webnovel

DEREF CHAPTER ELEVEN

Hazel POV

Andito kami ngayon sa libing ng pamilya ni jairus oo libing hindi ko alam kung bakit biglaan pero si jairus ang nag sabi nun.

Naglalakad kami sa kalsada papuntang simenteryo at kasalukuyan kaming nasa likod ni jairus na nakahawak sa sinasakyan ng pamilya nya.

Simula ng mangyari iyon hindi na sya umiiyak pa at walang buhay na ang kanyang ityura.

Kung baga parang hangin nalang kami sa kanya.

Nasaktan ko sya ng araw nayun tapos yun din yung araw na nangyari ang pagpatay sa pamilya nya.

"Anak may problema ba?" Napapitlag ako dahil sa tinanong ni mama sa'kin kaagad naman akong umiling at ngumiti ng pilit.

Hindi ko namalayang nandito na kami sa simenteryo dahil sa lalim ng mga iniisip ko.

Isa isa na nilang binaba ang pamilya ni jairus para maihatid sa huling hantungan.

Nang mailagay sila isa isa na kaming naglagay ng puting rosas at yung mga kamag-anak ni jairus nag iiyakan na hindi ko sila masisisi kung nasaktan sila pero ang mas nasaktan ay si jairus.

Tinignan ko sya at isa isa nyang hinalikan ang kabaong ng pamilya nya at nilagyan ng tig isang oras.

Bakit?

Bakit kahit nasasaktan na sya pinipigilan nyang umiyak.

"Pasensya na ma, pa, dalawa naming prinsesa dahil hindi ko muna kayo dadalawin dahil may kailangan akong tapusin pangako hindi ako titigil hanggat buhay pa ang gumawa nito sainyo dadalawin ko kayo babalik ako dito kapag wala na sila pangako." Nagulat ako dahil sa sinabi ni jairus. Mahina lang ang boses nya nun pero narinig ko parin dahil malapit ako sa kanya.

At hindi na nya napigilan napahagulgol na sya at nang marinig nila ito mas lalo silang naiyak maski ako umiyak narin hindi ko sila kamag anak pero grabe naman kase nararamdaman kong sobrang sakit nito kay jairus.

"Tol oras na." Sabi ni kyle kay jairus pero si jairus ayaw pang umalis sa pagkakayakap sa magulang nya.

Pero bandang huli wala narin syang nagawa at napaluhod nalang sya habang humahagulgol niyakap na sya ng mga kaibigan nya.

Hindi ko alam pero natatakot ako sa pwedeng gawin ni jairus kapag nakita nya ang mga gumawa nito.

...

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila jairus pagkatapos ng libing maayos nato malinis na at wala ng bahid ng dugo.

Si jairus hindi parin sya bumabalik dahil nagpa-iwan sya at susunod nalang daw sya yung mga kaibigan naman nya nandito tumutulong mag asikaso ng mga bisita.

"Apo nandito kana pala." Napalingon kaagad ako ng marinig yun at si jairus nandito na pala kakadating lang.

"Napag-usapan namin na sasama kana samin sa probinsya at dun kana titira." Sabi nung lola nya. Kaagad namang sumeryoso si jairus dahil dun.

"Pasensya na lola pero hindi po ako sasama sa inyo dahil aalis po ako." Nagulat kaming lahat ng isagot nya yun ng walang ekspresyon ang muka.

Aalis san sya pupunta?

"Apo saan ka pupunta? Wala kang titirhan nakakahiya kung sa mga kaibigan mo ikaw makikituloy."

"Lola wala akong sinabi na sa mga kaibigan ko ako titira." Sabi ni jairus.

"Eh saan ka kailangan mo sumama sa'min."

"Maghahanap akong trabaho sa maynila at duon maninirahan." Nagtaka kaming lahat dahil sa sinagot nya.

"Apo bata kapa sumama ka nalang sa'min."

"Pasensya na lola buo napo ang desisyon ko sana po maintindihan nyo." Sabi ni jairus at naglakad paalis.

Hindi kaya aalis sya dahil may kinalaman to sa sinabi nya kanina?

Jairus POV

Hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong sumama sa lalaking yun.

Hindi ko alam kung saan sya hahanapin dahil wala akong contact sa kanya.

Mahirap para sa'kin na paagahin ang libing pero hindi dapat ako nag aaksaya ng oras lalo pat alam kong nakakatulog ng maayos ang mga gumawa nito sa kanila.

Gusto kong titigan ang mga mukha nila kahit gaano katagal dahil sobrang sakit sa'kin na nangyari ang lahat ng ito.

Huling yakap na pala namin yun sana pala hindi nako humiwalay pa.

Sana pala hindi nako umalis pa.

Antanga tanga ko dahil mas pinili ko pang paglaanan ng oras ang mahal ko kaysa sa pamilya ko sobrang tanga ko.

Naglalakad ako papuntang police station kailangan ko silang makausap kung may lead naba sila.

"Magandang umaga ato anong kailangan mo at naparito ka?" Tanong nung Spo1 nakasulat dun sa uniporme nya.

"May lead napo ba kayo tungkol sa patayang nangyari sa pamilya ko?" Tanong ko nagtitingin sya saglit ng mga papeles at ilang saglit humarap uli sya sa'kin.

"Ato hindi biro ang mga pumatay sa pamilya mo kaya huwag mo kaming madaliin o kung gusto mo ikaw ang gumawa ng malaman mo kung gaano kahirap." Tila nagdilim yung paningin ko at kaagad na hinampas yung table nya at tumayo.

"PA'NO MO MAHAHANAP, PAANO KA MAKAKAKUHA NG LEAD KUNG NAKAUPO KA LANG DYAN!!!" Sigaw ko at mukang nagulat naman silang lahat dahil sa pagsigaw ko.

Pa'no nya nagagawang umupo upo nalang dyan?

Pa'no sila mahuhuli kung uupo upo nalang sya?

Putang*na naman nagpapalaki lang sya ng itlog nya ganon?

"Hoy bata kung sisigawan mo ko umalis ka at hanapin ang gunawa nito kung nagmamadali ka ikaw ang humanap." Sabi nung pulis.

Abat talaga nga naman tapyasin ko kaya yung tenga nya tapos isabit ko sa pinto ng police station.

Mabuti pa ngat umalis nalang ako naglakad ako palabas pero bago matapos ang palabas iiwanan ko sya ng pamatay kong banta.

"Eto lang ang sasabihin ko makinig ka ng mabuti sana nahanap nyo kung sino ang gumawa nito sa pamilya ko wag nyong antayin ako ang mauna sainyo

Humarap ako sa kanya

"Dahil mas malala ang ipapataw kong parusa sa kanila." At naglakad paalis. Wala nakong pakielam kung anong isipin nya bahala sya sa buhay nya.

"Tapos na ang libing ano nang desisyon mo?" Handa kona sana paluin ng bote sa ulo yun na hindi ko alam kung san ko nadampot pero napahinto din ako dahil yung lalaking nakasagupa ko lang.

"Teka malalim iniisip ko pero alam ko nangyayari sa paligid ko pero sabihin mo nga pa'nong nandyan ka kaagad sa tabi ko ng ganun kabilis at hindi ko napapansin isa nalang iisipin ko ng may pag ka sa demonyo ka." Prangka kong sabi.

"Hindi yan ang gusto kong narinig kundi ang desisyon mo." Nagulat ako dahil sa sinabi nya at kaagad na sumeryoso.

Napag isipan ko na to pinag-isipan kong mabuti kung anong magiging desisyon ko.

"Kapag ba sumama ako sayo matatalo ko na si superman?" Tanong ko napatawa naman sya dahil sa tanong ko tignan mo tong lokong to tadyakan ko kaya to para magtino never mind next time nalang kapag kaya ko na sya.

"Kung matatalo moko baka pwede na." Sabi nya abat hinahamon ako ng lokong to ah.

Tumalikod ako sa kanya dahil buo na desisyon ko humakbang ako ng dalawang beses at huminto pero nakatalikod parin ako sa kanya.

"Magkita tayo ng alas kwatro ng umaga bukas dito para sunduin ako." Sabi ko at naglakad na paalis.

...

Nagliligpit ako ng mga gamit ko para sa pag alis ko bukas ng umaga.

Iniisip ko palang aalis ako parang gusto ko ng mamatay.

Ako lang yata yung hindi masaya na aalis.

Kase imbis na mag travel kami kailangang mag training para sa aking paghihiganti.

Mahirap kaya yung pagsubok nayun?

Pero base narin sa karanasan ko ng magkaharap kami parang hindi sya ordinaryo lang.

Ni hindi man lang ako makatama sa kanya at ininsulto nya pako pano ko daw matatalo yung gumawa nun kung ganto ako kahina.

Hindi ko napigilan umiyak ng malakas dahil wala na wala na kase sila.

Ako nalang natitira sila magkakasama na.

Sila tahimik na sila sa langit ako hindi matahimik dahil sa mga gumawa nito.

Kaagad kong kinuha yung cellphone ko na kasalukuyang nag rerecharge.

Nag chat ako sa gc namin para makipagkita sa kanila at makapag paalam sa kanila ng personal sa kanila.

Gc:D kengkoy's

Me:pwede ba tayong magkita dito sa bahay?

Kaagad kong sinend yun at nag reply naman sila kaagad.

Coviepanget: Bakit may masama bang nangyari sige papunta nako guys kailangan ni jairus ng tulong.

Loko talaga wala namang masamang nangyare e nakita kong sunod-sunod na yung chat nila na natataranta.

Mag rereply pa sana ako kaso may kumatok sa pintuan at kaagad akong nagtaka dahil dun.

"Anong kailanga- hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil kaagad silang nagsipasukan na parang may hinahanap.

"NASAN ANG KALABAN!?" Sigaw ni raymond na may dalang sandok seriously sandok?

"NAKATAKAS NA ATA SILA!" Sigaw ni kyle na naka boxer lang pumunta sya dito nang nakaganyan?

"PUTA HULI NA ATA TAYO!" Sigaw ni covie na may dalang KALDERO???

"JAIRUS ANO SINAKTAN KABA NILA!?" tanong ni paolo na may bula sa buhok.

"HABULIN NATIN HINDI PA SILA NAKAKALAYO!" Sigaw ni jhared na may hawak na PLATO?

Palabas na sana sila ng pinto pero kaagad kong tinadyakan yun at sumara ng malakas na ikinagulat nila.

"Kumalma nga kayo walang nangyari sa'kin." Sabi ko at natauhan naman sila.

"Ikaw raymond bat may dala kang sandok?" Tanong ko kaagad nya naman yung binitawan.

"Ahh kase nagsasandok ako ng kanin dahil nagugutom ako kaso nataranta ako kaya diko alam na nadala ko yan." Paliwanag nya.

"Ikaw kyle ganyan suot mo ng pumunta ka dito buti di ka nirape ng mga bakla sa kanto." Sabi ko.

"Nakahiga kase ako dude at mainit kase kaya ganto suot ko." Sabi nya.

"Covie?" Tanong ko.

"Ah eh etong kaldero ba mag sasaing kase ako kaso nadala ko pala hehe." Sabi nya at kaagad tinapon kung saan yung kaldero na lumikha ng ingay nagpeace sign naman sya dahil tinignan namin sya ng masama.

"Paolo?"

"Ah ano naliligo kase ako." Sabi nya.

"Jhared?"

"Ah naghuhugas kase ako e." Sabi nya.

"Alam nyo naman na para ko na kayong kapatid kayong lahat." Seryoso kong sabi at nakikinig naman sila.

"Pero sana maintindihan nyo na kailangan kong umalis para hanapin ang sarili ko dahil sa mga nangyari." Sabi ko tumingin ako sa kanila.

"Naiintindihan ka namin pero hindi kana ba namin mapipigilan?" Tanong ni kyle. At nag si sang-ayunan naman yung apat.

"Babalik ako pero hindi ko alam kung kailan bukas na ang alis ko kaya sana gusto ko kayong makasama bago ako umalis." Paliwanag ko sa kanila at nagtanguan naman sila.

..

Kaagad kaming nag gala kung san-san�Nag karaoke, kumain ng street foods, naglaro ng basketball, at ng umuwi kami sa bahay nag inuman kami.

Kwentuhan, asaran, kulitan, kantyawan, tawanan, yan kami ngayon.

Iniwan ko muna sila saglit ng mag iyakan silang lahat dahil mamimiss daw nila ako.

Pa'no na daw yung leader kapag nawala ako?

Pa'no na daw yung pag aaral ko?

Hindi kona iniisip ang pag aaral ko kase isa lang ang dahilan kung bakit ako nag aaral.

Para sa mga pangarap ko sa pamilya ko pero ano pa bang silbi ng pag aaral ko kung wala na yung dahilan kung bakit ako nagpupursigi ng dahil sa mga demonyo nayun gumuho ang lahat sa'kin ng dahil sa ginawa nila.

Ano bang kasalanan nila ng pamilya ko at ginawa nila yun mababait sila pero bakit ganun yung ginawa nila.

Mahirap umalis pero gagawin ko ito para sa mga taong gumawa at nasa likod ng lahat ng ito pangako I paghihiganti ko kayo dahil hindi ako matatahimik hanggat nabubuhay sila.

...

Nagising ako dahil sa alarm na naririnig ko kaagad akong tumingin sa gilid ko at tinignan ko yung oras shit alas tres na ng madaming araw alas kwarto kami makikita ni tanda.

Kaagad akong bumangon at napahinto ako dahil sa pagkirot ng ulo ko shit uminom nga pala kami kagabi.

Nagpalinga linga ako at nakita ko silang lima na tulog na tulog kaagad akong lumabas ng kwarto at dumiresto sa banyo at naligo.

Nang makuntento ako sa amoy ko nagbihis nako lumabas.

"Anak ng tilapia na nagbabad sa asin." Gulat kong sabi dahil nasa harapan ko silang lima.

Papanong gising sila?

"Aalis kana dimo man lang kami ginising." Sabi ni raymond.

"Dahil aalis kana hayaan mong ipadala namin sayo ang motor ko." Nagulat ako sa sinabi ni kyle.

...

Nakasakay ako sa motor na binigay ni kyle.

"Paalam d kengkoy's babalik ako pangako." Sabi ko sabay paandar ng motor ko.

Narinig kopa ang mga sigawan nila na nagpapaalam at nagbibilin.

Eto na ang simula ng bagong yugto ng aking buhay.��

Next chapter