webnovel

Chapter 2

Lumipas ang mga araw at pasukan na naman

"Kringggg kringgg kringggg" tunog ng alarm clock

Agad ako bumangon pagkatapos ko gumising, magsasaing pa kasi ako ng kanin, tas pagkatapos kong magsaing maliligo pa ako, tas magbibihis pa ako pagkatapos ko maligo

"Garete pagkatapos mo magbihis dyan bumaba ka na agad dyan nakahanda na ang agahan, malilate ka na" sigaw ni mama sakin

"Opo Ma, bababa na po"

Kumain ako ng agahan kasabay si Bea

"Ma aalis na po kami" sabi ko kay mama

"Oh heto baon nyo ni Bea, mag ingat kayo sa daan"

"Opo Ma" sabay na sabi namin ni Bea

Lumabas na kami ng bahay ni Bea, hindi ko na kailangang ihatid pa si Bea sa paaralan kasi malapit lang naman sa bahay ang paaralan na pinapasukan ni Bea, malapit lang din naman sa bahay ang High School pero nasa kabilang direksyon kasi iyon sa paaralan ni Bea. Nagmadali akong naglakad kasi malapit na ako ma late sa flag ceremony.

"Sa wakas nakarating din ako sa campus, naaamoy ko na ang fourth year"

Sobrang daming studyante, sobrang ingay sa kasamaang palad nakita ko na naman mga tropa, hindi muna ako nagparamdam sa mga tropa ko kasi baka galit pa din sila sa akin dahil sa ginawa ko noong nakaraang linggo

"Garete? Bro! magkaklase na naman tayo hahahaha" sabi ni Carl isa sa aking mga kaibigan

"Talaga? Anong section ba tayo?" tanong ko kay Carl

"Ha? Tinatanong pa ba yan? Section one malamang sa talino ba naman natin eh mapupunta tayo sa section two? Ah iwan ko sayo parang lutang kana naman ata" sabi ni Carl at umalis

May dalawang section kasi sa bawat baitang ng high school, section one - halos lahat ng matatalino ay nandito, section two - andito lahat ang mga gagu

Agad na akong pumasok sa silid at nakita ko na naman ang mga dati kung classmates at mayroon ding mga bagong mukha na ngayon ko lang nakita

"May nakaupo na po ba dito?" tanong ko sa kaklase kong lalake na transferee

"Bakante pa iyan" sagot nya

"Ano nga pala pangalan mo pre?" tanong ko sa kanya

"Katsu pre" sagot nya

"Garete nga pala pre, nice to meet you" nakipag shake hands ako kay Katsu

"Garete!!!!" sigaw ni Kate sa likod ko habang akoy nakaupo sa aking upuan

"Oy Kate, ikaw pala. Kumusta na?"

"Eto buhay padin humihinga"

"Kate...." sabi ko sa kanya pero mahina ang boses

"Bakit?"

"Wala lang gusto ko lang tawagin pangalan mo" sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Loko loko" sabi nya sakin na naka ngiti

~tumawa lang ako ng tumawa habang nakatingin kay Kate

"Ding dong ding dong ding dong" tunog ng bell ng paaralan

Agad na kaming bumaba lahat, pumunta sa campus para sa flag ceremony

"Gareteee long time no see bro" sabi ni Godfrey sabay akbay sakin habang kami ay naglalakad

"Bro ikaw pala kumusta na?"

"Eto ok lang, pero nakita mo na ba yung bagong kaklase natin na babae?"

"Malay ko ba, wala naman kasi akong paki masyado sa paligid" sabi ko sa kanya

"Brooo!!! Ang ganda nya promise, ano nga ulit pangalan nun? charie man siguro yun? ah basta ang ganda nya" sabi ni Godfrey na gigil na gigil

"Iwan ko sayo, tara pumila na tayo" sabi ko sa kanya

Nagsimula na nga ang flag ceremony at pagkatapos ay bumalik na kami sa aming silid at umupo sa aming mga upuan

Pumasok na ang aming class adviser

"Good morning students, I'm Mrs. Ayn, you can also call me ma'am Ayn and I am your class adviser for this section"

"Good morning ma'am Ayn" sabi ng lahat

Kagaya ng ibang school mayroon talagang self introduction para sa bawat studyante at nag simula na ngang mag magpakilala ang mga studyante ng aming section

"Ako nga pala si Garete Gadayan bla bla bla"

"I'm Abdul Kareem bla bla bla"

"I'm Sharie Vaz" nahihiya

Napatingin ang lahat kay Sharie, di mapigilan ng mga lalake ang paghanga sa gandang dala ni Sharie, napatingin si Garete kay Sharie

"Ang ganda" yan nalang nasabi ni Garete sa kanyang utak

"Oh ano sabi ko sayo bro? Diba ang ganda? hahahaha" sabi ni Godfrey sakin likod, magkatabi kasi sila ni Kate ng upuan

"hmmm..." tumahimik nalang ako

Nagsimula na ang klase at topic pa din nila si Sharie pero kahit anong mangyari pinilit kung magpa walang paki dahil gusto ko walang sagabal sa akin sa pag aaral gusto ko fucos lang

Tanghalian na, tinawag na ako ng mga tropa ko dahil sabay daw kami kakain ng tanghalian sa di inaasang pagkakataon napatingin ako kay Sharie di ko inasahang nakatingin din pala sya sa akin for one second, di ko maipaliwanag kung ano ang aking nararamdaman

"Bro ano pa tinatayo tayo mo dyan tara na sobra na akong nagugutom dito" sabi ni Carl na nagmamadali

"Okey okey tara na, saan ba tayo kakain? tanong ko sa kanila

"Doon tayo sa may karinderya nila manong Ali masasarap ulam dun, marami ka pang mapagpipilian" sabi ni Lou

"Aba tara na" sabi ni Carl

"Teka lang Garete, pwede ba ako sumama sa inyo? Wala kasi ako ibang kilala dito eh maliban sayo" sabi ni Katsu sa akin na parang kinakabahan ang boses

"Aba siempre naman, mula ngayon kaibigan na din tayo" sabi ko sa kanya

Naglakad na kami papunta sa karinderya para kumain at pagkadating namin ay agad na kaming kumain lumipas ang ilang minuto ay biglang dumating si Sharie kasama mga kaibigan nya

"Hi Sharie" sabi ni Godfrey sabay ngiti

"Hellow" reply naman ni Sharie pero medyo cold

"Kakain ka din ba dito?" tanong na naman ni Godfrey

"Oo" medyo cold na reply ni Sharie

"Pumili ka lang dyan Sharie ako na bahala, libre na kita" sabi Lou

"Wag na, salamat nalang" reply ni Sharie na medyo cold

"Ah sge"

Matapos mag order si Sharie at mga kaibigan nya ay agad na silang umupo pero wala ng bakante sa table nila, apat lang kasi kasya sa isang table at sakto may bakante isa sa table namin, gusto ko sana syang yayain sa table namin pero nauna si Godfrey, nasa kabilang table kasi sina Godfrey, Abdul at Carl habang sa table namin ay sina Katsu, Lou at ako

"Sharie may bakante pa dito oh" sabi ni Godfrey kay Sharie

Napatingin si Sharie kay Godfrey pero sa table namin lumapit si Sharie

"Pwede ba ako umupo dito?" tanong ni Sharie sakin

"Aba Oo naman basta ikaw" sagot ko na medyo cool

Natahimik nalang si Godfrey habang nakatingin sa amin at natahimik din ako, di ko kasi alam kung ano ang sasabihin, na blanko utak ko at natapos na din akong kumain pero hindi pa tapos kumain si Sharie, buti nalang mahina kumain si Katsu kaya ayon napaupo lang ako di alam sasabihin at natapos na ngang kumain si Sharie

"Salamat" sabi ni Sharie sakin

"Ah? ha? Para san?" litong sagot ko sa kanya

"Sa pag bigay ng pwesto"

"Ah wala yun haha"

"Garete pangalan mo tama?" tanong nya sakin

"Oo haha" sagot ko sa kanya, kinakabahan talaga ako kung ano isasagot ko

"Sharie tara na, balik na tayo sa school" sigaw ng kaibigan nya

"Sge mauna na ako, tinatawag na kasi ako ng mga kaibigan ko" sabi nya sakin

"Ahm ok sge ingat ka" sabi ko sa kanya

(haysst buti nalang umalis na sya, napaka awkward talaga pag andito sya)

Tiningnan ako ng mga tropa ko na para bang tingin nila sakin may ginawa akong sobrang sama

"Napaka traidor mo Garete" sabi ni Godfrey sakin na parang galit

"Ha? Anong ginawa ko?" takang tanong ko sa kanya

"Nagmamaang maangan ka pa!" sagot ni Godfrey sakin

"Wala nga akong ginawa, ano ba kasi ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kanya

"Akala ko ba wala kang paki kay Sharie?!" tanong ni Godfrey na parang galit

"Di naman kasi sa ganun....."

"Haha it's a prank, di ka naman ma biro haha kung gusto mo si Sharie susuportahan nalang kita, alam kung ayaw ni Sharie sakin kaya ayos lang sakin kung sayo sya mapunta basta wag mo lang sya sasaktan kung hindi alam mo na" sabi nya sakin sabay akbay na pinipilit ang pag tawa

"Haha ano ba pinagsasabi mo? Nag usap lang kami saglit yun na yun wala namang namamagitang special samin eh haha" sagot ko kay Godfrey sabay tawa

"Oh sge kung gusto nyo mag usap hanggang hapon, dyan nalang kayo mauuna nalang kami sa sainyo" sabi ni Carl samin

"Ano kaba naman Carl masyado kang mainipin, tara na" sabi ni Godfrey

Next chapter