webnovel

Chapter 1

"Goodmorning Sirene." Nagulat ako dahil nasa labas ng bahay namin si ate Alex.

"Good morning ate Alex." Bati ko..

"Sabay tayo ate papasok?" Nakangiti kong tanong.

"Yup, you need to be early this day. Alam mo ba kung bakit?" Tanong nito sa akin.

"Dahil ililibre mo ako?" Tanong ko.

"No." Nakangiti niyang sagot at pumasok na sa sasakyan. Agad akong sumunod sa kaniya at umupo sa tabi niya.

Matapos naming marating ang school ay may mga estudyanteng nagkukumpulan sa front building ng school namin.

"Ano ate ang meron?" Tanong ko bago iswipe ang ID ko para makapasok sa gate.

"Secret, you'll know later." Nakangiti niyang sagot at naglakad na lang.

Sinundan ko na lang siya. Sa halip na dumaan kami sa front building ay sa gilid kami dumaan.

"Good morning Alexa, good morning Sirene." Nagulat kami ni ate Alex nang makita si Ivan sa harap namin. Bigla na lang kasi sumulpot kung saan-saan.

"Good morning kuya Ivan." Bati ko.

"Dito ka rin pala kuya nag- aaral?" Tanong ko.

"Bagong transfer." Biglang sagot ni ate Alex.

"Anong nangyari sayo at balisa ka?" Natatawang tanong ni ate.

"Bigla akong pinagkaguluhan sa front building." Natatawang sagot nito.

"Kaya naman pala nagkakagulo sa front building." Natatawang sabi ko.

"Alexa, alam mo ba kung saang building at room ito?" Tanong ni kuya Ivan kay ate Alex at may pinakita sa kaniyang papel.

Tumango agad si ate Alex. "Katabi lang yan ng room nila Sirene. Nasa building kasi ng mga College ang room nila." Sabi ni ate Alex.

"By the way, mauna na ako sa inyong dalawa dahil may dadaanan pa ako sa kabilang building." Sabi ni ate Alex at dali-daling umalis.

"Good morning kuya Ivan." Bati ko.

"Good morning din. Saan ba ang room ninyo?" Tanong nito sa akin.

"Dun lang kuya." Sagot ko at itinuro ang pangatlong building.

Naglakad na lang kami. Napaka awkward talaga nito dahil walang nagsasalita sa amin. Ang iba sa mga schoolmate namin ay nakatingin kay kuya Ivan.

"Kuya Ivan, college ka pa lang pala. Akala ko tapos ka na sa college." Aniya ko at biglang tumawa sa akin si kuya Ivan.

"Maraming nagsasabi na parang tapos na daw ako mag-aral." Natatawa niyang sabi.

"Hi Ivan." Nakangiting bati ni Veronica.

"Good morning." Bati ni kuya Ivan sa kaniya.

"Saan ang room ninyo Ivan?" Tanong nito kay kuya Ivan.

Tumingin lang sakin si kuya Ivan kaya agad namang tumingin si Veronica sa akin.

"Katulong mo ba si Sirene, Ivan?" Mataray na tanong nito at tumawa.

"No, she's my girlfriend." Sagot nito at hinila na lang ako.

"Kuya Ivan, bakit mo sinabi yun?" Tanong ko.

"To avoid her." Sagot nito at naglakad na ulit.

Wala man kaming ginagawa ngunit may mga matang nakatingin sa akin ng masama.

Matapos ang ilang minuto naming paglalakad ay narating na namin ang room ko. Agad kong itinuro sa kaniya ang room niya na katabi lang ng room namin.

"Well, well, well. Look who's the feelingera ng taon here." Mataray na sabi sa akin ni Veronica.

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa upuan ko.

"Kinakausap pa kita." Aniya nito habang nakatayo na sa harap ko.

"Never ever try to steal Ivan. Know your limits Sirene." Mataray nitong banta sa akin.

"As if naman na merong kayo." Nakangisi kong sabi.

"Aba, lumalaban ka?" Aniya nito at akmang sasapakin ako ngunit sinalo ko agad ang kamay niya.

"Bago ka magtapang sa akin, siguraduhin mong merong KAMI at KAYO. Nasa loob lang ang kulo ko Veronica. Don't try me dahil kaya kitang kaladkarin palabas papunta sa room nila kuya Ivan." Banta ko sa kaniya.

"Tandaan mo, sa school na ito. Hindi aandar ang katarayan at tapang-tapangan mo." Saad ko at binitawan na ang kamay niya.

Matapos iyon ay dumating na ang professor namin. Masama pa rin ang tingin niya sa akin ngunit nginisian ko lang siya.

Mabait ako sa taong mabait sa akin, ngunit kaya ko siyang labanan. Kung mag aasta siya ng ganyan at hindi ako papatol ay maaaring manatili siyang ganyan.

Hangga't maaari ay iiwasan ko ang gulo. Babantaan ko muna siya para hindi kami humantong sa malaking gulo.

Kilala si Veronica bilang isang mataray at mahilig magpalit ng boyfriend.

Matapos ang ilang subjects ay uwian na. Nakita kong nasa labas si kuya Ivan kaya lumabas na rin ako.

Bago pa man ako makalabas ng room ay binangga na ako ni Veronica. Mabuti na lamang at nahila ako ni kuya Ivan papalapit sa kaniya nang itulak ako ni Veronica. Dahil kung hindi? Siguro ay napatama na ako sa door knob ng room namin.

"Nice try, b*tch." Nakangising sabi ni Veronica at baglakad papalayo kasama ang tatlo niyang kaibigang chaka.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni kuya Ivan.

"Siguro hindi." Sagot ko at nagtaka siya.

"Bakit?" Tanong nito.

"Dahil nakahawak ka pa rin sa kamay ko?" Tanong ko sa kaniya at agad niyang binitawan ang kamay ko nang mapansin niyang nakahawak pa rin siya sa akin.

"Saan nga pala ang room ni Alexa?" Tanong ni kuya Ivan habang naglalakad kami pababa ng building.

"Nalampasan na natin kuya. This day ay nasa faculty lang siguro si ate Alex. Ang alam ko ay every monday is nasa faculty siya." Sagot ko.

"Ganun ba?" Tanong nito at naglakad na lang.

Isang babae ang lumapit sa amin at tumingin bigla kay kuya Ivan. "Ivan, ito nga pala yung hiniram kong dictionary sayo." Aniya nito at inabot kay kuya Ivan ang dictionary.

Sa tingin ko ay kaklase niya ito dahil sa uniform na suot niya. Matapos niyang ibigay ang dictionary ay umalis na rin ito kasama ang mga kaibigan nito na naghihintay sa kaniya.

"Ate Alex!" Tawag ko kay ate Alex nang makita ko siyang naglalakad papunta sa amin.

"Ang linaw naman ng mata mo. Ang layo pa ni Alexa pero nakikita mo agad." Natatawang sabi nito.

"Syempre, ako pa." Sagot ko at iniwan siya.

Agad akong naglakad nang mabilis para salubungin si ate Alex.

Tinatawanan lang namin ni ate Alex si kuya Ivan dahil pinagkaguluhan na ng mga babae.

Habang tumatawa kami ay napansin naming papalapit na sa amin si kuya Ivan para takasan ang mga babae.

"Bakit mo kasi ako iniwan dun sa hallway?" Reklamo ni kuya Ivan sa akin na naging dahilan ng pagtawa naming dalawa ni ate Alex.

"May dinner nga pala sa bahay. Sa bahay na kayong dalawa mag dinner."  Anyaya samin ni kuya Ivan.

"Sige ba." Pagpayag ni ate Alex.

Bigla silang tumingin sa akin. "Ah, sige. Magpapaalam lang ako kay mama." Sabi ko na lang at agad na kinuha ang cellphone ko para magpaalam kay mama.

Nang marating namin ang bahay nila kuya Ivan ay agad akong namangha. Hindi naman ito mansion pero sa tingin ko ay architected house ito.

The combination of black, gray, white and gold makes the house so classy.

"Good afternoon manang." Bati ni kuya Ivan sa maid nila.

"Good afternoon sir. Nasa dining area na po si ma'am." Aniya ng maid at naglakad na agad si kuya Ivan papunta sa dining area kaya agad kaming sumunod.

"Good afternoon tita." Bati ni ate Alex sa mama ni kuya Ivan.

"Good afternoon Alexandra." Matapos niyang batiin si ate Alex ay tumingin ito sa akin.

"Good afternoon po." Bati ko.

"Anak, girlfriend mo ba siya?" Nakangiting tanong ng mama ni kuya Ivan habang nakatingin pa rin sa akin.

"Hindi Ma. Siya po si Sirene, one of my readers." Sagot nito.

"Hello po, I'm Sirene Luna Mendez. Nice to meet you po." Pagpapakilala ko sa kaniya.

"Nice to meet you hija."

After a long conversation, kumain na rin kami kasabay ng mama ni kuya Ivan.

To be continue...

Next chapter