lugar kung saan ligtas ang nga tao pero mukhang hindi lang iyon ang rason nyo kung bat gusto nyong pumunta doon.

Emmanuel: Ano kase eh eh...  Kami yung mga nakatakas na tinutukoy mo pasensya kana kung nadamag ah heheheheh.

Bethina: Totoo ba yang mga sinasabi mo baka nagbibiro kalang?.

Ethan At grupo ng mga tao: Totoo yon binibini.

Emmanuel: Nakabalik na pala kayo ano may sumusuunod ba sa aten?.

Ethan: Sa awa ng  Diyos wala naman.

Bethina: Pero paano kayo nakatakas doon ibig sabihin bumalik na ang Elemental Master?.

Emmanuel: Uh hinde ako ang dahilan kung bat nakatakas sila.

Bethina: Paano?

Ethan:Maniwala ka totoo yung mga sinasabi nya maski kami hindi makapaniwala na magagawa nya ang nagawa ng Elemental Master sa alamat. Kaya nakatakas kameng lahat.

Bethina: Kung ganon wala  akong karapatang tumanngi sa pabor mo o sige Emmanuel ako na ang mangunguna sa inyo papunta doon. Sa oras na makapunta tayo doon at dala dala ang magandang balita paniguradong matutuwa ang mga tao.

Salaysay: Nagsimula na silang maglakad hanggang sa.

Grupo ng mga tao at Ethan: Tignan nyo may usok.

Emmanuel: Usok?

Bethina: Hindi maari....

Emmanuel: Bethina baket?.

Bethina: Yung pinag mumulan ng usok doon yung lugar kung nasaan ang lupang biyaya.

Emmanuel: Kung ganon  bilisan na naten pumunta na tayo sige na pangunahan muna kame.

Salaysay: Agad agad na kumaripas ng takbo silang lahat para puntahan at alamin kung anu ang sanhi ng mga usok na iyon.

Next chapter