webnovel

CHAPTER 15: ENTERING SCHOOL

Light's POV

Habang ako'y nakaidilip ay feeling ko may nakayakap ng mahigpit at may sumusundot sa likuran ko i feel uncomfortable kaya napabalikwas ako ng gising shiiit si kuya yung morning manhood ang manyak niya shittt.

" Gago ka kuyaaaaa?!!!" Sigaw ko sa kanya at tinapunan ko ito ng unan hindi parin ito gising kaya tumayo na ako and wait ba't parang malinaw ang paningin ko and about pala sa dream ko kagabi totoo ba yun wait may singsing pala silang binigay.

Dalidali ko namang tinignan ang aking mga daliri upang tignan kung may singsing bang nakalagay, aalamin ko lang sana if totoo yon kasi feel ko totoo yun ehhh. Pag angat ko ng aking kamay ay nasilayan ko ang naggagandahang dalawang singsing ang isang singsing ay purong ginto na may diyamanteng malaki na kulay ginto din na kapag nasisinagan ng araw ito'y kikinang, ang isa namang singsing na katabi lang ng singsing na ginto ay kulay itim na may diyamanteng pula.

"Omg ibig sabihin nun totoo yun!!!" Nagagalak kong sabi habang nakaupo sa kama, and wait ba't ang linaw linaw na ng paningin ko, ang ibig sabihin ba nito....

"Baby light ba't nag ib...." May sasabihin pa sana si kuya ng tinapunan ko ito ng unan gago siya pinagsamantalahan niya ako kaninang gabi wait baka wala na akong virgnity.

" Gago ka kuya anong ginawa mo sa akin??!!" Sigaw ko sa kanya habang walang habas na pinagtatapunan ng unan hindi siya makapag salita dahil sa dami ng mga unang nakasalampak sa mukha nito buti nga sa kanya. Pagkatapos kong nag tapon sa kanya ng maraming unan ay kumaripas ako ng takbo papuntang cr kinuha ko agad ang gamit ko at dinala ang malaking bag ko papuntang cr ayokong istorbohin ni kuya michael shiiit ang laki nang sa kanya ano kayang pinaggagawa niya kung bakit ganun kalaki yun parang sawa shiit erase erase.

"Baby Light sorry na " paghihingi nito ng tawad habang kumakatok sa pintuan hindi ko na siya pinansin dahil maliligo pa ako.

" Sorry na baby light , ehhh kasi hindi kita mapigilan na hindi yakapin ehhh ang bango mo kasi at ang lambot mo, sino ba naman ang hindi titigasan nun" pagpapaliwanag niya shhit hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya.

"Tumigil kana kuya ang manyak mo talaga" pagtitigil ko sa kanya.

" Sige i will wait you here" parang matamlay nitong sabi ayyyy nakakakonsenya naman.

Agad ko namang hinubad lahat ng natira kong mga saplot at may salamin sa may gilid kaya pumunta ako, nang makarating ako sa may salamin hindi muna ako tumingin sa salamin bagkus ibinaling ko muna ang aking tingin sa singsing, aalisin ko sana ito subalit hindi ko ito maalis.

"Shitt hindi maalis paano na ito??" Nangangambang sabi ko at tumingin ako sa salamin at nabigla nalang ko ng makita kong puti na ang aking buhok shittt matanda na ako no way pero maganda siya noh parang silver white.

"Ahhhhhhhhhhhhh" sigaw ko dahil sa pagkabigla ko dahil sa buhok na puti.

" Light anong nangyayari sayo ?" Nag aalalang tanong ni kuya habang kumakatok ito dali dali akong lumabas at nag twalya.

Nang mabuksan ko na ang pintuan lumuwa ang mukha ni kuya Michael at napanganga ito sa aking katawan shittt may tinapay naman siya diba.

" Kuya yung buhok ko ba't pumuti at naging silver??" Tanong ko sa kanya habang siya naman na  walang ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan ang katawan ko shiit manyak.

"Kuya!!! Tinatanong kita" sigaw kong wika sa kanya at nakabalik naman siya sa kanyang wisyo bastos.

"Ahmmmm yan nga ang sasabihin ko sayo light ba't pumuti ang buhok mo and wait kagabi ahhh wala pala" pagwiwika nito at tinakpan ang bibig niya weird.

Michael's POV

Malapit ko nang masabi yung kanina mas mabuti pang wag ko nalang sabihin ang nangyari sa kanya baka magpanic siya OA pa naman itong baby light ko.

Grabe ang ganda ng pagkahulma ng katawan niya shiittt parang sa paningin ko pangbabae ehhh pero at the same time pang lalaki din ehhh this is impossible shitttt para siyang bathala and wait paano siya nakakakita nang malinaw ehhh malabo ang mata niya.

" Light paano ka nakakakita diba malabo yang mata mo? " Nagtatakang tanong ko sa kanya at parang nanigas naman ito sa kinatatayuan niya may kailangan ba akong malaman maliban sa wala siyang pusod and ngayon wow may pusod siya at alam kong si tatay thomas at nanay minerva ang may gawa nito kaya siya nagkapusod hah.

"Ahmmm kuya sa totoo niyan wala nga akong alam ehh heheh" natatawa nitong tugon at habang pakamot kamot pa ito sa kanyang ulo shittt ang cute niya at ang hot nakakabakla siya magpasalamat siya kapatid ko siya kung hindi lang shittt erase erase.

"At yang katawan mo ba't ka nagkabelly button?" Tanong ko pa ulit sa kanya at tinignan ko naman ang katawan niya shiittt ang hot niya nakakabakla wag naman ayoko pang maging bakla, tukso layuan mo ako.

"Ahhhh ito ba kuya may ibinigay kasi sa akin si  papa bago siya namaalam kaya nag kaganito ako. " Tugon nito parang gusto kong hawakan yung abs niya, gusto ko lang malaman if totoo hehehhe.

" Pwede pahawak?" Tanong ko at itinuro ko yung katawan niya namumula na ata ako shitttt.

" Ba't mo naman hahawakan kuya meron ka naman sayo and hindi ko pa nakalimutang manyak ka!! " Diin nitong sabi aray hindi ko naman siya ginalaw hahhhh kasi baby ko siya.

Nang tumalikod siya ay bigla kong napansin na may tattoo siya sa likod niya na isang pakpak ang sa kanan ay puti at ang kaliwa naman ay itim.

" Hoy light kailan kapa natutong magpatattoo niyan??? Hahh " seryosong saad ko sa kanya at bumalik siya at pumunta sa harap ko.

" Anong tattoo tattoo  yang pinagsasabi mo??" Takang tanong nito sa akin wow katawan niya yan tapos hindi niya alam na may ganyan siya.

" Halika " pag aaya ko sa kanya at kinuha ko ang kanyang braso at kinaladkad papuntang salamin.

"Yan yan ano yan???" Parang naiinis kong sabi sa kanya, sinabihan ko kasi siya na ingatan ang kutis niya tapos gaganyanin niya lang, lalagyan niya lang ng tattoo ang swerte swerte nga niya na may ganyan siyang kutis na mala gatas ang kulay at malaporselana.

" Hahhhh kuya Hindi ko ito nilagyan ng ganito, ngayon ko lang nalaman na may ganito shiit may koneksyon ba ito sa panaginip ko. " Namomoblema nitong wika at may sinabi pa siya sa duluhan na hindi ko narinig. Wait diba may nangyari sa kanya kagabi ibig bang sabihin nito kung ngayon lang niya ito nakita does it means that may koneksyon ito sa nangyari sa kagabi.

"Kuya anong gagawin ko dito maalis pa ba ito at yung mata ko naman ang linaw linaw na " nag aalalang wika nito at napa sabunot nalang ako sa  ulo ko anong solusyon ang maibibigay ko sa baby ko.

"Wala tayong magagawa niyan wala akong alam patungkol sa mga lunas diyan at yung sa mata mo naman mas mabuting luminaw na yan kaysa naman maging bulag ka " pagsasabi ko sa kanya at tinaliman niya naman ako ng tingin.

"Ayoko kuya nasanay na ako mag eye glass ehhh" pag aayaw niya. Wait kung gusto niya paring mag eye glasss pwede naman niyang suutin ang eyeglasses niya hahhh pero baka makasama yun kasi malinaw na ang mata niya at yung grado ng eyeglass niya baka hindi na niya makaya. Ahhh may eye glasses pala ako yung pa bilog walang grado yung pang style lang ahhahah alam niyo na pangpagwapo lang bagay naman sa kanya kasi pang harry potter yun heehhe.

"Ahhmm kung ayaw mo may eye glass dun na walang grado kukunin ko lang at wag kanang mag alala about sa pagbabago mo ngayon ok don't worry " pagpapakalma ko sa kanya at agad akong umalis sa room ni light para kunin ang salamin ko na ibibigay ko sa kanya total hindi ko naman ginagamit yun.

Light's POV

Pagkatapos kong maligo at nagdamit ay lumabas na ako nadatnan ko naman si kuya michael na naghihintay at parang na aantok pa ito.

" Kuya ba't parang puyat ka??" Takang tanong ko sa kanya.

" Ahhhm binabatayan kasi kita kagabi" maikli nitong sabi wait ba't naman Niya ako babantayan ??

" Ito na pala yung eye glass ohhh sayo nayan hindi ko naman yan ginagamit ehhh" matamlay na wika nito at binigyan ko naman siya ng mahigpit na yakap sa wakas may eyeglasses na rin ako ayoko kasing walang eye glass na sinusuot kasi nakasanayan ko na ehh.

"Hmmm ang bango bango mo nakakabaliw" saad nito habang yayakap ko siya ng mahigpit shiitt lumalabas na naman ang pagiging manyak niya.

" Kahit kailan ang manyak mo talaga kuya" pag rereklamo ko at bumitaw sa pagkakayakap at kinuha ko na ang eyeglasses at sinuot.

" Wow light naging cute ka ulit kung ako sayo wag ka na lang mag eyeglass sayang yung kagwapuhan mo sa totoo lang" namamanghang wika nito at napailing nalang ako.

" Sorry kuya ayoko lang maging center of atraksyon at yung salamin mo kuya parang hindi ka siya sa akin ng konti pero ok narin"pagwiwika ko at natawa namn siya hayys nako.

Lumabas na kami kaagad at tumambad sa akin sina shiela at dim at si kuya ethan na nakasimangot, anong problema nito???

"Kiyaaah light ba't ang cute mo sa suot mo wait Parang wala man lang grado yang eyeglasses mo at yung buhok mo ang puti anong nagyari sayo" tanong ni shiela at lumapit sa akin

" Sa katunayan niyan malinaw na ang paningin ko at ang buhok ko ewan ko rin wala akong kaide ideya kung paano ito nangyari" pagsusurpresa ko sa kanila at nabigla naman silang lahat maliban kay kuya Michael na tawang tawa parin.

"But how??" Nagtatakang tanong ni dim at tumango naman si shiela si kuya ethan naman nagtataka din .

" Ewan ko ba " maikling tugon ko sa kanila pero kasinungalingan yun but I'm not sure if yung basbas sa akin ng mga bathala sa panaginip ko is my connection sa pagbabago ko ngayon.

" May tattoo pa nga ako ewan ko kung saan ko nakuha ehh" dagdag ko at napaooh sila

" Saan ?? " Inip nilang tanong pinakita ko naman hinubad ko ang long sleeve ko na puti at tumambad sa kanila ang tattoo na pakpak parang nacucurious na rin ako na parang may connection ito sa panaginip ko ehhh.

" Wow light sinong gumawa niyan magpapatattoo narin daw ako and waitt ngayon ko lang nakita ang dalawang singsing na yan hahh" mahabng wika nito shittt nakita niya pala yung singsing but i can't keep this kasi nasa kamay kona the only thing that i can do is to make lies.

" Ahhhh ito ba binigay ito sa akin nina mama at papa ngayon ko lang" pagsisinungaling ko at parang kumbinsido naman sila.

" Hoy wag na kayong magsalita diyan ihahatid pa namin kayo sa academy"wika ni kuya Michael shit oo nga pala buti nalamg nakaempake na yung mga damit ko.

Fast forward.....

Pagkatapos nilang mag ayos ay lumabas na kami ng mansyon ni kuya.

" Great eagle labas!!" Pagtatawag ni kuya Michael sa kanyang guardian at lumabas naman ito.

Shiela's POV

Sa paglabas ng guardian ni kuya Michael ay pagkabigla namin din dahil agad itong lumuhod kay light wait something strange happening hahh may koneksyon ba ang pagbabago niya sa nangyayari ngayon.

May napansin din akong kakaiba kay light ehhh tumangkad siya, mas matangkad ako sa kanya noon pero ngayon parang magkasing tangkad narin kami at feeling ko ibang iba siya ngayon nararamdaman ko iyon.

" Shiela parang may kakaiba akong nararamdaman kay light ngayon nag iba siya ngayon parang feeling ko may itinatago siya" bulong ni dim sa akin parang may point siya paarng totoo yung sinasassbi ni dim.

"Wag muna tayong pasisigurado kagaya mo nag tataka din ako kung bakit parang lahat sa kanya ay nagbago walang nabawas, may nadagdag lang" bulong ko sa kanya at tumango naman ito. Parang may kailangan kaming malaman sa kanya .

Light's POV

Nabigla naman ako Hindi lang ako pati sila din lalo na si kuya Michael dahil sa pagluhod nito sa harapan ko nakita ko rin ito sa panaginip ko na ang mga diyos, anghel at fallen angel ay lumuhod din.

Hindi na sila nag salita pa at pinaakyat na kami ni kuya michael sa great eagle niya bakas sa mukha nila ang pagtataka habang kami ay nakasakay sa malaking agila na ito walang nagsasalita sa amin.

3rd person's POV

Sa di kalayuan habang nakasakay ang lima ay nasilayan na nila ang malaking isla na at may malaking kaharian na hindi nila mawari kung anong kaharian ito kaya sa sobrang paghanga ni  light nakuha nitong magtanong sa kanyang kuya habang hawak hawak nito ang kanyang mga kagamitan.

"Kuya anong pangalan ng kaharian na yan???" Tanong ni light at natawa naman ang dalawang mag kuya.

" Hindi yan kaharian baby light, yan ang papasukan niyo Ang LUX IMPERIUM ACADEMY" tugon ni michael at napanganga naman si light.

" Kuya ang laki naman niyan." Manghang tanong ni light.

" Oo mga facility yan at ang namumuno sa buong isla ng Lux imperium ay ang headmistress, pinamamahalaan niya ang loob ng iskwelahan at labas nito maraming mamamayan diyan, mga magsasaka, trabahador, mga kawal at mga kawal na bato. Ang islang ito ay self-sufficient dahil lahat ng kakailanganin niyo ay nandyan na at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang gadyet dahil ang paaralang yan ay tradisyunal kung magturo" mahaba habang pagpapaliwanag nito napanganga naamn si light.

"So kuya paano yung mga dala naming mga cellphone??" Tanong ni light.

"Wag kayong mag alala ako na ang magtatago niyan ibigay niyo na sa akin ngayon iingatan ko nalang ito" pagpapanigurado nito sa tatlo at ibinigay naman ng tatlo lahat ng mga gadgets nila.

" Kuya michael ingatan mo yan mas mahalaga pa iyan sa buhay mo" natatawang saad ni shiela at natawa naman sila.

Pagdating nila sa isla ay lumapag ang malaking agila sa harap ng malaking barrier

Light's POV

Wow ang laki naman ng barrier nito parang may kulay white kasi visible siya sa mata ng mga nilalang. Napansin ko namang marami ring mga nilalang kagaya nalang ng dragon yaikks at iba pa ang nasa loob barrier. Nasa matino bang isip ang may ari nito, ang isang dragon sa loob ano pang saysay nang barrier na ito kung nasa loob na ang halimaw.

"Hahahahha grabe yung reaksyon mo light kahit wala akong mind reading na ability sa mukha mo palang nababasa ko na " natatawang sabi ni kuya Michael tsk!!

" Hindi yan halimaw oo may dragon na halimaw sa ugali pero yang sa loob na yan ay mabait yan nag babantay yan ng buong paaralan marami yan sila diyan at may sea serpent diyan sa lawa sa loob mag ingat ka" natatawang dagdag nito habang dala dala nito ang aking mga gamit same with kuya ethan kinuha nila kasi yung kagamitan ko kanina kaya yun kinuha nila ayaw daw nila akong mabigatan.

Bumukas ng malaking butas ng barrier para makapasok kami sa paaralan grabe yung laki pang medieval yung theme, malayong malayo sa Harry Potter na kastilo iba ito, isang kaharian na kailangan mo munang dumaan sa barrier at may tarangkahan pa grabe.

"Ang ganda dito light diba dim" naiinip na wika ni shiela at tumango naman si dim bakas sa mukha naming tatlo ang pagkamangha.

"Gusto mo lumapit sa dragon na yun" tanong ni kuya Michael yaikks no way baka makagat ako hindi pa nga ako nakatungtong sa may tarangkahan, mamatay na ako wag naman kaya yun tinugon ko si kuya sa pag iling at natawa naman siya.

Nang makarating na kami sa may tarangkahan ay bigla nalang ito bumukas at lumabas ang mga kawal at mga kawal na bato.

"Kuya anong gagawin nila??" Bulong na tanong ko sa kanya.

" May ichecheck sila sa atin 50x ang security dito mag ingat ka baby hanggang dito nalang kami hahh" wika nito at niyakap niya ako ng mahigpit at kiniss sa ilong at sa batok wow ang sweet ni kuya ko ngayon kaya mahal ko sila ehhh. Lumapit naman sa akin si kuya ethan at niyakap niya ako ng sobrang higpit, hinalikan naman niya ako sa batok, ilong at pisngi. Sobra naman itong si kuya ethan

"Punong puno na ako ng laway niyo" pagrekreklamo ko at nagpout sa kanila tapos ang dalawa kong kuya naman ay namula waittt ba't sila namumula.

" Baby can you plss stop pouting wag mo yang gawin ok lalo na sa iba ok" pag sasabi nito at itinigil ko na.

" Guys may ichecheck daw sila sa inyo "wika ni kuya ethan habang kausap ang isang kawal.

"Ano po ang ichecheck niyo?" Tanong ni kuya Michael.

" Ang inyong katawan,double and 50x times po ang security ngayon sa academy dahil sa mga dark folks utos din po ito ng hari at reyna na inaprubahan ng headmistress kung maaari po makipagcooperate po kayo" wika ng isang kawal wait ba't katawan baka makita nila ang tatoo ko shittt baka bawal mag katattoo dito.

"Sige kung yan ang inyong nais ay handa kaming makipag cooperate ngunit paano ang isa naming kasamahang babae? " Tanong ni kuya Michael.

" May room po sa kanila pero sa lalake ay sa labas ichecheck bale sa loob po ng tarangkahan mag checheck" tugon ng kawal.

" Ahhh kung ganon sigi po pero hindi po kami kasama ang tatlo lang po na ito ang papasok dahil sila po ay mag aaral. " Seryosong wika ni kuya Michael at napatango naman ang isang kawal nag simula na kaming pumasok kumaway naman ang dalawa kong kuya nalulungkot din sila pati din ako another iwan na naman ang magaganap hayys.

Pinaupo muna kami dahil marami din ang chinicheck akala ko kami lang ang papasok madami din pala.

"Alam niyo ang OA ng security nila hindi ba sila naiilang na kailangan talaga tignan yung katawan ng tao yakks" nadidiring  saad ni shiela sa tabi ko hayys nako kung makapagsabi akala mo naman hindi nag iiscroll ng pictures ng bts na abs yung pinapakita hayyys nako.

"Dim" tawag ng kawal.

"Kita kits nalang sa loob" pagpapaalam ni dim

"Shiela" tawag ng babaeng kawal.

"Hoy light mag ingat ka hahh hihintayin ka namin sa loob ng school nasa tarangkahan ka panaman" pagpapa alam ni shiela at tumango naman ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay tinawag na ako dali dali akong pumunta doon sgittt maghuhubad ba talaga ako shiit.

Prince Xavier's POV

Ako nga pala si prince xavier avian isang prinsepe ng pinakamalakas na kaharian sa buong agartha at ang pinakamalakas na nilalang sa agartha na may sampung kapangyarihan na hawak, gusto niyo bang malaman ohhh sige sasabihin ko, summoning, fire, water,earth,air telepathy,celestial manipulation, power mimicry, replication at ang panghuli ay corpse manipulation diba makapangyarihan ako hahahhhahah well dapat lang at dapat lang silang matakot sa akin dahil kung hindi papatayin ko sila ng buhay at ang ayaw ko sa lahat ay tanga at nerd hahahah yun yung ayaw ko at isa pa may dalawa akong guardian si bathlang ares at ang seraphim na anghel na si metatron. Sa sobrang lakas ko nasusunod lahat ang gusto ko kung gusto ko nang babaeng paglalaruan gabi gabi ,araw araw  I am free to do that even in this school may mukha pa naman ako habulin ng lahat nandito na sa akin katalinuhan hahahhah. For short I'm perfect.

Nasa tarangkahan ako ngayon inatasan ako ni tanda, oo tanda ang tawag ko sa headmistress alam niyo na I'm the most powerful person here and i believe that if you are powerful they must respect you hindi yung ikaw pa. Inatasan ako ni tanda dahil ang rason niya ay masesecure ko daw ang pangalawang dating ng mga enrollees for this school year hindi pa naman levelling dahil kapag may levelling na ibig sabihin nun tapos na ang quarter ng klase but we have 4 quarters and sa ngayon first quarter palang.

Habang nagmamasid ako sa mga bagong dating ay may nakita akong nerd another bitch na naman pero ang puti niya waittt erase erase hindi ako bakla at kinamumuhian ng buong pamilya ko ang mga bakla noh.

Nakakainis ang nerd na ito hah ayaw niya bang mag hubad anong meron diyan sa katawan niyang iyan alam kong buto lang ang laman niyan. Hindi na ako makatiis kaya tumayo ako at pumunta sa may checking area ang dami ng estudyanteng nanonood sa checking alam niyo na kung ano ang pinapanood nila mga katawan wala nayang ibang magawa kahit nga yang sila katawan din ang hanap nila sa akin pero binibigay ko lang ito sa magaganda pero no way dapat papakinabangan ko rin yung katawan ng pinagbibigyan ko para fair hehehhe.

"Hoy pandak ba't ayaw mong mag hubad?" Galit kong tanong sa kanya at tinignan naman nito ako ng matalim wow wow hindi niya ata ako kilala hahh

"Mag hubad bilis " galit kong sigaw at agad naman niyang hinubad shittt ang puti parang papel at shitttt may abs pala siya shittt ano bang pinagsasabi ko erase erase. May narinig naman akong nag titilian

"Ang puti niya bro parang babae ohhh"

"Ba't ang puti niya ??"

" Kieyyyah sa tingin ko ang gwapo niya kapag walang salamin at naku patay siya dahil ayaw pala ni fafa Xavier ang mga nerd dito"

"Umikot ka para ma check" utos ko sa kanya at umikot naman siya at wait ba't may pakpak na tattoo siya yung sa black and white yung magkabila hahh!!

"Hindi yan valid dito alisin mo yan kung gusto mo pang mag aral" wika ko sa kanya at shiit yung katawan niya natutukso akong hawakan shittt no way.

" Sorry but I don't know how to remove this anong gagawin ko susunugin ko ito " sarkastikong saad niya wow hindi niya talaga ako kilala hahh.

" At sinong may sabi sayo na sabihan ako ng ganyan hindi mo ba ako kilala?" Tanong ko sa kanya atsaka ko tinaas ang kilay ko at tinaas niya din ang kamay niya at nagkibitbalikat pa talaga habang nakahubad shittt ang sexy niya erase erase.

"Anong pake ko" Mataray nitong sagot aba aba ang tapang nito. Hindi naman siya malakas wala nga akong naramdamang presensyang malakas sa kanya at aura.

"At sino kaba??" Mataray nitong tanong aba aba walang respeto lagot ka sa akin mamaya.

"Ako lang naman ang prinsepe ng agartha at ang pinaka malakas na nilalang sa buong Agartha ohhh ngayong alam mo na ito lang ang masasabi ko sayo hindi ka magtatagal ng isang linggo dito kung ako sayo wag kanang pumasok dito dahil papahirapan kita hahahah" pagbabanta kong wika sa kanya at natatawa pa, nakita ko namang hindi umubra sa kanya ang salita ko at nag smirked pa siya aba aba.

"Sorry pero hindi ako takot " balewala nitong sabi nakakainis na ito hintayin mo mamaya bugbog yang aabutin mo.

" Tawagin ang headmistress ngayon din para malaman niya na may invalid person dito" utos ko sa mga kawal humanda ka akala mo makakapasok ka pa.

Light's POV

Akala naman niya matatakot ako hahahah yun ang akala niya sorry i born in a democratic country and wala akong paki, ang masaklap pa prinsepe siya ng pinakamalakas na kaharian so it's means agarthi ohhh wow at ipinagmamayabang niya pa ang kanyang kapangyarihan no way kahit wala akong kapangyarihan I can't fight with him no ayoko sa lahat yung mataas ang tingin sa sarili at mayabang, sayang gwapo pa naman at ang hot pa yung mapupungay na mata yung golden coloer na mata niya yung kilay yung matangos na ilong at yung flawless hayyss, yung ugali lang nakakapangturn off.

At tinakot niya pa ako na tatawagin niya si headmistress just because of my tattoo even me nga hindi ko alam kung paano alisin ito. Ilang sandali lamang ay nakarating na ang headmistress wait si principal selena ba iyon waitt does it mean that she is one of us shittt sa tagal kong nag aral doon sa school namin noon hindi ko nalaman na siya pala ay katulad din namin kiyaaahh akala ko hindi na kami magkikita.

Waitt yung school ko pala miss kona sobra, ano na kaya ang nangyari sa band.

"Light!!!!" Sigaw ni nanay selena , yes nanay selena na ang tawag ko sa kanya nung naghiwalay na kami. Mabilis siyang tumakbo sa aking harapan at inambaan ako ng yakap. Hindi pa ako nakakapagdamit shitt kaya pala marami paring nakatingin sa akin mapalalake at babae man.

Prince Xavier POV

"Light!!!! " sigaw ni headmistress at binaling ko ang tingin ko sa boses ni headmistress at nakita ko siyang papatakbo papunta sa pandak na ito at inambaan ng yakap. Grabe what a surprise. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si headmistress nang ganito.

"Tanda yang....." Sabi ko Pero biglang itong pinutol ni headmistress ng magsalita siya sa pandak na yun.

"Alam mo anak miss na miss na kita " naluluhang sabi ni tanda waitt anak but how.

"Ako rin po principal este nanay selena at ang nakakabigla lang po kalahi ko rin po pala kayo" natutuwang sabi ni pandak ako naman kanina pa naghihintay.

" Hayys kahit nga ako nabigla rin na makikita kita dito what a small world grabe" masayang sabi ni tanda grabe yung ngiti niya ngayon at sa pandak lang pala nayan niya maipapakita grabe.

"Anong kapangyarihan mo anak?" Tanong ni tanda, gusto ko rin malaman kasi parang wala siyang katakot takot kanina hahh.

" Ahmmm teleport, healing at mind reading pero hindi ko na po ginagamit ang mind reading ko " tugon ng pandak na ito ahhhh ganun pala yun lang pala ang kapangyarihan niya ang weak so mapaglalaruan kita ngayon heheheheh.

Selena's POV

Sobrang tuwa ko ngayon at tama ang hinala ko sa kanya na siya ay isa sa amin sa wakas ay makakasama ko na siya sa school na ito hahahah. Sigurado akong mauubos ang strawberry sa islang ito dahil bibilhan ko siya ng marami at ang amoy niya walang pinag bago waitt may tattoo siyang pakpak sa likod kakaiba ito hahh at yung buhok niya rin ay nag iba from black to white.

" Anak ba't ka may tattoo at ba't nag white yang buhok mo? " Tanong ko sa kanya

" Mahabang kwento po nanay selena ehhh" tugon nito ganun ba pero may kakaiba sa batang ito hahhh parang may nadagdagan sa kanya hindi lang yung pisikal pati panloob niya na rin pero hindi ako sure sa nararamdaman ko malalaman ko din yan sa tamang panahon.

"Tanda napatagal na kayo sa pagtsitsikahan ng pandak na yan ang tigas niyan kaya ko kayo pinatawag at hindi ko din pala alam na kilala niyong yang buwisit na pandak na yan makaalis na nga baka magamitan ko pa yan ng kapangyarihan ko baka hindi yan magising haha" pagmamayabang ni prince xaiver kahit kailan talaga wala talagang pinagbago itong lalaki na ito.

"Halika na at mag damit kana anak dadalhin kita sa opisina ko isama mo na rin yang mga kasama mo kanina pa ata nag hihintay sa iyo sa gilid ayun ohhh" wika ko sa kanya.

Light's POV

Grabe kung makapagsalita yung kapre nayun akala niya kinagwapo niya sa bagay gwapo naman siya dali dali naman akong nag damit dahil kitang kita ko parang kanina pa nag aantay ang dalawa sa akin. Pumunta silang dalawa papunta sa akin. Atsaka kami nag lakad at sumama kay nanay selena until now i can't believe na isa siya sa amin

" Light grabe nakakashocks talaga ngayon nuhhh akalain mo si principal selena ang headmistress dito grabe " bulong sa akin ni shiela habng kami ay sumusunod kay nany Selene.

" May nerd na naman dito patay talaga siya kay prince xavier"

"Another weakling students hayyss "

" Ang hina nila hindi ko maramdaman ang lakas ng presensiya nila"

" Sipsip sa headmistress to "

Ilan lang yan sa mga negative na naririnig ko kaya binilis bilisan ko nang maglakad para hindi ko na marinig Ang mga pinagsasabi nila Parang ang sakit ehhh. Ilang minuto lang ay nakarating kami nasatuktok pala ng kastilo ang opisina ni nanay selena at ang laki sobra.

"Ako na ang mag bibigay nang room sa inyo ito yung number ohhh sa may malapit na room kayo ng royal ok" wika ni nanay selena at kunuha ko naman ang card ng room at triple susi nito para sa aming tatlo. Lumabas na silang dalawa hindi muna ako lumabas.

"At anak may ibibigay sana ako sayo gamitin mo ito " sabi ni nanay selena at binigay niya ang isang gintong card waittt ano ito??

" Anong magagawa ko dito nanay selena??" Tanong ko sa kanya at tumingin naman ito sa akin.

" Yan ay magagamit mo sa lahat ng mga bilihan dito your free to get all you want as long as pinapakita mo yang gintong card at wag mo yang iwala" pagpapaliwanag nito wow so its means i can buy all i want basta ipapakita ko lang ito wooaah

" Salamat po nanay selene" pagpapasalamat ko akmang aalis na sana niya ako ng hinawakan niya ako sa kamay.

" Wag mo muna akong tawagin na nanay sa loob ng school lalo na kung may makakakita sa atin maliwanag ba at wag mong lapitan yung prinsepe kanina malakas Yun at ayaw niya sa mga kagaya mo nararamdaman ko yun" pag papaalala niya sa akin tumango naman ako ang warfreak naman ng kapre nayun.

"At yung uniform niyo, sa hapon na namin ibibigay at sa gabi wag kang mawawala may importanteng magaganap para sa mga kagaya niyong mga freshman"dagdag nito at umalis na ako tumayo naman ang dalawa at pupuntahan namin ang dorm at building namin shittt malapit nga pala kami sa room ng mga royal baka nandun yung kapre nayun.

Abangan....

Next chapter