Nagbalik si Derek sa Pilipinas dala ang isang malaking pasanin sa dibdib... GUILT. Six years ago malaking pagkakamali ang nagawa niya na naging dahilan ng pagkakaulila ng isang anak sa kanyang ama. He wanted to make amends by helping Patricia ang naulilang anak ni Agent Romero. But his task wasnt easy because TRIXIE is a certified pasaway. Isang rebeldeng galit sa mundo. Pero dati rin naman siyang pasaway and hes confident na mapapaamo niya ito. Or so he thought.
"D-derek tumakas ka na!" sigaw ni Agent Romero kay Derek.
"Hindi puwede hindi kita puwedeng iwan dito. May sugat ka." Pagmamatigas niya.
"H-indi ka puwedeng mamatay, importante ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo. Kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Pakiusap na nito. Hirap na itong magsalita at malalim na rin ang paghinga nito.
"Sige pero babalik ako, hihingi lang ako ng tulong." Halos maiyak na siya dahil alam niyang malalim ang tama ng bala sa may hita nito. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ito nagpapaiwan dahil magiging mabagal lang ang pagtakas nila. At siguradong maabutan lang sila ng mga humahabol sa kanila.
Kaya kahit labag sa loob umalis siya para iwan ito. Hindi pa siya masyadong nakakalayo nang makarinig siya ng mga putok ng baril.
Lalo siyang nagmadali sa pagtakbo. Huli na para bumalik o magsisi sa ginawa. Ang kailangan niya makalayo pagkatapos ay humingi ng tulong.
Kahit di niya alam ang direksyong tinatahak walang lingong-liko siya sa pagtakbo. Nakasalalay ang buhay niya dito. Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Hindi pa siya handa.
Pero kahit anong bilis ng pagtakbo niya ay palapit nang palapit pa rin ang mga hakbang ng mga paa na humahabol sa kanya. Pati ang mga boses ay tila palakas nang palakas.
"Siguradong malapit lang yon hanapin nyo sya at patayin."
Mas lalong binilisan ni Derek ang pagtakbo.
"Ayun sya! Barilin nyo."