webnovel

A LITTLE TOO EARLY AND A LITTLE TOO LATE.

"Rage sasabay na ako sa'yo mamaya. Hindi ako masusundo ni Kuya eh" sabi ko sa Bestfriend kong lalaki habang nasa harap kami ng gate.

"Yeah sure! Ihatid na kita sa classroom n'yo" sabi n'ya sa'kin.

"Ayoko nga! Ano ako bata?! I have my legs, I can walk on my own" I replied.

"Oo na, you don't need to shout" he said calmly kaya natawa nalang ako.

We parted ways, nagtungo ako sa classroom ko at nakita kong konti palang ang tao dahil sobrang maaga pa, kaya kinuha ko nalang ang aking cellphone at nag scroll sa aking social media account when I received a text from Rage.

'Do you remember Alisha? Yung naka away mo noong highschool, I saw her here' yan ang sabi n'ya sa text.

Natawa ako dahil naalala n'ya pa yung mga babaeng nakaaway ko noon pero ako matagal ko ng nakalimutan. Ibang klase talaga pag chismoso.

'Hayaan mo na. Mas maganda parin ako do'n' I replied.

'Nag glow up s'ya. She's prettier now' he replied kaya agad namang nalukot ang muka ko.

Lantarang bastusan?

'Leche ka! Bye na nga' huling reply ko at sinilid ang cellphone sa loob ng aking bag.

Mga ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang lahat pati ang aming professor.

After few hours of discussion ay lunch break na namin, nagulat ako nang maabutan ko si Rage sa labas.

"What are you doing here?" mataray kong tanong sa kanya.

"Sinusundo ka. Let's eat together tsaka may kwento ako" sagot n'ya.

Magsasalita pa sana ako pero hinila n'ya na agad ang pala pulsohan ko.

"But let's eat first, gutom na gutom na talaga ako" sabi n'ya habang hinihila n'ya ako kaya hindi nalang ako nagsalita.

Nagtungo kami sa isang fast-food restaurant at doon na kumain.

"So ano ngang kwento mo?" tanong ko habang kumakain kami.

"Narinig ko sila Alisha kanina, they were talking about you. I guess they came here for revenge since napahiya mo s'ya last time" he said.

"Wow ha. Ngayon pa s'ya gaganti eh ang tagal na non, highschool pa tayo non. Ano yon? Ngayon lang s'ya nagkaroon ng guts na kalabanin ako?" I sarcastically said.

"Well, I don't know basta yun lang ang narinig ko" sagot n'ya.

"Alam mo? Napaka chismoso mo talaga. Hindi ko na alam kung lalaki ka ba talaga o bakla" pang-aasar ko.

"Kung halikan kaya kita? Para malaman mo kung ano ang sexuality ko?" seryosong tanong n'ya.

Matagal pa bago ako nakasagot.

"Tumigil ka nga! Kadiri ka!" singhal ko sa kanya at nagmadaling tapusin ang aking kinakain.

Tawang tawa naman ang loko.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming bumalik sa university at nagtungo sa kanya kanya naming classroom.

After hours of boring discussion lumabas na ako at naabutan ko si Rage na naghihintay ulit.

"Ang early n'yo lagi ah" sabi ko.

"Of course. Tara na" sagot n'ya naman kaya naglakad na kami.

Pupunta sana kami sa parking lot ng biglang sumulpot ang isang grupo ng mga babae.

"That's Alisha" bulong sa akin ni Rage.

Nagpatuloy ako sa pagkakalakad but she kept blocking my way.

"Umalis ka nga, you're blocking my way" I said as I started walking again pero binangga n'ya ako kaya napa atras ako at natamaan ko si Rage na nakasunod pala sa akin.

"I don't want to. You need to pay for what you did to me before, pinahiya mo ako!" galit n'yang sigaw sa akin.

"That was before, highschool pa yon. Ang tagal tagal na non, bakit ngayon kapa bumalik. Hinihintay kita dati" bored kong sagot.

"Hindi pa kita kayang labanan noon" she answered.

"Bakit ngayon kaya na ba? Tumangkad ka lang but you still look weak at ikaw parin ng Alishang iyakin at sipunin noon" pang i insulto ko.

"You Bitch!" she shouted and was about to slap me pero biglang hinawakan ni Rage ang Wrist n'ya.

"Don't you dare lay your finger on her!" sigaw n'ya.

Maski ako ay nagulat dahil sumigaw s'ya malapit sa tenga ko.

Dahil sa sigaw ni Rage ay napaatras sila.

"Huwag kang magmalaki, pangit ka parin kagaya ng dati. Walang pinagbago" sabi n'ya kaya natawa ako sa panglalait n'ya.

Sa sobrang irita ay umalis sina Alisha at mga kasama n'ya at doon na ako tuluyang humagalpak ng tawa.

"Hoy! G*go! realtalk?" natatawang sabi ko.

"Totoo naman eh, magsisinungaling pa ba" sagot n'ya at humalakhak din.

Para kaming baliw, tawa ng tawa papunta sa kotse nya.

Araw-araw kaming magkasama, mapa university man o galaan because we're each other's Bestfriend. Kung may kaibigan man kami ay nasa ibang bansa naman. Minsan nga ay napagkakalaman na kaming couple dahil sa sobrang close namin but I can't deny the fact na nagkaka roon na ako ng feelings for him. I don't want to confess dahil natatakot ako na baka kaibigan lang ang tingin n'ya sa'kin and confessing might put us into an awkward situation and it might ruin our friendship.

"Merry Christmas, Rage!" pasigaw na bati ko sa kanya at niyakap s'ya.

"Merry Christmas, Lyell" pabalik n'yang sabi sa akin at niyakap din ako.

"Where's my gift?" he asked while smiling.

"Wait" I replied and hurriedly run into my room.

Kinuha ko ang box at agad bumaba at nilapag ito sa coffee table.

"Ang laki naman n'yan. Nand'yan ba yung future wife ko?" pabiro n'yang tanong habang tinitingnan ang box.

"Hindi, dahil nandito ako sa tabi mo. Wala sa box" pabiro kong sagot kaya sabay kaming natawa.

"Open ko na" paalam n'ya kaya tumango ako.

As soon as he opened the box ay tumingin s'ya ng masama sa akin.

"Balak mo yata akong bigyan ng isang box ng cotton balls" sabi n'ya.

"Hindi! Tingnan mo kasi sa ilalim" saad ko naman kaya inalis n'ya yung mga cotton balls sa ibabaw.

"Hoy! Hala! Sh*t! Legit ba 'to?!" gulat n'yang tanong ng makita n'ya ang basketball na may signature ni Lebron James.

"Oo, syempre" mayabang kong sagot.

Agad n'ya akong sinugod para yumakap. He looks so grateful with my gift and I'm so glad about that.

"Thank you so much, Lyell. I love you" he said and his words made me froze.

Hindi ako nakasagot o nakagalaw.

"Thank you for being my bestfriend" dagdag n'ya pa.

"Ano ka ba wala yon. Let me see mine, what's your gift for me" agad kong sabi at kumalas ng yakap sa kanya.

"Here" sabi n'ya pagkatapos kunin ang paperbag na nakalagay sa couch.

Nang makita ko ang logo sa paper bag. Isa ito sa mga favorite brands ko kaya na excite ako agad na buksan ito.

"Oh my God! Where did you get this?! Oh my god!" gulat kong tili ng makita ko ang isang designer bag na gustong gusto kong bilhin pero naunahan ako dahil limited edition ito.

"I got this first before you do, ilang ulit mong sinabi na gustong gusto mo 'to. Nakipag away pa ako dahil marami palang nag aagawan d'yan" sagot n'ya.

"Thank you so Much, Rage!" I said gratefully and kissed him on his cheeks.

We spent our Christmas together at hindi ko maipag kakailang isa yun sa mga paskong hindi ko makakalimutan but sadly we need to go home to spend our new year with our family.

Natapos ang bakasyon at pasukan na naman, dalawang araw na ang nakalipas bago nag balik skwela ulit. And here I am, wala paring ligo dahil nilalamig ako at sobrang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko nilalagnat ako.

Nagdecide akong hindi muna pumasok pero tawag ng tawag si Rage.

"Late na tayo, asan kana ba?! Kanina pa kita hinihintay" he said.

"Hindi muna ako papasok. I have a fever" I said habang yakap-yakap ang comforter na naka balot sa aking katawan.

"Ano?! Wait I'll be there" he replied.

Tatanggi pa sana ako kasi pinatay n'ya na ang tawag. Tinext ko nalang s'ya na hindi n'ya kailangan mag absent para sa akin.

Ilang minuto pa akong nakahilata at nakapikit ng biglang may bumukas ng pinto. Alam kong day off ng mga maids namin ngayon kaya walang ibang tao dito kundi ako lang.

"I'm here, kamusta kana? Anong nararamdaman mo?" agad na tanong ni Rage, pagkalapag ng bag n'ya.

"I-i feel cold.." mahina kong sabi.

Dinikit n'ya ang palad n'ya sa noo ko.

"Oh god! Ang init mo. Kumain kana ba? Naka inom kana ng gamot?" tanong n'ya.

Umiling lang ako habang nakapikit parin.

"Teka" he said at dali daling bumaba.

Makakatulog na sana ako dahil sa tagal n'ya pero saktong bumukas naman ang pinto.

"Nagluto ako ng lugaw, you have to eat para makainom kana ng gamot" sabi n'ya at nilapag ang food tray sa side table.

Tinulungan n'ya ako umupo at sumandal sa head rest.

S'ya pa ang nagsubo ng pagkain sa akin hanggang maubos ang ang lugaw at pinainom ako ng gamot.

"Thank you" I said.

He kissed my forehead.

"You rest" sabi n'ya kaya humiga na ako.

Nakapikit na ako at matutulog na sana ng marinig ko s'yang bumulong.

Nagising ako at nasa tabi ko parin s'ya, naglalaro sa aking computer.

Tinigil n'ya ang laro ng mapansin n'yang gumalaw ako.

"You're awake na, how was your feeling?" tanong n'ya at dinampi ang palad sa aking noo, checking my temperature.

"Medyo okay na, maraming salamat. Pwede kana umuwi, kaya ko na tsaka uuwi narin naman ang mga maids bukas" I said.

"Are you sure?" he asked pa kaya tumango ako at ngumiti.

"May naiwan pang lugaw doon, initin mo nalang pag kakain kana. Don't forget your medicine okay?" sabi n'ya.

"Okay, thank you ulit Rage" I said at ngumiti s'ya.

Umalis s'ya kaya natulog ako ulit.

Kinabukasan ay magaling na ako kaya pumasok sa ako, I'm expecting Rage to wait for me sa harap ng gate ng university namin pero wala s'ya doon.

Nang makita kong malapit na akong malate ay nagtungo na ako sa classroom. Sa buong discussion iniisip ko s'ya, baka s'ya na naman nagkasakit kaya wala s'ya.

Nang dumating ang lunch break ay agad akong pumunta sa class room nila ng makita kong hindi s'ya naghihintay sa labas.

"Calvin, nandiyan si Rage?" tanong ko sa isa n'yang kaklase.

"Wala, Lyell. Kanina pa lumabas" sagot n'ya.

"ah sige. Salamat" sabi ko at ngumiti lang s'ya.

Nasaan s'ya, gutom na ako.

Mag iikot pa sana ako para hanapin s'ya ng makita ko s'yang may mga kasama. Teka, kelan ba sila naging magkaibigan.

"Rage! Rage!" pagtawag ko sa kanya kaya napalingon s'ya sa'kin at ang mga bago n'yang kaibigan.

"Hi Lyell, wanna come with us?" pag aaya sa'kin ng isang senior namin. His name is Darynn.

Lumapit agad ako sa grupo nila at tumabi kay Rage.

"Ah di ko alam na friends na pala kayo and hindi mo man lang ako hinihintay so we can eat together like what we used to do" bulong ko sa kanya pero hindi s'ya sumagot.

What's wrong with him? He's acting strange.

"Tara sama ka sa'min" sabi ulit ni Darynn at lumapit sa akin para akbayan ako.

I removed his hands because it is making me uncomfortable, hindi naman kasi kami close para umakbay s'ya.

"We're not close" sabi ko at naglakad na paalis.

I'm actually expecting Rage to follow me pero ni hindi n'ya man lang ako tiningnan. Nakaka irita.

Hindi na ako kumain ng lunch sa sobrang inis ko kay Rage, parang nawala ang gutom ko dahil sa kanya. Buong maghapon ay iniisip ko ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaganito s'ya sa'kin pero ang alam ko maayos pa naman kami kahapon, he even took care of me when I was sick.

Early ang uwian namin ngayon kaya agad akong nagpunta sa classroom nila Rage and good thing, nauna mag kami mag dismiss ng class.

"Hoy may problema ba? Umiiwas ka sa'kin ah tapos hindi mo man lang ako sinamahan mag lunch kanina" pagalit na sabi ko sa kanya ng lumabas na s'ya.

"Nothing. You can eat on your own, may sarili kang mouth diba" sabi n'ya sa'kin habang naglalakad at hindi man lang tumitingin sa'kin.

"Nangyari sa'yo? Hindi ka naman ganyan ah!" naiinis kong sabi sa kanya.

It's pissing me off that he's acting this way, hindi ako sanay.

"Wala nga. Umuwi kana" malamig na sabi n'ya habang naglalakad kami palabas.

"Sabay daw tayo, hindi ako susunduin ni Kuya" I said.

"You can take a taxi, may group work kami ngayon kaya dideritso ako sa bahay ni Reid" he answered pero hindi s'ya tumitingin sa akin.

Sa daan lang s'ya tumitingin at sobrang bilis n'yang maglakad.

"Edi sasama ako. Ganyan naman ang ginagawa natin dati diba?" I said innocently.

"I said go home na. Hindi kailangang magkasama tayo lagi, you have your life and I have my own life" sagot n'ya kaya napatigil ako sa paglalakad dahil nagulat ako sa lahat ng mga sinabi n'ya

Parang pinaparating n'ya sa akin na nakakasawa na akong kasama.

"Hey! What's wrong with you?!" naiinis kong tanong sa kanya pero nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad.

Napasipa ako sa damuhan dahil sa inis, he's acting differently and I can't figure out why. He's so stupid.

Umuwi akong naiirita parin, I even told my mom about Rage acting so strange pero ang sinabi n'ya lang ay tama si Rage, na dapat ay hindi kami laging magkasama because we have our own responsibilities at alam ko naman yon pero kailangan talaga hindi pansinin buong araw?

Ilang araw akong hindi pinapansin ni Rage, I really tried my best na kausapin s'ya pero laging wala s'ya sa classroom nila or sa bahay. Hindi ko na alam, it feels like I'm slowly loosing my boy best friend.

"Hindi ko na kayo nakikitang magkasama ni Rage, Lyell. May problema kayo?" tanong ni Ashley Jhayne. Isa sa mga kaklase ko na tahimik.

"We're both busy" I answered.

Ramdam kong may itatanong pa sana s'ya kaya umalis nalang agad ako. I hate being asked a lot of questions kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganito.

Nag focus ako sa pakikinig ng discussions at sa mga quizzes, I'm planning to go home early since wala na naman akong kasama gumala pero biglang dumikit sa akin si Ashley.

"Let's go home together" she said while smiling.

"uh no thanks, susunduin naman ako" sagot ko pera hindi parin s'ya humihiwalay sa'kin.

"I heard na may nililigawan daw si Rage, kaya ka ba n'ya iniiwasan?" tanong n'ya kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ano? Paano mo alam?" nagtataka kong tanong.

"Ay? Di mo ba alam? Kalat na kalat na 'yon sa buong University. Si Claire yung nililigawan n'ya, yung mayaman na famous sa school" she answered.

Wow! Just wow! Ang galing! Kaya ba n'ya ako iniiwasan dahil doon sa babaeng yon. Ni hindi n'ya man lang ako sinabihan tapos alam na pala ng lahat, ako na Bestfriend n'ya. Walang alam? Just wow!

Naglakad ako ng mabilis patungo sa parking lot, tinatawag na ako ni Ashley but I am blinded with pain and anger.

"Kuya, punta muna tayo sa bahay nila Rage" sabi ko kay Kuya na kanina pa naghihintay.

"Akala ko hindi ka na pupunta doon because you hate him?" he asked.

Sinamaan ko lang s'ya ng tingin kaya pinaandar na n'ya ang sasakyan.

"RAGE! RAGE! LUMABAS KANG BABOY KA!" sigaw ko habang nasa loob ng bahay nila.

Wala namang paki sa akin yung mga maids nila since alam nilang we're Bestfriends.

Bumaba si Rage galing sa taas at mukang may lakad pa yata.

"Mag dadate kayo ni Claire? Goodluck ah" I sarcastically said.

"Why are you here?" tanong n'ya habang naka kunot nag noo.

Ang sakit n'ya naman sumagot, parang kinalimutan n'ya agad ako. Parang wala kaming pinagsamahan.

"Wow no! Hindi mo ako pinapansin ilang araw na! Tapos ngayon malalaman kong may nililigawan ka na. Am I still your Bestfriend?!" galit kong tanong sa kanya.

"Don't shout, calm down. Let's talk" kalmado n'yang sabi.

"How can I?! You were ignoring me for how many days tapos malalaman ko yan sa iba? Pwede mo naman akong sabihan eh. Hindi ako magmamatigas! I know my place" galit na sabi ko sa kanya.

Matagal ko ng kinikimkim to sa loob ko at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magsabi.

"Let's talk, I'll explain" kalmado n'yang sabi at inakbayan ako kaya sumabay nalang ako maglakad palabas.

"Kuya, I'll take her home later. We have to go somewhere" pagpapaalam n'ya sa kuya ko.

"Sige, ingat kayong dalawa. Iuwi mo s'ya before 12 Rage ha" sabi ni Kuya at tumango lang s'ya.

Sumakay kami sa Kotse ni Rage at pumunta sa hindi ko alam.

"San tayo pupunta?" mataray kong tanong sa kanya.

"kakain" he answered.

"Ayokong kumain. Mag usap tayo dito sa kotse" sabi ko naman.

"Okay, ask. I'll answer your questions"

"Bakit mo ako hindi pinapansin nitong mga nakaraang araw? Dahil ba kay Claire? Are you trying to avoid me kasi manliligaw kana sa kanya?" I asked.

He sighed at itinigil n'ya ang sasakyan sa madilim na kalye.

"Honestly, yes. Natakot akong sabihin sa'yo kasi baka sabihin mong I betrayed you kasi you never heard me saying I like Claire and also I avoided you kasi baka magselos agad si Claire, you know how close we are with each other" he answered.

Na speechless ako sa sinabi n'ya. Parang ang laki kong pabigat sa buhay n'ya.

"You can just tell me, magtatampo ako pero kahit kelan 'di ko magawang magalit sa'yo kahit sa ganoong sitwasyon pa. Tsaka maiintindihan ko naman kung sasabihin mong hindi na tayo pwedeng magkadikit lagi kasi we're just friends. Maiintindihan ko lahat kung sinabi mo lang ng maayos, hindi yung you'll ignore me pagkatapos mo kong alagaan nong nagka lagnat ako. Nabaliw ako kakaisip kung ano ba naging kasalanan ko" sagot ko habang humihingal pa dahil walang pause ang pagkakasabi ko.

I was deeply hurt pero hindi ko naman s'ya matitiis.

"Sorry, nagdecide ako mag isa. I'm really sorry Lyell" he said then hugged me.

Tumulo ang luha ko at pabiro ko pa s'yang pinagsusuntok dahil sa inis. I hugged him back at tumawa lang din kami sa huli dahil sa iyakan namin.

Nagdaan ang mga araw at buwan hanggang sa nag 4th year college na kami. Sila na ni Claire, para akong nadepressed doon pero pinakita ko yung support ko sa kanila kahit masakit. Nakapag adjust ako pero mahirap parin dahil nakasanayan kong s'ya lagi ang kasama ko.

"Rage, can you come with me? May bibilhin lang ako sa mall. Walang makakasama sa'kin eh" sabi ko sa kanya sa call.

"Uh sorry Lyell, may date kasi kami ni Claire. It's our monthsarry today" he said.

"Oh...ahh happy monthsarry. Sige enjoy!" I said as if masaya ako pero I'm hurting inside.

I don't know why I am doing this to myself, I'm torturing myself by pretending that I'm happy for them, that I'm actually okay pero hindi. The more na gusto kong kalimutan ang feelings ko sa kanya, mas lumalaki ang gusto ko sa kanya. It's unexplainable, I only have two choices. It's either I will ignore and forget him or stay in this situation to keep him.

Simula nong naging sila ni Claire nagbago na ang lahat. The thing that we used to do ay hindi na namin ginagawa, he's my only Bestfriend and I feel so alone without him. And it's painful na yung mga ginagawa naming dalawa dati ay ginagawa na nila ng girlfriend n'ya. We became so close na umabot sa punto na mahirap na humiwalay.

....

"Kuya wala pa ba si Rage?" I asked my brother habang umiinom ako ng wine.

It is my birthday today at kanina ko pa s'ya hinihintay pero hindi ko man lang s'ya nakita.

"He said he's not coming kasi nasa vacation sila ni Claire" Kuya said at umalis.

That broke my heart, it feels like the time stopped for a second. He promised to me that he'll be here... I expected.

I tried to be Happy para sa birthday ko, uminom ako ng marami and wala na akong pakialam sa kung anong makikita ng mga tao sa'kin. I don't care kung matawag akong baliw basta I want to pour out everything but at the end of the day, I found myself crying in my bed. Begging god to make me forget my feelings for him magically but it's so impossible.

Kinabukasan ay matagal akong nagising, namamaga pa ang nga mata at masakit ang ulo dahil sa pag iyak at mga alak.

Naligo ako para malamigan ang aking ulo at kumain para magkalaman ang aking tyan.

"Eyy Bestfriend!" sigaw ni Rage mula sa sala at lumapit sa akin.

Kakadating n'ya lang siguro dahil amoy america s'ya.

"Happy Birthday sa pinaka maganda kong Bestfriend! Here's your gift oh!" masayang sabi n'ya at binigay sa akin ang paper bag.

"Lagay mo nalang d'yan" walang gana kong sabi at nagpatuloy sa pagkain.

"Uy nagtatampo pa, sorry na. Hindi kami naka uwi agad kahapon dahil wala ng eroplanong pwedeng masakyan. Sorry na babawi ako" masuyo n'yang sabi at niyayakap yakap pa ako.

"No, that's fine and by the way you look happy with Claire" I said at tumingin sa kanya.

"Yes, I am very happy with her" he answered and that broke my heart.

How I wish na maging masaya din s'ya sa akin ng ganon. Hindi parin ako sanay na may nagpapangiti sa kanya ng ganito except sa'kin.

"Tara, may pupuntahan tayo" he said and dragged me.

Tatanggi sana ako dahil wala akong ayos. Cropped top at shorts lang ang suot ko pero sabi n'ya ay mabilis lang naman daw kami kaya hindi na kailangan.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko ng huminto ang sasakyan n'ya sa harap ng company namin.

"Basta" he answered at hinila na naman ako.

Umakyat kami sa taas hanggang sa maka abot kami sa rooftop. Dito kami laging tumatambay noong highschool kapag half day lang, I miss those days na minumura ko pa s'ya pero wala s'yang paki as long as nasa tabi n'ya ako.

"What are we doing here?" nagtataka kong tanong habang nililibot ang paningin sa kalangitan.

"Gusto ko lang pumunta tayo dito bago kami tumira sa America" he answered kaya napatingin ako sa kanya.

"T-titira ka na sa America?" I answered.

Wala naman kasi s'yang nabanggit na mag iibang bansa s'ya.

"Yeah, Claire and I decided to live together in America. Doon kami magpapatuloy ng pag aaral, umuwi lang talaga ako para sa'yo" sagot n'ya habang nakangiti pa pero hindi ako makangiti sa sinabi n'ya.

I'll be alone here... He's my only Bestfriend tas malalayo pa s'ya. He promised me na sabay kaming ga graduate, he even said na kung saan ako magtatrabaho ay doon din s'ya.

"Hey, Lyell" pagtawag n'ya sa akin kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Oh..good for you" 'yan lang ang nasabi ko.

Nakita ko ang matamis n'yang ngiti at naka titig din sa kalangitan.

"You look so inlove.." I said while starring at him.

"I am. I really am" he said with a big smile on his face.

Napangiti nalang ako. Atleast masaya s'ya, yon naman talaga ang mahalaga.

"Rage, before you go. I wanna confess something" sabi ko kaya napatingin s'ya sa'kin.

"Sige, ano yon?" he asked.

Lumunok ako ng ilang beses bago nagsalita.

"Gusto kita..simula highschool hanggang ngayon" I said at tumingin sa sky para hindi ako mahiya.

Inaasahan ko s'yang tumawa but I didn't hear any words from him kaya tumingin ako sa kanya.

He's starring at me with shock and pain on his eyes.

"Hey, nagulat ka?" Pabiro kong tanong at tumawa pa.

"Ano ka ba, halata na naman yon. Tsaka I just confessed para malaman mo, hindi required na kapag nag confess ay kailangan mong suklian yung pagmamahal ko. I can see how you love Claire so much" I said pabirong tumawa.

"I can't believe this.." mahina n'yang sabi habang parang naguguluhang nakatingin sa akin.

"Huh? Oo na alam kong pangit ka pero hindi ko din alam bakit kita mahal" pabirong sabi ko.

"Why didn't you told me this earlier? Bakit?" he asked kaya ako naman ang naguluhan.

"Why? Kasi ayokong masira ang pagkakaibigan natin? Ayokong ma awkward ka? Ayokong lumayo ka sa'kin?" sagot ko ng patanong dahil naguguluhan ako sa naging reaction n'ya.

"same.." he answered at tsaka yumuko.

"ano? What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"Do you remember noong nagka lagnat ka? I said I love you that time, you probably didn't heard that kasi tulog ka" he said.

Bigla kong naalala yung inalagaan n'ya ako at narinig kong may binulong s'ya sa'kin pero hindi ko naintindihan.

"Kinabukasan non ay hindi kita pinansin because I want to move on, I don't want to confess dahil baka ireject mo ako and it'll put us into an awkward situation. Niligawan ko si Claire because I want to move on, yes it was so hard because my hearts keeps wanting you but then Claire helped me to move on and then I fell for her.." sabi n'ya.

Umagos ang nga luhang hindi nagpapigil, ang isip ko ngayon ay puno ng 'sana' at 'paano kaya' but we can't turn back the time. He was a little too early and I was a little too late.

"Sorry kung naging duwag ako Lyell, sorry kung pinangunahan ko na naman ang sarili ko but maybe this happened for a reason" he said while wiping his own tears.

We're both crying like crazy.

I wiped my own tears and laughed.

"Tadhana nga naman!" pabiro kong sabi na may halong hinanakit.

I sobbed while wiping my tears. Sana umamin s'ya noon o umamin ako ng mas maaga. Paano kaya kong nangyari nga yon, sana sa akin s'ya masaya ngayon. Sana hindi kami nasasaktan ng ganito.

Tumawa pa ako habang umiiyak. Nagmumuka akong tanga but it was really hilarious. Sayang eh.

"Tama na nga kakaiyak, as long as your happy..masaya na rin ako, Rage" I said while wiping my endless tears.

"Yeah, siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa. I hope you'll see the one for you, Lyell"

"Tatanda akong dalaga" I said jokingly and laugh again.

"Ano ka ba, don't say that. Ang ganda mo kaya" he said.

"Eh bakit di ka umamin noon..ay joke" pabiro kong sabi.

He pat my head and kissed my forehead.

"Goodbye Lyell" he said.

"bye" I replied kaya tumalikod na s'ya.

May mga tao talagang hindi para sa atin kaya maski panahon at oras ay hindi sang-ayon pero kahit ganon kailangan nating mag move forward kahit mahirap. May nakalaang tao para sa atin, in god's perfect timing.

THE END

WORDS BY: CRAE WRITES

Next chapter