webnovel

The Confusion

Chapter 4

Makalipas ang ilang minuto ay aalis na sana si Erick ng biglang makita nya nanaman ang ababeng hinahanap. Napakunot ang noo nya ng makita ang babaeng sinusundan, iba na ang kasuotan nito at may kasama nang lalaki.

"Sino naman kaya ang lalaking to?" Tanong nya sa sarili nya habang sinusundan ng tingin ang babaeng sinusundan nya. Napakunot ang noo nya ng umalis ito kasama ang lalaki kanina.

Agad nyang ini-start ang kotse nya at mabilis na sinundan ang kotse. Makalipas ang ilang minutong pagsunod sa kotse ng mga ito ay huminto ito sa isang bahay na kulay gray. Bali, modern design ang bahay.

"Ano naman kayang meron dito?" Tanong nya nanaman sa sarili nya. Inilabas nya ang telescope nya para makita ng maayos ang dalawa pero nang tignan nya iyon ay naghahalikan na ang dalawa sa kotse. "Ang babastos. Dyan pa talaga sila sa kotse." Napapailing nyang sabi.

Maya-maya pa ay lumabas na ang mga ito ng kotse at bago pa nila isarado ang pinto ay naghalikan nanaman ang mga ito. Napailing nanaman si Erick at iniisip na kakaibang babae ang babaeng si Scarlett Hale.

Maya-maya pa ay biglang lumabas ulit si Scarlett Hale at sumakay ng kotse. Agad nya itong sinundan at napakunot nanaman ang mata nya ng tumigil sa isang lumang bahay si Scarlett.

"Ano namang meron dito?" Tanong nya dito. Maya-maya pa ay lumabas ulit ito kaya sinudan nya nanaman ito at bumalik ito sa bahay nito kasama yung lalaki.

Biglang tumunog ang telepono ni Erick kaya agad nyang tinignan kung sino ang tumatawag. Agad nya itong sinagot ng makita nyang ang big boss nila ang tumatawag sa kanya.

"Hello?"

"Nasaan ka?"

"Nandito po sa labas ng bahay ni Scarlett." Kunot-noo nyang sagot.

"Anong... Nandito kami sa bahay ni Scarlett ngayon! Wala ka naman dito!"

"Bakit, ano bang nangyari?"

"Kinidnap nanaman si Scarlett noong sindikato. Hidni parin namin sya nahahanap. Bumalik ka na dito."

"Kung kinidnap si Scarlett..." Pahina ng pahina nyang sabi. "Sino yung sinundan ko?" Takang tanong nya.

"Aba'y malay ko sayo! Bumalik ka na dito!"

"Yes, Sir!" Sigaw nya tapos binabaan na nya ng tawag ng boss nila. Agad nyang pinaandar ang kotse nya at bago umandar ay kunot-noo nya munang tinignan ang bahay kung nasaan sya ngayon bago umalis.

_____________________________

Nandito ngayon sa airport si Scarlett para mag-book ng flight pero bigla nyang naalalang malakas pa pala ang pangalan nya. Kailangan pa nya ng kunting panahon para magpalamig.

Nasa kalagitnaan sya ng pag-aantay ng taxi ng biglang may humintong sasakyan sa harap nya at alam na nya kung anong mangyayari. Umirap sya sa hangin naghanda na para sa mangyayari.

Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at may lumabas na tatlong lalaking may dalang sako at nakatakip ang ulo. Bago pa sya mahawakan ng mga ito ay pinigilan na nya agad ang mga ito.

"Hep!" Sigaw nya ng akmang hahawakan sya ng mga ito. "Ako na." Sabi nya tapos naglakad papasok sa sasakyan tapos tumabi sa asawa nya.

"Hi, baby." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Tigilan mo ako." Sabi nito tapos umayos ng upo at pinagkrus ang mga kamay nya.

"Kumusta ka? Wala bang masakit sayo? Bakit nandito ka sa airport? Tatakasan mo ba ako?" Takang tanong nito habang nakangiti sa kanya.

"Hindi. Hindi. Hindi. At, hindi." Sagot nya sa lahat ng tanong nito.

"Bakit? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Wag mo nga akong hawakan." Pag-iwas ni Scarlett dahil sa kakaibang dala ng hawak ng asawa nya.

"Where's your ring?" Tanong nito sa kanya. Awtomatiko naman syang napatingin sa kamay nya at nakahinga ng maluwag ng makita nyang naroon ang wedding ring nila.

"It's been 5 years since we get married." Sabi nya.

"Hmm... I really miss you around our house." Sabi naman ng asawa.

"Alam mong hindi pwede, Travis. Magagalit ang mga magulang mo." Sabi nya.

"Wala na ang mga magulang ko. I killed them. So, we can be together now." Sabi nito.

"Ewan ko sayo. Ibaba nyo na ako." Sabi nya tapos naghanda nang bumaba pero bigla syang hinawakan ni Travis sa balikat at pinaharap sa kanya at hinalikan sya. Naglaban sila ng halikan hanggang sa si Travis na agad ang bumitaw.

"I love you, Baby." Nakangiting sabi nito. Sa tono nito ay hindi ito naghahangad ng sagot, gusto lang ipahayag ang nararamdaman nya. Ngumiti sya at hinalikan ulit ito labi bago bumaba.

Bago nya isara ang pinto ng kotse ay kumaway muna sya sa asawa bago nya ito isara. Nang tignan nya kung nasaan sya ay naroon na pala sila sa bahay nya. Napapangiti sya habang naglalakad at saka pumasok ng bahay nya.

_______________________________

Binuksan ni Nash ang pinto at nakita nyang wala doon si Annie. Pumunta sya sa kwarto at nakitang wala din doon ang nobya. Agad na napakunot ang noo nya at napaharap sa pinto at akmang lalabas na ng biglang bumukas ulit iyon.

"Kuya!!" Malakas na sigaw ni Annie habang nakangiti. Yumakap ito sa kanya ng mahigpit.

"Saan ka galing?" Kunot-noong tanong nya ng bumitaw si Annie sa kanya.

"Bumili lang naman ako ng ice cream." Sabi nito tapos pinakita sa kanya ang dala nito.

"Bakit hindi mo ako tinawagan?" Tanong nya pa.

"Gusto ko na talagang kumain, ehh." Sagot pa nito tapos nag-iwas ng tingin sa kanya at nilaro ang mga darili nito.

"Next time, magsabi ka sa akin, ha? Hindi yung lalabas ka nalang mag-isa." Nagtatampo nyang sabi. Nakangiti namang tumango si Annie sa kanya at nagsimula na itong kainin ang binili nitong ice cream. Sya naman ay pumunta sa kusina para kunin ang dala nyang pagkain.

"Bakit ka nandito?" Biglang tanong ni Annie.

"Gusto lang kitang i-check." Palusot nya dito at nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo ba talaga ako mahal?" Tanong ni Annie sa kanya. Lumingon sya dito at napakurap-kurap sya ng makitang umiiyak na ito.

"Hindi. Bakit mo ba ako laging tinatanong kung mahal kita? Alam mo namang hindi, diba?" Inis nyang sabi. Narinig naman nyang umiiyak si Annie at lalong nainis. "Tumahimik ka nga!!" Sigaw nya. Dahil sa gulat ni Annie ay natulala ito sa kanya. Tumayo ito at pumunta sa kwarto nya.

"Hindi kita bati!" Sigaw ni Annie bago malakas na isinara ang pinto. Sya naman ay napailing nalang dahil sa naging kilos ng nobya.

_________________________________

"Dapat kasi, hindi ka umaalis sa pwesto mo! Nakita mo na! Nawawala na ang target!" Galit na sigaw sa kanya ng Boss nila.

"Hahanapin ko po sya———"

"Hindi na kailangan. Nakauwi na daw sya at nandoon na sya sa bahay nya. Bumalik ka na doon at ayusin mo ang pagbabantay mo!" Sigaw pa nito. Tumango sya at sumaludo muna bago umalis ng HQ.

Pagdating sya ay sa bahay ni Scarlett Hale at nasa labas ito. Nang ihinto nya ang kotse nya ay unti-unting lumapit si Scarlett sa kotse nya pagkatapos ay kumatok. Agad nyang ibinaba ang salamin at kinausap ito.

"Ano yun, miss?" Tanong nya.

"Taga-dito ka ba?" Tanong nito sa kanya. "Sino nagpadala sayo?" Kasunod nitong tanong.

"Anong nagpadala?" Kunot-noo nyang tanong.

"Palagi kitang napapansin dito sa harap ng bahay ko. Sino nagpadala sayo? Si Travis ba?" Tanong pa nito.

"Hindi!" Pagtanggi nya.

"Kung ganon, saan ka nakatira?" Tanong nito.

"W-Wala na akong bahay. Pinalayas ako.... kaya ako... nandito." Pagsisinungaling nya.

"Ahh. Kung ganon, dito ka muna sa bahay ko." Sabi nito at binuksan ang pinto. Nagulat sya at agad na tinanggal ang seatbelt at lumabas. "Wala kang mga damit?" Tanong pa nito. Agad naman syang umiling.

Tumango-tango ito at naglakad na papasok ng bahay nito. Agad syang naglakad papasok, kasunod nito at tinignan ang buong bahay nito. Maliit pero kaya naman ng dalawang tao.

"May guest room ako. Yung cr, dito sa baba." Sabi nito. Tumango sya tapos tinignan ulit ang buong paligid. "Ikaw nang bahala sa sarili mo. Yung kusina, doon sa may gilid. Wag kang mag-alala. Hindi ako masyadong pakalat-kalat sa bahay na to. Kung wala ako sa kwarto ko buong araw, pinupuntahan ako ng asawa ko." Sabi nito kaya agad syang napaharap sa dito.

"May asawa ka?" Tanong nya. "Bakit ikaw lang mag-isa dito?"

"Marami kasi syang ginagawa. Tyaka, hindi din kami sa iisang bubong nakatira kasi ayaw ng mga magulang nya." Sabi nito na nakapagpatango-tango sa akin. "Sige, aakyat na ako." Sabi nito at umakyat na ng hindi hinihintay ang sagot ko. Ako naman ay napangisi dahil nakapasok ako sa lunga ng kalaban.

____________________________

"Huh, nagpapasok ka ng lalaki sa bahay mo?" Mataray na tanong ni Camille.

"Kawawa naman sya. Tyaka, naranasan din yan ni Travis nung punalayas sya nung mga magulang nya kaya naawa ako." Depensa naman ni Scarlett.

"Hindi ako mahal ni Kuya Nash!!" Sigaw ni Annie habang umiiyak.

"Annie, shut the f*ck up! Alam naming hindi ka nya mahal." Mataray pa na sabi ni Scarlett kaya lalong umiyak si Annie.

"Hay, pinaiyak pa kasi." Inis na sabi ni Camille at tinakpan ang tenga nya.

"Patayin nalang kaya natin ang lalaking yon?" Suggest ni Scarlett. Umirap at napailing nalang sa kawalan si Camille.

"Wala talagang pinag-aralan." Mataray nyang sabi tapos pinatahimik si Annie sa pamamagitan ng sampal pero lalo lang itong umiyak.

"Walang utak." Sabi naman ni Scarlett at kumuha ng libro at malakas na isinampal iyon kay Annie. Tulog!

- To Be Continued -

(Sun, August 15, 2021)

Next chapter