webnovel

Chapter Thirteen

Aist! Loko-loko ka. Pinagod mo pa ako sa kakahabol sa iyo." Inis na wika ni Julianne sa isang magnanakaw na hinuli nila ni Rick. Isa itong sikat na bank robber. May nakapagtip sa kanila na nagtatako ito sa isang sikat na hotel gamit ang isang pangalan. Nang malaman nila kung saan ito nagtatago agad nilang pinuntahan ang hotel kung saan ito nag check in gamit ang perang ninakaw.

Nang mapuntahan nito ang kwarto nang lalaki. Hindi ito agad sumama sa kanila bagkus ay nakipaghabulan pa ito sa kanila hanggang sa ma corner nila ito sa isang elevator.

"Grabe ang galing talaga nang pulis na iyan at ang gwapo pa." Wika nang isang babaeng nasa kumpulan sa labas nang hotel habang nakikita nila si Julianne at Rick na palabas kasama ang suspect na may posas sa kamay.

Bigla namang natigilan si Julianne nang makita si Frances na isa sa mga taong nakiki-usyuso sa labas ng hotel. Agad niya ng ibinigay kay Rick ang lalaki at agad na nilapitan si Frances. Agad namang sinundan nang tingin nang binata si Julianne.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Julianne kay Frances.

"Huwag kang, mag ambisyon, hindi kita sinundan. Napadaan lang ako." Natatawang sagot ni Frances.

"Pambihira, kahit kailan ang yabang talagang magsalita."

"Libre ka ba?" Tanong ni Frances sa binata.

"Bakit?"

"May Trabaho ako para sa iyo."

"Kung balak mo uli akong kunin para body guard mo. Huwag ka nang mag-abala."

"Huh! Okay sige sa iba na lang ako magtaTanong." Wika ni Frances at biglang umalis. Agad namang sinundan nang tingin ni Julianne ang dalaga. At ganoon na lamang ang gulat niya nang lumapit ito sa isang pulis na nasa labas nang patrol car.

Pambihira! Wika ni Julianne at naglakad palapit sa dalaga. Bago pa ito makalapit sa lalaki agad niyang pinigilan ang braso nito.

"Ano bang ipapagawa mo?" Tanong ni Julianne sa dalaga.

"Samahan mo akong mamasyal." Deklara nito.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang wika ni Julianne.

Ngunit wala din siyang nagawa kundi ang samahan si Frances sa amusement park. Nang mga sandaling iyon nakita niya ang isa pang katauhan ni Frances. Isang bahagi nito na hindi alam nang iba. Masayahin at parang isang bata. Masaya ito habang sumsakay sila nang mga rides. Sabi nito sa kanya ito ang unang beses na sumakay ito sa roller coaster. Nasabi din nito sa kanya sa takot ito sa matataas na lugar pero nagawa nito sumakay sa roller coaster.

Nang una silang pumunta sa amusment park hindi naging maganda ang ending noon sa halip na mapagaan niya ang loob nang dalaga lalo pa itong bumigat. Nalulungkot siya dail dumadanas ngayon ang dalaga nang malaking problema sa pamilya at wala siyang magawa.

"Maraming salamat." Wika ni Frances habang nakaupo sila sa labas nang isnag tindahan at kumakain ng halo-halo.

"Salamat saan?"

"Dahil sinamahan mo ako. At dahil hindi ka nagreklamo."

"Ano ba, parang hindi ikaw ang nagsasalita hindi ako sanay. Para akong nagkaka goosebump." Natatawang wika ni Julianne.

"Ay ang arte!" Natawang wika ni Frances

"Teka nga? Bakit mo naman naiisip na magpasama sa amusement park?" Tanong ni Julianne.

"Baka kasi hindi ko na to magawa sa susunod. Alam mo naman na busy akong tao. Nakahanap lang ako nang oras ngayon. Wala akong maisip na gawin. Isa pa mukhang hindi ka pa nakakapunta sa lugar na tulad nito. isipin mo na lang na ginawan kita ng pabor."

"Ano?!" hindi makapaniwalang Wika ni Julianne.

"Kung ako sa iyo. Tigilan mo na yang pagkunot nang noo mo. At maging mabait ka sa mga babae. Sige ka, baka tumanda kang magisa niyan." Wika ni Frances.

"Ano bang sinasabi mo? May nakakain ka ba?" Wika ni Julianne. Para bang hindi niya gusto ang tono nang pananalita ni Frances. Mas gusto niyang nakikipag bangayan ito sa kanya.

"Ano ba, makinig ka na lang sa'kin. Binibigyan kita nang payo bilang isang kaibigan." Wika nito sa kanya. Talagang hindi niya maiintindihan ang kinikilos ni Frances. Dala ba ito nang labis na stress dahil sa mga problema nito. hindi na niya mahulaan ang ugali nang dalaga.

"Subukan mong ngumiti paminsan-minsan. Paano, salamat sa araw mo." Wika ni Frances bago tuluyang sumakay sa kotse. Inihatid lang nang tingin ni Julianne ang papalayong dalaga. Wala talaga siyang maintindihan sa ugali ni Frances. Minsan mabait minsan naman napaka misteryoso minsan naman nakakinis dahil sa labis na pagkabratenila.

"Pinapatawad na rin kita sa ginawa mong paghalik sa akin sa hospital." Pabulong na wika ni frances sa binata. Pakiramdam ni Julianne binuhusan siya nang malamig na tubig dahil sa sinabi nang dalaga nanigas siya na parang isang yelo.nakangiti si Frances habang palayo sa kanya. Dahil nagulat parin sa sinabi nang dalaga hindi agad naikilos ni Julianne ang katawan niya.

Kalat na kalat na sa lahat ng Social network sites at lahat ng media ang balita tungkol kay Frances at ang pag-alis nito sa pagmomodelo para sumama sa milyonaryang ina nito sa Paris at magpakasal sa Fiance nito. Tutok na tutok si Julianne sa telebisyon habang pinapanood ang balita noong nakaraang araw mag kasama sila ni Frances pero wala man lang itong sinabi sa kanya. Kaya pala parang kakaiba ang kilos nito nang mga araw na iyon, balak na pala nitong umalis.

Pero bakit siya apektado wala naman dapat siyang pakialam kay Frances. Ngunit hindi parin niya maiwasang hindi mag-alala, alam niyang hindi mabuti ang relasyon ni Frances at nang ina nito. Nasaksihan niya mismo ito nang dumating ang nanay nito sa set nang pictorial ng model. Kahit naman hindi niya gusto ang ugali nito, naging malapit din naman siya kay Frances. At nag-aalala siya para dito.

"May Problem kaba?" Puna ni Jenny kay Julianne nang maabutan niya ito sa kusina na nag-iisa at malalim ang iniisip. Hindi pa nga siya nito napansin kong hindi pa niya hinawakan ang balikat nito.

"Ano bang nangyayari saiyo? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Tanong ni Jenny sa kaibigan. Napapansin din niyang nitong mga nakaraang araw hindi siya nito inaasar. Bagay na pinagtaka niya. Kilala niya si Julianne hindi kompleto ang araw nito kapag hindi siya naasar.

"May pupuntahan lang ako." Ani Julianne at hindi man lang pinansin si Jenny. Labis na nagtaka ang dalaga ganoon din si Eugene na kalalabas lang ng kwarto. Maging ito ay nagulat din sa ikinilos ng kaibigan.

"Bakit nagmamadali yata si Julianne?" tanong ni Eugene kay Jenny nang maabutan ito sa kusina.

"Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang isang yun. May nangyari ba sa kanya?" Tanong ni Jenny sa Kaibigan. Kibit balikat lang ang sinagot ni Eugene. Wala naming sinasabi si Julianne sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nang kaibigan niya.

"Siya nga pala, medyo, magiging busy ako sa headquarters ngayon. Huwag kang masyadong magpapagbi sa daan. Tawagan mo si Butler Lee para sunduin ka. O magsama ka na lang nang bodyguard" Ani Eugene sa dalaga.

"Dahil ba sa bagong kasong hinahawakan niyo?" Tanong ni Jenny.

"OO, ginigipit Kami ni General Simula nang mawala si Captain siya na ang namuno sa phoenix. Kaya medyo may tension sa head quarters ngayon." Dagdag pa nito. "Kapag hindi kita masusundo tatawagan kita para hindi ka na maghintay sa akin." Ani Eugene. "Ihahatid kita ngayon sa hospital."

"Hindi na kailangan. Susunduin ako ni Johnny. Baka siya na rin ang maghatid sa akin pauwi." Ani Jenny. Taka namang napatingin si Jenny kay Eugene.

"Si Johnny? Nililigawan ka ba niya?" biglang wika ni Eugene. Maging si Jenny ay nabigla din dahil sa sinabi nang binata. Hindi naman sinabi ni Johnny sa kanya na nanliligaw siya. Maaaring nagmamagandang loob lang ito sa kanya.

"Miss Jenny. May binata pong naghahanap sa inyo sa labas. Johnny daw po ang pangalan kaibigan niyo daw siya" napatingin si Jenny sa katulong at ganoon din kay Eugene. Biglang kumunot ang noo nito at naging halata na hindi nito nagustohan ang sinabi nang katulong.

"Salamat pakisabing lalabas na ako." Wika ni Jenny sa Katulong. Tumango naman ang babae at iniwan sila.

"Pasensya na hindi na ako sasabay sa inyo na mag almusal. Inihanda ko na rin ang tea nang lola mo ikaw na ang bahala." Wika ni Jenny at hinubad ang apron. Tumango lang si Eugene at hindi sumagot ni hindi nito sinundan nang tingin ang dalagang lumabas sa kusina. Nang makalabas ang dalaga inis na ibinagsak ni Eugene ang kamay sa mesa eksena na inabutan ni Bernadette.

"Nag away ba kayo nang bagong fiancée mo? Narinig kong may lalaking naghahanap sa kanya sa labas? Ano niya yun? Hindi pa man kayo kasal kinakaliwa ka na." nakangising wika ni Bernadette. Inis na patayo mula sa kinauupuaan niya si Eugene.

"Magandang umaga din saiyo." Wika ni Eugene sa pinsan at iniwan ito. Pilyang ngiti naman ang sumilay sa mukha ni Bernadette mukhang gumana ang pangiinis niya sa pinsan. Handa siyang gawin ang lahat hindi lang mapunta sa mga pinsa niya ang ariarian nang lola carmela nila.

Nasa Terace si Eugene habang pinapanood si Jenny at Johnny na papalayo sakay nang isang sasakyan. Inabutan naman siya ni Donya Carmela na nasa terasa.

"Ang aga aga nakakunot ang noo mo apo. May nangyari ka?"wika nang matanda at lumapit sa kanya.

"Granny." Gulat na wika ni Eugene at nilingon ang lola niya.

"Nakaalis na ba si Jenny?" nakangiting tanong nang matanda. itinuro lang ni Eugene ang sasakyan na papalayo sa mansion nila.

"Hindi mo siya inihatid? Alam mong hindi pa rin ako sang-ayon sa relasyon niyo. Hindi pa natatapos ang gusot sa pamilya natin at sa pamilya nang mga Montreal. Huwag mo naman sanang dagdagan. Alam kung naging kasalana koi to dati sa ama mo pumagitna ako sa relasyo nila nang mommy mo. Kung ayaw mong magpakasal kay Frances. I wont force you, I just realize na masyado na akong nakikialam sa buhay mo. Kaya lang sana ayusin muna natin ang gulo sa dalawang pamilya" tanong nito. simpleng ngumiti si Eugene bago sumagot.

"Huwag kang mag-alala Granny ako nang bahala sa gulo nang dalawang pamilya. Kinausap ko na rin naman si Frances. Sabi biya kakausapin niya ang daddy niya." Wika ni Eugene. "Mag almusal na tayo." Wika ni Eugene sa lola niya at inakay ito patungo sa komedor. Sabi ni Jenny may sakit sa puso ang lola niya kaya ang kahit anong nakakstress na mga bagay ay dapat ilayo mula ditto.

Siya naman ang gumawa nang gulo siguro dapat lang na siya ang umayos sa gulo bilang susunod na CEO nang kingdom hindi naman siguro maganda na ilalagay niya ang negosyo nila sa isang delekadong posisyon.

Dumating si Julianne sa Aiport nang malaman niya mula sa PD nito na paalis na ang dalaga patungo sa Paris at sa araw na iyon din. Kaya pala kakaiba ang ikinikilos nito noong nakaraang araw. Iyon na pala ang pamamaalam nito. Maiksi man ang panahon ng pinagsamahan nila. Naging malapit din naman ang loob niya sa dalaga. Alam niyang wala siyang karapatang magTanong o kwestyunin ang mga pasya nito. Alam niyang marami itong pinagdadaanan, bilang isang kaibigan gusto niyang makatulong sa dalaga.

"Frances!" Tawag ni Julianne kay Frances nang maabutan itong sa check in counter. Bigla naman huminto ang dalaga nang marinig ang boses nang tumawag sa kanya. Hindi niya inaasahan na makikita si Julianne sa Airport.

"Oh, Lt. Ramirez. What brings you here?" Takang tanong ni Frances nang makalapit ang binata sa kanya.

"So this is it? Dito mo ba balak tapusin ang lahat ng problema? Sa paraang ito ka ba magiging masaya? Ito ba ang solusyon mo lahat?" Bulalas ni Julianne.

"Ano ka ba?! You are acting so weird. Hindi ako sanay." Pabirong wika ni Frances.

"Ang pagtakas ba sa problema ang solusyon mo?"

"Ano bang sinasabi mong tumatakas. Kung magsalita ka para bang kilala mo ako."

"Tama hindi ko lubos na kilala ang pagkatao mo. And I want to get to know you better. Bilang kaibigan hayaan mong tulungan kita. Pwede kitang tulungan na maayos ang relasyon niyo ni Eugene. Hindi solusyon ang magpakasal ka sa iba."

"Dummy, Matagal ko nang tanggap na hindi na kami nag kakabalikan ni Eugene." An Frances. "Hindi ako aalis dahil gusto kung takasan ang mga problema ko. Gusto ko rin naman bigyan nang pagkakataon ang sarili ko na makilala at makasama ang ina ko. Gusto ko rin naman maging isang Anak para sa kanya. Isa pa nakakapagod maging public figure. Wala akong oras para sa sarili ko."

"Babalik ka pa ba?" Tanong ni Julianne. Gulat na napatitig si Frances sa mukha ni Julianne bago tumawa nang malakas.

"Bakit ka tumatawa?" Asar na wika ni Julianne. Pero mas nagulat si Julianne nang maglakad si Frances palapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Now were even." Wika ni Frances nang makalayo sa binata.

"Nakakaaliw ka talaga." Nakangiting wika ni Frances at tinalikuran ang tigalgal na si Julianne. Hindi nakapag react si Julianne dahil sa labis na pagkabigla. Nang makabawi siya nasa loob nag check in Area si Frances. Nakangiti ito sa kanya habang kumakaway.

"That Brat!" Ang tanging nasabi ni Julianne habang tinitingnan ang papalayong dalaga. He was Hoping that someday, they will be able to meet each other. Nananalangin siya na sana maging maayos ito at maresolba na lahat nang mga problema nito. "I'll be waiting." Mahinang wika ni Julianne habang pinapanood ang dalaga na papasok sa departures area. Nakatalikod ito ngunit nakataas ang kamay tanda nang pamamaalam nito sa binata.

Ngunit biglang natigilan si Julianne. Naalala niya ang sinabi ni Arielle. Habang tumatagal lalo siyang nagiging mahina at tama ito. May damdamin siya para kay Frances. And he can't even deny it. Nguni tang damdaming iyon ay hindi pwede para sa isang katulad niya.

Nabalitaan ni Eugene kay Julianne ang pag-alis ni Frances. Iyon ay dahil sa eskandalong kinasangkutan nito. Sinabi sa kanya ni Frances sa isang tawag na inayos na nito ang gulo sa pamilya nila hindi naman niya alam na ang eskandalong ginawa nito ang solusyon nang dalaga upang ang ama niya mismo ang umurong sa kasunduan nang dalawang pamilya. Dahil din sa eskandalong iyon. Pinabalik nang Paris si Frances at pinahinto sa pagmomodelo. Labis siyang naguilty sa nangyari.

Nasira ang career ni Frances at ang pagtitiwala nang magulang nito. Sabi naman sa kanya ni Frances na hindi niya dapat sisihin ang sarili niya pagod na rin naman daw ito sa mga nangyayari sa buhay nito. Gusto naman niyang hanapin kung sino siya. She even assure him na hindi siya dapat ma guilty dahil hindi ito matatahimik hanggat iniisip niyang may kinalaman siya sa mga nangyari.

"When we meet again. Gusto kong wala nang bahid nang kahit ano mang sugat nang nakaraan. Babalik ako bilang isang bagong Frances." Wika pa ni Frances sa kanya.

"You are a great woman." Wika ni Eugene.

"But not great enough para mahalin mo. Don't worry, hindi na rin ako manggugulo sa inyo ni Jenny. I realize I love myself more than I love you." Wika pa nito.

"Mahahanap mo rin ang tao para saiyo. Ang lalaking bagay sa iyo." Wika ni Eugene. Iyon lang ang kaya niyang sabihin sa dalaga. Ang dalagang nagligtas sa kahihiyan nang pamilya nila sukat na maging kapalit nito ang sariling kahihiyan.

Iniisip niya kung papaano niya masusuklian ang dalaga. Hindi nama niya pwedeng ibigay ang puso niya. Kung maaari lang niyang turuan ang puso niya. Frances is a great woman, pero hindi naman ito ang laman nang puso niya. Hanggang kaibigan lang ang pwede niyang ialay sa dalaga. He knows he will be able to repay her kindness sa susunod. In someway or another.

Johnny!?" Gulat na wika ni Jenny nang Makita si JohnFny na nasa bahay nang mga magulang niya. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa ama niya at para bang nakuha na nito ang loob kahit na ang ina niya. hindi niya sinabi kay Eugene ngunit tuwing day off niya dinadalaw niya ang ina niya. malubha ang sakit nang stepfather niya. walang pera ang mga ito at wala ding trabaho ang mga anak nito.

"Miss Jenny!" Wika ng binata at lumapit sa dalaga at kinuha ang mga dala nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong na wika nang dalaga.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa bisita mo? Huh! Wala ka talagang galang." Galit na wika nang ina niya.

"Naku, hindi po. Mabait si Miss Jenny sa 'kin." Depensa ni Johnny sa dalaga.

"Kumpara sa mayabang na Lt. Heartfelia na yun, mas gusto ko si Johnny. Dahil inayawan mo si Ramon. Mas mabuti pang pumili ka nang taong naiintindihan ang kalagayan natin." Gustong mainis ni Jenny sa itinuturan nang madrasta niya. Ngunit gaya nang dati hindi na naman niya nagagawang isatinig ang mga hinanakit niya. Alam niyang binibigyan niya nang sama nang loob ang ama niya. Nitong mga nakaraang araw panay ang pag-atake nang sakit nito. Ayaw na niyang makadagdag pa sa problema nito.

"I think you misunderstood him. Mabait si Lt. Heartfelia at magkaibigan sila ni Miss Jenny." Ani Johnny.

"Whatever, I don't like him. He is good looking and everything. But that's just it!" Wika nang step sister ni Jenny.

"Maghahanda lang ako nang hapunan."Wika ni Jenny at naglakad papasok sa loob nang bahay.

"Don't mind her. Alam mo kasi, bata pa sila gusto na ni Jenny ang kababata niya. Kaso hindi naman iyon ang nararamdaman nang isa." Natatawang Wika nito.

Gusto niya si Lt. Eugene? Ulit nang isip ni Johnny. Hindi naman lingid sa kanya ang espesyal na turingan nina Eugene at Jenny lalo pa at sabay silang lumaki at dating nakatira sa kanila si Eugene. Ngunit akala niya kapatid ang turingan nang mga ito sa isa't-isa.

"Jenny?" Gulat na wika ni Eugene nang bumaba sa drivers seat at mahagip nang mata si Jenny na bumaba sa kotse ni Johnny. Sabi sa kanya nang dalaga pupunta ito sa simbahan saka dadaan sa hospital bago umuwi. Kanina pa siya nag aantay sa labas nang hospital hindi naman niya nakitang lumabas ang dalaga hanggang sa dumating ito kasama si Johnny.

"Eugene." Gulat na wika ni Jenny nang makita ang binata na nakatayo sa labas nang kotse. Agad silang lumapit ni Johnny sa binata.

"Magandang gabi LT" Bati ni Johnny sa binata

"Magandang gabi" simpleng wika ni Eugene na nakatingin kay Jenny. "Magkasama ba kayo boung araw?" tanong ni Eugene na nakatingin pa rin sa dalaga.

"OO sinamahan ko siya sa bahay nang mga magulang niya." matapat na wika ni Johnny.

"Sa bahay nila? Bakit doon?" ani Eugene na nasa mukha parin ni Jenny nakatingin. Sa uri nang titig nito sa kanya pakiramdam ni Jenny gusto niyang matunaw. Ano to? Nakakabasa ba siya nang galit sa mata nang binata? Ngunit bakit?

"Malubha ang sakit nang stepfather niya. kailangan nang tulong nang ----" putol na wika nito.

"Wala ka bang bibing para ibang tao ang sumagot sa mga tanong ko?" asik ni Eugene kay Jenny. Kapwa natigilan sina Johnny at Jenny dahil sa sinabi nang binata.

"Hind naman ganoon iyon Lt. Alam kong nasa poder mo si Miss Jenny, masyadong delekado ang mag-isa sa panahon ngayon lalo na sa mga sunod-sunod na krimen. Kaya naman naiisip kong i-hire ang sarili ko bilang bodyguard niya." Mahabang paliwanag ni Johnny.

"Bodyguard? Kasama ba sa trabahong iyon ang maging bibig niya?" wika ni Eugene at bumaling kay Johnny.

"Leiutenant?!" gimbal na wika ni Johnny.

"Eugene. Ano ba." Ani Jenny sa kaibigan.

"Uuwi na ako hindi ka ba sasabay?" tanong ni Eugene sa kaibigan.

"Ihahatid ako ni Johnny." Wika ni Jenny.

"Okay. Mauna na ako." Wika ni Eugene at tinalikuran ang dalaga. Hindi manlang ito lumingon hanggang sa pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon.

"Nakakainis siya anong problema niya. Minsan hindi ko maintindihan ang twisted niyang ugali." Inis na wika ni Jenny habang inihahatid nang tingin ang papalayong kotse nang binata. Hindi siya makapaniwala sa ikinilos nito.

"Master Eugene, hindi mo ata kasama si Miss Jenny." Ani Lee nang bumaba si Eugene sa kotse matapos itong I park sa garahe.

"May date pa siya." Wika ni Eugene at nilampasan ang binata sa diretsong umakyat sa mansion. Agad itong nagpunta sa silid ni Aya.

Nasa kama parin ang kapatid niya. ilang buwan nang walang malay ngunit stable naman ang vital signs. Naisipan nilang dalhin na sa mansion ang dalaga. Naroon naman si Jenny at ang isang private nurse nito. Hanggang ngayon palaisipan parin sa kanila ang dahilan kung bakit hindi pa ito nagigising.

"Alam mo AYa, hindi ko maintindihan kay Jenny, bakit kailangang sumama siya sa ibang lalaki. Sinabi ko naman sa kanyang ihahatid ko siya at susunduin. Hangang ngayon pa rin ba naiilang siya sa akin? Kaibigan ko siya noon pa. At pamilya. Ang pamilya hindi ba dapat they stick to each other kahit na anong mangyari." Wika ni Eugene sa kapatid, kinakausap niya ito na para bang sasagot sa kanya ang kapatid.

"Good night Aya." Wika ni Eugene at hinalikan sa noo ang kapatid saka lumabas nang silid niya. Nang makalabas nang silid ang binata bigla namang umihip ang malakas na hangin dahil sa lakas nang hangin na iyon biglang bumukas ang binata nang silid ni Aya. Inilipad din nang hangin na iyon pataas ang kurtina nang bintana. Kasabay nang malakas na hangin ang pagpasok nang isang anino.

Dahil bukas na ang bintana nang silid ni Aya pumapasok sa loob nang silid ni Aya ang liwanag nang buwan. Nakatayo sa tapat nang kama ni Aya ang anino habang nakatingin sa walang malay na si Aya. Nakatitig ito sa maanong mukha nang dalaga. Ilang sandali din niyang pinagmasdan ang mukha nang dalaga bago naisipan humakbang palapit ditto. Nakatitig lang ito sa walang malay na si Aya. ilang saglit itong nakatitig sa mukha nang dalaga. dahan-dahan itong lumapit sa dalaga. At pinangko ang dalaga. Naglakad ito patungo sa bintana.

Next chapter