webnovel

Chapter 3

I was browsing on my phone, nang magsalita ang katulong nila. 

"Sir nandito na po ang hinihintay nyo" agad agad naman syang napalingon sa katulong at sa kasama nito, hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya bigla syang natameme sa kaharap nya. 

"Hi Sir, I'm Ysabelle Amor" saad ng babae, hindi nya matanggal ang paningin nya sa babaeng nasa harap nya, napakaganda nito, ang maliit nyang mukha, matangos na ilong at maninipis na labi ay bumagay sa maliit nyang muka, mas lalong nakita ang magandang feature ng mukha nya dahil nakapusod ang buhok nito. , hindi lang nya mawari ang mga mata nito, wala itong emosyon, ni hindi manlang ngumiti sa kanya. 

"Sir iwan ko na po kayo" rinig nyang sabi ng katulong, hindi pa rin nya maalis ang tingin sa babae para sya nitong hinihipnotismo. 

"Sir!" tawag nito sa kanya, saka lang sya nahimasmasan dahil sa boses nito, pati ang boses nito ay masarap sa pandinig nya,anong nagyayare sa kanya? pinilig nya ang ulo nya at ngumiti sa babae, ang pinaka matamis na ngiti nya na alam nyang nagpabighani sa maraming kababaihan. 

" Hi Miss Ysabelle, please sit down" mabilis naman itong umupo sa kabilang upuan. 

"okay so Miss Ysabelle, matagal ka na bang nagtatrabaho as personal bodyguard?" tanong nya dito. bigla syang nanlamig ng titigan sya nito. 

"5 years na po akong nagtatrabaho bilang security guard" saad nito

" so marami ka ng experience ha" sabagay ay hindi naman kukuha ang parents ko ng hindi magaling na Bodyguard. 

"so bakit mo naisipan na magapply dito?" curious sya sa ganda nito ay pwede itong artista, pero bakit bodyguard ang napili nito. 

"dahil kailangan ko po ng pera para sa pamilya ko at eto lang ang nakita kong trabaho na pwede kong pasukan, highschool lang ang natapos ko."tuloy tuloy na sabi nito, tinitigan nya ang mata nito, wala talaga syang makitang emotion dito. 

" How old are you? " He asked. 

" I'm 27 sir" nagulat sya na magka-age lang pala sila nito, mukha syang bata kung titignan at mukhang hindi laki sa hirap. 

"are you sure, kaya mo kong protektahan?" hindi naman sa nagda-down ako, pero ang katawan nya ay slim lang, matangkad naman sya pero payat ito at kayang kayang patumbahin kahit ako. 

" I was trained to fight for several years, I can protect you no matter what" bigla may kung ano sa tyan nya na nakikiliti sya, wait kinikilig ba sya sa sinabi nito? napangiti sya dito, hahawakan nya sana ang balikat nito pero agad agad nitong nakuha ang kamay nya at pinalipit na akala mo ay mapipilayan na sya. 

"aww, awww that's hurt" mabilis naman nitong binitawan ang kamay nya, she apologies, sa bilis ng galaw nito ay halata mo ngang sanay na sanay ito sa self defense. 

" okay, you prove that you can fight, pero huwag mo ng uulitin yun, akala ko ay mapipilayan na ko" sabi ko dito, tumango naman ito,pinatayo ko sya inilibot ko muna sya sa bahay at itinuro ang magiging  kwarto nya. pagbaba namin ay naabutan namin si Kuya Harold sa salas, napatingin ito sa amin at sa babaeng nasa likod ko, ilang segundo din silang nagtitigang dalawa.

"Ehem" napatingin naman sa akin si Kuya Harold at tinaasan sya ng kilay, minsan talaga ay hindi nya mawari kung Gay ba ang kuya Harold nya, everytime na nakikita nya ito ay tumaas ang kilay nito sa kanya, napatawa naman sya sa naisip nya, napatingin sa kanya ang babae sa biglaang pagtawa nya, iniisip siguro nito ay baliw sya. hindi ko na kinaya ang pagtu-tour sa bago kong bodyguard kaya pinaubaya ko na ito sa mga maid, sinabi ko nalang na may pupuntahan sya mamayang gabi kaya mag-ready din sya, nagdadalawang isip nga sya kung isasama pa nya ito. kinuha nya ang laptop at sinearch ang pangalan ng babae, hindi nya makita ang pangalan nito sa lahat ng social media, tinawagan nya ang secretary nya at pinahanap nya ang pamilya ng babae at kahit anong impormasyon about sa babaeng iyon, curious talaga sya dito. nagtry pa ulit syang hanapin ang pangalan nito sa ibang social media accounts, pero wala talaga syang makita, baka naman hindi talaga mahilig sa social media ang babae, but that's impossible, lahat ng tao ngayon ay nakadefend na sa social media, news, sport at kahit buhay ng ibang tao ay nakapost na din sa doon, inabot aki ng 9 PM sa paghahanap ng impormasyon sa babaeng yun, nagbabakasaling may mahahanap ako, tinigilan ko na ang paghahanap dahil wala talaga kong mapapala, nagayos na ko ng sarili at lumabas ng kwarto, nagulat ako dahil naabutan ko si Ysabelle sa pinto ng kwarto ko, mukhang binantayan talaga nya ang pintuan ko. 

"bakit nandito ka? Don't worry walang gagawa sakin ng masama dito" tinignan lang nya ko, at tumango. 

"Next time ay ipapatawag nalang kita sa maid kapag aalis ako, but tonight is exempted, magpahinga ka nalang sa room mo" paalis na sana ko ng magsalita sya ulit. 

" Ang sabi ng Mommy nyo ay sumama ako kahit saan kayo magpunta" malamig na sabi nito, napatingin ako sa kanya. 

"hindi mo naman ako isusumbong di ba?" nagulat ako ng hawakan nya ang CP nya at may dinial sya sa Cellphone, kung hindi ako nagkakamali ay si Mommy nya ang tinatawagan nito

"Hello Ma'am - - -" mabilis kong kinuha ang cellphone sa kanya at pinatay ang tawag, tinignan lang ako ng malamig nito at inagaw sa akin ang cellphone nya. 

"Fine sumama ka na, pero sa labas ka lang, hindi pwede sa loob ang suot mo" I said, tumalikod na ko at alam ko naman na nakasunod sya. sasabihin ko palang sana na sumakay na sya sakin pero nauna na syang sumakay sa isang kotse. nagkibit balikat nalang ako at sumakay sa kotse ko. nakikita ko sa side mirror ko ang pag sunod nya sa kotse ko, ganito pala ang piling ng may body guard. binilisan ko ang patakbo ng kotse ko at balak ko sana syang iwan, pero hindi sya nagpapahuli nakasunod pa din talaga ito sa kanya. nagpark sya ng sasakyan sa pinakamadilim na area sa parking lot. expected nya na itatabi ni Ysabelle ang kotse nitong dala sa kanya pero mukang nagkamali sya, mga ilang kotse din ang layo nito sa kanya. Nang makita nito na bumaba sya ay sumunod agad ito. 

" Dito ka lang sa labas hindi ka nila papasukin sa loob ng Club" sabi ko dito, hindi naman ito kumibo, tuloy tuloy syang pumasok sa loob ng Club, hindi na nya tinignan kung nakasunod ba si Ysabelle, dahil for sure ay hindi ito papapasukin. usual ay agad akong inassist ng mga staff at kinuhanan ng maiinom, hinanap ng mata nya ang kaibigang si Marco pero hindi nya makita ang kaibigan, mukhang magisa syang magiinom ngayong gabi, hindi pa man ako nakakatagal sa upuan ay may lumapit na agad saking babae. maganda ang mukha nito at sexy  halos labas na ang kaluluwa nito sa suot nyang damit, fitted ang dress nito hapit na hapit sa katawan, mapula ang mga labi. 

"Hey Handsome, are you with someone?" she asked.  Tinignan nya ang paligid. Gusto nya sanang itanong kung may naklikita ba itong ibang elemneto.

"No" sagot nalang nya, tiningnan nya ng mariin ang babae. 

"Can I sit here? wala kasi akong kasama" tumango naman ako sa kanya at mabilis syang naupo sa tabi ko. 

"you know what, palagi kitang nakikita dito" sabi nito at sabay hawak sa kanyang braso, tinignan nya ng maiigi ang mukha ng babae at  ngumiti sya dito. 

"really? I haven't even noticed a beautiful like you here " He said, inalok nya ng alak ang babae, tingin nya ay nakainom na ito, dahil sa way ng pagsasalita at galaw nya.

"So anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin, ininom nya ang binigay kong alak, namumula na ang mukha nito pati na din ang leeg at dibdib nito, hindi  pa man sya nakakadami ng naiinom ay tingin nya nagiinit na sya. 

" To remove my stress" sabi ko. 

"Really? ang gwapo pala ay naistress din? Hahaha" sinabayan nalang din nya ang tawa nito. 

"Honestly I already saw you on the news, you're one of those young successful businessmen here in the Philippines"sabi pa nya,  kilalang kilala talaga sya ng mga tao, dahil palagi syang nalalaman ng news.

"Nope, I'm just continuing what my parents started" I said in Humbled word,totoo naman na pinagpapatuloy lang nya ang nasimulan ng magulang nya, kundi sa sipag at tyaga ng mga ito ay hindi sila yayaman ng ganon.

"well atleast your famous than your parents "  inalok ko ulit sya ng alak, agad naman nyang ininom yun. 

"so, how about you?" tanong ko dito. 

"what?" 

"What are you doing here?" tanong ko dito

"I just want to meet other people at gusto kong makalimot sa Ex ko" mapait na sabi nito that's why I don't like commitments, mas gusto ko ang ganitong Set up, nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"I can be your Boyfriend only tonight if you want to."saad nya, nagkatitigan muna sila ng ilang segundo nito bago sya nito hinalikan, nabigla sya sa ginawa nito, He only tease her at wala syang balak halikan ito. hindi nya inaasahan na ganoon ka wild ang babae, gumanti sya ng halik dito at nararamdaman nya ang kamay ng babae sa dibdib nya, hinawakan nya ang batok nito at mas nilapit ang bibig nila, palalim na ng palalim ang halikan nila ng may biglang humatak sa kanya, he was shock at mas nabigla sya ng biglang syang sinapak nito, gulat na gulat sya at hindi agad nakapagreact susuntukin na sana sya ulit nito ng may biglang sumipa dito ng malakas, hindi nya agad naaninag ang sumipa dahil sa madilim ang lugar , tumalsik ang lalake, tinignan nya ng mabuti ang sumipa dito at walang iba kundi si Ysabelle.

***

A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)

Next chapter