Jairus POV
Hinugot ko yung baril na nakuha ko kanina sa mga napabagsak kong kalaban at pinaputukan yung mga sumusugod sa 'kin. Dali-dali akong pumasok sa loob at pinaputukan yung mga ilaw para mas maganda ang laban namin. Nakarinig ako ng maraming mabibigat na yabag sa paligid ko.
"Putang*na bakit madilim?!" Galit na galit na sigaw ng kung sino.
"Boss may mga bantay din yung babaeng yun!" Tama ako...
Si Joree ang kailangan nila.
"Hindi sila ang kailangan natin kundi ang babaeng 'yun, pagpapatayin ang mga sagabal!" Napangiti ako dahil sa sinabi nun.
"Kung mapatay nyo." Sabi ko at kaagad silang pinagpuputukan ng dala kong baril. Nang matapos ko sila hinipan ko yung nguso ng baril ko dahil nakita kong umuusok 'yun. "Hanggat nakatayo ako...
Walang pwedeng gumalaw sa prinsesa ko." Sabi ko at tumakbo palabas. Habang tumatakbo-takbo ako ay patuloy parin ang pagbaril ko sa paligid ko, marami parin sila. Nakahinga ako ng maayos ng makita ko sila Joree na isa-isang nagsasakayan sa bus, ng makasakay silang lahat nakita ako ni Sealtiel pero sinenyasan ko lamang sya na mauna na, pareho kaming napatingin sa di kalayuan ng may makita kaming sumusugod papunta sa direksyon ng bus na sinasakyan nila.
"Yuko!" Rinig kong sigaw ni Sealtiel at nagpaputok ng baril sa mga kalaban. Sinugod ko yung mga sumusugod sa bus na sinasakyan nila at harap-harapang nakipagbarilan sa kanila. Pinalo ko ng baril ko yung granadang ibinato nila sa 'kin pabalik sa kanila at...
Lumikha 'yun ng malakas na pagsabog at makapal na usok, nakita kong umandar na yung bus na sinasakyan nila at nakita kong marami pang tumatakbo patungo sa direksyon ko. Takbo habang patuloy ang pagbaril sa kanila. Initya ko yung baril na hawak ko ng mawalan 'yun ng bala at tumakbo palayo.
...
"Jai sakay!" Rinig kong sigaw nila Kyle at Raymond. Binilisan ko yung pagtakbo ko at nakita kong may kasabayan kaming kotse, tinalunan ko 'yung kotse at... Tinalon ko uli yung bubong nun para makapunta sa bus.
Napakapit ako sa bubong ng bus ng matalon ko 'yun at walang hirap na inakyat 'yun. Napahiga kaagad ako sa bubong ng bus dahil sa sobrang hingal. Ansarap palang mag jogging kapag gabi try nyo. Napabangon ako ng makarinig ako ng mga putok ng baril. Takte may mga humahabol sa 'min na mga naka armored van habang pinapaputukan yung bus na sinasakyan namin. Inihanda ko yung assault rifle na nakuha ko at dumapa sa bus at itinutok sa kanila yun habang nagco-concentrate para maasinta sila. Nang kalabitin ko yung gatilyo nun lumihis yung isang armored van at sumalpok sa poste ng kuryente... Bulls eye... Siyam na lang ang target.
"Hoodlum!!!" Nanglaki yung mata ko ng makita kong gumagapang palapit sa 'kin si...
Joree.
"Anong ginagawa mo dito?! Pumasok ka dun sa loob delikado dito!" Sigaw ko sa kanya pero umiling-iling sya, kaagad ko syang hinila at niyakap ng may magpaputok uli sa 'min.
"Hindi ako papasok hanggat hindi ka kasama!" Ang kulit talaga.
"Pa 'no ka nakataas dito?!" Patanong kong sigaw.
"Hindi ko alam kung sa 'n ako nakakuha ng tapang para makaakyat lang dito tapos papapasukin mo lang ako!" Ang kulit talaga. Dumapa ako at pinaputukan yung armored van... Walo na lang.
"Jairus hindi ako papayag na mamatay tayo dito ng hindi man lang umaamin sa 'yo!" Napakunot yung noo ko dahil dun sa sinabi nya habang patuloy ako sa pag-asinta nung mga kalaban.
"HOODLUM MAHAL NA MAHAL KITA!" Napahinto ako sa pag-asinta at dahan-dahang tumingin sa kanya. Ta-tama b-ba 'ko n-ng narinig?! Ma-mahal nya 'ko?!
Napa hawak ako sa dibdib ko at naramdaman kong sobrang lakas ng pagdagundong nun. Imbis na putok ng mga baril ang marinig ko ay hindi kundi ang mga anghel na tumutugtog sa kalangitan. Hindi ako bingi dahil sanay na 'ko sa gantong senaryo ng mawala ako para mag sanay. Sobrang sarap pala sa pakiramdam na marinig mo yun mula sa kanya... Yung tipong mahal ka ng taong mahal mo tapos umamin pa sa 'yo. Kakamayan ko tong mga tarantadong kalaban na 'to pagtas ko silang barilin kase kundi dahil sa kanila hindi aamin tong babaeng 'to.
"MAHAL MO 'KO?!" Patanong kong sigaw habang niyuyugyog sya pero nagtaka ako ng makita ko yung ityura nya na para bang namumutla sya na para bang matatae na. "BAT AYAW MONG SUMAGOT?! GUSTO KONG MARINIG NA SABIHIN MONG MAHAL MO 'KO? TAMA BA 'KO?!" Nagtaka uli ako ng ganun parin yung ityura nya at lumulunok-lunok.
Antayin mo Jai baka nabigla lang dahil ganto ang reaksyon mo.
"Ho-hoodlum sa-sasagot ako p-pag n-nailayo mo sa 'kin y-yang baril mo." Nanlaki yung mata ko ng nakatutok sa kanya 'yun. Isinabit ko yun sa likod ko at humarap uli sa kanya.
"Hi-hindi ito ang tamang oras pero gusto kong sabihin ang nararamdaman ko para sayo... Hoodlum hindi ko alam kung kung kailan pa... Pero nung unang kita ko sa 'yo nainis ako kase muka kang snatcher sa quiapo... Hoodlum sorry kung palagi kitang sinasabihan ng masasakit na salita pero kahit ganun sobrang bait mo parin sa 'kin, gu-gusto ko kaseng pansinin mo 'ko at selfish na kung selfish pero gusto ko kase na sa 'kin kalang nakatingin at sa 'kin lang yung atensyon mo. Naiinis ako na parang gusto kong iuntog yung ulo mo sa pader kapag nakikita kong magkasama kayo ni Hazel tapos masaya kayo at dun palang hinanap ko na yung sarili ko at napagtanto ko sa sarili ko na nagseselos ako. Pinapangarap ko na ako na lang si Hazel para palagi tayong magkasama at palaging masaya... So-sorry kung nasaktan kita nung araw na 'yun maniwala ka man o hindi pero hindi ko ginusto yun sya ang humalik sa 'kin at pinakiramdaman ko 'yun pero wala man lang kasiyahan sa puso ko nung time na 'yun, oo dati kinikilig ako kay Dylan pero mula nung dumating ka ginulo mo yung buhay at sistema ko pati narin ang puso ko. Jairus wala 'kong pakielam sa kung anong sasabihin ng iba kapag nalaman nilang ang isang Joree Rozcom ay may mahal na isang hoodlum... Jairus wala akong pakielam kung mamatay tayo sa mga oras na 'to dahil sobrang saya ko dahil nasabi ko na sayo to... Pinipigilan ko pero hindi ko kaya... Dahil mahal na mahal kita." Parang hinaplos yung puso ko at hindi nakapagsalita dahil sa sinabi nya. Nararamdaman kong umiinit yung muka ko at tumingala sa langit pero hindi ko parin napigilang yung kanina pang mga luha na gustong kumawala habang sinasabi nya 'yun. Luha na hindi gawa ng kalungkutan kundi kasiyahan ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Kailanman hindi ako nakaramdam ng gan 'to kay Hazel, tanging sa kanya lamang... Sa kanya lang.
"Ma-mahal na mahal din kita Joree." Unti-unting bumabagsak yung mga luha nya pababa sa muka nya. Kung sa iba magic words ang salitang yun pero para sa 'kin totoo yung sinabi ko at hindi katulad ng magic na puro panlilinlang at kasinungalingan lamang. Unti-unti kong iniangat yung kamay ko at pinunasan yung pisngi nya at para akong nahipnotismo ng makita ko yung mapulang labi nya, Unti-unti kong nilalapit yung muka ko at...
Joree POV
Ipinikit ko yung mga mata ko at inaantay ang pagdampi ng mga labi nya. Kanina pa parang gustong kumawala yung puso ko dahil sa malakas na dagundong nito dahil sa mga nangyayari.
Pero hindi pa dumidikit yung labi nya ng mapadilat ako at parang nagslowmotion ang buong paligid dahil sa narinig kong putok ng baril kasabay ng pag-ungol ni Jairus.
"Ho-hoodlum." Nanginginig kong sabi nagsimula uling magsibagsakan yung mga luha ko at umiling-iling. Nakita kong nakangiti pa sya pero bakas sa muka nya na parang nahihirapan sya.
NO HINDI MAAARI TO! naramdaman kong hinamplos ni Jairus yung pisngi ko pero hindi tumagal 'yun ng maramdaman naming lumiko yung bus dahilan para mawalan kami ng balanse at...
"JAIRUS!!!" Sobrang lakas kong sigaw ng kasabay ng pagbalanse namin nahulog sya mula sa bubong nung bus. Nanginginig yung mga labi ko at buo kong katawan at parang dinurog yung puso ko ng makita ko kung pa 'no sya bumagsak at magpagulong-gulong sya sa kalsada.
"I-IHINTO NYO TO TULUNGAN NATIN SI JAIRUS NAHULOG SYA!" Nanginginig kong sigaw habang kinakalampag yung bubong nung bus. Napahagulgol ako lalo ng makita ko yung kamay ko na puno ng dugo...
S-sya b-ba y-yung ti-tinamaan n-nung b-baril?! Nagpumiglas ako ng may humila sa 'kin at ipasok ako ng pilit sa loob ng bus.
"NA-NAHULOG SI JAIRUS BALIKAN NATIN SYA MAY TAMA SYA NG BALA NG BARIL!" Nagsimula ng magkagulo yung limang lalaking kaibigan ni hoodlum dahil sa natataranta at takot na takot kong sigaw pero nagulat ako ng imbis na ihinto nung babaeng kaibigan ni Jairus e mas lalo nya pang binilisan.
"Kaya nya yung sarili nya." Napanganga ako at parang gustong kalbuhin 'tong babae na 'to dahil sa sinabi nya.
"BINGI KA BA O TANGA KAIBIGAN MO/NYO SYA TAPOS PAPABAYAAN-
"Tumahimik ka dahil ang prayoridad dito ay ikaw! Ikaw ang target nila!" Para 'kong pinukpok ng martilyo sa ulo dahil sa sinabi nung babaeng yun... Pa-panong ako?! Ba-bakit ako?!
...
"Dok kamusta na si Jairus?!" Natataranta kong tanong sa doktor pero unti-unting bumabagsak yung tuhod ko na parang isang lumpo.
"I'm so sorry miss...
*Flashback*
"Magiging okay din ang lahat." Kahit hindi ako tumingin alam kong si Brianna ito. Nandito kami sa kasagsagan ng madilim na kalsada dahil ihinito nila 'yun dahil wala na daw gas yung bus.
"Bu-buhay pa si Jairus, hindi nya 'ko iiwan." Naiyak ako ng yakapin ako ni Brianna. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan pero hindi ko inaalala yun kundi si Jairus lamang ang inaalala ko. Nagtataka lang ako dahil wala ng humahabol sa 'min o nakasunod man lang na mga armadong lalaki kung tatanungin nyo 'ko kung bakit ay hindi ko din alam.
Nagulat sila Brianna bigla akong tumayo, may kailangan akong malaman... Naglakad ako papunta dun sa babaeng nagda-drive nung bus kanina.
"Ipaliwanag mo sa 'kin kung pa 'no mo nalamang ako ang kailangan nila?!" Nagsilapitan silang lahat dahil sa tinanong ko dun sa babae. Pinukulan nya 'ko ng walang kagana-ganang tingin at parang sinusuri.
"Manghuhula ako dati sa quiapo." Alam kong nagsisinungaling sya dahil nakita kong pinipigilang matawa nung kasama nyang apat na babae na kasama nya.
"Sinungaling." Seryoso kong sabi at sinuklay yung buhok ko pataas.
"Wala 'ko sa lugar para sabihin sa 'yo." Napakunot yung noo ko dahil dun.
"So sino ang taong nasa lugar na magsasabi sa 'kin?!" Naramdaman kong pinipigilan ako ni Brianna pero hindi ko sya tinantanan.
"Ang taong nakasakay sa kalabaw." Nainis ako ng magtawanan silang lahat... Taong nakasakay sa kalabaw?
"Magsasaka? Pa-panong nalaman ng magsasaka? Sinong magsasaka?" Hindi ko alam kung bakit sumeryoso sila. May nasabi ba 'kong mali?
"Muka ba 'kong magsasaka?" Napaharap kaagad ako sa pamilyar na boses na 'yun.
"Bakit mali b- HOODLUM?!" Gulat na gulat kong sigaw. Gusto ko syang lapitan pero hindi ako makagalaw o maihakbang man lang ang mga paa ko. Nakasakay sya sa kalabaw at puro galos yung katawan.
"Tulungan mo naman akong makasakay sa bus." Parang may kung anong tumulak sa 'kin at napatakbo at inalalayan sya pero napahinto ako ng...
"Ja-jairus kailangan mong madala sa ospital, may tama ka ng bala ng baril!" Natataranta kong sigaw at nagsilapitan sila at tinulungan akong ipasok sya sa loob ng bus.
"Shh hindi pa 'ko patay wag kang umiyak." Pinunasan nya yung muka ko kahit nahihirapan na sya. Nandito kami sa pinakalikod at nakahiga sya at unan-unan yung legs ko.
"Parang ang sarap matulog sa maputing legs este puting unan." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa narinig ko.
"Sana mabaril din ako tapos makaunan din sa legs ni Ariza." Rinig kong pag-uusap nila habang sinusuklay ko yung buhok ni Jairus gamit ang daliri ko sa kamay.
"Huy dito ka lang tumingin sa 'kin." Napahawak sya sa braso nya ng hampasin ko 'yun.
"Nakakailang yung tingin mo e." Nahihiya kong sabi.
"Hindi natuloy yung kanina, ituloy natin ngayon." Namula 'ko nang sabihin nya 'yun. Naalala nya pa 'yun?
Nakarinig kaming dalawa ng mahinang ubu-ubuhan sa paligid.
"Huy." Natawa sya ng panlakihan ko sya ng magaganda kong mata.
"Mamaya na pagtulog nila." Mahina kong sabi natawa kaming dalawa ng makarinig kami ng malakas na mga hilik. Mga loko ampt.
"Jairus manghuhula ba 'yung babaeng yun?" Dahan-dahan syang tumingin sa itinuturo ko at natawa.
Gotcha.
"Sino nag sabi?" Naningkit yung mata ko dahil dun.
"Sabi nya manghuhula sya dati sa quiapo." Natawa sya habang umiling-iling.
"Gusto mo itanong natin kung kelan tayo ikakasal." Umakyat lahat ng dugo ko sa muka dahilan para mamula 'yun na parang kamatis.
"Ke-kesel? Perekenemeng tenge." Pabebe ko habang pinapaikot-ikot ko yung buhok ko gamit yung kamay ko. Nagulat ako ng hawakan nya 'yun at nanlaki yung mata ko ng hilain nya yun palapit sa kanya dahilan para mapasama ako at...
Nakatulala ako sa mga mata nya habang...
O_O
magkadikit yung mga labi namin. Iginalaw ko yung labi ko at ine-enjoy yung malambot nyang labi. Tinitignan ko lang kung malambot ba talaga. ^_^
Parang mas mabilis pa yung pagrarambulan nung puso ko kesa sa bus na umaandar.
"Tama na baka sumarado yung sugat ko at mahiya." Natatawang sabi nya ng magkahiwalay kami. Hinawakan ko yung labi ko at pinigilan kong natawa ng makita kong napalunok sya ng dilaan ko 'yun.
Natawa kami pareho ng makita namin yung mga kaibigan nya na mga napatakip ng kurtina sa muka.
"Jairus kantahan mo 'ko." Unti-unting nawala yung ngiti ko sa labi ko ng makita kong nakapikit sya at nakangiti.
"Ja-jairus hindi magandang biro 'yan." Kinuha ko yung isa kong kamay na nakatakip sa likod nya na may bala ng baril at napahagulgol ako ng makita ko 'yun.
"NANDITO NA TAYO SA OSPITAL!" Sigaw ng kung sino.
*End of the Flashback*
"I'm so sorry miss pero hindi ako ang nag-opera sa pasyenteng dinala nyo dito." Kung di lang ako pinigilan ni Brianna malamang gagamutin neto sarili nya.
"Where is the parents of the patient?" Kaagad kong nilapitan yung kasunod nyang doktor.
"Kamusta ang lagay nya?! Ayos na sya diba?!" Sunod-sunod kong tanong.
"Nasan ang parents nya?" Nag-init lalo yung ulo ko dahil dun.
"AKO ANG ASAWA NYA AT IKAKASAL NA DAPAT KAMI NGAYON! KAYA SABIHIN MO ANG LAGAY NG ASAWA KO?!" Namutla yung doktor dahil galit na 'ko.
"Sya si Joree Rozcom yung sikat na artista." Rinig kong sigaw ng kung sino.
O_O
"Ikakasal na pala sya." Paktay chismis na naman to pagbalik ko sa manila.