Light's POV
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umuwi na si kuya, naparito lang siya sa upang kamustahin at bisitahin ako. Nag aalala din siya sa akin na baka mapahamak ako, alam niya daw ang tunay na ugali ng prinsepeng yun papatay siya ng tao kung gugustuhin niya, pero ako hahahahha tatawanan ko nalang yung kapreng yun, bakit naman ako matatakot sa kapreng yun. So yun nga binigyan niya lang ako ng advice na iwasan ko daw yung prinsepeng iyon dahil yun lang daw ang only way para hindi ka mapapalaban sa kanya, ganon naman talaga yung ginagawa ko pero yung prinsepeng iyon lapit ng lapit sa akin. So now may trip to hell kami, let's see kung gaano kaganda ang trip na pinagsasabi niya, sasakyan ko siya.
Ngayong hapon ay nasa kanya kanya kaming mga guild house, about pala sa tropeyong napanalunan namin i dinisplay na namin sa loob ng house. This is the first trophy that we've got under my leadership and i hope na sana magtuloy tuloy na ito para maitumba na namin ang hydrascale which is one of our main goal. Habang naglilinis kami ay may mga yabag ng paa kaming naririnig at parang kumakaripas ito ng takbo papunta sa direksyon ng aming house. Napatigil naman kaming apat sa paglilinis ng aming house dahil sa yabag na yun.
" Light get ready!!! Mapapasagupa tayo sa mga chakadal na estudyante dito sa school" hingal na hingal na sabi ni rose, so sa kanya pala galing ang mga yabag kanina sa may pasilyo. Agad ko naman siyang nilapitan,and wait anong pinagsasabi nitong mapapasagupa kami sa mga estudyante hahh??
" Anong pinagsasabi mo rose??" Nagtatakang tanong ko at sina shiela, dim at Jeremy naman ay napapaisip narin sa mga sinabi nito. Binigyan muna namin siya ng tubig saka namin siya pinasalita, napasinghap muna siya pero nanginginig siya na para bang nakuryente ng ilang boltahe. Hinawakan ko naman siya sa may kanang braso nito,ngayon lang namin siya nakita na parang natatakot ng sobra.
" Ba't parang naprapraning ka na ??" Tanong ni shiela habang nakahagikhik ito kakaltusan ko na sana siya ng bigla niyang hinahawakan ang kamay ko.
" Sorry na sorry " paghihingi nito ng tawad at natawa naman ako at binaling ko ulit ang aking paningin ko kay rose, nakakapagtaka talaga. Nanginginig siya na para bang may kinatatakutan.
" Anong problema rose sabihin mo na??" Nagtatakang tanong ko sa kanya at hindi siya makapagsalita, inalog alog ko naman ang kanyang braso nang sa gayon ay magising siya nakatunganga lang kasi siya at nanginginig, ang mga kasamahan ko naman ay nag aalala na sa kanyang kalagayan ngayon na para bang nasisiraan na ng ulo.
" Huy sabihin mo na" sinigawan ko naman siya at napabalik siya sa kanyang ulirat hahh?? Ang weird niya sa totoo lang.
" Light natatakot ako baka hindi na tayo makaka abot bukas" natatakot na wika ni rose at nagulanta naman kami sa kanyang sinabi parang kinakabahan naman yung iba pero ako nagtataka parin. Gusto kong malaman kung ano talaga ang tinutumbok nito.
" Ano ba talaga ?? Hah!! Mag salita ka" naiiritang wika ko, naiinis na talaga ako at kinakabahan din sa mga pinagsasabi niya para siyang may mental condition.
" Si prinsepe xaiver tinotoo niya ang banta niya sayo na gagawin niyang impiyerno ang buhay mo, maghanda na tayo ngayon rinig na rinig ko ang usapan ng mga estudyante na may reward si prince xaiver sa sino mang makakapagpasugat sayo!! " Natatakot na wika nito namumuo narin ang mga pawis nito sa mukha at nakahilera narin para mahulog. Napaatras naman ang mga kateam guilds ko sa inihayag ni rose. Tinotopak na talaga ang utak ng kapreng yun napakabayolente niyang tao.
" At light ang mga tsismis na nakalap ko sa mga estudyante ay pati daw ang mga nakapaligid at tumutulong sayo ay madadamay. Nakikiusyoso din ako sa tsismis nila kanina na ang lahat daw ng mga estudyante ay willing na sugatan ka dahil may premyo"balisa nitong saad shittt ang buwisit na yun halang talaga ang kaluluwa niya.
If that's what he want sige lang gusto ko na matuwa kaming dalawa, lets see smirked*
Napagalaw naman ako ng ulo at kamao na parang handang handa ng manuntok nang kung sino man.
" Rose, dim, shiela, at jeremy mag ninja costume tayo ngayon let's see kung mananalo sila laban sa atin" nakangising wika ko sa kanila at bakas sa mukha nila ang pag aalala, don't worry guys matagal tagal na rin akong hindi nakaranas na tumakbo ng habul habulan.
" Bilisan niyo i know na paparating na sila, ang mga roba niyo ilagay niyo nalang diyan, mag ninja costume tayo para makagalaw tayo ng malaya" pag uutos ko at dali dali naman silang pumunta sa closet ng house namin may mga costume na nakatago doon. Agad din akong pumunta sa may closet, at mag nininja costume din ako. Puro black lahat ng suot namin pati yung shoes namin, hindi na kami nagmaskara, ang OA OA kasing tignan hahahhah. Pagkatapos naming nagdamit ay ininom namin ang juice na favorite ko ang strawberry, i believe na this juice will give us more strength. Alam kong mapapasagupa kami sa mga estudyanteng sinasabi ni rose kanina, totoo pala yun hahahah wait ano kayang pabuya ang ibibigay niya kung masusugatan nila ako, susugatan ko nalang daw yung sarili ko baka ako pa yung makakakuha ng pabuyang yun hahaha jwk no way mahal ang pagpapaalis ng peklat noh.
" May magbaback out ba?? Sabihin niyo lang hindi naman ako magagalit mas maganda nga na ako nalang para wala na akong aalahanin pang iba maliban sa sarili ko" pagwiwika ko sa kanila habang nasa mesa kami, nahagilap ng aking mata si shiela na parang nainis sa sinabi ko hahh?? Nu daw.
" Gaga kang haliparot, sinuot na namin ang costume, ayoko nang magpalit nohhh" pag aayaw ni shiela at napatawa naman kami hayyss iba talaga kapag nasa eagle wings guild ka kagagahan ang lumilipad sa mga utak ng miyembro ko hahahah.
" Oo nga light ikaw talaga naku, alam mo ba plinantsa pa namin ito " dismayadong sabi ni dim and i chuckled, natawa naman ang iba hayys papapunta na nga kami sa impiyerno tapos may oras pa kaming tumawa hahahah.
" So if that's so ilagay niyo ang kamay niyo bilis" pag uutos ko at nilagay ko muna ang kamay ko, parang may ideya na sila kung anong dapat gawin.
" Mabuhay ang hollow 5 " pag sisigaw ko ngumiwi naman sila na parang nandidiri atsaka nila sinigaw ang sinigaw ko kanina at pinagpatong patong namin ang aming mga kamay na parang isang team.
" Anong hollow 5 saan mo naman yan nakuha?" Nakangiwing pagtatanong ni shiela at napahagalpak nalang ako ng tawa.
" Gaga name ng banda natin yun , diba lima tayo so ginawa kong hollow 5" pagpapaliwanag ko habang Nakabungisngis at napatango naman silang lahat na parang ngayon lang Nila nalaman hayyss.
" Ilabas niyo yang mga sandata niyo dahil mapapasagupa tayo sa mga chakang zombie dito" pag uutos ko pero nangingibabaw parin ang takot sa kanilang mga mukha, pero ngumisi lang ako sa kanila.
" Divine cane" pag tatawag ko at nag liwanag ang kamay ko at lumuwa ang ginuntuang tungkod ko, ang nakakatawa pa ay bagay na bagay sa ninja costume ko hahhahah. Pinalabas naman ni shiela ang bronze sword niya kiyahhh amazona nga akala ko walis kasi bruha siya ehhh hahah. Si dim naman ay samurai wow saktong sakto hahh, si rose naman ay isang pana with unlimited arrow, at si jeremy naman ay shuriken.
"Attack..." Pagsisigaw ko at natawa naman sila haysss bruhildang bruhilda talago ohh.
" On titan gel" pag dudugtong ni shiela at kinaltusan ko ito sa ulo para mamatay na ang mga kutong kumokontrol sa gagang utak niya. Lalabas na sana kami nang may anunsyo kaming narinig wait ginamit niya ba ang magical mic
" Announcement to everyone, mag handa na kayo gusto kong masugatan niyo siya, ang sino mang makakasugat sa kanya ay gagantimpalaan ko ng isang wish kahit ano pa iyon, the trip of hell are now starting" pag aanunsyo ni kapre hayyss nakakarindi na talaga ang kapreng yun, ba't hinahayaan lang ni headmistress ang ganitong uri ng laro buwisit.
" Rose nasaan si headmistress??" Nababanas kong tanong sa kanya naiinis na talaga ako hayyss.
" Wala siya sa school ngayon, nasa bayan siya, nasa isla lang ng lux imperium ang bayang iyon na pinamumunuan din ni headmistress, pinasyal niya kase ang mga panauhin lalo na ang mga headmaster at headmistress ng iba't ibang paaralan " nagmamadaling tugon niya sa akin shittt hayys ayokong ipakita ang maraming guardian ko,ayokong mapahamak hayys.
Agad naman kaming lumabas at nagulanta kami sa aming nakita dahil libo libong mga estudyante ang nagsisitakbuhan at may hawak hawak silang mga sandata na animo'y lalaban sa isang digmaan. Ang mga gaga kong friends naman nanginginig na hayyss anu bayan.
" Wag niyong ipakita sa kanila ang takot niyo baka sabihin nilang natatakot tayo sa kanila!!" Seryosong wika ko sa kanila at pinagpapawisan na rin kaming lahat.
"Puntahan muna natin ang library bilis magtago tayo!" Mabilis na utos ko sa kanila at agad kaming kumaripas ng takbo papuntang library, si jeremy at dim naman nagawa pang maglaro, na parang ninja hayyss. Agad naman kaming nakita ng mga estudyante shittt.
" Light sumuko kana gusto kong makuha ang wish!!"
" Light pls sumuko kana, magpasugat kana kahit isang karayom lang plsss gusto kong makuha ang wish at iwiwish kong anakan ako ni xaiver!!"
Hayyss buwisitttt ang lalandi at ang popokpok ng mga babaeng yun pati mga bakla at lalaki din ganun din ang wish hayys. Ganon na ba kahot si xavier para isakrispisyo nila ang virginity nila hayss.
" Pagpasensyahan niyo na ako pero wala sa bokabolaryo ko ang sumuko!!" Pagsisigaw ko habang binabagtas ng patakbo ang pasilyo patungong library. Nang makarating na kami ay nahuli naming tumatakbo ng palayo si professor matheo hayyss hihingi sana kami ng tulong sa kanya.
" Professor matheo tulungan niyo kami!!" Pagsisigaw ni rose ngunit tumakbo lang ito palayo sa amin na parang ayaw niyang mahawaan ng virus na nanggaling sa amin.
" Pasensya na kayo, gusto ko pang mabuhay !! Wala pa akong anak at gusto ko pang magkaasawa" Sigaw na tugon ni professor hayys hihingi lang sana kami ng tulong ganito ba sila kung matakot sa xaiver nayun nakakainis na.
"Ganyan ba sila kung matakot sa kapreng yun?" Pagtatanong ko kay rose, hingal na hingal na din ako same with them gusto ko nang huminga subalit may nakasunod na mga zombie na tamaho. Hindi mapalagay ang paningin ni shiela at parang nag aalala ito sa maaaring mangyari sa amin.
"Oo, halos majority ng mga professor dito ay takot sa prinsepe mukhang ikaw ata at si headmistress lang ang hindi natatakot sa kanya" hingal na hingal na tugon nito sa akin, ahhh so ganon pala dalawa lang kaming hindi natatakot, kaya pala immune sa kabulastugan ang kapreng yun buwisit.
Pagkaraan ng ilang minutong pagbagtas sa pasilyo ng gusali ng paaralan ay nahanap na namin ang library, agad kaming pumasok dito ngunit sumunod sila kaya hindi namin naisara ang pintuan. Maraming nakahelerang mga bookshelf, nag aalala ako na baka masira ang laman ng library.
" Divine wand" pagpapalit ko ng sandata at lumabas ang ginintuang wand na para lang sa mga wizard pero meron ako nito, tinuruan kasi ako ng mga bathalang buhay kung paano gamitin ang lahat ng klase nang sandatang pwedeng gawin ng tungkod ko.
Nabigla naman ang mga kasamahan ko sa aking hawak hawak ngayon, akala nila sword at trident lang ang magagawa ko hahahah.
" Gaga ka ilan ba talaga ang nagagawa ng tungkod mo hah??" Pagtatanong ni shiela hayys may oras pa talaga siyang mag tanong.
" Siguro hindi mabilang sa daliri at paa " nakangising tugon ko sa kanila at lumuwa naman ang mata nila dahil ngayon lang nila nalaman na may ganoon palang sandata hahahah.
"Gaga kayo wag na kayong magtanong pa, magtago kayo bilis!!" Nakaiirita kong saad sa kanila at nagtago naman kami sa may duluhan ng book shelf malaki kasi ang book dito parang 10 classroom kung ipagsama sama ang laki nito. Habang nagtatago kami ay may nahagilap akong isang libro na pinamagatang THE WAND DANGEROUS SPELL at dali dali ko itong kinuha, may wand kasi ako, i can use this book para matalo sila. Habang wala pang nakakahanap sa amin ay binuklat ko ang bawat pahina at binasa ang mga spell shitt dangerous spell pala ito, nakakatakot naman pero useful naman to nohhh.
" Hoy gaga ka nasa bingit tayo ng kamatayan wag mo nang paandarin ang pagiging bookworm mo, and wait ano bang binabasa mo?" pagtatanong ni shiela hayys pakialamera talaga ohhh kakaltusan ko talaga ito.
" Shungabels ka talaga nohhh, kita mo naman na nagbabasa ako ng spell para sa magic wand ko" nanggagalaiting wika ko sa kanya pakialamera talaga ohhh para naman ito sa amin. Pagkatapos kong binasa lahat ay naisaulo ko na yung ibang spell hindi naman lahat pero ok na yun siguro babalikan ko nalang ito kung may time ako.
" Light nasaan kana, wag mo na kasi kaming pahirapan!!"
" Light naman ohhh magpasugat kana ohhh natatakam na kami kay fafa xaiver"
" Light naman plss magpakita kana isang sugat lang naman ang kailangan namin ohh"
Hayyss papalapit na rin sila buwisit, kaya agad kaming nagpakita at ginamit namin muna ni jeremy, rose at ako ang distance weapon namin.
" Adipiscing aqua" pagwiwika ko ng magic spell habang tinututok ko ang divine wand ko sa kanila at may bigla nalang lumabas na water splash na nagdulot upang mapatalsik ang mga chakang estudyante bale 20 silang napatalsik at basang basa hahahahh buti nga sa inyo. Nakita ko namang pinagpapana at pinagtatarget nina jeremy at rose ang mga natitirang estudyante. Nagkasugat sugat narin sila maraming napuruhan at nakahandusay shittt ang warfreak naman namin kung ganito bahala na we need to survive parang kamatayan ang sinusuong namin ngayon hayyys lagot ka talaga sa akin kapre kung makakaharap kita mamaya.
"Aqua bulla" pagbabanggit ko ng spell habang tinitutok ang divine wand sa mga chakang zombie, bigla nalang may pumalibot na bula ng tubig at nakulong sila nito at nalunod, sa sobrang pagkalunod sa ilalim ng bulang tubig ay nawalan sila ng malay hehehhe.
" Shit anong ginawa natin sa library nagkatumba tumba at nagkasira sira ang mga bookshelf lagot malaking parusa ito" nangangambang sabi ni rose ayyy shitt lagot tangina oo nga pala one of the rules in this school ay wag sirain ang properties lalo na itong library mahirap pa namang mag ayos nito.
"Hayaan mo na yan kailangan nating makalabas at makasurvive nohhh" saad ni dim, may point naman siya and wait anong lugar ang pupuntahan namin?? Hmmmm ohh alam ko na sa may wall nang paaralan na ito may tutulong sa amin, ang mga tagabantay ng wall yung mga batong kawal.
" Hawakan niyo ako guys may pupuntahan tayo" pag uutos ko sa kanila at dali dali naman nilang sinunod ang utos ko at nag laho na kami.
Prince xaiver's POV
Let's see kung mabubuhay ka pa, ngayon na alam mo na kung paano ako magalit, siguro naman mag susurender na siya hahahaha.
" Kamahalan ang hirap nila pong hulihin, ni isa sa mga estudyante ay walang nagtagumpay na sugatan siya" pag uulat ng isang estudyante, napayukom nalang ako ng kamao hayyss paano nila yun nagawa ang dami namang participants they're more than thousands na students hayyss.
" Ang lalakeng nakaputi ang buhok na iyon po kamahalan ang pinakamalakas sa kanilang lima" pag uulat ng isa sa mga estudyante hayyss napakatigas talaga ng baklang yun buwisit gusto ko nang bumaba sa tore na ito, gustong gusto ko talaga iparamdam sa kanya kung paano mabuhay sa impiyerno , nandito kasi ako ngayon sa pinakamataas na tore nang paaralan dahil gusto kong panoorin siya mula sa baba kung paano siya habulin ng mga lumahok sa larong aking binigay hahahha.
Light's POV
Niluwa kami ng pagteteleport ko sa tarangkahan ng buong kastilo ng paaralan, ito ang daan palabas ng paaralan at hindi ka basta basta makakalabas dito dahil may barrier dito without the permission of the guard hindi ka makakapasok at makakalabas. Bumungad sa aming harapan ang mga kawal na bato na nasa harapan namin shitt wag nilang sabihin na sumali sila sa nakakbuwisit na trip to hell ni kapre.
" Hulihin sila!!!" Pagsisigaw na utos ng isang kawal na bato shittt.
" Shiittt takbo!!" Pagmumura ko at agad naman kaming kumaripas ng takbo hayyss pati pala sila nakisali narin shitt ganito ba kalakas ang kapreng yun kaya niyang mapasunod ang mga nilalang sa loob ng paaralang ito gaya nang sinabi rose sa akin kaninang umaga.
" Saan tayo pupunta??" Tanong ni shiela habang tumatakbo kami hingal na hingal na rin kami, we need water.
" Sa potions laboratory doon tayo pupunta, maraming mga supplies doon na tiyak kong magagamit natin " hingal na hingal na wika ni rose ohh shitt oo nga pala ba't hindi niya sinabi kanina.
Habang tumatakbo kami ay bigla kaming nagulanta nang nagsilabasan ang sangkatutak na mga chakang zombie na estudyante ang dami nila at parang pinapapalibutan nila kami. Napatigil naman kami sa kakatakbo dahil sa pagkabigla hindi namin inaasan na ganito sila kadami.
" What if puntahan natin yung enchanted lake??" Pag aanyaya ko at napatingin sila sa akin, and they are staring at me na parang may kasalanan ako sa kanila.
" Gaga ka papatayin mo ata kami nohh hindi porket nasa loob yon ng paaralan at kinatatakutan yun ay pupuntahan natin yun, nahihibang kana ba ipapahamak mo ata kami at yang sarili mo hahh!! maraming nilalang doon baka ikakamatay pa natin ang pamamalagi doon kaysa sa larong ito." Nakaismid na saad ni shiela, ayy shittt ako lang pala ang nakakapunta doon hahahha. Sige nalang daw wag nalang.
" May gagawin akong ikakatindig ng balahibo nila hahahhah smirked* " nakangising wika ko sa kanila at napaatras sila.
" Anong gagawin mo light???" Natatakot nilang wika sa akin at ang masaklap ay sabay sabay nilang binigkas ang salitang yun smirked*, ngumisi nalang ako.
" Ossa renascittur" pagbibigkas ko ng spell at binigyan ko sila ng nakakatakot na ngisi at napaatras sila sa akin. Bigla namang may lumabas na mga kalansay sa kalupaan na nagpatakot sa mga estudyante. sobrang dami ng mga kalansay at parang mga kawal sila na napaslang sa isang digmaan base sa kanilang mga kasuotan. Bigla naman silang nagsiluhuran sa aking harapan hehehheh humanda kayo sa akin.
" Maraming salamat panginoon sa pagbuhay ng patay naming mga buto, anong maipaglilingkod namin sa iyo??" pag tatanong niya , i think he is the general of this one battalion soldier ng mga skeleton.
" Patulugin niyo silang lahat at siguraduhin niyong hindi sila mamatay" pag- uutos ko at agad naman silang tumayo at pinaghahabol ang mga estudyante hhahahhah ang funny nila, yan kasi sasama pa. Binaling ko naman ang aking tingin sa mga kasamahan ko na namumutla na waittt natatakot ba sila hah??
" Li-light, pa-paano mo i-iyon na na -gawa??" Utal utal na tanong ni rose at pati siya namumutla narin at parang hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
" Nabasa ko lang yan sa libro, naging interested akong gamitin ang isa sa mga dangerous spell kaya ginamit ko" pagtutugon ko habang nakangiti, at napaatras na naman sila wait ano bang nangyayari sa kanila.
" But li-light ang spell na gi-ginamit mo ay napa-napakadelikado, ang kwento ka-kasi ng professor namin isang darkfolks lang ang makakagamit non ehhh, isa kasi sila sa mga dark folks" pagkwekwento ni shiela OMG kaya pala dangerous ang nakasaad sa librong yun pero ok na yun atleast nakatulong.
" And light dark folks ka ba??" Pagtatanong ni rose, namumutla parin ito, ano daw dark folks??
" Gaga hindi noh sa gwapo at ganda kong ito pagkakamalang darkfolks, mas dark folks ka pa nga tignan kaysa sa akin ehhh" mataray kong sagot at napatawa nalang sila hayys buti naman nawala na yung takot na namumutawi sa kanila dibdib.
Prince xaiver's POV
Habang pinagmamasdan ko ang paaralan mula sa itaas ay napatingin ako sa silangang bahagi ng kastilong ito na malapit sa wall nang paaralan, namutla ako sa aking nakikita waittt imposible paano nakapasok ang mga darkfolks na kalansay dito this is impossible, sinong may gawa nito??, maybe he / she's one of the darfolks din, paano niya naipasok ang mga kalansay na kawal na yan??.
" Kamahalan may mga dark folks pong nakapasok lagot po tayo nito kay headmistress, at pinaghahabol po ang mga estudyante ngayon sa baba at pinagpupukpok pero hindi naman po nila pinatay" pag uulat ng isang estudyante sa akin, but how ang alam ko sa isang dark folks kapag may nakikita silang mga light folks ay papatayin nila kaagad ito at walang matitirang kahit anong palatandaan ng kanilang pagkamatay. But this i think may nag uutos sa mga kalansay na ito.
"Patayin sila ngayon lahat!!" Sigaw ko sa estudyante.
" Ngunit kamahalan, isang battalion sila" nangangambang wika ng estudyanteng nag uulat sa akin, ano???? Isang battalion siguro 6000- 5000 ang dami nila.
" Bahala na basta ubusin niyo silang lahat ngayon din gamitin niyo yang mga guardian niyo" pag uutos ko subalit parang nag aalinlangan parin itong sumugod.
" Ngunit kamahalan...." Pinutol ko kaagad ang kanyang sasabihin ayokong tinatalima ang utos ko kaya sinigawan ko siya ng pagkalakas lakas.
Light's POV
Shitt hindi parin talaga sila nagpapatinag habol ng habol parin talaga sila sa amin kanina kahit may skeleton nang nakahabol sa kanila buwisit. Nang makarating na kami sa may laboratory ay kaagad naming sinara ang bawat pintuan na pwede nilang pasukan.
" Hanapin natin ang energy potion bilis we need energy " pag uutos ni rose at nakita ko iyon kulay orange yung bottle ng potion.
" Yun ohh " pagtuturo ko at kaagad kaming tumakbo papunta sa gawi ng potion na yun na nakadisplay lang at binuksan ang potion at ininom wow ang sarap at Parang nawala ang antok at pagkatamlay namin. Nahagilap ng aking mga mata, si shiela na may hinahawakang isang potion at parang nag iisip ito.
" Ano yan shiela??" Nagtatakang tanong ko sa kanya at binaling niya ang tingin niya sa akin.
" Bunny potion parang may ideya ako para maubos yung mga chakang zombie sa labas" nakangiting tugon ni shiela at nagtataka naman kami hah?? Anong gagawin niya diyan??
" Kung meron lang sanang laruan dito na baril tapos naglalabas ng long-distance water maganda ang kalalabasan nito" nakangising wika ni shiela waitt anong gagawin niya sa baril na pangbata yung naglalabas long distance na water.
" Wait meron dito!!" Biglang singit ni rose at dali dali itong pumunta sa may aparador na malapit sa pinaglalagyan ng laboratory apparatus at may inilabas itong pangbatang baril waittt ba't may ganyan sa laboratory na ito??
" Wag kayong magtaka kung bakit meron nito, ginagamit ito ng mga potion producer para mag experiments kung pwede bang gamitin ang mga potion na kanilang ginawa para gawing bala ng isang baril." Pagpapaliwanag ni rose ahhh ok, agad naman itong kinuha ni shiela at pumunta sa may lababo at nilagyan niya ng tubig ang limang mga baril na pambata at nilagyan niya ito ng kaunting patak ng bunny potion, hahh?? Ano naman ang magagawa niyan.
" Yes successful, magagamit natin ito para gawin silang bunny lahat hahahahha" creepy na tawa ni shiela yayyy para siyang bruha.
" Buti naman may naibubuga din yang utak mo na pwede naming gamitin" sarkastikong wika ko sa kanya at napasimangot naman siya.
" Wag kanang masatsat diyan kunin niyo na ito " nakasimangot na utos ni shiela sa amin at napatawa nalang ako habang kinukuha ang pangbatang baril na may tubig with bunny potion.
Agad naman kaming napagalaw dahil sa pagkagulat nang may sumira sa pintuan ng laboratory at agad nagsitakbuhan ang mga chakang estudyante slash zombie sa amin.
" Attack hollow 5" pag sisigaw ko at agad naming pinutukan ng baril na may tubig ang mga estudyante at agad itong nagshapeshifting from tao to bunny kiyaahh ang cute nila pero sorry, ang chachaka pala nila. More than 20 silang naging bunny at napahagalpak nalang ako ng tawa ng nagsitakbuhan paalis ang iba pang estudyante hahahah.
" Labas bilis!! our next destination is on field "pag uutos ko at agad kaming kumaripas ng takbo papunta sa labas para puntahan ang field na malapit lang dito.
Pagdating namin doon ay sumambulat sa aming paningin ang maraming estudyanteng na parang takam na takam na akong sugatan. Pinalilibutan na naman nila ako hindi talaga sila nag sasawa sa paskeleton effect ko sige lang. Papadilim na rin dahil humihina na ang sinag ng idaliang araw.
" Rock and roll" pag sisigaw ko ngunit napatigil kami ng pinalabas ng sangkatutak na mga estudyante ang kanilang mga Guardian shitt seryoso ba sila sa mga ginagawa nila ang kapreng yun shitty enemy talaga ang turing niya sa akin.
"Ilabas na natin ang mga alas natin sa tingin ko mahihirapan tayo dito" paguutos ko sa kanila ayokong ipakita ang mga million million kong mga Guardian at mga summoning creature. Agad naman nilang tinawag ang kanilang mga Guardian. Si shiela naman tinawag niya ang kanyang guardian na Unicorn kiyyahh ang cute, si dim naman ay Valkyrie isang uri ng nilalang na babae na may pakpak ng isang anghel pero hindi sila anghel may pakpak lang talaga sila with sword,si rose naman ay pegasus ang kabayong may pakpak, si dim naman ay centaur, kalahating tao at kabayo na may hawak hawak na pana.
" Legendary warriors at encanta labas" pagtatawag ko lumabas naman sila at lumuhod sa harapan ko.
" Patulugin niyo silang lahat siguraduhin niyong hindi sila mamatay maliwanag" pag uutos ko at tumango naman sila, Ganon din ang utos ng mga kasamahan ko at umatake na silang lahat sa mga kapwa nilang creature. si encanta naman ay kinontrol ang karamihan ng mga creature na nagpagulat sa mga estudyante. Hindi parin talaga maubos ubos ang mga estudyante, ang dami talaga nila uncountable kung baga.
" Anong gagawin natin light bilis papalapit na sila" nangangambang pagtatanong ni shiela habang nakapose ito na parang amazona, hmmm ano kaya?? ahhhh alam ko na sa may tore, limang tore kasi ang meron dito so pupunta kami sa may hilagang tore.
" Hawakan niyo ako bilis" pag uutos ko sa kanila at hinawakan naman nila ako at nag laho na kami.
3rd person POV
Habang kumakain ang mga prinsepe't prinsesa ng mga paborito nilang pagkain ay hindi nila namalayan na may kaguluhan na palang nangyayari sa loob ng paaralan na kagagawan mismo ni prinsepe xaiver. Habang kumakain si prinsesa avira ay napag isipan nitong buksan ang bintana dahil naiinitan ito at nang mabuksan niya ito ay agad siyang namutla sa kanyang nakita sa baba, mga nakahandusay at walang malay na estudyante, mga humahabol na kalansay at mga nagsisilabanang mga estudyante. Napamura nalang ito ng wala sa oras.
" Guys bilis tignan niyo ito" pagtatawag ni prinsesa avira at agad namang nagsitakbuhan patungong bintana ang mga prinsepe at prinsesa, nagulanta sila sa kanilang nakita at napuno ng takot ang kanilang mga damdamin.
" Anong nangyayari sa labas??" Nangangambang tanong ni prince oliver.
" Waitt lang nasaan si headmistress at ang iba pang mga professor?" Nagtatakang tanong ni prince lucas.
" Nasa bayan sila ngayon kasama ang mga head ng iba't ibang paaralan at kasama din dito ang karamihan ng mga professor natin" pagtutugon ni prince Mitchelle at napaatras naman si prinsepe oliver.
" Ano??? Kailangan natin silang puntahan ngayon din" nakakagulat na wika nito at agad silang naglaho para puntahan si headmistress.
Light's POV
Niluwa kami ng aking teleportation abilities sa hilagang tore ng paaralan, pero nagkamali kami dahil maraming nakasunod sa amin at papaakyat na silang lahat paitaas ng tore hayyss wala bang dismiss muna hindi ba sila napapagod sa kakahabol sa amin.
" Light anong gagawin natin??" Biglang singit na tanong ni rose sa akin nangangamba narin ang iba dahil baka ito na ang katapusan namin pero no way hahahahha.
" Inhale and exhale muna kayo may pag-iisipan muna ako" seryosong sabi ko sa kanila at sinunod ko naman sila. Ano kaya ang gagawin ko para mawakasan na ito nakakarindi narin talaga ang kapreng yun.
" Panginoon, may kailangan ba kayo???" Pagwiwika ng kung sino, hinanap ko naman ang boses na yun pero hindi ko naman mahanap.
" Nandirito ako panginoon sa may kanan niyo" pagwiwika nito sa aking isipan at kumanan naman ang aking paningin waitt isang ibon pala hmmm??. Nakita ko naman itong nakayuko at parang nagbibigay pugay, hayys adik ba sila hindi nga ako diyos or something na pwede nilang yukuan
" Anong maitutulong ko sayo panginoon??" Pagtatanong nito sa aking isipan, buti nalang may hulog ng langit dito, tinignan ko naman ito at ginamit ang utak ko para makipagcommunicate sa akin.
" Pwede bang tawagin mo ang mga lumilipad na nilalang sa may enchanted lake at utusan silang papuntahin dito at tulungan ako" pagsasalita ko sa kanyang at yumuko ito atsaka lumipad yess sana bilisan niya para matapos na itong kahibangan ni kapre. Nakarinig kami ng malakas na yabag na papaakyat sa toreng aming kinalalagyan ngayon, napaalerto naman kami.
" Guys andyan na sila" natatakot na wika ni shiela but waitt ba't siya natatakot akala ko ba amazona siya
" Bilis hawakan niyo ako i think sa stadium ang safe place." Pag uutos ko at napahawak Naman sila at kaagad kaming nagteleport.
Prince xaiver's POV
Hindi maubos ubos ang mga kalansay kaya wala akong magawa kundi gamitin ang aking sampung kapangyarihan para maubos na silang lahat pati lahat ng summoning creature ko at si bathalang ares ay nilabas ko narin para tumulong. Ngunit hindi parin sila maubos ubos kahit nababali na ang mga buto nila ay patuloy parin sila sa pag atake kaya dinala namin sila sa stadium at doon namin sila uubusin. Hindi ko inaasahan na maabot sa ganito ang aking nagawa pero hindi ko sinisisi ang aking sarili kung bakit nagkaganito ang paaralan, ang dapat na sisihin ay ang baklang yun nakakarindi narin talaga buwisit sana lang man kahit isang sugat sa kanyang katawan ay aking masilayan para matuto na siya na ang isang kagaya kong makapangyarihan ay hindi dapat ginagalit bagkus ay dapat lambingin.
" Tigil mga friennie kong skeleton." Sigaw ng kung sino, aba't anong akala niya sa mga ito napapasunod, halang kaya ang mga kaluluwa nito. Agad ko namang binaling ang aking paningin sa boses nayun at tumambad sa aking harapan si light hahh??
Aba't mas mabuti at dito kami nagkatagpo para isang kahig isang tuka nalang ako para sugatan siya.
3rd person's POV
Agad namang napatigil ang mga kalansay sa pagsugod dahil sa utos ni light na kanilang panginoon mismo.
" Bumalik na kayo sa inyong pinanggalingan" seryosong utos ni light at naglaho ang mga kalansay na kani kanina lang nakatayo sa may grassland ng stadium. Gulat na gulat ang prinsepe at ang mga estudyanteng naroroon at nagtataka din sila kung paano niya napasunod ang mga kalansay na iyon.
" Paano mo iyon nagawa hahh!!??" Nagugulantang tanong ng prinsepe bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat at napangisi nalang ang lima lalo na si light.
" Secret para bibo" natatawang tugon ni light at napatawa naman ang mga kasamahan Niya pero si xaiver ay napayukom ito ng kamay nang makita niyang wala ni isang galos, pasa o sugat sa lima lalo na si light.
" Mas mabuti pang labanan mo nalang ako dito sa stadium para isahan nalang" paghahamon ni xaiver na nagpapantig ng tenga ni light.
" Lumayo muna kayo sa amin sa tingin ko uulitin namin ang tablang laban namin" pag uutos ni light at lumayo na ang apat ngunit ang apat naman ay bakas sa mukha nila ang pangamba na baka matalo ito ng prinsepe.
" Light baka matalo ka!!" Nag aalalang sabi ni shiela, binigyan lang siya ni light ng nakakatakot na ngiti at napaatras si shiela natatakot ito na baka magising ang pangalawa nitong katauhan na nasaksihan niya noon na nagparamdam ng takot sa lahat.
" Wag na kayong magdrama diyan hindi pa tapos ang trip to hell natin hahahh" nakakatakot na tawa ni xaiver pero hindi nagpapatinag si light sa mga nakakatakot nitong mga tawa.
" I'm not scared " sarkastikong wika ni light at inilabas nito ang kanyang divine wand upang ihanda ang kanyang sarili, napatigil naman sa pagtawa ang prinsepe ng mapansin nito ang hawak hawak ni light na ginintuang wand at napahanga ito dahil isa na namang sandata ang kanyang nasilayan sa kamay ni light.
" Alam mo bakla, nakakalito ka ilan ba talaga ang sandata mo hah??" Nalilitong tanong ni xaiver at napangiti nalang si light at napatawa ng bahagya.
" Paano kung sabihin ko sayo more than 20" nakakalokong tugon nito habang nakangiti. Napaatras naman ang Prinsepe sa kanyang narinig mula sa sinabi ni light at napasabi nalang ito ng impossible sa kanyang isipan.
" Yun lang ba, ang hina!! " Nakahagikhik na wika ng prinsepe xaiver, nararamdaman ng prinsepe ang ibang klaseng takot na nakapaloob sa kanyang dibdib ngayon dahil sa narinig niyang more than 20 ang mga sandata ni light ngunit hindi niya pinapakita na siya ay takot sa batang ito.
" Ohhh mahina, o baka naman ikaw hahahha" nakakatakot na sabi ni light pati narin ang mga estudyanteng naroroon ay nakaramdam ng masidhing takot at nagsisisi narin sila sa mga nagawa nilang kasalanan kay light kani kanina lang. Gabi narin ngunit ang mga estudyante ay hindi pa natutulog dahil sa mga nangyayari ngayon.
"Simulan na natin" paghahanda ni xaivier at lumabas ang helios sword nito, nasa likod niya rin ang mga summoning creature niya at si bathalang ares, napangiti nalang si light at nahihinaan siya sa mga nakikita niya ngayon kay xaiver.
" Divine thunderbolt" pagpapalit ni light ng sandata at agad namang dumilim at Parang nagbabadyang uulan sa buong stadium ngayon, ang mga kidlat naman na galing sa kalangitan ay napupunta sa kulay yelo nitong kidlat na hawak hawak niya ngayon. Napatigil ang prinsepe at nagdadalawang isip siyang atakihin si light dahil sa nakapalibot na kuryente sa katawan nito. Bigla namang bumungad sa harapan ng mga manonood at lalo na ang prinsepe ang mga nagsisiliparang mga nilalang kagaya nalang ng pegasus, unicorn, griffin, great eagle, at chimera pati narin ang mga ibon at agad itong bumaba at parang pumapanig kay light. Ang mga manonood naman ay hindi na kumurap pa dahil sa pagkamangha.
" Impossible!!" Pagwiwika ng prinsepe at napaatras siya dahil dami ng mga nilalang na nakapanig kay light ngayon. Samantala si light naman ay nangangamba na sa kanyang sandata na parang papalakas ng papalakas, hindi na niya kayang ikontrol ito kung kaya't nagkasira sira ang bawat sulok ng stadium. Bigla namang lumitaw ang headmistress kasama ang kanyang assistant, prinsepe at Prinsesa pati na rin ang mga professor
" Itigil niyo ito!!!!!!" Pag sisigaw ni headmistress.
Abangan....