webnovel

Chapter 6

- - - Chapter 6 - - -

- Chantal's POV -

Maaga akong nagising kinabukasan. 5 o'clock palang gising na ako. Masyado ata akong excited kasi ngayon lahat ako nagkaroon ng kaibigan na babae. Bukod kasi kay Brent ay wala na akong ibang kaibigan, dalawa lang kasi kami sa isang team kaya wala akong masyadong nakakasalamuha.

Last years kasi ay nag-h-home study lang ako at ngayon lang ako nag-aral na sa school talaga na may mga makakasama ako. Biti nalang mabait ako, kaya nagkaroon agad ako ng mga kaibigan. So, pag-gising ko ay nagluto na ako at nagbihis. Nang mag 6PM na ay tumawag sa akin si Ivy na mabilis ko namang sinagot.

"Hi, good morning, Baby Ivy." Bati ko sa kanya at naglakad na ako papunta ng labas.

"Hihi, good morning, Faithful." Saad nito at humagikgik ulit. Napangiwi naman ako.

"Hay. Namiss ko tuloy si Ryan." Saad ko.

"Ako din. Ang kulit kasi ni Ryan. Babaero nga lang." Saad ni Ivy. Nang makarating ako sa may gate ay binuksan ko na saka ko pinatay ang phone call.

"Hi, Baby Ivy." Bati ko ulit at silang tatlo naman ay parang nakakita ng multo at anghel at the same time. "Hoy." Saad ko at tinapik ang balikat nya.

"Miss Chantal?" Tanong ni Ashley. "Nasaan po si Faith?" Tanong ulit nya.

"Ano ba kayo. It's me and my jowa. Wa! De jok lang." Saad ko at bahagyang tumawa. "It's me... Faith." Saad ko at nagsuot ng salamin. Umawang naman ang labi nilang tatlo.

"Faith? I-ikaw si Miss Chantal?" Tanong ni Angel na hindi parin makapaniwala.

"Ano bayan. Pasok muna kayo. Doon na ako sa loob mag-e-explain. Tara na, baka makita pa tayo ng apat na gonggong." Nakangiti kong saad. Naglakad na sila papasok at ako naman ay naglakad para isara ang gate tapos humarap ulit sa kanila.

Pagpasok namin sa loob ay doon na ako nag-explain. Pagkatapos kong mag-explain ay nagilat ako ng biglang hawakan ni Ivy ang mga pisnge ko at titigan ako na parang isa akong ginto.

"Grabe... Hindi ako makapaniwalang... Kaibigan namin ang isang... Chantal Fay..." Hindi makapaniwalang saad nito.

"Oo nga... Grabe... Bakit ka ba nag-disguise, Miss Chantal?" Tanong ni Ashley.

"Wag nyo na akong tawaging Miss Chantal. Kaibigan nyo ako, Fay nalang. Yung Chantal kasi pamilya ko lang ang tumatawag sa akin non." Saad ko habang nakangiti tapos yumakap kay Ivy. "Fay nalang ang itawag nyo, ha? Tyaka wag nyong sabihin to sa apat na mukong na yon kasi baka dito yon maglungga." Saad ko at nginitian sila.

"Alam mo ba, narinig kong sinabihan kang maganda ni Lake." Saad ni Ivy.

"Yan, dyan ka magaling, sa chismis." Pag-tataray ni Ashley kay Ivy.

"Haha. Wag na nga kayo mag-away. Tara na, ayusan na natin si Ivy." Saad ko. "Tara, akyat na tayo sa kwarto ko. Nandoon yung make-up materials ko." Saad ko at iginaya sila paakyat. "Buti hindi kayo kumatok." Saad ko nang makapasok kami ng kwarto ko.

"Nagtext ka kasi sa akin. Kaya hindi ko ginawa." Saad ni Ivy sabay ngumiti.

"Buti. Kasi kung kumatok kayo at hindi nyo masagot ang tanong ng computer ko. May lalabas na baril at babarilin kayo." Saad ko. Nagulat naman silang tatlo sa sinabi ko.

"Seryoso?" Gulat na tanong ni Angel.

"Oo nga." Natatawang saad ko. Hindi na muna kami nag-usap dahil inayusan ko na si Ivy. Paglipas ng ilang minuto ay naayusan ko na si Ivy saka ko sya pinatayo para humarap sa salamin. "Close your eyes. Pagbilang ko ng tatlo, dumilat ka na." Saad ko habang nakangiti.

"Okay." Saad nito at nagpagaya sa akin papunta sa harap ng salamin.

"Ok. One, two, three." Saad ko at binitawan ko na sya. Dahan-dahan nyang iminulat ang mata nya at nagulat sya ng makita ang sarili nya sa salamin.

"A-ako ba talaga to?" Tanong nito at hinawakan ang muhka nyang parang hindi parin makamove-on. Tinanggal ko naman ang mga kamay nya sa pisnge nya.

"Ikaw yan, shempre. Wag mo namang hawak-hawak at baka masira mo pa." Saad ko at nginitian sya. "Sige na. Bibigyan kita ng make-up. Para makapag-ayos ka naman, tyaka wag mo nang gamiting ang salamin mo. Nagmumuhka ka lang lalong nerd, wala namang grado." Saad ko at niyakap sya.

"Ang ganda mo, Ivz." Saad nila Angel at Ashley at nginitian si Ivy.

"Sige na. Mag-aayos pa ako. Kasi, kayo palang ang nakakaalam na hindi naman ako nerdy. Mabilis lang to, promise." Saad ko at doon na ako nag-ayos. "Ahm... Mamaya, tambay tayo dito. Susunduin ko ang pinsan at kapatid ko. Mag-bo-bonding kami tayo kasama kayo." Saad ko at nginitian sila. Tapos na ako mag-ayos.

"Alam mo. Kahit ganyan ka, maganda ka parin. Kaya siguro pinag-aagawan ka." Biro ni Angel at tumawa.

"Sige na. Tara na, maglalakad lang tayo kasi malapit naman na ang school dito, ehh." Saad ko at ngumiti. Saka kami lumabas ng bahay at nagsimula nang maglakas.

"Seryoso kang hindi alam ng mga magulang mong may sarili ka nang mansion sa edad mong 17?" Tanong ni Ashley.

"Haha. Oo nga, promise." Saad ko at mahinang natawa.

"Alam mo bang sabi nila, sabaw daw ang utak mo?" Saad ni Angel. Siniko naman sya ni Ivy na parang sinasaway sya.

"Alam ko yan. Pamilya ko nagpakalat nyan." Saad ko at pilit na ngumiti.

"Sorry, Fay." Saad ni Angel.

"It's ok. Actually, hindi naman totoo yan. Kasi, dati noong pumunta kami ng America, pasikreto akong kumuha ang IQ Test. At sabi ng IQ Test ko ay 376 ang IQ ko, at hindi sinabing soup kaya masaya." Biro ko. Sila naman ay nakaawang ang labi.

"T-three hundred seventy-six? G-grabe..." Namamanghang saad ni Ashley. Naglakad lang kami ng naglakad habang nag-kwe-kwentuhan kami hanggang sa makarating kami sa classroom namin.

"Nandito na pala kayo." Saad ko at lumapit kay Ryan. "Hi, BabyRy." Saad ko at niyakap sya. "Hi, Sungit." Saad ko at yumakap kay Ian. "Good morning, Unggoy." Saad ko at yumakap kay Lake. "Good morning, kuting." Saad ko at yumakap kay Leon at inisil ang pisnge nya. "Gusto mo ba ng cat food?" Biro ko at tumawa ng bahagya.

"Tama na nga yan, Fay... Th. Baka lalong ma-inlove mga yan." Biro ni Angel.

"Haha. Ano?" Natatawang saad ko.

"Ang sabi nya, umupo ka nalang." Saad ni Lake at sinamaan ng tingin si Angel na tumawa-tawa lang.

"Haha. Ang weird mo nyo naman." Natatawang saad ko at binuksan ang locker ko sa ilalim at kumuha ng chocolate.

"Grabe, kahit dito sa school may chocolate ka? Iba ka talaga, Faith." Umiiling na saad ni Ashley.

"Pabayaan mo sya, gusto mo lang ata, ehh." Baling sa kanya ni Ryan tapos biglang lumingon sa akin. "Bigyan mo nga yon, Faith. Gusto nya ata, ehh." Saad ni Ryan sa akin. Napahagikgik naman ako.

"Baka ikaw ang may gustong masapak." Saad ni Ashley.

"Haha. Tama na nga yan. Haha." Saad ko habang mahinang tumatawa. Nasa kalagitnaan ako ng pag-tawa ng biglang may kumatok. Napalingon kami doon at tumambad doon ang isang babaeng parang maiihi na sa kilig.

"Ahm... Si Faith Irish po pinapatawag ni Dean. Hi, Lake." Saad ng babae at kumaway kay Lake. Napatingin ako kay Lake at kinawayan nya ang dalawang babae sa may pinto na parang nagkokombulsyon na sa kilig.

"Gusto mong samahan ka na namin?" Tanong ni Ryan. Hinawakan ko naman ang muhka nya bago ako sumagot.

"Wag n---"

"Sasama kami!" Sabay-sabay nilang saad, silang apat.

"Ok. Ok. Ang aga-aga, ang ha-hot nyo. Pahawak nya." Tapos pabiro kong hinawakan ang mga balikat nila. "Tsk. Let's go, girls." Biro ko at humagikgik. Naglakad na kami papunta ng Dean's office at nang makarating sila ay hindi na pumasok ang tatlong ulupong dahil ayaw daw nila.

"Hi, ninong. Good morning." Saad ko at nginitian nya.

"Good morning, hija. May kasama ka ba? Pinabibigay kasi sa inyo ito ni Ma'am Gordon, ehh." Saad nito. "Tapos ito yung lessons nyo for today. Wala kasi ang ibang teacher, kasi may seminar sila. Kaya sabihin mo sa class president nyo na ipagawa iyan at pwede din kayong lumabas ng classroom pero hindi pwedeng lumabas ng campus." Saad nito at may ibinigay saking mga papel. "Syaka half day lang kayo. 12 o'clock ang uwian nyo. So... Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Saad nito at nginitian ako.

"Noted po, ninong." Saad ko. "Oyy, apat kong alagad, kunin nyo nga to! Mabigat to!" Sigaw ko. Agad namang pumasok ang apat na gonggong.

"Wow, nandito pala ang Four Kings. Alagad kayo ni Faith? Haha. Sasabihin ko to sa mga magulang nyo." Natatawang saad ni Ninong at ako naman ay nakitawa nalang. Nag-buhat sila ng mga papel at ako din, shempre.

Nang makarating kami sa classroom at nasa amin ang atensyon ng lahat. Nakatingin silang lahat na parang hindi makapaniwala. Inilagay ko na sa table ni Ma'am ang mga papel na hawak ko bukod doon sa pinabibigay ni Ninong.

"Ahh... Miss pres. Pinabibigay ni Dean itong papel. Pinapasulat nya sa blackboard, pagkatapos daw isulat yan. Pwede daw lumabas ng classroom pero hindi pwedeng lumabas ng campus. Tapos 12 o'clock daw ang uwian natin." Saad ko at ibinigay ko sa kanya ang papel.

"Bakit wala daw si Ma'am Gordon?" Tanong ni Miss Pres.

"Ahh... May seminar daw sila ngayon. Tapos hanggang bukas nalang daw ang pasok dahil bukas hanggang sa friday ay nasa seminar pa ang mga ibang teacher. Kailangan daw pumasok bukas dahil may mahalagang announcement daw. Yun lang." Saad ko at naupo na ako sa upuan ko. Nag-explain si Miss Pres. sa harapan at saka nagsulat.

Lahat naman ay isinulat ang isinusulat ni Miss Pres. sa harapan at nang matapos nya iyon ay marami ding kasabay nyang natapos. Pero tumayo ako kaya hindi pa muna sila nakalabas.

"Miss Pres. Pagtapos daw ng announcement pwede na daw tayong uwi." Saad ko tapos bumalik na sa upuan ko. Tapos sinabi nya naman iyon agad.

A Few Moments Later. . .

Uwian na namin ngayon at nandito na kami nila Ivy sa bahay. Habang kumakain ng cupcake na gawa ko ay pinapanood nila akong magtanggal ng make-up.

"Dito lang kayo, ha? Wag kayong aalis. 12 o'clock na, kaya for sure nakauwi na sila ngayon. Babalik ako agad susunduin ko lang sila tapos manonood na tayo ng movie sa kabila." Saad ko.

"Magpalit ka kaya muna." Saad ni Ivy.

"Hindi na. Sinabi ko kasing deritso na ako doon galing school, kaya malamang nakauniform pa ako. Sige na. Hindi kayo makakapasok sa ibang parte nitong bahay. Ang mapapasukan nyo lang ay kusina at living room. Wala kasing passcode doon." Saad ko at kinuha na ang kotse ko. "Ingat kayo dito, ha?"

"Ingat ka din, Fay." Saad nila at kumaway sa akin. Binuksan ko na ang kotse ko at saka ako nagdrive papunta ng bahay namin.

A Few Moments Later. . .

Nakarating na ako ng bahay namin ay pagpasok ko ay nagulat ako dahil nandoon silang lahat at may bisita din sila.

"Ate Fay!" Sigaw pinsan at kapatid ko at patakbong lumapit sa akin. Lumuhod naman ako para magpantay ang taas namin ng mga bata.

"Wag kayong tumakbo." Nakangiti kong saad at yumakap sa kanila ng makalapit sila. "Ready na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Masayang tumango naman ang dalawang bata. Nag-angat naman ako ng tingin sa mga nakaka---

"Faith?" Tanong ni... Ryan.

Owemji!

"E-excuse me?" Maang-maangan kong tanong.

"Oww... Im sorry... I thought..." Saad nito at tinitigan ang buong muhka ko tapos lumapit din ang tatlong ulupong sa akin at tinitigan din ako.

"Kamuhka talaga sya ni Faith." Saad ni Lake. Tapos may kinuha itong salamin at isinuot sa akin. Tapos bigla silang napaatras na parang gulat na gulat.

"Wuw! Magkamuhka talaga sila ni Faith." Saad ni Leon.

"Sorry, Miss Chantal. Kamuhka mo lang talaga yung kaibigan namin." Saad ni Ian. Umirap naman ako para hindi nila mahalatang kinakabahan na ako.

"Pwede ba? Wag nyo ko.... Ex... Expirementahin? Di kayo nakakatawa." Saad ko at umirap.

"Pag-expirementohan. Hay, naku, Chantal. 17 years old ka na daig ka pa ng kapatid mong 7 years old magsalita." Saad ni Mommy.

Tsk! Alam ko, putcha!

"Tara na, kids." Saad ko at binuhat ang bag ng pinsan at kapatid ko.

- - - To Be Continued - - -

Next chapter