Takang nakatitig si Aya sa bubog na pawid sa itaas niya. Nang magmulat siya nang matai yon ang una niyang Nakita. Naguguluhan siya kung anong lugar ang kinalalagyan niya. Dahil sa labis na pagtataka. Agad siyang napabalikwas nang bangon. Nang mapansin ang di kilalang kisame nang kinalalagyan niya. Nang naupo siya sa papag, napansin niya ang silid na kinalalagyan, Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Napansin niya ang benda sa balikat niya. Natatandaan niya may sugat siya doon dala nang huling engkwentro nila sa mga fallen angel. At bago siya mapunto sa lugar na iyon, nakaharap nila si Achellion.
Achellion! Bulalas nang isip ni Aya nang maalala si Achellion. Ang alam niya kasama niya ang binata habang pinipigilan niya iton saktan ang mga kaibigan nila. Ngunit paano siya napunta sa lugar na iyon. Wala na siyang maalala maliban sa mga eksena sa rest house. Dahil sa labis na pagtataka agad niyang tinaggal ang kumot na nakalagay sa kanya saka agad na tumayo at lumabas. Nang nasa terasa siya nang kubo, Napansin niya ang pamilyar na tanawin. Di yata't ito ang kubo na tinirahan nila noon nang naassign doon ang grupo nang phoenix. Nakikita pa niya ang dating kubo nang mga babeng sundalo. Sa di kalayuan noon ay ang kubo na dating tinutuluyan nang kuya niya. At ang armory. Intact pa din ang mga mesa sa labas.
Dahan-dahan siyang bumaba mula sa kubo. Ano naman ang ginagawa niya doon? Paano siya napunta sa lugar na iyon at bakit tila nag-iisa siya. Kung si Achellion ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon bakit siya nag-iisa. Naisipan niyang maupo sa isa sa mga upuan at hintayin ang binata, Ngunit mahigit isang oras na siyang naka upo hindi pa rin ito dumarating, Dahil sa pagkabagot naisipan ni Aya na tumayo at umalis. Naisipan niyang puntahan ang abadonadong bahay nila.
"Bakit naman niya ako iniwan dito." Sumimangot na wika ni Aya saka naglakad papalayo sa kubo. "Bahala kang maghanap ngayon." Inis na wika ni Aya.
Habang nagdaraan si Aya, nakikita niyang masigla ang mga bata na naglalaro, tila wala na sa gunita nang mga ito ang alaala nang mga rebelde. May mga nakikita din siyang mga nanay na nasa isang tindahan at nag-uusap usap. Masayang nagtatawan ang mga ito. Sa nakikita ni Aya mukhang bumalik na sa normal ang lahat para sa lugar na iyon.
Nang dumating siya sa abandonadong bahay nila. Nagtaka siya dahil wala na doon ang bahay nila. Nakita niya ang bagong tayong buildin na may pangalan pa nang mga Sebastian. GInawang clinic na Dr. Gio ang dating bahay nila. Nakikita niyang sa labas nang building maraming mga nakapilang mga nanay dala ang mga anak nilang ipapa check up. Nalungkot siyang makitang wala na doon ang dating bahay nila, .
Ngunit masaya siya na ginawa itong clinic. Ang alam niya kasi, Ang clinic sa lugar na iyon ay nasa kabayanan pa. Mabuti nalang at nagtayo nang clinic doon ang butihing doctor.
"Aya?" Takang wika nang isang boses babae. Taka namang napatingin si Aya sa nagsalita. Nagulat pa siya nang makita ni si Analie. Lumabas ito mula sa clinic at naglakad papalapit sa kanya.
"Ikaw nga! ANong ginagawa mo dito? Mag-isa ka? Nakakakita ka na ba? Naliligaw ka ba?" sunod-sunod na tanong nito habang may ngiti sa mga labi. Sa nakikita niya sa dalaga mukhang masaya naman ito sa naging buhay.
Ilang buwan din silang hindi nagkita dahil lumuwas na sila sa syudad at bumalik na sila sa lola niya. "Nakita kita sa isang balita. Hindi ko akalain na lola mo pala ang may ari nang kingdom hotel." Wika nito.
Nakatitig lang si Aya sa mukha nang dalaga. Naninibago siya dahil hindi siya nito tinatarayna dati parati itong nagtataray sa kanya tuwing nagkikita sila ngunit ngayon maaliwalas na ang mukha nito.
"Bakit ka ganyang makatingin?" tanong nito dahil hindi siya sumagot.
"S-sorry. Nabigla lang ako." Wika ni Aya.
"Kung nag-aalala ka dahil sa naging nakaraan nang pamilya natin, kinalimutan ko na iyon. Pwede naman nating kalimutan iyon hindi ba?" anito.
"Hindi na naman sa akin mahalaga ang nakaraan. Mas maganda pa rin ang ngayon." Ngumiting wika ni Aya. TIyak nasasaktan parin ito dahil sa pagkakakulong nang ama nito. Hindi naman niya balak ungkatin ang nakaraan. Para sa kanya ang mahalag ay ngayon at bukas.
Hala, Lagot!" wika nang isang batang lalaki na dumating sa dating kampo nang mga sundalo. May dala itong pamingwit at Isda. Nang makita nitong bukas ang pinto nang kubo nang dating kapitan bigla itong nag-alala, INilapag nito ang isda sa mesa. Nilibot nito ang buong lugar ngunit hindi nito nakita ang hinahanap.
"Shen!" takang napatingin ang batang lalaki sa may Ari nang boses.
"Nasaan siya? Bakit bukas ang pinto? Diba sabi ko saiyo bantayan mo?" asik nito sa bata. Saka napatingin sa isdang nasa mesa. Naninggkit ang mata nito nang makita ang isda.
"Umalis ka?" tanong nito.
"Eh nang umalis ako dito. Tulog pa naman siya. Isa pa gutom na ako." Wika nito. "Saka Achellion. Huwag mo akong tratuhing bata. Bata lang akong tingnan pero magkasing gulang lang tayo." Wika pa nito.
"Hindi ka lang anyong bata. Isip bata kapa. Halika tulungan mo akong hanapin siya." Wika ni Achellion at naglakad. Napalabi naman ang bata bago sumunod sa binata.
"Hindi naman yun makakaalis sa lugar na ito. Isa pa hindi pa magaling ang sugat sa balikat noon. Pansamatalang tumigil ang pagkalat nang lason dahil sa kapangyarihan mo pero babalik din iyon Bakit hindi mo nalang siya ibalik sa kanila. Sino ba siya?" anito at sumunod.
"Kaya kailangan natin siyang hanapin." Wika ni Achellion at hindi lumingon.
"Paano tong isda? Gutom na ako." Habol nito sa binata. Bigla itong napahinto sa paglalakd nang biglang dumaan sa harap niya ang bola nang apoy tumama ang bola nang apoy sa isda nito.
At dahil sa lakas nang apoy nasunog ang isda. Halos naging abo na ito nang mamatay ang apoy. Napanganga ang bata dahil sa ginawa ni Achellion.
"Ang sama mo! Pinaghirapan kong hulihin yon." Wika nang bata at hinabol si Achellion.
Si Shen ay isang Fallen angel na anyong bata. Kapag nasa anyong fallen angel ito ay nagkakaroon ito nang pakpak na tila dragon. Nakilala niya si Shen noong araw na hindi niya macontrol ang kanyang kapangyarihan bilang Nemesis. Ito ang nakakita sa kanya. Tinulungan siya nito.
Nang mga sandaling iyon natagpuan din siya nang grupo ni Jezebeth. SI Shen ay isang lagalag na Fallen angel. Wala itong tiwala sa mga tao ngunit hindi rin ito gaya nina Jezebeth. Nang mag desisyon siyang sumama sa grupo ni Jezebeth. Umalis ito at muling naging lagalag. Kamakailan lang nang muli silang magkita.
Niyaya ni Analie si Aya na mag meryenda sa Hacienda nila. Nang dumating siya doon. Hindi man lamang siya pinansin nang matanda. Naiintindihan naman ni Aya kung bakit. Galit pa rin ito sa kanila dahil sa pagkakakulong nang anak nito.
Kahit naman sinabi ni Analie na isantabi na nila ang nakaraan mukhang para sa matanda sila pa rin ang dahilan kung bakit nakakulong ang anak nito. Matapos silang mag meryenda, nagpaalam siya kay Analie. Balak sana niyang bumalik sa dating kampo kaya lang nang napadaan siya sa dalampasigan naaliw siya sa panonood sa alon. Hindi na niya namalayan ang oras hanggang sa magtakim silip.
Pakiramdam ni Aya, she was watching the nicest sunset she had ever witness. Napahanga siya sa ganda nang paglubog nang araw. Dahil buong buhay niya nabuhay siya sa kadiliman hindi niya na experience ang makita ang sunrise or sunset.
"Anong ginagawa mo dito?" narinig ni Aya na boses nang baritonong boses. Agad siyang napatingin sa pinaggagalingan nang boses. Nakita niya si Achellion. He was so handsome habang nakatayo sa may dalampasigan. Matagal na niyang alam na gwapo naman talaga ang binata but he was particularly handsome that time.
"Hindi na ba masakit ang sugat mo sa balikata? Alam mo ba, dugo ni Achellion ang ginamit upang mahintuin ang pagkalat nang lason, magiging okay ka sa mga susunod na araw." Wika nang isang batang lalaki na lumabas sa likod ni Achellion. Taka naman siyang napatingin sa bata.
Sino naman ang batang ito? Kailan pa nagkaroon nang batang kasama si Achellion? Hindi naman kaya dahil matagal na itong nananatili sa mundo kaya nagkaroon ito nang anak? Ito ang mga tanong sa isip niya.
"Silly girl. ANo bang kaguluhan ang iniisip mo." Wika ni Achellion na nabasa ang iniisip ni Aya. Agad na natuptop ni Aya ang bibig niya. Nababasa ni Achellion ang isip niya?
Nakita niyang napabungisngis ang batang lalaki.
"Kita mo na Achellion, Para mo talaga akong anak. Only, I will refuse to become your son." Wika nang bata.
"Pwede ba tumigil ka na!" asik ni Achellion.
"Hindi ka niya anak? Eh sino ka?"Tanong ni Aya. Na naguguluhan sa nakikita. At napansin din niya tila parang matandang magsalita ang bata.
"Ako Si Valax, Isang fallen Angel." Derechang sabi nito. Nang marinig ni Aya ang sinabi nang batang lalaki agad na napaatras ang dalaga dahil sa takot. But then naisip niya bakit bata ang isang fallen angel?
"Don't worry I wont hurt you." Anito nang maramdaman ang takot sa puso ni Aya. "Valax ang tawag sa akin bilang isang fallen angel. Pero mas gusto ko kung tatawagin mo akong Shen." Wika nang batang lalaki at lumapit sa kanya isang matamis naman na ngiti ang itinugo niya sa bata bago siya bumaling kay Achellion. Marami siyang gustong itanong kay Achellion. Gusto niyang malaman kung bumalik na ba ang alala nito sa kanya. Nasa isip pa kaya nito na patayin siya?
"Tayo na." wika ni Achellion at inilahad ang kamay sa dalaga. Takang napatingin ang dalaga sa kamay ni Achellion. Totoo ba ang nakikita niya? Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya upang abutin ang kamay nang binata. Nang maglapat ang kamay nila naramdaman ni Aya ang mahigpit na paghawak nang binata sa kamay niya. Simple naman siyang napangiti.
Masaya siya sa naging gesture nito. Kahit hindi niya alam kung ito na ba ulit ang Achellion na kilala niya o ito pa rin ang Achellion na gustong pumatay sa kanya. Tila wala naman siyang pakiaalam doon. Kahit sinong Achellion man ang nasa harap niya. Masaya siya nakasama niya ito.
Pero kahit masaya siya at kasama ito hindi naman siya easy na babae na basta na lamang bibigay sa kagwapuhan nito. Gusto rin naman niyang malaman kung ano ang nararamdaman ni Achellion sa kanya.
Agad niyang inagaw ang kamay sa binata. Taka namang napatingin si Achellion sa dalaga.
"Bakit?" Takang tanong nang binata habang nakatingin sa mukha niya.
"Anong bakit? Akala mo ba ganoon ako kadaling paamuhin. Kahit na type kita, at sa tingin ko ikaw ang kapalaran ko. Hindi naman ako papayag na gawin mo akong gaga. Pagkatapos mong pagtangkaan ang buhay ko at nang mga kaibigan ko. Akala mo abswelto kana? Hindi no!" Bulalas ni Aya.
"Hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko. I still have the desire to kill you." Walang emosyon na wika nan binata. Napaawang naman ang labi ni Aya saka tumingin sa mukha nito.
"SO bakit mo ako dinala dito?" asik ni Aya.
"Hindi ko alam. I just feel it." Sagot naman nang binata. Habang nakatingin si Aya sa mukha nang binata. INiisip niyang nasa ilalim kaya nang isang spell si Achellion at hindi siya ito maalala? Kung ganoon nga dapat gawin niya ang lahat para muli siya nitong maalala hindi naman siya papayag na tuluyang maging masama ang dating Achellion nakilala niya. Kahit naman fallen angel ito hindi ito lubusang masama gaya nang iba.
"Hindi ko pa gustong umuwi. Dito na muna ako." Wika ni Aya at tinalikuran Si Achellion saka naglakad patungo sa tubig.
Napapapikit siya tuwing dumadampi sa mha paa niya ang malamig na tubig dagat. Sina Shen at Achellion naman ay pinapanood lang ang dalaga.
"Say Achellion." Wika ni Aya at humarap sa binata. Diretso namang napatingin si Achellion sa dalaga. "SInabi mo hindi parin nagbabago ang isip mo at gusto mo pa rin akong patayin."
"I did say that." Wika nang binata.
"Kung---" anang dalaga at nagsimulang humakbang paatras patungo sa dagat.
"Kung may mangyayaring masama sa akin ngayon. Would you save? O let me die gaya nang gusto mo." Wika nang dalaga saka patuloy na umatras hanggang sa umabot sa bewang ang lalim nang tubig. Napaahakbang si Achellion nang makita niya ang ginawa nang dalaga. Lalong na gimbal si Achellion nang mabuwal ang katawan nang dalaga sa tubig.
"Hala Achellion. Nalunod na ata. Marunong bang lumangoy yun?" wika ni Shen at hinawatak ang manggas nang damit ni Achellion. Napakuyom ang kamao si Achellion nang hindi pa rin umaahon ang dalaga.
Trouble girl. Wika nang isip ni Achellion saka nagmamadaling lumusong sa tubig. Umabot na siya sa hanggang bewang na lalim nang tubig ngunit hindi niya nakita ang dalaga kaya naman naiisip niya mag dive nalang. Nakita niya ang papalubog na katawan nang dalaga kaya naman agad siyang lumangoy papalapit dito upang iaahon ito.
"Hala. Patay na kaya silang dalawa?" nagpapanic na wika ni Shen at lumapit sa tubig. Ilang sandali pa. Nakita niyang umahon si Achellion sa tubig at pangko si Aya. Nang makapunta sila sa buhangin. INilapag niya ni Achellion si Aya. Panay naman ang ubo nang dalaga dahil sa mga tubig alat na nainom. Napaupo si Achellion sa buhangin.
"What were you thinking?!" bulalas ni Achellion sa dalaga.
"Sinasabi ko na ngaba. Hindi mo ako magagawang pabayaan." Habol ang hiningang wika ni Aya. "Kahit naman nagpapanggap kang masama. Ikaw pa din ang Achellion na kilala ko." Wika nang dalaga at ngumiti nang matamis sa binata.
"Silly Girl." Nakangiting wika ni Achellion at ipinatong ang kamay sa ulo niya. Nabigla pa si Aya dahil sa gesture na iyon nang binata. "Do that again ang I will make sure to punish you." Pilyong wika nang binata at inilapit ang mukha sa dalaga. Dahil sa gulat agad namang itinakip ni Aya ang kamay sa bibig niya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang ginawa ni Achellion sa mansion noong pinagtangkaan ang buhay niya. Ang tanong eh, Naalala pa kaya nito ang ginawa nito?
"Tayo na baka magkasakit ka." Wika ni Achellion at tumayo saka inilahad ang kamay sa kanya. Agad naman niyang tinanggap ang kamay nito.
"Naaalala mo na ba ako ngayon?" tanong ni Aya habang naglalakad sila pabalik sa kubo.
"I don't know really. Kaya lang may nagsasabi sa akin na hindi kita dapat saktan, And I need to with you." Sagot naman ni Achellion.
"Fair enough. Let's start from there." Wika naman ni Aya at ngumiti. Kung hindi siya naaalala ni Achellion ngayon. Alam niyang darating din ang panahon na muling babalik ang alaala nito sa kanya.
Ilang araw silang nanatili sa lugar na iyon. At sa pananatili nila doon. Lalong nakilala ni Aya si Shen. Ito ang pangalawang fallen angel na kilala niya na mabait sa mga tao. Hindi man ito gaya ni Achellion na tumutulong sa mga ito. Hindi naman ito kagaya nina Jezebeth na nanakit nang mga mortal. Isa siyang malayang fallen angel. Tila isa lang itong batang mahilig maglaro. SI Achellion naman, pinag mamasdan lang ang dalawa tuwing naglalaro at nagtatawanan. Ang totoo niyan bumalik na ang alaala niya sa dalaga.
Kaya lang hindi niya magawang maamin sa dalaga dahil sa mga masamang nagawa niya. Kahit naman parating sinasabi ni Aya na maiintindihan nito ang kung ano mang nangyari sa kanya. Hindi pari niya matanggap sa isip niya na pinagtangkaan niya ang buhay nito. DInala niya ang dalaga sa lugar na ito upang makasama. Binabalak niyang huwag nang magpakita sa dalaga. Kung hindi na siya magpapakita baka tigilan na rin ito nang mga fallen angel.
Oh, Aya! Captain Bryant. Bumalik yata kayo. DIto ka na ba ulit madedestino?" Tanong nang kapatin nang barangay nang madaanan nila ito sa isang tindahan. Isinama siya niy Achellion upang siya na mismo ang bumili nang makakakain niya. Wala naman siyang reklamo sa dinadalang pagkain ni Shen sa kubo kaya lang iniisip niyang baka kulang pa sa bata ang pagkain nito kaya nagpasama siya kay Achellion na bumili nang pagkain. Wala namang reklamo ang binata.
Napatingin si Aya sa binata. Hindi ito nagsalita. Wala naman kasing dahilan kung bakit sila bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung bakit doon siya dinala ni Achellion.
"M-May dinalaw lang kami diyan."wika ni Aya. Sa lalaki.
"Ganoon ba. Tamang-tama pala ang dating niyo. Malapit na ang pyesta nang Brgy. Mabuti pang dumito na kayo at nang makadalo kayo. Dahil tapos na ang misyon niyo dito hindi niyo na naabutan ang pyesta at dahil narito ka naman dumalo ka na. Ikaw ang magiging panauhing pangdangal namin." Wika nang lalaki sa binata.
"May matutuluyan ba kayo dito?" Tanong nito. Hindi sumagot si Aya paano naman nila sasabihin na sa dating kampo sila nakatira. Kasama si Shen.
"Inayos namin ang kubo niyo dati. Alam niyo bang ginagawa pa iyong tourist spot nang mga dumadalaw sa bayan na ito. Ngayong nang pyesta baka doon manatili ang ilan sa bisita ni Don guillermo, Mabuti pang doon na rin kayo."
SImpleng ngumiti lang si Aya. Kung alam lang nito na hindi na sila kailangan sabihin dahil doon naman talaga siya dinala nang binata.
"Eh, okay lang po ba na manatili kami dito kahit ilang araw lang?" Tanong ni Aya.
"Aba oo naman hija. Dati ka rin namang nakatira sa lugar na ito at si Kapitan ay itinuturing na isang bayani dito dahil sa kanya malaya na ang mga tao dito at wala nang takot sa mga rebelde." Sagot nang lalaki.
"Salamat po." Ngumiting wika ni Aya.
"SIya nga pala. Hindi ba kapatid ka nang Tiyente ba iyon? Kasama niyo ba ang iba?" Tanong nito.
"Hindi po sila nakasama." Simpleng wika ni Aya. Paano niya sasabihing itinakas lang naman siya nang binata. Hindi nga niya alam kung anong balak ni Achellion.
"Kumain na ba kayo? Nagluto ang anak ko nang kakanin. Mabuti pang doon tayo sa bahay." Wika nito at tumayo mula sa kinauupuan. "Ising, mamaya ko nalang kukunin ang pera dadalhin ko muna ang dalawang bisita ko sa bahay nang makakain nang kakanin." Wika nito sa may-ari nang tindahan.
"Oho kapitan." Sagot naman nito.
"Tayo na." anito at nagpatiuna. HInawakan naman ni Aya ang kamay ni Achellion at inakay para sumunod sa lalaki.
Tahimik lang si Achellion marahil na aw-awkward ito dahil sa mga nangyari at isa pa hindi na naman siya ang dating Captain Dranred.
"Dranred!" masiglang wika ni Analie nang makita ang binata na dumating. Agad itong lumapit sa binata at pinulupot ang kamay sa braso nito dahil sa ginawa nang dalaga napaatras lang si Aya. Hindi niya akalain na naroon si Analie sa bahay nang kapitan.
"Aya, nakita tayo kahapon ngunit bakit hindi mo naman sinabi na kasama mo ang soulmate ko." Wika ni Analie.
"Nawala sa isip ko." Simpleng wika ni Aya. Bakit naman kung makapulupot sa braso akala mo linta. Inis na wika ni Aya.
"Dahil magkaibigan na tayo, kakalimutan ko ang ginawa mo. Tayo na Dranred sa loob, Nagluto nang kakanin Ang anak ni Chairman." Wika nito at inakay papasok nang bahay si Achellion nang hindi manlang nililingon ang dalaga.
TIngnan mo yun. Akala ko ba siya ang Guradian ko? Iwan ba ako. Inis na pagmamaktol ni Aya. NIlapitan naman siya nang anak nang kapitan. Ang dalagang anak nang kapitan ang isa sa mga dalagang kinidnap nang kulto na pinamumunuan nang isang fallen angel naligtas ito dahil sa binatang si Achellion at sa galing nito bilang isang sundalo.
Habang nag memeryenda sila panay ang tingin si Aya sa mesa kung saan naroon si Achellion at Analie, Akala mo mag-asawa sinusubuan pa ni Analie si Achellion. Dahil sa inis hindi na napansin ni Aya na halos malamog na ang kakanin sa pinggan niya dahil sa kakatusok niya nang tinidor. Bagay na napansin naman nang dalagang anak nang kapitan.
"Aya? Hindi mo ba nagustuhan ang lasa?" Tanong nito. Biglang natigilan si Aya. Saka napatingin sa laman nang pinggan niya.
"H-hindi. Gusto ko nga pasensya na may iniisip lang ako." Wika ni Aya.
Ni hindi man lang ako nilingon. Nakakainis. Wika ni Aya habang kumakain. Ni hindi siya nilingon at sa pananatili nila sa bahay nang kapitan wala itong ibang kinausap kundi si Analie. Bagay na lalo naman niyang ikinainis. Bakit naman siya dinala sa lugar na iyon ni Achellion kung ang atensyon nito ay nasa ibang babae lang din.
Mapatos silang mag meryenda, nagpaalam sila sa kapitan at babalik na sila sa kubo. SInabi naman nang kapitan na pupunta sila mamaya sa kampo dahil ihahatid nila ang mga bakasyonistang bisita ni Dr. Gio na siya ring titira sa mga kubo. Sinabi nito na pwede nilang gamitin ang dati nilang kubo. Hindi alam nang lalaki iyon naman talaga ang ginagamit nila.
Habang pabalik sila sa kubo hindi kinausap ni Aya si Achellion dahil naiinis pa rin siya sa binata at dahil sa mga nakita niya kanina sa bahay nang kapitan. Hindi naman kumibo si Achellion at tahimik lang na sinundan ang dalaga.
"Aya tingnan mo may nahuli akong koneho." Masiglang wika ni Shen na sinalubong si Aya habang hawak ang kuneho. Tumingin lang si Aya sa batang lalaki saka umakyat sa kubo. Taka namang napatingin si Shen sa binata.
"Anong ginawa mo? Akala ko ba bibili lang kayo nang pagkain? Bakit parang ang init nang ulo ni Aya?" tanong nito.
"Ewan ko hindi naman niya ako kinausap." Wika pa ni Achellion Hindi naman niya alam kung anong ikinakainis sa kanya nang dalaga wala naman siyang ginagawa dito.
"SIguro niloko mo na naman siya. Sabi ko naman kasi saiyo. Sabihin mo nang naalala mo na siya." Wika ni Shen. "Saka bakit mo naman siya dinala dito? Nasa panganib ang buhay nang dalagang yan dahil sa lason ni Cain. Dapat humahanap ka nang lunas." Wika pa nito
"Hayaan mo na muna ako." Wika ni Achellion at naupo.
"Hay naku. Sa lahat nang fallen angel Ikaw ang masyadong magulo ang isip. Kakain na nga lang ako." Wika nito. "Gusto mo nang inihaw na kuneho?" Tanong ni Shen.
"Sa lahat nag fallen Angel ikaw ang matakaw." Wika naman ni Achellion.
"At least ako alam ko ang gusto ko. Eh ikaw?" anito saka tumingin sa binata.
"Gusto kitang ihawin nang buhay." Inis na wika ni Achellion at naglabas nang apoy sa kamay.
"Ito naman masyado kang mainit. Konting lamig."natatawang wika nito.
Dumating ang mga kaibigan ni Dr. GIo. Tatlong babae at tatlong lalaki. Kapwa mga doctor ang bisita nang binatang doctor mga dating kaklase nito at kasamahan sa hospital kung saan nito tinapos ang residency nito bago maisipang magtayo nang sarili niyang clinic sa bayan nila. Nang makita nang mga dalaga si Achellion agad na napansin ni Aya na nagpapansin agad ang mga ito sa binata.
Dinadalaw sila nang kapitan tuwing hapon dahil naghahatid ito nag makakain sa mga bisita. Kasama din nito ang anak at si Analie at dahil doon halos hindi na siya napapansin ni Achellion. Parati itong nilalapitan nang mga babaeng doctor at ni Analie. Dahil abala si Achellion na asikasohin si Aya walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang tumulong sa kapitan na ayusin ang covered court para sa sayawan sa gabi nang pyesta.
"Aya kaya mo ba?" Tanong nang isang binata nangumakyat si Aya sa ladder upang ikabit ang mga ginupit na letra sa stage. Gusto niyang abalahin ang sarili niya kesa naman nakikita niya si Achellion na nakikipaghurutan sa mga dalagang doctor.
"Okay lang ako. Inaakyat ko nga ang malaking puno sa bahay namin." Wika ni Aya. Saka pumasok sa isip niya ang gabi kung saan umakyat siya sa puno upang takasan ang mga gustong pumatay sa kanya. Naalala din niya ang ginawa ni Achellion at dahil sa kakaisip noon. Hindi na napansin ni Aya na nawalan siya nang balanse.
"Watch out!" sigaw nang lalaki at hinawakan ang Ladder upang mabalanse si Aya kaya lang huli na ang lahat nahulog na ang dalaga sa ladder. Nang marinig ni Achellion ang sigaw nang lalaki agad siyang napatingin sa dalaga. Nang makita niya itong nawalan nang balanse tila hangin na bigla na lamang nawala si Achellion ang in an instant nandoon na siya sa stage at nasalo ang dalaga.
Lahat napatingin sa binata dahil sa labis napangkamangha dahil sa ginawa nito. Walang nakakita sa kanila na lumapit sa stage kaya paano ito nakalapit nang ganoon ka bilis.
"Seriously!" Ani Achellion nang masalo si Aya. Agad namang napatingin si Aya sa binatang may buhat sa kanya.
"Pwede mo na akong ibaba." Wika ni Aya sa binata. Napaawang naman ang labi ni Achellion. Sadya na siyang iniinis nang dalaga sa ginawa nito? Ang hindi nito pagpansin sa kanya at paglapit sa iba ay talagang nakakapagpainit ang ulo niya.
"No." wika nang binata.
"Sapalagay ko Okay na naman siya Brod. Pwede mo na siyang ibaba." Wika nang doctore na may hawak nang ladder. Inis na tumingin si Achellion sa binata. SImula nang dumating ang mga ito napapansin na niyang panay ang lapit nito kay Aya. Tumutulong ito sa dalaga kahit hindi naman nito kailangan bagay na ikinaiinis niya.
"Teka saan mo siya dadalhin." Wika nang doctor nang makitang dinala ni Achellion ang binata at lumayo sa stage. Lahat naman nang naroon nabigla sa ikinilos nang binata para bang binabakuran nito ang dalaga at sinasabi walang ibang pwendeng lumapit dito.
"Anong ginagawa mo Achellion? TUmutulong pa ako." Asik naman ni Aya sa binata.
"Hindi kita dinala sa lugar na ito para tulong sa kanila." Matigas na wika ni Achellion. Nnang makalayo sila sa covered court biglang naglaho si Achellion kasama si Aya at lumitaw sa tabing dagat doon lang ibinaba ni Achellion ang dalaga.
"ANo bang problema mo!" Asik ni Aya sa binata.
"Seriously you don't know?" anang binata.
"Hindi ko alam. Ikaw itong kung kani-kaninong babae, lumalapit akala mo isang celebrity na hindi nawawalan nang tagahanga. Ang tamis pa nang ngiti mo habag nakikipag-usap sa kanila. Dinala-dala mo ako dito tapos babalewalain mo lang pala ako. Mas mabuti pang ibalik mo na lang ako sa amin dahil tiyak kung nag-aalala na ang kuya ko at si Julianne sa akin."
"Ito ba ang tinatawag nang mga mortal na selos? Nagseselos ka ba? DO you really want na saiyo lang ang atensyon ko?" pilyong wika nang binata.
"Huh."napabuga nang hangin si Aya dahil hindi makapaniwala sa sinabi nang binata. Siya magseselos? Bakit naman siya magseselos?
"OO nga naman bakit ka magseselos? Dapat ka bang magselos?" wika n Achellion na nabasa ang nasa isip ni Aya.
"That's not fair. Bakit mo binabasa ang isip ko." Reklamo ni Aya. "AH!" daing ni Aya at napahawak sa balikat niya. Napatingin si Achellion sa binda sa balikat ni Aya. Nawawala na ang bisa nang dugo niya at unti-unti nang kumakalat muli ang lason sa katawan ni Aya.
"Mas mabuti pang bumalik natayo sa kubo para magamot natin yan." Wika ni Achellion at hinawakan ang kamay nang dalaga. Ngunit bigla iyong tinaboy ni Aya.
"Aya ano ba! Nasa panganib ang buhay mo dahil sa lason." Asik ni Achellion.
"Why would you care?"
"Mag-uumpisa na naman ba tayo?"
"Naiinis ako saiyo. Twisted angel." Mahinang wika ni Aya. Nararamdaman niyang humihina na ang katawan niya dahil sa lason.
"Later. I will let you shout at me. Pero sa ngayon kailangn kitang gamutin." Wika ni Achellion at lumapit sa dalaga saka ito pinangko at mabilis na bumalik sa kubo. Naroon naman si shen at kumakain nagulat pa ito nang makita ang kulay lila na kamay nang dalaga.
"Kumalat na ba ulit ang lason?" Hindi naman sumagot si Achellion bagkus agad niyang dinala sa loob nang kubo ang dalaga at inilapag sa papag. INilapat niya ang kamay sa balikat nang dalaga May lumabas na liwanag doon dahilan upang mawala ang kulay sa kamay nang dalaga. Nakatulog naman kaagad ang dalaga. HInayaan lang ni Achellion na makapagpahinga ito.