Ysabelle was there and they were both shocked. halos magkadikit sila ng labi dahil sa sobrang lapit nya dito, hindi sya agad nakapag-react, agad namang lumayo si Ysabelle sa kanya. napalunok sya hindi nya matanggal sa isip na kamuntik ng maglapat ang kanilang labi.
"Akala ko ay umalis ka" tinitigan niya ang mukha nito, ni hindi manlang sa kanya makatingin ng diretso ang babae.
"I'm sorry Sir, papasok palang sana ko ay bigla ka namang lumabas" she said her eyes was on the floor.
"Tumingin ka sa akin ng diretso, nasa sahig ba ko?" aniya, lalo siyang natuwa sa reaksyon nito hindi makatingin si Ysabelle sa kanya ng diretso.
"Hindi po ba kayo muna magdadamit?" Tanong nito sa kanya, iwas na iwas pa din ang mga mata nito.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng Topless na lalaki?" He tease her. Nilapitan nya ang babae at nginisihan, agad namang lumayo ang babae at tinignan sya sa Mata.
"No sir" prangkang sabi nito, hindi naman pala inosente ang babae, diretso ang tingin nito sa kanya na parang syang malulusaw. Nagkatitigan sila pareho mga ilang segundo rin ang lumipas ng pagtitigan nila, walang gustong umiwas ng tingin.
"Excuse me" Nagulat sila parehas dalawa ng biglang may magsalita.
"Magtitigan nalang ba kayong dalawa dyan? you're blocking the way" saad ng Kuya harold nya. mabilis namang lumayo si Ysabelle sa kanya. Naglakad si kuya Harold sa harap nya at kunot ang noong tinignan sya.
"Your Bodyguard is a woman, of course ay mahihiya sya.Ganyan mo pinapakita ang katawan mo. " na bosesan nya ang inis sa Kuya Harold nya.
"So what?" He smirks.
"You are really not ashamed of yourself" Inis na sabi ni Kuya Harold sa kanya.
"Why not? Maganda naman ang katawan ko, at kahit sinong babae ay talagang maglalaway sakin" Yes, overconfidence talaga sya dahil totoo naman ang sinasabi nya. Buti nga at nakita ni Ysabelle ang magandang katawan nya.
"Come to my Room, Ysabelle" aniya sa babae, Hindi nya makita ang Babae, because of his Brother.
" And what will you do to her? Unang araw palang ng bodyguard mo ay gusto mo na siyang ikama" Iritable ang boses nito at nakakuyom na ang kamao nito.
"What's your problem? where does your anger come from? kilala mo ba sya?" kung makaasta ito ay parang kilala niya ang Bodyguard nya, sabagay ay lahat naman ng ginagawa niya ay mali sa paningin nito.
"Hindi ko alam kung saan nanggaling yang galit mo, but I have no intention na ikama ang Bodyguard ko, I still have respect for women" mabilis kong kinuha ang kamay ni Ysabelle at inaya sa kwarto, peri nagulat ako ng hatakin din ni Kuya Harold ang kamay nito.
"If you have respect, don't let her into your room" Sasagot sana sya ng magsalita si Ysabelle at tinanggal ang pagkakahawak nilang pareho ng Kuya Harold nya.
"It's okay Sir, you don't have to worry" Saad ng babae sa kuya nya, Hindi na nya tinignan kung ano pa ang reaksyon ng kuya nya. Nang pumasok sya sa loob ay nakasunod nman si Ysabelle.
"tsk" hindi nya matanggal ang inis sa Kuya Harold nya, ang akala ba nito ay ganun siyang klase ng tao na kung sino sino na lang ang ikakama nyang babae. Tinignan nya si Ysabelle na diretsong nakatingin sa kanya, chineck nya ang binili nito kanina sa Pharmacy at nagulat siya ng binilan siya nito ng salonpas.
"Here" inabot niya ang salonpas kay Ysabelle.
"Paki-lagay sa likod ko nyan" mabilis naman syang dumapa sa kama nya at hinintay ang paglagay sa likod nya ng salonpas, pero ng tiningnan nya si Ysabelle ay ni hindi man lang ito gumalaw sa pwesto.
"Ysabelle" tawag ko dito, lumingon ito sa kanya at nakakunot ang noo.
"cmon hindi ko kayang ilagay ng magisa yan" aniya, kumilos naman ito at dahan dahang naupo sa kama nya tinignan nya ng maigi ang galaw ng babae, sa tingin nya ay hindi comfortable ang babae.
"Don't worry wala akong gagawing masama sayo, baka nga hinahawakan palang kita ay naitumba mo na ko" natatawang saad ko dito, alam kong hindi ako uubra sa babae. Kung ang malaking lalaki nga kanina ay napatumba nya. pano pa kaya sya?.
Inilagay ng babae ang salonpas sa likod nya, mabilis lang iyon at ni hindi manlang nya naramdaman na dumapo ang kamay nito sa kanya.
"Yun na yun?" tanong nya dito, tango lang ang nagibg tugon nito. Tumayo sya at sinabing pati ang labi nyang may sugat ay gamutin din nya.
"Sir, kaya nyo na pong mag-isa yan" saad sa kanya ng babae.sabay taas ng kilay nito sa kanya.
"Cmon Ysabelle, may atraso ka pa sakin, unang araw mo palang ay dalawang beses mo na kong sinaktan" napahawak siya kunwari sa dibdib nya na para siyang nasasaktan. hindi naman na ito nag react at kinuha ang Betadine at bulak. nilagyan nya ng gamot ang bulak. Umayos sya ng upo at humarap sa babae, dahan dahan namang nilagyan ng babae ang kanyang sugat, para siyang nakuryente ng dumampi ang kamay nito sa labi nya. Tinitigan niya ng mabuti ang babae unang araw palang nyang nakakasama ang babae ay talaga namang humanga sya sa galing nitong makipaglaban at sa angkin din nitong ganda, kung siya ang tatanungin ay masyado talaga itong maganda para maging bodyguard lang. Habang Busy ito sa paglalagay ng gamot sa sugat nya ay hindi talaga nya mapigilang titigan ang mukha ang kinis ng mukha nya na akala mo ay model s a isang Cosmetic, mata nito ay medyo singkit , ang matang walang emosyon, mahaba din ang pilik mata nya, ang ilong nyang matangos at perpekto sa maliit niyang mukha pati ang labi nitong mamula mula hindi nya napigilan ang sarili at napakagat sa labi, napa-aray sya, oo nga pala ay may sugat sya dun, napatigil si Ysabelle sa ginagawa at tinignan sya.
"okay na Sir" sabi nito. Napatingin siya ulit sa babae pababa sa labi nito, mabilis siyang umiwas, bakit ang init sa kwarto nya? nakabukas ba ang aircon?.
"May ipapagawa pa po ba kayo?" tanong nito sa kanya, mabilis siyang umiling at pinalabas na agad ang babae, pambihira ang sabi ko ay pagti-tripan ko sya pero mukhang ako ang napagtripan nya.Nang wala na syang kailangan ay lumabas na ng kwarto nya si Ysabelle. Tinitigan nya nag kasasara lang na pinto. Para siyang nauuhaw kaya agad siyang kumuha ng Tubig sa kanyang miniref, pero nakita nya ang Can beer, agad niyang ininom iyon, pagakainom ng alak ay rumehistro ulit sa isip niya nag mapulang labi ng babae, 'anong nangyayari sa akin' tanong nya sa sarili. That Girl makes me Crazy.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)