Jairus POV
"HOY BAT ANTAGAL MO MALIGO BILISAN MO! NAGUGUTOM NA'KO!" Sigaw ni joree habang kinakalampag yung pintuan.
Nang makuntento na'ko sa amoy ko nag punas na'ko ng katawan ko at nagbihis.
"HOY BINGI KA- Hindi na nya naituloy ang pagsigaw nya dahil binuksan ko na yung pintuan nakita kong napalunok sya ng makita yung ityura ko.
Pumasok uli ako sa cr at kumuha ng tabo at hinarap ko uli sya na nakatulala parin.
Isinahod ko yung tabo sa baba nya at kaagad nya kong hinampas.
"ANO BANG GINAGAWA MO DYAN SA TABO AT ITINATAPAT MO SA BABA KO?!" Nakapamewang nyang tanong sa'kin.
"Tumutulo na yung laway mo kaya sinahod ko lang." Natawa ako ng agawin nya sa'kin yung tabo at ipinukpok sa'kin yun pero naka iwas ako.
"ANONG AKALA MO MACHO KA, MALAKI YANG MUSCLE MO, MAY ABS KA? HELLO PURO KA RIBS ABA'T KONTING TAPIK KO LANG DYAN LABAS SIGURADO YAN!" Sigaw nya.
"Kaya pala tulalang-tulala ka tapos palunok-lunok ka pa." Natatawa kong sagot at nagbihis na ng damit.
"Kung may liha ka kiskisin mo yang muka mo dahil makapal na!" Sigaw nya sabay talikod.
"Sa'n punta?" Tanong ko.
"Cr bakit?!" Sigaw nya na naman.
"Sama-
"ANONG SAMA-SAMA SINASABI MO E KUNG LUNURIN KITA SA BOWL NG MAKITA MO YANG HINAHANAP MO!"
"Bilisan mo at sasama ka sa'kin." Seryoso kong sabi.
"Sa'n?!"
"Kakain sa labas walang pagkain dito bukas pa'ko bibili." Nagningning yung mga mata nya dahil sa sinabi ko.
"Sa'n sa 7 eleven?" Tumango lang ako sa sinabi nya at sya naman tuwang-tuwa.
...
"Bat ba yan pinapasuot mo sa'kin e gabi naman na?!" Inis nyang sigaw sa'kin.
"Makikilala ka ng mga tao at pagkakaguluhan kapag nakita ka nila." Napatango naman sya dahil sa sinabi ko.
Ilang saglit ko syang inaantay mag suot nung grey kong hoodie at grey kong sumbrero at grey kong jogging pants.
Ilang saglit bumukas yung pintuan ng kwarto ko at niluwal nun si joree.
"Bagay ba?" Patingin tingin pa sya sa suot nya habang nagtatanong.
"HOY TINATANONG KITA KUNG BAGAY BA?!" Sigaw nya habang nakasunod sa'kin. Nang makalabas ng pintuan ng bahay namin ni lock ko yun at sinara.
"Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Tanga ka ba magtatanong ba'ko kung alam ko?!" Sigaw nya habang bumababa kami ng hagdan pero pang huling baitang na sana huminto ako at napahinto din sya.
"Bakit ka huminto?" Nagtataka nyang tanong.
"Maglalakad tayo dahil wala ng gas yung motor ko." Nanlaki yung mga mata nya dahil sa sinabi ko.
"ANONG SASAKYAN NATIN?!" Napaisip naman ako dahil sa sinabi nya.
"Maglalakad tayo hanggang kanto tapos sasakay ng jeep." Sabi ko base narin sa kalkula ko.
"Lalakad e gabi na?! Atyaka ga'no kalayo yung sinasabi mong kanto?!"
"Ayaw mo nun para exercise narin." Natatawa kong sabi.
"Hoy hoodlum umaga ang exercise hindi gabi kaya manahimik ka!" Sabi nya na nakapamewang pa.
Bahala ka kung ayaw mo.
Binuksan ko na yung gate at lumabas na'ko tinignan ko sya at nakatayo parin sya dun.
"Pinaghihirapan ang pagkain." Pagkasabi ko nun daig nya pa yung pusa sa bilis kumilos.
"Hay na'ko ka talaga, wala lang akong choice e!" Natawa ako dahil sa sinabi nya.
Tahimik lang kaming naglalakad at kahit gabi na madami paring tao sa labas.
Hindi naman sya nakikilala ng mga nakakasalubong namin dahil gabi na rin at medyo madilim na rin.
"Pwede ba kong magtanong?" Pagbasag ng katahimikan ni joree.
"Nagtatanong kana." Binatukan nya ko dahil sa sinagot ko sa kanya.
"Para kang tanga wag na nga!" Lalayo sana sya sa'kin pero nagulat sya ng hilain ko sya palapit sa'kin.
"Lalayo ako ano ba!" Naiirita nyang sabi pero hindi ko sya pinakawalan.
"Bata wag mo namang pigilan si miss beautiful kawawa naman." Sinasabi ko na nga ba.
"Kung gusto mo sa'min na lang sya, diba mga p're." Naramdaman kong kinapitan ako sa braso ni joree dahil sa mga lasing.
Dalawang taon ng mawala ako dito pero base sa mga ityura nila siguradong bagong lipat sila.
"Hoodlum tara na umalis na tayo dito." Pabulong na sabi ni joree.
"P're natakot sayo AMPANGET mo kase." Nag tawanan sila pagkasabi nung isa sa mga lasing.
Hinawakan ko sa kamay si joree at bakas sa ityura nya na natatakot sya.
Naglakad kami ng magkahawak kamay pero hindi pa kami naka kalayo ng harangan nila kami.
"Teka iwan mo muna sa'min si miss beautiful bilhan mo muna kami ng alak ere limang daan." Abot nya sa'kin nung pera.
"Ilan gusto nyo?" Nagkatinginan sila dahil dun.
"Basta yung kakasya dyan sa pera." Pag sabi nya nun hahawakan nya sana si joree pero natanggal ko na yung coat ko at nasapo nya yung muka nya ng ipitik ko sa muka nya yun.
Joree POV
"Ilan gusto nyo?" Nagulat ako dahil sa tinanong ni hoodlum.
Ano bang ginagawa nya, binabastos na nga ko ng mga damulag sa lake ng tyan nakikipag usap pa sya na parang buddy buddy sila.
"Basta yung kakasya dyan sa pera." Pagkasabi nung isang damulag na lalaki hahawakan nya sana ako pero nagulat ako ng tumumba yung lalaking yun dahil parang may sumipa na kabayo sa muka nya ng tignan ko kung sino yun...
Nanlaki yung mata ko dahil pinampipitik ni hoodlum yung coat nya sa mga muka nung mga lasing at...
Bumabagsak sila sa sahig na parang wala ng mga buhay...
Ganun ba kalakas pag pinampipitik yun?
Nagulat ako ng may mga pulis na papunta sa'min.
"Anong nangyayari dito?!" Tanong nung isang pulis.
"Binastos nila yung girlfriend ko hulihin nyo sila at siguraduhing mabubulok sa kulungan." Tumango naman yung mga pulis at pinag poposasan nila yung mga damulag na natutulog sa sahig.
Pero hindi yun yung atensyon ko kundi sa sinabi nya...
Parang hinaplos yung puso ko dahil dun...
Ang sarap sa pakiramdam na ipagtanggol ka...
Tapos sinabi nya pang girlfriend nya...
"ARAY!!!" Nabalik ako sa ulirat ng may pumingot sa ilong ko.
"Ano bang iniisip mo dyan at namumula ka." Napahawak kaagad ako sa muka ko dahil dun.
"Girlfriend- i mean natatakot kase ako kala ko mapapahamak tayo sa mga damulag na yan." Pagpapalusot ko.
"Tara na malapit na tayo sa kanto." Napakunot yung noo nya dahil sa pag abot ko ng kamay ko sa kanya.
Hawakan mo na dali nahiya ka pa.
"Anong ginagawa mo?" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa tanong nya...
Hai kahit kelan napaka tanga.
"Apir, dahil ang galing mong lumaban nays." Sabi ko sabay tapik sa kanya.
...
Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod kakalakad...
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naglakad marating lang tong kanto na'to.
Nang tignan ko sya nag aabang sya ng jeep at ilang saglit humarap sya sa'kin.
"Wag na wag kang magsasalita kapag nasa loob ng jeep baka makilala ka nila." Tumango-tango na lang ako dahil sa sinabi nya ilang saglit pumasok sya sa jeep at inalalayan akong makapasok.
Nang maupo ako hindi ako makahinga dahil sa sikip dahil andaming naka upo.
Dahil hindi ako makahinga tinignan ko yung labas ng bintana at namangha ako sa mga parke na nakikita ko.
Jairus POV
"HOODLUM TIGNAN MO YUN OH PASYAL TAYO BUKAS DON!!!" Nanlaki yung mata ko dahil sa sigaw nya habang naka turo dun sa mini forest na nadaanan namin.
"Sige pupunta tayo dun." Seryoso kong sabi.
"Hoodlum di ako makahinga baba na tayo." Pagpupumilit nya.
Sabagay andaming nakasakay dito.
"Hoy ineng kung mag i-inarte ka manahimik ka dahil nanahimik yung kasama mo." Naginit naman yung ulo ni joree dahil dun sa babaeng nagsalita.
"Wag kang makielam hindi naman ikaw yung kinukulit nya e, manong para ho." Nanlaki naman yung mga mata nung babae dahil sa sinabi ko pero bago pa sya makapagsalita hinila ko na si joree sa pababa.
"Ang yabang naman nung babaeng yun e ang taba-taba naman, tingnan mo yung kili-kili nya naglulusak na." Natawa ako dahil sa sinabi nya.
Binuksan ko yung pintuan nung 7 eleven at binulaga kami ng lamig ng makapasok kami.
Shit...
Alam na nung crew at cashier ng 7 eleven na artista to si joree dahil nagkakagulo sila kaka picture kay joree.
Si joree naman walang pakielam dahil tuwang-tuwa dun sa mga ice cream.
Kumuha ako ng tocino w. rice dalawa, spice ham dalawa tapos...
"Anong kulay ng mogu-mogu gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kulay pink." Sabi nya habang tuwang-tuwa na pumipili ng ice cream.
Humiwalay ako sa kanya at kumuha ng ten in can na beer.
Kumuha din ako ng snacks.
And tooth brush nya at tooth paste, sabon, shampoo nya.
Nang balikan ko sya nagulat ako dahil halos pag agawan na sya nung mga crew at cashier para lang maka pag papic sa kanya.
"Ate picturan nyo din kami ng kasama ko." Abot nya nung phone nya dun sa babaeng cahshier.
Nagulat ako ng hilain nya ko.
"1, 2 - bilang nung babaeng cashier sabay click.
"Ngumiti ka naman!" Bulong nya sa'kin at humarap uli dun sa camera.
Pero hindi ako ngumiti...
Nagulat ako ng ilagay nya yung kamay nya sa gilid ng labi ko at pilit nyang iningingiti yun.
...
"Ang ganda sana kaso hindi ka nakangiti." Sabi nya habang tinitignan yung pictures namin.
"Kumain kana tama na yan." Nilapag nya yung phone nya sa table at sinimulan ng kumain.
"Gusto ko slurpee bili mo ko." Tumango ako dahil sa sinabi nya at tumayo at pumasok uli sa 7 eleven.
Nasa labas kase kami ng 7 eleven pero may upuan naman tsaka table kaya dun kami.
Kinuha ko yung big cup nung slurpee at inilagay dun sa machine.
Nang matapos ako pumunta ko sa cashier at binayaran ko yun.
"Oh ere na pakabusog ka." Ngiting-ngiti sya dahil sa slurpee.
"Tapos na'ko kumain antagal mo e."
"Wow e bumili lang naman ako ng gusto mo e." Sabi ko at itinuloy ko ang pagkain ko.
"Anong sabi ng parents mo?" Nag iwas sya ng tingin dahil dun.
"Pumayag sila tapos...
"Tapos?" Tanong ko.
"A-ayaw pa daw nilang magka-apo." Nyeta apo?
"Hiwalay tayo ng kwarto, dun ka sa kwarto ko dati at dun naman ako sa katabing kwarto mo." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige mabuti nga yun." Sabi nya.
...
Kasalukuyan akong nandito sa hagdanan namin...
Nakaupo habang umiinom ng beer...
Kahit pinaayos at pinaganda to ni tanda sariwa pa rin sa'kin ang lahat.
"Bakit hindi ka pa tulog?" Pagtatanong ko.
"Pa'pano mo nalamang nandito ko?" Tanong nya sa'kin at naupo sa tabi ko.
"Bat ka umiinom sa'n galing yan?" Kukunin nya sana sa'kin yung hawak ko pero pinigilan ko sya.
"Hayaan mo muna ko isa lang naman to." Sabi ko sabay tungga nung beer.
"ANONG ISA KA DYAN TIGNAN MO MAKAKA SAMPU KANA!" Sigaw nya sa'kin.
"May problema ba?" Meron at hanggang ngayon hindi ko pa nasu-sulusyunan.
"Alam kong madami kang gustong malaman at katanungan." Bahagya syang nagulat dahil sa sinabi ko.
"Kung hindi mo sasagutin okay lang." Sabi nya.
"I'll give you ten questions and I'll answer them but they shouldn't be repeated and you won't have to search again." I say seriously.
"What's your name?"
"Jairus." Natatawang sabi ko.
"What is your relationship with hazel?" Nabigla ako dahil sa tinanong nya.
"She is my first love." Napanganga sya dahil sa sinabi ko.
"Why are you so kind to me and my family that's how I treated you for the first time?"
"That's my job." Seryoso kong sabi.
"Why do you avoid family conversations?"
"Because it hurts me to talk about that." Seryoso kong sabi at lumagok uli ako ng beer.
"How old are you?"
"17."
"Do you still love hazel?" Bat sya nagtatanong ng ganto.
"No."
"You are only seventeen but why are you good at fighting?"
"I don't know, I'm just really good." Natatawa kong sabi.
"What do you like in a girl?" Tanong nya.
"The one who loves me so much and just me." Tumango-tango naman sya.
"Why do you know the one who kidnapped us so scared of you?"
"You said my face was hoodlum." Natawa sya dahil sa sinabi ko.
"If a woman told you she loved you what would you do?" Tanong nya.
"I'll say I'm not ready because I don't want him to be ruined because of me." Napatulala sya sa'kin dahil sa sinabi ko.
"Sige matutulog na'ko." Sabi nya at naglakad paalis pero...
"But Joree, if i love that woman too, I'll gamble just to protect her." Sabi ko at inubos ang hawak kong beer.