webnovel

CHAPTER 3: THE BULLIES

Shiela's POV

Ohhh! Hello my name is Shiela Medina 18 yrs old my abilities are precognition, metal manipulation, and the last one is water manipulation.

Sa Ilang minuto naming paglalakad pero wag ka lumakad kami kanina nang dalawang asungot na ito ng parang may humahabol sa amin parang, may kikidnap sa amin ganon!! pero hindi naman kami tumakbo kanina nakakahiya kaya hahhaha. Nakarating na kami agad at bumungad sa aming harapan ang gate ng university kung saan kami nag aaral, ang HOLLOW UNIVERSITY diba ang weird nang name pero wag ka mayayaman ang mga nag aaral dito maliban lang kay light kasi isa siyang scholar, sa lahat kasi ng sumubok magtake ng scholarship examination na failed sila tanging si light lang ang nakapasa diba ang tali talino niya alam niyo ba nung highschool kami 98-97% lang palagi average niya kaya crush ko siya ehhh as a friend hahahhahah hindi namin siya maiwan iwan, ewan ko ba kung bakit ayaw lang kasi namin siya makita ni dim ng nag iisa kaya kahit saan siya, Nandun din kami ni dim para kaming bibe ni Dim sunod ng sunod para suportahan siya alam niyo ba kung bakit ganon kami sa kanya dahil siya lang ata ang taong alam namin sa buong buhay namin ni dim na parang babasaging pinggan napaka special niyang tao sobra! Kaya kung may mga kaaway siya na magtatangkang sugatan o saktan siya kahit saang parte lang ng katawan, hindi namin yun papalagpasin kakalbuhin namin yung mga taong aaway sa kanya ganun kami ni dim for short to the rescue!!.

Alam niyo ba na nurse course ang kukunin namin ni Dim pero nagbago yung isipan namin kasi alam namin na maiiwan si light ayaw namin na maiwan siya, So yun sinundan nalang namin ni Dim kung saan siya pupunta, kung saan gusto niya gustong mag aral, kung saan niya gusto ganito ganyan. Kaya kahit labag sa aming kalooban wala kaming magawa malakas kasi sa amin si light kaya ganun minsan nga nagtataka kami ni dim na baka nakokontrol niya kami jwkk!.

So yun na nga, pinili namin ni dim yung archaeologist na course yun daw kasi yung gusto ni light, napagtanungan na rin namin kina tito thomas at tita minerva kung bakit yun ang kukunin ni light kasi daw sabi ni tita minerva gusto niya daw pag aralan ang Agartha kung saan kami nanggaling gusto niya daw malaman lahat ang impormasyon patungkol dun kaya yun nalaman namin ni Dim at interesado din kasi kami ni Dim.

Pareho lang kaming tatlo ng kaibigan ko na hindi pa nakatapak sa lupain kung saan kami nanggaling  na curious din ako kaya yun as a friend din i helped light to reach his dream na dream din namin ni Dim, kahit nga kami ni Dim madalas kaming nagtatanong patungkol sa pinanggalingan namin sa parents namin pero alam niyo ang nakakainis ayaw nilang sabihin o sagutin yung kabuuan na gusto naming malaman. Same din yung reasons ng mga parents naming tatlo kaya kami dito lumaki yun kasing kwinento nila about sa bruhang reyna na yun porket gown lang yung nasira papatawan pa ng parusang kamatayan and worst sisi siya ng sisi without evidence kaya yun tumakas yung parents ko and parents din ng dalawa just to escape the possible penalty that would be given to both of my parents at the same time sa kanila rin. Nagkakilala lang kaming tatlo sa isang restaurant nung bata pa kami nina dim at light magkakilala na kami noon ni Dim while before si light magpapakilala pa lang akala ko nga para siyang barbie noon may short hair tapos yung mata niya gray may malapink pa na labi, yung nakakdecrease lang ng kapogian niya is yung pagiging nerd niya bata palang kasi siya ganyan na siya with eye glasses pero alam niyo ba kapag aalisin niya yung eye glasses niya my god ang hot niya and cute.

"Huy bat ka nakatunganga diyan may dumi ba ako sa mukha" tanong ni light napabalik naman ako sa ulirat ay kagagahan ko gumagana na naman tsk!!.

" Bilis halina kayo wait lang" saad ni light na nagpahinto sa amin ni dim.

"Ohhh ano?" Singit na tugon ko

"Ano kasi ano pala yung reason na tin diba kapag late tayo parati tayong tinatanong ng professor natin kung ano ang reason kung bakit tayo late"malamya nitong sabi ngumisi naman ako alam ko kasi na ayaw niyang mapagalitan kaya to the rescue ang hero niyo wala iba kung hindi ako.

"Wag kang mag alala light ako bahala " nakangisi kong tugon na nagdulot nang pagkakalma sa kanyang mukha.

Pumasok na kami at dumiretso na sa classroom habang naglalakad kami may nakita kaming pigura. Ohhh my god si Bernadette.

"Habulin niyo sila " sigaw na utos ni Bernadette  sa mga kasama niyang lalaki isa siyang campus queen at alam ko kung sino ang gusto niyang pagdiskitahan walang iba kung hindi ang cute kong best friend si light.

"Tangina bilis takbo" pagmumura ni light at sumunod naman kami tumakbo din kami alam ko naman na bubugbugin kaming tatlo everyday life na namin to sa school parang hunger game dito hahahah takbo doon bugbog dito hahah.

"Ikaw kasi ehh dikit ng dikit ka palagi kay Dominic yan tuloy mapapasagupa na naman tayo sa kanila and plss iwasan mona si Dominic ok" inis na sabi ni Dim kay light na ikinasang ayon ko naman. Ito kasing butihing friend ko tinulungan niya kasi yung Dominic na yun para maiwasan ni Dominic ang bruhildang babae na yun madalas namin pinapaalahanan si light na iwasan na ang pagtulong kay dominic pero matigas ang ulo niya hindi yung ulo sa baba hahh! Sa taas hahahah. So yun na nga light and Dominic pretend to be mag jowa para tantanan daw siya ni bruhildang Bernadette yun kasi daw yung reason kaya niya tinulungan si Dominic.

Light's POV

Hayys mapapalaban na naman ata ako nito. Ito kasing babaeng bruha na ito and also one of sungabels sa school ayaw tantanan si Dominic naawa naman ako kay Dominic kasi pinilit niya ako kasi ang sabi niya na kapag ako yung ginamit niya aalis at tatantanan na daw siya ng bruhang ito so yun nga we pretend to be mag jowa wala naman malisya doon kasi ang turing ko kay dominic ay parang kuya na rin.so ginawa namin yung plan I thought that, it was effective but I was xrong lumala pa and she is one of the bullies and not just bullies she is also one of my mortal enemy in this school since pumasok ako dito.

Habang tumatakbo kami at humahanap ng mapagtataguan may lumitaw na isang plano sa aking isipan.

"Guyss may plano ako i think this is an effective one" saad ko habang tumatakbo

" A-ano yo-yon?"  Tanong ni shiela na hingal na hingal na habang tumatakbo tumingin naman ako sa likod ko para i check if sinusundan pa nila kami unfortunately humahabol pa rin sila sa amin alam ko naman na hindi nila hangad na kami ay saktan but i think binayaraan sila ng bruhildang yun at nasilaw sila sa pera kaya yun iba din pala yung kapangyarihan ng pera.

"Ahhhmmm we need to go to male restroom and  diba wala naman malisya sayo shiela if pumasok  ka sandali sa male restroom, we need to do this guyss let's rock and rollllllll" sigaw ko sa duluhan ng aking sinabi na ikinatawa naman ng dalawa

Agad naman kaming tumungo sa pinaka malapit na restroom yun ang male restroom, yun lang kasi ang alam kong pwede namin mapagtaguan na malapit sa eksaktong lokasyon namin.Nang makarating na kami sa harapan ng pintuan agad ko naman itong binuksan at nagtago kami sa loob.

"Ok this is my plan sundin niyo lang ito ok. Ikaw shiela diba you have the ability to manipulate water ang gagawin mo kumuha ka ng tubig sa kubeta yung mapanghing ihi diba tubig din yun!!at palutangin mo muna sandali tapos ikaw Dim diba may magnetism na ability ka diba you can control and levitate things that is made from iron and any magnetized things ito ohhhh kunin mo balde to this is an iron bucket palutangin mo and ikaw shiela ilagay mo yung urine nayan sa balde tapos ikaw naman Dim, palutangin mo yung iron bucket tapos hintayin natin sila makapasok dito iwan niyo muna nang nakabukas yung pinto at pagnakalagpas lagpas sila ng konti sa pintuan ihulog mo yan and boom hhahhhah" mahaba haba kong pagpapaliwanag patungkol sa taktikang gagamitin namin sa mga asungot ng bruhildang iyon if may chance sana, si bruhang Bernadette ang mahuhulugan ng mapanghing ihi na to hahahahha.

Ginawa naman nila ang aking inutos tapos naghintay pa kami ng ilang sandali lang may narinig kaming isang yabag.

"Tagu taguan maliwanag ang buwan este ang araw " maikling kanta nito na nasa labas ngayon ng restroom i think they're waiting for us na lumabas pero no way!!.

" Maghanda  kayo!!" Mahina kong sabi kay dim at Kay shiela.

" Asan na kayo magpakita kayo wag niyo akong inisin " creepy nitong sabi wow may pa horror horror effect pa siyang nalalaman hahahah baka siya ang mahohorror nito pag mabuhusan siya ng ihi hahaha.

"Bulaga!"  Sabi nito at agad namang nahulog sa kanya ang ihi tumawa kami ng malakas.

"Putangina niyo!!!!!" Inis na sigaw nito

"Ang baho baho kona maghihiganti ako light tandaan mo ewwww ang panghe ihi pa talaga buwisit putangina mo!!! "Pagmumurang sigaw nito na ikinatawa namin ng malakas

"Yan kasi ang napapala ng mga loser na kagaya mo bat ba ayaw mo siyang tantanan? ayaw niya na nga sayo tapos ikaw kung makadikit ka sa kanya feeling mo nabuntis ka, na dapat panagutan tangina lang!!! "Sabi ko naman at humagalpak ng tawa.

" And wait paano niyo yon ginawa? Paano niyo napalutang ang iron bucket? Mga maligno kayo" nanggagalaiting tanong at sabi ni Bernadette na nagdulot ng pangamba sa amin OMG napansin niya pala

"Sabihin na natin na ginamit namin ang pinagbabawal na technique hahahahah" patawang sabi ni Shiela  ayyyy may pagkaclown din pala tong gaga na to.

"Tangina niyo" sigaw ni bernadette habang umiiyak sa sahig eww ang baho baho niya na.

" Boys get this three shitssss " sabi ni Bernadette at tinuro kami.

" Ohhh san na sila ?hahahah" pang aasar na aambit ni Dim

" Light and shiela hawakan niyo kamay niya dapat hindi yan makatakas may gagawin lang ako"utos ni Dim at sumunod naman kami alam kong may gagawin siya kay Bernadette na para sa ikakabuti naming tatlo.

"Tangina niyo bitawan niyo ako" pagpupumiglas ni Bernadette but girl sorry we need to do this kasi alam namin na isa ka sa mga taong mabilis mag paspread ng rumors para nga siyang newscaster.

"Sorry girl we need to do this " sabi ni dim habang hawak hawak namin ang kamay niya and also si Dim nag simula ng gamitin ang pinagbabawal na technique hahah jwk his ability pala yung memory erasure i think aalisin niya ata Yung part na nangyari kanina nung napansin ng bruhildang ito na lumulutang yung iron bucket.

Nang matapos gawin ni Dim ang pag aalis ng alala ni Bernadette kanina agad namang nawalan ng malay si Bernadette at iniwan nalang namin sa sahig naawa naman ako pero sinabihan naman ako ni Dim at Shiela na hayaan na lamang ayyy nakakatakot din tong dalawang to napakabayolente .

"Hayaan mo nalang Diyan at pag gising niya Hindi niya na malalaman yung about sa lumulutang kanina yun kasi yung tinarget kong alisin " seryosong saad ni Dim at tumango nalang ako

" Hayys mission accomplished" masayang sabi ko hayys sa wakas naturuan kona nang leksyon ang bruhildang si bernadette hahahahah.

Nagmadali kaming pumunta sa classrom namin by the way pala same section Lang kami ng dalawang sungabels kong kaibigan.Nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng classroom pinauna namin si shiela kasi nagpromise siya kanina na siya na ang bahala about sa reason na dapat naming sabihin kay professor kung bakit late.

Kumatok muna si shiela at wala namang nag bukas so yun binksan niya kaagd yung room at bumungad sa amin ang mga pesteng yawa naming mga classmate and wait bat wala pa si professor.

"Bat wala pa si professor" nagtatakang tanong ko kay shiela

" Aba'y malay ko "sarkastikong sagot nito hayys nakakainis talaga tong gaga na ito magpasalamat siya best friends ko siya pag hindi gagamitan ko din ito ng pinagbabawal na technique.

Umupo kami agad sa upuan kung saan kami dapat umupo hayys alam niyo ba pati sa pag upo katabi ko tong mga gaga na ito ang kinatatakot ko lang kasi baka masanay ako ayoko nun what if by chance na kailangan namin maghiwalay.

"Hello mister president saan si professor?? " Pagpapacute kong  tanong para sagutin niya agad.

" Ewan ko  " mabilis na sabi nito ayyy sungabels first time ko to hahh!!

Nagisip ako ng paraan para malaman kung nasan si professor kasi favorite ko kasi yung subject niya about geology about earth which is pag may pagkakataon he talk about the hollow earth yung agartha kung saan ako nanggaling pero hindi naman siya taga doon kasi nababasa ko Yung isipan niya, kasi may mind reading ability ako.

May biglang sumulpot na idea sakaing ulo gagamitin ko yung mind reading ability which i fully mastered same with teleportation dalawa ang meron ako and yung iba ewan ko nalang pinabayaan ko na ata.

Habang binabasa ko isip niya ahha may tinatago ka pala hah "bisexual ka!!! " Gulat kong sabi sa aking isipan kasi akala ko before that he is straight like ruler but I'm totally xrong bat ba kasi hindi ko to ginawa before hayys. Naghalungkat pa ako ng mga nalalaman niya ohhh alam ko na ngayon may problema si professor ohh!! Kawawa naman si professor namatayan pala siya ng ina kaya pala hindi siya nakapasok ngayon kahit isang araw lang siyang nawala i totally missed him na i missed his topic especially about the hollow earth where i came from hayys boring naman.pagkatapos kong malaman ang dahilan kung bakit hindi pumasok ang professor namin sa geology itinigil kona ang paggamit sa aking kapangyarihan at bumaling naman ako sa katabi ko kina shiela at Dim

"Hayys mga tsismosa ang aga aga tapos tsismis ang peg ng dalawang to!" Inis kong sabi sa aking isipan

" Shiela and Dim alam kona kung bakit wala si professor" saad ko sa kanila at napatigil naman sila sa pagtsitsismis sa mga kaklase namin at tinapunan ako ng tingin.

"Oh ano nalaman mo na?"  Sarkastikong sagot ni shiela at binatukan ko naman

"Hoy babaeng gaga ka ayus ayusin mo pananalita mo wag kang maging sarkastiko dahil ayoko nang mga ganyan " inis kong sambit at tumitig ito sa akin na parang nagsasabi na masakit yung pagbabatok ko sa kanya.

"Aray buwisit kang gaga ka sumusulpot kasi yang mga sinasabi mo alam mo naman na nakikipagtsismisan ako ehh" inis na sabi nitong babaeng bruhilda.

" Bat kaba kasi nakikipagtsismisan dyan hah?!!" Inis kong tanong habang nababagot na sa kakaupo.

" Kung kumukuha ka ng impormasyon para malaman kung saan si professor gamit nang pinagbabawal na technique na meron ka, kami rin naman pero hindi kami gumagamit niyan kasi wala kaming ganyan ikaw lang ang meron nuh kaya nga kami nakipagtsismisan para makasagap ng impormasyon aray! " mahabang lintaya ni shiela at naawa naman ako sa kanya ayy napaka bayolente ko naman and yung pinagbabawal na technique na yun tawag namin yun sa abilities or power namin para hindi malaman ng mga non magical like human para hindi mag cause ng gulo alam niyo naman baka ikidnap kami ng mga scientist tapos pag aaralan wag naman I can't imagine that hahahah!!

"Sorry na !!" Paghihingi ko ng tawad tapos yumakap ako sa kanya at the same time hinalikan ko siya sa batok para hindi magalit ganun kasi kami nung bata pa nung bago bago ko palang siya kilala same with Dim walang malisya dun nohh! Were just friends and friends treat themselves like brother and sister diba

" Ano kaba ok lang ako alam mo naman ang lakas lakas mo samin ehh hindi ka namin kayang tiisin ehhh ang cute cute mo kasi at malambing ka kaya gusto kong magalit para madalas mo akong yakapin at ikiss" saad nito at ikinapula at ikiinis ko rin at the same time.

"Gaga ka ganun pala yun!! Kaya ka pala always kang  naggagalit  this past few days kasi gusto mo yakapin kita palagi tangina lang " inis na sabi ko na nagdulot ng malakas na pagtawa niya

" Ano kaba ang oa oa mo oo na totoo yun kasi gusto ko palagi ko naamoy yang amoy mo ang sweet kasi strawberry pang branded ang perfume mo pang ibang bansa saan mo binili? " tanong nito ayyy gaga siya wala akong pera para makabili ng perfume na mamahalin natural na ito sa katawan ko ewan koba kahit hindi ako maligo nakadikit parin to.

"Gaga ka wala nga akong pera pangbili ng load tapos pang branded na perfume from other countries pa hayys nako" sabi ko naman na ikinatawa naman ng dalawa ayy may problema nga itong dalawa sa pag-iisip.

Habang sumasabay naman ako sa pagtsitsismis sa mga kaklase ko may biglang kumatok at binuksan naman ni mister president ang pintuan, bumungad sa amin ang estudyante ng aming professor about sa  geology hawak kasi ni professor ang section nila kaya ganun. Nakipag usap naman si mister president namin sa estudyante at bumaling ng tingin sa amin.

"Guys may announcement si sir you need to get your books and open it and hanapin niyo yung page 468-475 that pages is all about hollow earth diba yesterday he promised that he would going to tackle it today but unfortunately our professor had a problem maybe i just need to keep it as a secret" Sabi ni mister president alam ko naman na ayaw talaga ipaalam ni professor about his problem or something ganun kasi ayaw niyang kaawaan siya kaya ganun nalang

Dali dali ko naman itong binuksan, bubuksan kona sana ang first page nang may nagsalita sa harapan ko at tinapunan ko naman ito nang titig.

"Ahhmmm light pwede bang pakihatid to kay principal selena?? , alam ko namang ikaw lang ang ka close niya dito diba??" Tanong at utos ni mr president hayys ba't ba porket close kami ni maam selena ba't parati nalang ako yung napag uutusan hayss nakakainis naman. Sinara kona ang libro at nilagay ko ito sa bag, dalidali ko naman kinuha yung mga papers na ipapadala sa principals office.

Dalidali akong pumunta doon at umakyat ng stare at nang makarating ako sa harapan kumatok muna ako.

"Ohh anak ba't ka nandito anong sadya mo??" Tanong ni maam Selena.wag kayong magtaka kung bakit anak ang tinawag niya sakin hindi siya yung biological mother ko ganyan na yung tawag niyan noon pa

"Ahmm ma'am may nag utos lang po kasi sakin na ibigay to sayo" tugon ko naman at kinuha naman niya agad ang mga papeles na ewan.aalis na sana ako ng...

" Wait anak pasok kana muna dito may ibibigay ako" sabi niya pumasok naman ako at umupo.

" Ano po ba ang ibibigay niyo sakin??" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ito ohh strawberries diba paborito mo yan kunin mona alam mo ba nung ilang araw ka hindi bumisita sa akin na missed ko yang amoy mong strawberry anak" Saad nito at kinuha ko naman yung isang supot ng strawberry.

"And wait magpapaalam lang sana ako sayo anak na baka next week aalis na ako dito hindi na ako yung principal niyo may bago na naman" sabi nito na ikinalungkot ko

" magreretired na kasi ako ehh" dagdag nito "wag kanang malungkot alam mo ba feel ko magkikita pa tayo muli" makahulugang sabi nito anu daw??

" And wait dito ka muna pag uusapan muna natin Yung about sa scholarship mo" dagdag at pag iiba nito umupo naman ako ulit.

Fast forward....

Nasa labas na ako patungo sa cafeteria sa loob ng campus ng may sumigaw.

"Hoy gaga bat ang tagal mo saan ka ba nag punta!!" Sigaw ni shiela at tinapunan ko naman ito ng tingin at kumaripas naman ito ng takbo patungo sa aking direksyon.

" ahmm kasi may pinag usapan lang kami ni maam Selena" sabi ko naman

" Ahh ayun ba sigi bilisan mo kailangan na tin bumili ng pagkain baka abutan pa tayo ng time " saad nito at pumunta na kaming tatlo papunta sa cafeteria

" Alam mo ba my new tranferees tayo mga gwapo at magaganda daw"

" Ayyy baka sila na naman ang new heartthrob sa campus"

" Sa akin yung pinaka gwapo ha wag niyong agawin"

Yan lang ang mga naririnig kong mga tsismis sa paligid habang nag hahanap ako ng upuan si Dim at Shiela naman ay bumili ng aming pagkain.

Ilang sandali pa lamang ay nakahanap na ako ng bakangteng upuan with table.umupo ako dito at naghihinatay ng may bumuhos saakin ng malagkit na tsokolate.

"Well well well hindi ako yun " andyan na naman si Bernadette hindi ba siya napapagod sa kakalaro sa akin.

"Hoy Bernadette bat mo to ginawa kay light" bungad na sagot ni Dominic hayys bigla bigla nalang sumusulpot tong kumag na ito kung hindi sana ako umoo sa mga sinabi niya noon wala sanang gulo.

"At bakit hindi bagay naman sa kanya alam moba yung ginawa niya sa akin kanina nag pahabol ang baklang nerd na ito tapos paggising ko nasa sahig na ako ewan ko nga kung ano ang nangyari " galit na sabi ni Bernadette at tinuturo pa ako my god gaga talaga yung si Dim na yun hindi talaga niya Inalis lahat ng scenes na nangyari kanina yan tuloy may natandaan pa ang bruhildang to

" Umalis kana dito baka kung ano pang magawa ko sayo!!! " Galit na sabi ni Dominic at bumaling ito ng tingin sa akin.

" Ok kalang ba ?? " Pag aalalang tanong nito

"Ok lang ako sigi na umalis kana kasi kakain pa kami" pagpapalayas ko naman at tumango naman siya at naglakad na palabas.

" Ohh bat anong nangyari sayo bat ka nag ka ganyan ?? " Tanong ni Dim hayys nakakainis

" Halika samahan mo muna ako papunta sa restroom magpapalit lang ako may extrang uniform pa naman ako dito bilis!! " Utos ko agad naman niya akong sinamahan.

Abangan.....

Next chapter